Kabanata 12

1603 Words
"ALEC, relax ka lang," ani Caren nang marinig nila ang sinabi ni Alec sa veterinarian. "Oo nga, pare. It's not like I'm gonna hit on your girl or something," sagot naman ng lalake saka ngumisi. Alec's jaw moved before he sipped on his beer. "Relax my ass," he murmured before glancing at Lucy. Napabuntong hininga tuloy si Lucy. "Should I change to something longer nang hindi ka nagkakaganyan?" "Nah." He leaned his body closer to her and held on the edge of her seat. "You can wear whatever you want. Walang makakabastos sayo rito hangga't nandito ako." She sighed and took a sip on her beer. "Ikaw lang, gano'n ba?" she asked with a hint of bitterness. Napatitig sa kanya si Alec nang muli siyang sumimsim sa kanyang beer. Nang balingan niya ito ay bahagya nang nakatikwas ang mga labi na animo'y nagpapaawa. Ano na namang trip nito? Nanahimik na lamang siya at pinanood ang kaibigang si Caren na makipagkantahan. Nang tumayo si Alec at umalis ay halos mapabuga siya ng hangin. Damn it. Bakit ba nangangatog palagi ang mga tuhod niya kapag ganoon ito kalapit? Hindi na talaga maganda itong nangyayari sa kanya. Siguradong kung hindi niya masasaway ang sarili kapag nasa tabi niya ito ay lubos niyang pagsisisihan. When Alec went back to the seat next to her, he was already holding a plastic cup. Namumula na ang pisngi nito at ang mga mata ay mas mapungay na kumpara kanina. Hindi niya na lamang ito pinansin at ininom niya ang kanyang beer habang sinisimsim naman nito ang laman ng cup na hawak. "f**k that's strong." He licked his lower lip and put the cup down before looking at her again. "Lucy," he called like a tamed beast. She glared at him but his eyes turned apologetic. Mayamaya ay muling pumatong ang braso nito sa kanyang kandungan. "Sorry na..." Lucy doesn't know why but his words brought a different kind of warmth in her heart. Napababa siya ng tingin sa braso nitong tumatakip sa song book saka siya nagpakawala ng marahas na buntong hininga. "Sorry for what?" "For being an asshole. There. I said it." Sinamaan niya ito ng tingin. "Bakit parang ikaw pa ang galit?" "Because you kept ignoring me for three days, Lucy." "It's your fault." Inirapan niya ito. "Kaya nga sorry na." Kinuha nito ang song book saka nagde-kwatrong panlalake. Pumatong pa sa kanyang hita ang kalahati ng hita nito na animo'y tahasang pinakikita ang pagiging territorial. Napasimsim tuloy siyang muli sa kanyang alak habang kinakapa ang inis na tanging depensa niya mula kay Alec. She badly needs to guard herself or else her whole system will surely go auto-pilot again and give in to his temptations. This devil next to her knows what he's doing and she doesn't think he's going to stop anyway. "Stop being territorial." Umismid ito. "Masanay ka. I've only showed the tip of the iceberg. Wait 'til you see the whole thing." Tumaas ang kanyang kilay sa narinig. "At proud ka pa?" Alec looked at her like a lion holding his pride. "No, Ma'am. Just being completely and unapologetically honest." Hindi niya na lamang ito pinansin matapos irapan dahil baka magtalo lamang sila, ngunit mayamaya ay marahan nitong sinundot ang kanyang tagiliran dahilan para mapaikyad siya. Nang hindi pa rin siya namansin, inulit na naman nito ang pagsundot sa tagiliran niya kaya hindi na siya nakapagpigil. "Alec!" He pouted and pinched her elbow. "Sorry na, Lucy," he said in a gentle, sincere tone she didn't expect. Napakurap siya. Seriously, Alec has this side? Parang bigla yatang nasapul ang kahinaan niya. Napawi ang kanyang inis at sa huli, napabuga na lang siya ng hangin. "Oo na." "Am I forgiven now?" She sighed heavily. "Oo nga." "Finally." He smirked and looked at her halfway empty beer. "Hindi ka pa kumakain." "Beer has calories." She took a sip. "It's fine." "No, it's not." Kinuha nito ang bote mula sa kanya saka nito nilapag ang kanilang beer sa katabing upuan kasama ang song book. Mayamaya ay tumayo ito at hinatak siya. "Come on. Let's get something to eat." Of course, Alec being the bossy jerk again, he didn't let her say no. Kung alam niya lang na magre-reset ang ugali nito oras na maging ayos na sila sana pala ay hindi na lamang siya pumayag dahil heto na naman ito at balik sa pagiging dominante. Dinala siya nito sa buffet table at binigyan ng plato habang ang magaling, nasa likod lamang niya at ang palad ay namirmi sa kanyang mga balikat. Tiningala niya tuloy ito habang nakasimangot siya. "Mabigat ho ang mga kamay mo." Tumikwas ang sulok ng mga labi nito ngunit hindi nagreklamo kaya lang ay nilipat naman nito ang mga kamay sa kanyang baywang bago nginuso ang mga pagkain. Napailing na lamang si Lucy. There goes the jerk version of Alec again. Tinuon niya ang kanyang atensyon sa mga pagkain. Nakalatag sa mesang may palamuting asul na mga lobo ang ilang Filipino dish. May cake din, spaghetti, shanghai, biko, at letson na siguradong sagot ni Caren. Sa isa pang mesa naman ay ang mga imported na alak na tingin niya ay nabuksan na. Between the long table and the liquor table are two ice boxes for the beers and tube ice. Alec gently squeezed her waist and pointed something. "I want that." Napatingin tuloy siya rito habang magkasalubong ang kanyang mga kilay matapos makita kung ano ang pagkaing tinutukoy nito. "Akala ko ako ang kakain bakit gusto mo ang tinuturo mo?" Matipid itong ngumisi saka mahinang piniga ang kanyang baywang. Nasasanay na ito masyado, ha! Pero bakit kasi hindi niya makapa ang kagustuhang magreklamo? Heto na naman sila ng kanyang sistema. Hindi na naman tumutugma sa kanyang isip! "We'll share. Sa liit mong 'yan hindi mo naman mauubos." Dumampot ito ng ilang pirasong shanghai at nilagay sa platong hawak niya, ang tuwa ay gumuhit sa mga mata. "There," he said with a satisfied grin. Sinimangutan niya ito saka niya kinuha ang pangsandok sa spaghetti. "Alec, I'm five two. Tsaka kumuha ka na lang nga ng plato mo?" "Ayoko. Conserve resources, Lucy. Besides, five two is still small. Abot mo ba ang lagayan ng gamit sa eroplano?" Aba at may nalalaman pa itong conserve resources ngayon tapos ay sisimple pa ng pang-aalaska? Iba talaga ang maharot. Lahat ng pwedeng irason ay irarason. Pati eroplano ay idadamay pa nito. Napairap tuloy siyang muli rito habang nilalagyan niya ng spaghetti ang plato. Panay naman ang dagdag nito ng shanghai kaya nang maglalagay na naman ito ay sinipat niya na ito sa kamay. "Kunin mo na kaya lahat?" He chuckled softly then anchored his arm around her shoulder. Teka nga, hindi pa naman siguro ito lasing, hindi ba? Kaunti pa lang naman siguro ang naiinom nito hindi ba pero bakit parang umaarangkada ang kakulitan nito ngayon? Is it because she already accepted his apology or it's because of what he's drinking earlier before they went to get some food? "May isang bandehado pa ng shanghai sa kusina. Hindi naman sila mauubusan," pagdadahilan nito bago dumampot ng isa at kinagatan. He even shut his eyes and groaned a satisfied groan before opening his eyes again. "Whoever invented this is genius and f*****g deserves a noble prize." Muli itong kumagat sa shanghai. "I could live my whole life just eating this." Lucy doesn't know why but she finds this side of Alec adorable. Para itong batang tuwang-tuwa sa kinakain. Tila natabunan ang kanina lamang ay kinaiinit ng ulo niyang bersyon nito. "Sir Alec, Whisky ba ulit ang iyo?" dinig nilang ani ni Kiko na nasa mesa ng mga alak kasama ang ilang tauhan. Napatingin si Lucy kay Alec. Kaya naman pala makulit na ito. Nakainom na pala ng mas matapang kanina. Bakit hindi niya iyon napansin? Kung sabagay, bahagya nang namumungay ang mga mata nito at ang pisngi ay medyo mamula-mula na magmula nang bumalik sa kanyang tabi kanina dala ang pulang baso. "Give me some scotch, Kiko." Bumaling ito sa kanya. "Would you like some? We got tequila for the ladies." Umiling siya. "Ayos na ako sa beer. Teka nga, sita ka ng sita sa akin na hindi pa ako kumakain tapos uminom ka ng mas matapang na walang laman ang tiyan mo?" Ngumisi ito at tinaasan siya ng kilay habang makahulugan ang tinging ipinupukol sa kanya. "Should I be flattered that you're starting to care about me now, hmm?" Naningkit ang kanyang mga mata. "Ewan ko sayo, Alec." Salamat talaga sa beer at medyo may lakas na siya ng loob na sumagot-sagot dito. He smirked and pinched her elbow but it just send waves of sultry electricity in her system. Nagsisimula na naman siyang traydorin ng kanyang sistema at hindi ito maganda. "Kidding, babe. I stole shanghai in the kitchen earlier." Napabuntong hininga na lamang si Lucy habang umiiling, pilit na tinatago ang naging epekto sa kanya ng muli nitong paggamit ng endearment. "Hindi na ako magugulat kung isang araw magmumukha ka nang shanghai." "Oh, I probably would?" He grinned and leaned to whisper on her ear, his hot minty breath with a hint of alcohol kissed her skin and it just made everything so much harder to handle. "Shanghaid in my sheets, with you? Definitely soon?" Sinipat niya ito sa dibdib kahit pa nangatog ang mga tuhod niya at nagwala ang kanyang dibdib dahil sa sinabi nito. "Alec!" He let out a delicious chuckle and took the plate from her hand. "I'm just messing with you." His eyes stared at her lips while he's pursing his. Mayamaya ay humugot ito ng hininga saka makahulugang ngumisi. "Or maybe I'm not..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD