Kabanata 7

1620 Words
TATLONG oras ang naging byahe nina Lucy at Alec patungo sa isang aviation port sa Subic. Puputok pa lamang ang araw nang sabihin ng binata na mula roon ay gagamitin nila ang private helicopter nito. Sa totoo lang ay takot siyang sumakay sa mga ganoong uri ng sasakyan, at nang mapansin ni Alec ang kanyang pagkabalisa, bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito. "What now? You're afraid of heights?" he asked while securing their luggages. Higit na maliit ang maleta nito kumpara sa kanya at naghuhumiyaw ang pink na kulay ng kanya kumpara sa kulay abo nitong trolley. Lucy held her other arm and looked away while tapping her right foot on the cement ground. "I'm... I'm not comfortable with this... Thing. Baka... Bumagsak." Alec let out a soft chuckle. "As if cars won't crash? Kung oras mo, oras mo. You tried killing yourself how many times, Lucy but look at you? Still alive and kicking." Sinimangutan niya ito. She was suicidal, alright? But because of her therapies, she learned to value her life. Napagtanto niya ang mga bagay na gusto niya pang maabot gaya ng pagpunta ng ibang bansa para makita ang historical art pieces, makita ang mga elepante, at makapanood ng circus. Maybe her dreams are silly but she wanted to do it before she even dies. Lumapit sa kanya si Alec at gaya ng ginawa nito kanina noong ayaw niyang pumasok sa shotgun seat, hinawakan na naman nito ang kanyang ulo saka siya iginiyang maglakad patungo sa helicopter. He even guided her and held her waist so she can get in properly and the effect on her of his move isn't really something she can be proud of. Para siyang kinuryente at uminit ang kanyang pakiramdam kaya nang makaupo siya ay agad niyang iniwas ang kanyang mukha sa binata. May kinausap pa si Alec na mukhang trabahador sa paliparan. Nag-abot ito ng pera sa lalake saka nito piniga sa balikat at tuluyang nagpaalam na sasakay na. Alec then hopped in and helped her put on the straps and her flight helmet, making sure everything is properly worn. Hindi niya napigilan ang sariling pagmasdan ang facial features nito. Mula sa masungit na mga kilay, sa mahabang pilik-mata, sa natural na misteryosong mga mata hanggang sa matangos na ilong at manipis na mga labi. He has a tiny mole on the bridge of his nose and and the right side of his chin, too tiny it looked like black freckles already. Nang tila napansin nito ang kanyang pagmamasid ay inangat nito ang tingin sa kanyang mga mata saka ito ngumisi at nagpakawala ng buntong hininga. Damn, his breath smelled like peppermint and its warmth felt good against her face. "Don't stare too long, buttercup. You might fall easily for Jojo." He grinned and pinched the tip of her nose. Hindi siya nakakibo dahil sa ginawa nito. Para siyang siraulong natulala, nakaawang ang mga labi at halos bumaliktad ang sikmura. Bakit ba ganoon ang epekto nito sa kanya? Naupo ito nang maayos at isinuot ang headset. He then started pushing buttons she doesn't understand what for. Nang tuluyang umangat ang helicopter sa ere, nagsimulang magwala ang kanyang dibdib. Her anxiety kicked in, her eyes shut as she panted, her hands fisted in terror. Mayamaya ay naramdaman na lamang niyang kinuha ng binata ang kanyang kamay. Naimulat niya ang takot na takot niyang mga mata upang tignan ito, ngunit nang makita niya ang tila kakaibang bersyon ng binata, nailapat niya ang kanyang mga labi sa isa't-isa. He sighed and made her hold his arm. "Squeeze it when you're getting too scared." Nalunok ni Lucy ang namuong bara sa kanyang lalamunan saka niya binawi ang kanyang kamay at iniwas ang kanyang tingin. Umismid naman ang binata, ngunit nang bahagyang tumagilid ang sasakyan, napatili si Lucy, sumarang muli ang mga mata at napakapit sa matipuno nitong braso. Alec chuckled and then patted her head. "Good girl..." Mangani-ngani niya itong singhalan at suntukin kung hindi lang siya nasa ganoong kalagayan na kulang na lang ay maihi siya sa sobrang takot. Tuluyang pumataas ang helicopter. When they became steady in tbe air, Alec suddenly held her hand and gently squeezed it. Natatakot siyang tumingin sa binata, namumula ang mga mata na parang iiyak na. Simple itong ngumisi saka bumuntong hininga. "Look at the clouds, Lucy. Appreciate what's in front and beneath us. Mawawala ang takot mo." She gulped. "Baka... Baka ilaglag mo ko. Is that... Your plan so you can get rid of me?" Bigla itong natawa dahilan para lumabas ang perpekto at mapuputi nitong mga ngipin. "Ah, I didn't know you can be silly. Relax. I ain't that horrible of a person." He held her chin and made her look outside. "Check it out." Natatakot man ay tinignan niya ang nais nitong ipakita. The moment Lucy saw the beautiful sunrise, she felt her heartbeat slowly coming back to normal. Her lips parted in awe as her eyes get blessed by the majestic scenery. "Beautiful, isn't it?" she heard Alec said. Wala sa sarili siyang napatango. "It is..." "You need that soon." Napakurap siya at muling napalingon kay Alec. "Come again?" His olive eyes penetrated her. "You need your sunrise soon, Lucy..." Naibaba niya ang kanyang tingin sa kanyang mga hita. She knows what he meant, at alam niya sa kanyang sariling tama ito. Sadyang hindi niya pa lamang makapa ang lakas ng loob upang humakbang palayo mula kay Vince. He was her guiding star when she was caged in the darkest part of her life. Ito ang nagbigay sa kanya ng pag-asa. Ito ang kanyang naging bagong umaga... There's no way someone can justify what they are doing, and she knew it's not something meant to last. Kailangan lamang niya ng sapat na lakas na loob upang tumalikod dito at ibalik sa tunay na nagmamay-ari, ngunit alam ni Lucy na hindi pa siya ganoon katatag upang simulang humakbang palayo mula sa lalake. Hindi na lamang siya kumibo. Nanatili siyang tahimik sa buong byahe hanggang sa marating nila ang isang ranchong may malaking bahay at ang mga puno ng mangga ay hitik na hitik sa bunga. Sinalubong sila ng ilang mga tauhan at tinulungan sila sa kanilang mga bagahe. Mayamaya ay narinig niya si Alec na nagsalita sa mga ito. "Nasabihan na ba lahat?" The oldest guy nodded. "Oo, Ser Alec. Tikom ang bibig ng lahat. Ako ho ang bahala." "Good." He sighed then patted his tummy. "I'm hungry. Nahanda ba ang pagkain? I wanna eat before I visit the staple." "Handa na, bossing." Napatango-tango si Alec saka ito sandali pang nakipagkamustahan sa mga tauhan. Bibo namang nakipagbiruan ang mga ito sa binata na tila ba hindi trabahador ang turing sa mga ito ni Alec. In fact they are even giving his shoulder gentle pats, even teased him about something she didn't hear. Mayamaya ay humalakhak si Alec saka nito hinilot ang batok. "Yeah, yeah. I think you really need to stay away from that side of the ranch." Ngumisi ito. "Tarantado ka, Kiko huwag mong sabihing ginagawa mong motel 'yon?" Bumuhanglit ng tawa ang binatang tinawag nitong Kiko. "Hindi, Ser ah! Matino ito, ano? Sus. Hindi ako cheap at kaladkarin." "Puro ka talaga kalokohan." Alec grinned and looked around. Napansin ni Lucy na umaliwalas ang mukha nito. Sandali pa itong pumikit at nilanghap ang sariwang hangin. "Ah, I would give everything to breathe this air every moment." "Oo nga pala, bossing. Si Tatang madaling araw pa lang gising na. Hindi namin masaway dahil hinihintay ka noong nakaraan pa." Alec opened his eyes and looked at Kiko. "Nasaan siya ngayon?" "Nasa rocking chair niya sa likod, Ser." "Okay. Paki-set up na 'yong pagkain sa likod. I need this fresh air. Ayain niyo na rin 'yong iba," utos nito sa mga tauhan. "Sige, bossing." Tumingin sa kanya si Alec. "Babe, come here." Napakurap si Lucy. Mayamaya ay tumingin siya sa magkabila niyang gilid saka niya kunot ang noong tinuro ang sarili. "A—Ako?" His brow c****d, his lips pursed as if he's trying not to laugh. "Yes, of course you. Who else should I be calling babe?" "Huh? But I'm—" Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabilis na tinawid ni Alec ang kanilang pagitan. Her eyes widened when he suddenly pulled her body close and cupped her cheek before he lowered his face, almost touching hers. Nagwala bigla ang mga paru-paro sa kanyang sikmura. Marahas na tumibok ang kanyang puso at parang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. "Shhh... They can't find out who you truly are," he whispered. Nagkantyawan ang mga tauhan ni Alec. "Ser, maaga pa!" Bumuhanglit ng tawa ang mga ito. Alec smirked. Bigla siyang niyakap ng binata dahilan upang maglaro sa kanyang ilong ang panlalake nitong pabango. Oh, dang it! Why does he smell so good? Kulang na lang ay mawala siya sa sarili at singhutin na ito nang tuluyan. "Ngayon lang nagdala ng chika-babes si bossing dito. Mukhang seryoso na kay Ma'am, ah? Hindi mo pa napakilala sa amin 'yan, Ser." Alec chuckled softly. Marahan nitong piniga ang kanyang braso saka ito yumuko upang tignan siya. "Why don't you say hi, babe?" Uminit ang mukha ni Lucy. Nakagat niya ang ibaba niyang labi at nahihiya siyang tumingin sa mga tauhan ni Alec. "Ha—Hi..." "Naku, mahinhin pala ang bibingwit kay Ser. Paniguradong ngangawa si Caren nito." Humalakhak si Kiko. Alec grinned. "This is Lucy. We'll be staying here for two weeks." Makahulugang ngumisi si Kiko. "Two weeks lang talaga, Ser?" Alec suddenly rubbed her back then breathed in deeply. Nang tingalain niya ito ay makahulugan na palang nakatitig sa kanya ang binata. The corner of his lips lifted for a meaningful smirk. "We'll see, Kiko. We'll see..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD