Kabanata 13

1899 Words
INABOT na ng madaling araw ang kasiyahan. Halos dumukdok na sa mesa ang karamihan habang si Tatang Abner ay nagpaalam nang mauuna nang matulog. Everyone greeted him again and wished him more years to live. Nginitian naman sila ng matanda saka kunwari ay nagpakita ng muscle. "Huwag kayong mag-alala dahil malakas pa sa kalabaw ang dibdib ng Tatang. Oh, paano? Bahala na muna kayo rito. Caren, tigilan mo na ang kangangawa riyan." Nagtawanan ang lahat habang sumimangot naman si Caren. "Minus points kayo niyan sa langit." Mahinang natawa si Tatang Abner. Si Alec naman ay agad na ibinaba ang iniinom nito sa tabing monobloc saka tumayo. He fixed his shirt and went to Tatang Abner. "Halika na, Tang. Hatid na kita sa kwarto mo." Pinanood ni Lucy na alalayan ni Alec ang matandang lalake habang yakap niya ang kanyang sarili. May sinabi pa ito kay Alec na ikinangisi nito saka siya nilingon at mahinang umaling bago muling bumaling kay Tatang Abner. "Oho, akong bahala. Huwag niyo lang akong i-pressure." Napakunot tuloy ng noo si Lucy. Ano naman kaya ang sinabi ni Tatang Abner at ganoon ang naging sagot ni Alec? "Lucy, ayusin natin 'tong pwesto para hindi tayo kalat-kalat," ani Caren. Bumaling siya sa kaibigan at tumango. Gaya ng iba, binuhat din niya ang kanyang upuan dahil ang long table na ang gagamitin nila para sa inuman. Kinuha rin niya ang baso ni Alec at inilagay sa mesa bago sila nagsipag-upo. Nilagay na rin nina Kiko ang natitirang mga mamahaling alak sa mismong mesa ng inuman bago pumwesto. "Ma'am Lucy magsabi ka lang kung hindi mo na kaya, ah?" ani ng isa sa mga tauhan sa rancho. "Oo nga, Ma'am tsaka may pagkain pa baka ho nagugutom pa kayo pwede ko kayong ikuha," alok naman ng isa pa at ang pinakabata. She smiled and shook her head. "Okay lang ako. Kukuha na lang ako ng beer ko." "Ako na ho," presinta ng mas bata saka ito nagtungo sa cooler upang ikuha siya ng malamig na beer. Sa totoo lang hindi pa rin sanay si Lucy na mabait ang lahat sa kanya. Upon growing up, she knew nothing but pain and being taken advantage. Kaya parang ang hirap-hirap tanggaping totoo ang lahat ng ipinakikita ng mga ito sa kanya kahit na ramdam niya iyon sa kanyang puso. Nagpasalamat na lamang siya sa tauhan saka niya nilibot ang tingin sa ibang kasama hanggang sa matuon ang atensyon niya kay Kiko na nasa kabilang bahagi. She noticed Kiko's shift in mood when Dr. Leigh, the veterinarian, sat next to Caren who's on her right. Tinungga ni Kiko ang beer habang seryosong nakatitig sa doktor. Lihim tuloy na napangiti si Lucy bago niya ininom ang kanyang alak. Mukhang nakukuha niya na ang nangyayari. Tinuloy nila ang kanilang kwentuhan hanggang sa mapunta na sa isang bahagi ng buhay ni Caren na hindi nila inasahang mababanggit. "Nakakainis kasi, friend. Alam mo 'yon? Imbes ipang-Vicky Belo ko o ipang-shopping ko, ibibigay ko pa sa kanila." She sniffed back her tears. "Inabot ko na ang palad ko pero hanggang braso parang kailangan ko pa ring ialay para lang mahalin nila ako." Kiko sighed, his eyes focused on his cup of whisky but his jaw was clenching hard. "Hindi mo naman kailangan ng Belo-Belo na 'yan. M—Maganda ka na kaya." Umalingawngaw ang kantyawan kaya ang naluluhang si Caren biglang natawa. "Hoy, Kiko utang na loob huwag kang sumegway." "No, he's telling the truth, Caren. You really are beautiful," segunda naman ni Leigh na nagpakuyom sa kamao ni Kiko. Tinignan ng mapungay nang mga mata ni Caren ang lalake. "Isa ka pa. Sus, sanay na ako sa mga tulad ninyo. Tignan mo iyang si Alec my loves palalabs ko nang bongga iyan pero sige na ipinauubaya ko na kay friend. Tanggap ko namang lamang 'yan sa akin ng bente singkong paligo." She took a sip on her beer. "Dati trenta pero umusad na. Saka na ako magpapapaniwala sa inyong dalawa kapag dalawa na lang na ligo ang hahabulin ko rito kay Lucy. Tsaka kapag wala na akong angkang kailangan kong bigyan ng ayuda kada buwan." Nagsimula na naman itong maging emosyonal kaya hinagod ni Lucy ang likod pero lalo lamang naiyak marahil ay dala na rin ng kalasingan. Sakto namang bumalik na si Alec. May dala pa itong tila balabal at nang maupo sa kanyang tabi, kaagad na inilagay sa kanya. Mukhang nakita nitong nilalamig na siya kanina kaya nanguha ng panangga niya sa lamig. Napatingin tuloy siya rito ngunit mahina lamang na nag-hum ng kantang inawit sa videoke kanina bago nito nginuso si Caren. "Alam mo 'yon? Dati ultimo pamasahe hindi nila ako mapahiram pero noong nagkapera na ako, kilala na nila ako. Hindi naman ako maramot, friend. Binigay ko naman ang kaya kong ibigay kaya lang parang lagi na lang kulang. Lagi na lang may nasasabi kahit anong buti ko." Tuluyan itong umiyak kaya hindi tuloy alam ni Lucy ang gagawin. Mayamaya ay bumuntong hininga si Alec. "Sometimes the best help you can give to people is letting them take full responsibility of everything in their lives. Teach them how to fish so even if you'll have nothing to give anymore, they're gonna survive." Dinampot nito ang baso ng alak saka sandaling uminom bago nito inakbayan si Lucy. "They will never learn unless you let them." Napatitig si Lucy kay Alec. His words, she didn't realize those words came from someone who often acts like a jerk in front of her. Nang makita ni Alec ang pagkakatitig niya ay inayos nito ang balabal saka ito nagtanong. "Still cold?" She gulped and shook her head. All her life, she thought care is only for the privileged. Tanging si Vince ang nagpakita sa kanya ng ganoong bagay ngunit heto si Alec pati na ang mga kasama nila na kanina pa siya kinukumusta kung kaya niya pa ba, they all showed her that one thing that made her fall for Vince. They made her realize that the very thing she thought Vince can only offer is actually generic. Kailangan lamang niyang makasama ang mga tamang tao... Suminghot si Caren. "Matutuwa na sana ako, Alec kung hindi lang English." Alec chuckled. Ginulo nito ang buhok ni Caren saka ito nakipag-cheers. "Tumahan ka na. Nakakasira sa skin care routine mo ang pag-iyak, right, Lucy?" He gently squeezed her shoulder as if telling her to support his lie. Tumango na lamang si Lucy. "Oo nga. Kanta ka na lang. Kaya mo ang mga problema mo, Caren. You are even stronger than me kasi... Kasi nahaharap mo lahat kahit hindi mo iasa sa iba ang lakas na kailangan mo to survive. You are so brave I wish I could be like you." Mapakla siyang ngumiti at pinigil ang kanyang emosyon kahit nagsisimula nang gumaralgal ang kanyang tinig. "I want to be brave like you..." Nadama niya ang pagkapa ni Alec sa kanyang kamay. Nang tignan niya ito, napansin niyang lumambot na ang ekspresyon nito na tila nag-aalala. He took in a deep breath and rubbed her arm. "Ayos ka pa? Kung hindi mo na kaya papasok na tayo." She breathed in deeply then forced a smile. "Okay lang ako. I'm... I'm enjoying this. Ngayon ko lang ito naranasan." Lalong gumuhit ang awa sa mga mata ni Alec. Napabuntong hininga ito saka siya dinampian ng halik sa ulo, isang bagay na hindi niya inasahan at naging sanhi ng pagwawala ng kanyang dibdib. "We'll do this more, Lucy," he uttered before clearing his throat. "Oh, Caren kanta ka na ulit. Bon Jovi naman." Sinimangutan ito ni Caren. "Ikaw kamo, Alec hindi ko alam kung kaibigan ba talaga kita puro na lang kagaguhan mga suggestions mo sa buhay ko." Padabog nitong kinuha ang song book. "Anong kanta ba?" Natawang muli sina Lucy. Napailing na lang din siya saka siya sumimsim sa kanyang beer. Ni hindi niya na rin napagtuonan ng pansin ang kamay niyang hawak ni Alec. Marahan nitong hinahaplos ang likod ng kanyang palad gamit ang hinlalaki habang nakapatong ang kanilang mga kamay sa hita nito. It's as if she feels so comfortable with him already that she felt okay with him being this intimate to her. Inaalis na lang din nito ang brasong nakaakbay sa kanya kapag iinom ito ng alak. Kung epekto ito ng alkohol ay hindi niya na masabi pa. Their after-party continued until Alec started resting his head on the table. Napansin na nina Kiko na tinamaan na ito ng alak kaya sinabihan siyang iakyat na nila ito. Mabuti na lang at hindi sila pinahirapan ng binata kaya lang ay nang mahatid sila sa silid, iniwan na ito sa kanyang pangangalaga. Oo nga pala at girlfriend ang pakilala nito sa kanya kaya natural na siya ang aasahan ng mga itong mag-aalaga kay Alec. Gumigewang itong tumayo ng kama upang pumunta ng banyo kaya pagkasara ni Lucy ng pinto, kaagad niya itong nilapitan at inalalayan. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang bigat ng braso nito. Nang maidala niya sa banyo, dumukdok ito kaagad sa bowl at sinuka ang shanghai na pinag-initan kanina. Hinagod na lamang ni Lucy ang likod nito. "Halo-halo kasi ang ininom mo, eh. Sabi nina Kiko mahina ka rin sa vodka pero nag-vodka ka pa." He pulled himself up and cleaned himself on the sink. Kinuhanan naman ito ni Lucy ng mouth wash saka iniabot dito. Nang makapagmumog ay muli niya itong inakay pabalik ng kama. She removed his shoes and helped him get under the sheets before she took some wet face towel. Mabuti na lang talaga at beer lang ang ininom niya kung hindi kawawa silang pareho. Naupo siya sa tabi ni Alec saka niya sinimulang punasan ang mukha nito ngunit mayamaya ay pilit nitong minulat ang mga mata at ipinatong ang isang braso sa kanyang kandungan. "Why?" he asked all of a sudden. "Anong why?" His eyes turned soft. "Why did you choose to be a mistress when you clearly have everything a man like me would fall for?" Napaiwas ng tingin si Lucy. Sandali siyang hindi kumibo at pinuno ng hangin ang kanyang dibdib bago siya basag na ngumiti kay Alec. "When... When you don't know what kindness and care means, chances are, you'll cling on the first person who will shower you with that." Her eyes felt hot with her realizations. Lumawak ang kanyang basag na ngiti at napahugot siya ng hininga. "I ignored everything else. I chose to be caged to my own sins because for... For the first time in my life I... I felt that I... I mattered." Tuluyang pumatak ang kanyang mga luha habang hinatak naman siya ni Alec at kinulong sa mga bisig nito. Para siyang bata na binigyan ng layang ilabas lahat ng bigat na nasa kanyang dibdib at sa totoo lang, wala siyang ibang madama mula kay Alec kung hindi ang kagustuhang marinig ang mga sinabi niya. "It's okay..." he whispered then rubbed her back. "One day you're going to realize that true love was never meant to cage us, Lucy." Inangat niya ang tingin dito. Marahan namang pinunasan ni Alec ang basa sa kanyang pisngi saka ito bumuntong hininga. "Free yourself, Lucy. You have a life ahead of you. A life worth more living." "Alec..." "You don't have to be scared." He pushed a few strands of her hair towards the back of her ear. "Isang sabi mo lang, pwede kitang samahan... Handa kitang samahan..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD