TUMATAMA na ang sikat ng araw sa salaming pinto ng terrace nang magising si Alec. He groaned and tried to recall what happened last night as he pulled himself up. Ang tanging naaalala niya ay ang tanong na binitiwan niya kay Lucy na walang pagsisinungaling nitong sinagot. Niyakap niya ito at pinangako niyang handa niya itong samahan sa pagtahak sa tamang daan. Lucy didn't answer but she gave him the most genuine smile she'd ever flashed.
That's it. They went to bed because his head was really spinning. Kung sino ang unang nakatulog sa kanila ni Lucy ay hindi niya na alam. Nang lingunin niya ang kabilang bahagi ng king size bed, mahimbing pang natutulog si Lucy. Nakaharap ito sa veranda at yakap ang isang unan.
Hindi alam ni Alec kung ano ang pumasok sa kanyang isip at nagtungo siya sa kabilang bahagi ng kama upang tignan ang mukha ng natutulog na dalaga. Lumuhod siya sa harap nito at tahimik itong pinagmasdang matulog. Mayamaya ay hindi niya namalayang kumukurba na pala ang kanyang mga labi para sa isang matipid na ngiti. Napabuntong hininga na lamang siya nang mapagtantong napatagal na ang pagkakatitig niya rito. No one can blame him, thou. It felt like staring at a sleeping angel.
An innocent fallen angel...
He rubbed his palm on his face before he stood up. "This is gonna be harder than I thought..." He sighed and shook his head before he went to the bathroom to take a bath.
Nang matapos makaligo ay ginamit niya ang pinto ng banyong patungo ng walk in closet. Simpleng denim jeans at itim na tee shirt ang kanyang sinuot bago lumabas gamit na ang pinto na patungo ng bedroom. Lucy is still sleeping like a baby, ngunit nagbago na ang posisyon nito. Nakatihaya na ang katawan at ang isang kamay ay yakap pa rin ang unan. God, why did he suddenly want to transform into a pillow?
Gumalaw ang kanyang panga kasabay ng pag-iling niya. The Lucy syndrome in him is starting to get weird, kaya bago pa niya maisipang isuot sa sarili ang punda ng unan, tinahak niya na ang daan palabas ng silid. Maingat pa niyang binukas-sara ang pinto upang hindi ito magising. Sakto namang pagkalapat nito sa pintuan ay tumunog ang kanyang phone.
Alec pulled his phone out of his pocket and saw the first lady calling him. Tinignan pa muna niya ang paligid kung may makaririnig sa kanya saka siya lumayo sa master's bedroom upang sagutin ang tawag.
"Ma—"
"Alec, how was it? Is she... Is she falling for the trap? Iiwan na ba niya ang Papa Vince mo?"
Sandaling napikit ni Alec ang kanyang mga mata. "I think so but it's still early to say it's a success, Ma."
"Alec, gwapo ka at mabait. You have everything to win that woman's heart. Do everything, son. Saktan mo nang husto ang babaeng iyan. I want her to suffer the way I did. Wala siyang karapatang maging masaya dahil naninira siya ng relasyon."
Hindi alam ni Alec kung bakit parang gusto niyang mapikon sa sinabi ng unang ginang. Sadyang mahal niya lamang ito at malaki ang kanyang utang na loob kaya kahit alam niya sa sarili niyang labag sa kanyang loob, sinabi niya ang alam niyang gusto nitong marinig.
"Ako na ang bahala kay Lucy. I'm gonna make sure she'll fall for me and then I'll make her pay in the end."
Pinatay niya ang tawag at akmang bababa na ng hagdan. Lingid sa kaalaman ni Alec ay may isang nakadinig sa kanyang mga sinabi, at bago pa ito makita ni Alec ay nakapagtago na sa ilalim ng hagdan.
"GOOD MORNING PO..." magalang na bati ni Lucy sa mga kasambahay na nasa kusina. Nahihiya pa siya kung papaano sasabihing magtitimpla siya ng kape dahil mukhang abala ang mga ito.
"Magandang umaga, Ma'am Lucy. Ipaghahanda ka na namin ng almusal mo. Pinatabihan talaga kayo ni Sir Alec ng tocino tsaka itlog na pula. Mamaya na raw siya kakain kapag gising ka na. Ipatawag ko na ho ba si Sir?"
Hinawi ni Lucy ang kanyang buhok patungo sa likod ng kanyang tainga. "S—Sabi niya po? Baka... Baka busy po siya?"
"Kabilin-bilinan, Ma'am. Tawagin daw siya kapag gising ka na. Sigurado naman naroon lang 'yon sa bagong tayo na kulungan para sa mga biik."
Excitement suddenly ran through her veins. "Biik? May biik?"
"Oho, Ma'am kakadala lang ng supplier kanina. Naku ang cute lalo na iyong itim."
She bit her lower lip for a couple second then shyly held her other arm. "Pwede pong ako na lang ang magtawag? Gusto ko sana makita ang mga biik."
Nagbatuhan ng tingin ang dalawang katulong bago tumango ang mas matanda. "Kayo ho ang bahala. Ihahanda na lang din namin ang mesa para pagbalik ninyo ni Ser makakain na kayo."
She smiled. "Salamat ho tsaka... Kung may tira pa pong shanghai pakiinit naman po."
"Shanghai, Ma'am? Meron pa naman ho."
"Sige po, salamat po ha? Nasuka kasi ni Alec lahat ng shanghai na kinain niya kagabi."
Nagtawanan ang mga kasambahay. "Naku, si Ser Alec talaga. Sige, Ma'am Lucy kami na hong bahala."
She shyly excused herself to them then made her way out. Tinanong niya sa ilang tauhan kung saan ang kulungan ng mga biik at nang maituro sa kanya ay agad din siyang nagtungo roon.
She held both her hands on her back while her long hair is flowing as the wind blew. Natatakpan ng ulap ang araw kaya hindi masakit sa balat kahit pasado alas otso na ng umaga.
It felt good to be herself. To not act so prim and fierce like how Vince told her to become so the society will not crush her. She masked herself up with how Vince had taught her, making her think it's the only way for the world to not mistreat her. Pero ito, itong lugar na ito, malaya niya namang naipakita ang normal na Lucy, pero hindi naman siya dinudurog. In fact they are all very pleased with her innocence.
Natanaw niya si Kiko na sakay ng isang kabayong mukhang sinasanay para sa karera. Kumaway ito sa kanya kaya kumaway rin siya pabalik bago siya nagpatuloy sa pagtahak sa daan patungo sa kulungan.
Natanaw niya si Alec na buhat ang isang biik na higit na maliit kumpara sa lahat. Nang isenyas ng tauhan nitong parating siya, nabaling sa kanya ang mga mata ni Alec. Napawi ang kunot sa noo nito at tila natulala habang nakatingin sa kanya.
Hindi naman napigilan ni Lucy ang pagningning ng kanyang mga mata at pagkurba ng kanyang mga labi para sa matamis na ngiti nang makita ang biik, pero akala yata ni Alec ay ito ang nginingitian niya kaya nang yumuko siya at pinanggigilan ang biik, napawi ang pausbong pa lamang na ngiti sa mga labi nito.
"Ang cute! Ang cute, cute! Hala ang sarap mo i-kiss!" Oh my goodness, she cannot contain her joy! Gusto niya itong panggigilan dahil, come on. Who doesn't find piglets cute, right?
Bahagyang natawa ang tauhan ni Alec ngunit kaagad nitong sinamaan ng tingin. Mayamaya ay tumikhim ito na tila kinukuha ang kanyang atensyon.
"Bakit pumunta ka pa rito ang init-init? Sana pinatawag mo na lang ako. Wala ka pang bota paano kung nakaapak ka ng ahas sa daan?"
Tiningala niya ito at bahagyang sinimangutan. Sa isip-isip niya ay bipolar yata itong si Alec. Kanina lang parang ang saya nitong makitang paparating siya ngunit heto naman ito ngayon, daig pa siya kapag may dalaw.
"Hindi naman mainit tsaka nag-ingat naman ako kahit naka-tsinelas."
"Kahit na, Lucy. Isa pa tignan mo naka-shorts ka lang at malaking tee shirt."
Kumunot ang kanyang noo. "Sabi mo pwede ko naman isuot kahit anong gusto ko kasi wala namang babastos sa akin dito dahil sayo." She pouted and glared at him. "Ayaw mo lang yata ipakita ang mga biik sa akin. Ang damot mo naman, Alec."
Tumaas ang kilay nito. "Bakit ko naman ipagdadamot sayo 'tong mga 'to?"
Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko. Baka gusto mo sila solohin. I can't blame you, thou. Look at it? Isn't it perfect?"
Nayayamot siyang tinignan ni Alec, tila hindi makapaniwala na narinig ang mga salitang iyon sa kanya. "Lucy, this is just the small version of last night's letson."
"Yes, so you should not grill it just because it's not cute anymore," dahilan niya saka niya dahan-dahang inilagay ang kanyang hintuturo sa noo ng biik.
Napuno ng tuwa ang kanyang dibdib nang titigan lang siya ng biik saka ito nag-'oink' at tinagilid ang ulo na tila nakikiramdam sa kanya. Hindi niya tuloy napigilang impit na tumili dala ng pagka-aliw sa ginawa ng biik. "Alec, ang cute-cute niya! Did you see that? It did a simple trick!"
Bumungisngis ng tawa ang tauhan kaya bago pa masita ni Alec ay lumayo na sa kanila. Napahugot naman ng malalim na hininga si Alec saka ito marahas na pinakawalan. "Ah, your innocence sometimes drives me crazy."
She giggled softly and pouted to peck a kiss on the piglet's head, ngunit kaagad na nilayo ni Alec kaya napasimangot siya rito.
"What?" nakataas ang kilay nitong tanong.
"Gusto ko lang i-kiss."
"Lucy, it's not a puppy!"
"I don't care I want to pet it." Pwersahan niyang kinuha ang biik mula kay Alec saka ngiting-ngiting nagmartsa paalis habang halos hindi naman makapaniwalang napatitig sa kanya si Alec.
The piglet made a few sound that made her assume it liked her too. She giggled and hugged it, ngunit mayamaya ay umalingawngaw ang tinig ni Alec.
"Lucy, give it back sabing hindi 'yan tuta!"
Her eyes widened when she saw him storming towards her and her new found piggy. Napatakbo siya bigla habang buhat ang biik saka siya sumigaw. "Stay away from my baby!"
"That's not a goddamn baby that's a f*****g pig!"
"I don't care!"
Napatili siya nang maabutan siya nito saka nito inagaw ang biik at pinakuha sa tauhan. Nang magpoprotesta na naman siya ay bigla na lamang siyang binuhat at nilagay sa balikat nito na para bang sako siya ng bigas.
"Alec, give me my baby!"
He fixed her clothes, making sure no one can see her underwear. "You want a baby? Fine. Lemme give you a baby. Tang ina, baby lang naman pala."