Kabanata 11

1707 Words
NAKAPANLALAMBOT. Iyon ang unang salitang pumasok sa isip ni Lucy nang simulang angkinin ni Alec ang kanyang mga labi. Hot, sultry, and felt like it's going to be the last time he will ever have a taste of her lips. Para tuloy siyang iniaangat sa ere at idinadala sa ulap. Or perhaps she's like a flower getting sucked by the bees, slowly losing herself as he branded her lips with his. It was wrong to feel such fiery electricity because of his kisses, but seems like her brain suddenly had short circuits that she didn't know how she's going to react. Tila inuubos nito ang katinuan niya, tinutupok ang bakod na akala niya ay sapat na upang protektahan niya ang kanyang sarili, at inaangkin ang teritoryong alam nitong pag-aari ng iba. Mali. Maling-mali, ngunit habang nadarama niya ang mainit nitong halik, isang pag-amin ang dumapo sa isip ni Lucy. Alec is a way better kisser than Vince De Vera. Way better in all aspect. From the way his lips moved to the feeling he can send to her whole system, it just felt... Different. Muntik nang bumigay ang kanyang mga tuhod habang nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa tindi ng epekto ng halik nito sa kanya kung hindi lamang sila kinatok ng katulong at sinabing dumating ang veterinarian na pinatawag ni Alec bago pa sila lumapag sa Cagayan. Humiwalay ang mga labi nito sa kanya saka ito tila napipikong nagmura kasabay ng pagpapakawala ng marahas na buntong hininga. Nilingon nito ang pinto nang hindi umaalis sa kanyang harap saka ito pikong nagsalita. "I'll be there in a second." He sighed. "I should've f*****g put a freaking sign at the door." Tuluyang nagbalik sa sarili si Lucy kaya nang humarap muli sa kanya si Alec, nasampal niya ito nang malakas. Bumakat ang kanyang palad sa pisngi nito. Halatang kinagulat din ni Alec ang ginawa niya ngunit bago pa ito makapagsalita, tinulak niya na ito saka siya pumasok sa banyo at nagkulong. Nadinig niya itong bumuntong hininga bago kumatok sa pinto ng banyo. "Lucy..." Hindi niya ito kinibo. Lumapit siya sa sink at hinilamusan ang uminit niyang mukha saka siya naupo sa bowl. She badly needed to sit down or else she will probably fall. Nangangatog ang kanyang mga tuhod at nagwawala ang kanyang dibdib dala ng epekto ng ginawa ni Alec. No, she didn't feel molested like she was expecting to feel. In fact she doesn't even understand what's going on with her. Bakit parang uminit pa ang kanyang pakiramdam? Bakit parang may bahagi ng kanyang sistemang ninais din ang pinagsaluhan nilang halik? Nahilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha saka niya isinara ang kanyang mga mata. This is so wrong. Hindi niya dapat maramdaman ang ganitong bagay para may Alec dahil sigurado siyang sinusubukan lamang siya ng binata. He's probably just fooling her. Hindi siya pwedeng magpadaig dito kung hindi ay siguradong siya ang magiging talunan. Muli itong kumatok. "Lucy, I'm sorry, alright?" Hindi niya ito pinansin sa takot na kapag nadinig nito ang kanyang tinig o makita nito ang kanyang reaksyon sa nangyari, mabuko nito kung gaano kalakas ang epekto nito sa kanya. Mayamaya ay muli itong nagsalita. "You know what? Maybe I ain't really sorry. Yeah, I ain't sorry and I f*****g liked how your lips tasted. There. I said it." Nailapat ni Lucy ang kanyang mga labi sa isa't isa dahil aminin man niya o hindi, hindi niya rin makapa ang tunay na pagsisisi sa kanyang puso. Sinisigaw ng kanyang isip na mali ang nangyari ngunit tinatanggi ito ng damdamin at buong sistema niya. What the hell is wrong with her? What's with Alec that she suddenly forgets everything else because of him? Napabuga siya ng hangin. Hindi niya alam at hindi niya yata handang malaman. Ngayon pa nga lang ay gulong-gulo na siya kaya paano pa kung tuluyan niyang mapagtanto ang tunay na rason kung bakit ganoon ang epekto sa kanya ni Alec? Naging tahimik ang labas ng banyo hanggang sa marinig na lamang niyang bumukas-sara ang pinto. Napabuga na lamang siya ng hangin at sinuklay ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok. She needs to avoid that from happening again, dahil baka sa susunod ay kusa nang gumanti ang kanyang katawan sa halik nito at iyon ang bagay na sigurado siyang labis niyang pagsisisihan. TATLONG araw na hindi talaga kinibo ni Lucy si Alec kahit ano pang tawag nito sa kanya. Madalas ay nagkukulong siya sa silid at hindi sumasabay sa pagkain kahit pa ilang beses nang nanghingi ng tawad ang binata sa kanya. It's the only way she's seeing to prevent herself from making another mistake, and she's thankful Alec didn't use his bossy attitude to get what he wants again. He gave her space but when Saturday evening came, hindi na siya nakatanggi pa nang marinig na si Tatang Abner na ang kumakatok sa pinto ng silid. Kaagad na bumaba ng kama si Lucy upang pagbuksan ito, nag-aalala sa matanda. "Tang, Diyos ko bakit ho umakyat pa kayo rito?" nag-aalala niyang tanong sa matanda na halatang napagod sa pagpanhik sa hagdan. "Lucy, halika. Kaarawan ko ngayon may salo-salo tayo. Ayaw ka ipaistorbo ni Alec at masama raw ang loob mo kaya lang sana ay mapagbigyan mo ako. Ayaw kong may malungkot sa kaarawan ko. Isa pa ay ilang araw ka nang hindi sumasabay ng kain. Nag-aalala ako sa iyo." Parang piniga ang puso ni Lucy. Hindi niya akalaing kahit sandaling panahon pa lamang siyang nakikilala ng matanda ay ganoon na ang pagpapahalaga nito sa kanya. Nakalimutan tuloy niya sandali ang kanyang planong pag-iwas kay Alec. Inalalayan niya itong bumaba ng hagdan ngunit nang makita sila ni Alec, kaagad itong umakyat at inalalayan si Tatang Abner sa kabilang kamay nito. "Tang, bakit naman umakyat pa kayo sa taas? Kaya pala hanap ako nang hanap sa baba hindi ko kayo makita," halatang nag-aalalang ani ni Alec bago sumimple ng sulyap sa kanya. Mabilis namang iniwas ni Lucy ang tingin dahilan para mapabuntong hininga ito. "Eh ayaw mong tawagin kawawa naman nagkukulong sa itaas. Alec, ang babaeng nagtatampo, sinusuyo hindi tinitiis. Tignan mo iyong misis ko kahit saksakan ng sungit iyon isang halik ko lang sa pisngi no'n mahal na naman ako." Tinapik-tapik nito ang braso ni Alec. "Hindi hinahayaang matabunan ng sama ng loob ang pag-ibig, hijo." Parang masasamid yata si Lucy kahit wala naman siyang iniinom. Bakit naman kasi nagkaroon pa ng pakulo si Alec tungkol sa pagkakaroon nila ng relasyon? Pati tuloy si Tatang Abner ay namomroblema dahil sa kasinungalingan nito. Nagpigil ng ngisi si Alec. "Oho. Huwag kayong mag-alala magkakaayos din kami. Basta huwag na kayong aakyat ulit sa itaas kung hindi iinom ka na naman ng gamot sa rayuma." Sumagot pa si Tatang Abner ngunit nang marating nila ang dulo ng hagdan, sakto namang pumasok si Caren na may bitbit na platito ng cake. Ngumunguya pa ito nang makita siya ngunit bibong-bibong lumapit at umangkla sa kanyang braso. "Friend! Tignan mo oh, effective sa akin 'yong tinuro mo. Fresh na fresh ako." Napangiti si Lucy. "Sabi ko sayo, eh. Inom ka lang ng gatas palagi and stay hydrated." "Lucy..." tawag ni Alec ngunit imbes pansinin ito ay niyaya niya na si Caren na lumabas. Buti na lamang at dumating ito kung hindi ay baka hindi na naman siya nakatakas kay Alec. Pagdating nila sa labas, saktong kinakabit na ang videoke na request ni Tatang Abner dahil noong buhay pa raw ang asawa nito, madalas na haranahin ng matanda. Naupo sila ni Caren sa monoblocs habang si Kiko ay inabot naman sa kanila ang dalawang beer at ang song book. "Lucy, kanta tayo ah? Para matuwa si Tatang. Sigurado iiyak na naman 'yon mamaya eh kapag naalala ang asawa niya," ani Kiko. Matipid na ngumiti si Lucy. "Susubukan ko." Nang iwan sila ni Kiko ay napatitig si Lucy sa tarpaulin na nasa tapat ng mga handa. Napangiti pa siya nang makitang hindi lamang si Tatang Abner ang nasa larawan kung hindi pati na ang yumaong asawa. She really finds his love for his wife beautiful. Iyong tipong dekada na ang binilang nito at kahit na hindi na magkapiling, inaalala pa rin nito ang asawa. Nananatiling buhay ang kanilang pag-ibig. She wonders if she will ever find such love? Hindi naman siya ilusyunada. Whatever is going on with her and Vince is just temporary. Darating ang araw na ibabalik niya ito sa orihinal na asawa at alam niyang kailangan na niyang ihanda ang sarili para sa araw na iyon. "Nandito pa pala si Doc? Mukhang annual check up ng mga alaga ni Alec, ah?" ani Caren na ang tinutukoy ay ang veterinarian na kalalabas lamang ng guest house ilang metro ang layo mula sa bahay ni Alec. Bata pa ang veterinarian. Tantya ni Lucy ay halos kaedaran lang ni Alec at halatang matinik sa babae kilos at awra pa lamang. May itsura naman ito at matangkad ngunit wala itong dating kay Lucy. Itinuon niya na lamang ang atensyon niya sa song book habang nauna namang nagtungo si Caren sa videoke machine upang maglagay ng kanta. Her song started playing and Lucy decided to watch her new friend when she felt the doctor looking at her. Nang magtama ang kanilang tingin ay kaagad itong ngumiti at inangat ang hawak na bote ng beer. Hindi naman balak bigyang pansin ni Lucy ang lalake ngunit mayamaya ay nadama na lamang niyang may naupo sa pwesto ni Caren. Nagtindigan kaagad ang kanyang mga balahibo sa batok nang maglaro sa kanyang ilong ang pamilyar na pabango. Her eyes slightly widened. Aalis na sana siya sa kanyang pwesto nang biglang ipatong ni Alec ang braso nito sa ibabaw song book na nasa kanyang kandungan saka nito hinatak ang laylayan ng kanyang shorts upang iayos. Napatingin siya rito, magrereklamo sana sa ginawa nito, ngunit nang makita niya ang nakaigting na panga ni Alec, bigla siyang kinabahan. Sinundan niya ang tinitignan ng seryoso nitong mga mata at nang makita niyang ang doktor iyon, halos malunok niya ang kanyang laway. Tinungga ni Alec ang beer saka pinunasan ang basa sa labi nito gamit ang likod ng palad bago nagsalita kasabay ng pagtigil ng musika. "Pakitaas ang tingin, pare." His eyes narrowed at the doctor. "Akin 'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD