PAGKABUKAS ni Alec ng pinto ay nilingon niya si Lucy na tahimik lamang na nakabuntot. Kanina pa umiikot ang tingin nito sa kanyang bahay, halatang namamangha lalo sa koleksyon niya ng artworks. Isa sa napag-alamanan niya tungkol sa dalaga ay ang hilig nito sa sining. She's into pottery but never actually tried it herself. She appreciates ancient architecture, too but she's more into paintings especially expressionism.
She, herself is an expressionism artist based on her artworks sold for an arm and a leg without anyone actually knowing. Maraming nag-akalang nakapag-aral sa ibang bansa ang pintor sa likod ng mga painting na likha ni Lucy. Alec thinks she has a life waiting for her only if she will go back to the right path. Iyong hindi ito nagiging sanhi ng pagkasira ng relasyon ng iba.
"We'll stay here. This is the master's bedroom." Tinuro niya ang pinto patungo sa banyo. "If you wanna take a shower, that's the bathroom. I'm just gonna talk to someone. Babalikan kita mamaya."
Hinawakan niya ito sa ulo at pinapasok sa silid. Gaya ng reaksyon nito noong una niya itong hawakan sa ulo, napaawang na naman ang mga labi nito at halatang nagulat sa ginawa niya. Alec doesn't know why but he really finds her reactions adorable. If only she's not the one causing the first lady heartaches, he'd probably pursue her for real. Kaya lang ay kahit baliktarin niya ang mundo, si Lucy ang keridang kailangan niyang alisin sa buhay ng Presidente.
He shut the door before she could mutter a word then he sighed and rubbed his palm on his nape. Now he's got two weeks to win her heart and leave it broken. That's the plan. Hindi siya pwedeng magpa-distract kahit anong mangyari.
Binulsa ni Alec ang kanyang mga palad sa kanyang pantalon saka siya nagtungo sa likod ng bahay kung nasaan ang taong pinaka-excited na makita siya kahit pa malabo na ang mga mata. Nang matanaw niya ang matandang lalake sa rocking chair, payak na napangiti si Alec.
He went on his knee and took the old man's weak hand to give it a gentle squeeze. Nagmano siya rito at hinaplos naman ng matanda ang kanyang buhok. "Alec. Nahanap mo na ba si Andeng?"
Napabuntong hininga si Alec. "Hindi pa, Tang pero gaya ng sabi ko hindi ko susukuan si Andeng."
Lumungkot muli ang mukha ng matandang lalake. "Kung sana hindi ko hinayaan ang asawa kong agawin ang pagkaing ibibigay ko sa inyong magkapatid noon, hindi sana kayo nagkawalay."
It's been five years since he found out Tatang Abner survived the flood. Napunta ito sa isang home for the aged, at nang minsang dalawin ng pamilya De Vera ang lugar, kaagad na nakilala ni Alec ang mabait na matanda. Kinuha niya ito kaagad sa lugar nang mas mabigyan ng atensyong medical. When his house in Cagayan was done, sa mismong lugar kung saan dating nakatirik ang tahanan ng mga Saturnino, doon niya idinala ang matandang lalake.
Halos humagulgol sa kanya si Tatang Abner dahil sinisisi nito ang sarili kung bakit sila nagkahiwalay ni Andrea. Nagpadaig daw kasi ito sa matapang na asawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nalilimutan ang kanilang naging usapan bago nangyari ang trahedya sa Cagayan.
Namuo ang luha ng matandang lalake kaya bago pa ito tuluyang maging emosyonal, sinubukan na ni Alec na ibahin ang takbo ng kanilang usapan. "Balita ko maganda na ang BP ninyo noong mga nakaraan, ah? Makakapasyal na kayo niyan sa kulungan ng mga kabayo."
The old man sniffed. "Wala na, Alec mahina na ang Tatang. Baka hindi na rin ako magtagal kaya sana mahanap mo na si Andeng bago ako mawala sa mundo."
That was the old man's only wish. Marahil ay para mapawi na rin ang pagkausig ng kunsensya nito. Ilang beses mang sabihin ni Alec na hindi kasalanan ng matandang lalake ang pagkakahiwalay nila ni Andrea, hindi nito mapatawad ang sarili.
Hindi niya rin ito masisisi. Madalas silang isama noon ng matanda sa bukid kahit pagalitan ng asawa. Tinuring silang apo ng matanda at kapag may extra itong pera ay pasimpleng binibilihan ng ipit sa buhok si Andeng. Wala kasing anak na babae kaya giliw na giliw noon sa kanyang kapatid.
"Malakas ang pananalig kong buhay ang kapatid mo, Alec. Nakita ko ang rescue. Kinuha silang dalawa ni Magda ng rescue. Sigurado akong bago pa ang pagpapakawala ng tubig ay nasa ligtas na lugar na si Andeng." Hinawakan nito ang kanyang kamay at mahinang piniga. "Buhay ang batang iyon, Alec. Buhay si Andeng, hanapin mo. Miss na miss na siya ni Tatay Abner..."
Uminit ang sulok ng mga mata ni Alec. He will never forget how hard the old man cried when they met again and found out he and Andrea got separated. He promised that he will do everything to ease away the guilt in the old man's heart.
Tinapik niya ang kamay nito. "Pangako, Tang. Makakasama natin si Andeng, ha? Hindi ko siya susukuan ano man ang mangyari..."
HINDI alam ni Lucy ang dapat na maramdaman nang matapos niyang makaligo at makapagpalit ng damit sa silid kung saan siya dinala ni Alec, kinatok siya nito at sinabing kakain sila ng tanghalian kasama ang mga tauhan sa rancho.
She tried to say no but Alec held her on her head again, pulled her out of the room and then shut the door. Nang tignan siya nito ay nakataas na ang isang kilay na tila sinasabing hindi nito tatanggapin ano man ang maging dahilan niya.
"Sabay-sabay ang lahat kumain dito. Malas kapag may hindi sumasabay ng kain."
If that's just some made up thing he came up with just to convince her, she couldn't tell anymore. Hinatak na kasi siya nito at wala na siyang nagawa kung hindi sabayan ang malalaking hakbang ng binata. Medyo nahirapan pa siya dahil matangkad talaga si Alec. He's as tall as Vince while she's just five feet and two inches.
Napasimangot na lamang si Lucy. Mamaya na nga lang niya pagmamasdan ang higanteng aquarium sa silid ni Alec. May aquarium kasi ito sa mismong tapat ng headboard at nakakita siya ng dalawang maliit na pagong. Matagal na niyang sinasabi kay Vince na gusto niya ng pagong kaya lang ay hindi ito pumapayag dahil baka mamatay lang daw.
They went down the grand staircase together. Habang pababa ay hindi niya naiwasang magtanong. "Ang laki ng bahay. Resthouse ba ito ng pamilya De Vera?"
Alec shook his head. "No. I built this for my own family and my sister."
Napakunot ng noo si Lucy. "Your sister? May kapatid ka?"
Tumingin sa kanya ang binata ngunit napansin niyang parang hindi ito kumportable sa kanilang usapan. Bumuntong hininga ito at nang marating nila ang dulo ng hagdan, hinawakan na naman siya nito sa ulo at giniyang maglakad.
"Meron but it's a long story and I don't share about her easily. Now move faster. Bakit kasi ang liit-liit mo. What are you, five feet?"
Napasimangot siya rito saka niya ito inirapan at inalis ang kamay na nakahawak sa kanyang basa pang buhok. "Five two."
Umismid ito saka ngumisi. Mayamaya ay ganoon na lamang ang gulat ni Lucy nang bigla siyang akbayan ni Alec saka siya tinaasan ng kilay. "Five feey, five two, that's just the same thing."
Her eyes narrowed. "Inches matter a lot, Alec." She tried to get off him but he just tightened his grip on her shoulder.
"Oh, yeah it does, babe." Makahulugan itong ngumisi saka siya pilyong tinitigan. "But performance is still everything."
Napakurap si Lucy nang mapagtanto niya kung ano ang posibleng naging kahulugan ng kanyang sinabi sa utak ni Alec. Uminit nang husto ang kanyang pisngi. Naitulak niya ito saka niya ito sinamaan ng tingin kaya humagalpak ng tawa ang loko-loko.
"Come on, it's not like we're both virgins here, Lucy."
Tumaas ang kanyang kilay. "And you think it's okay to speak such way with women just because she's not a virgin?"
Napawi ang kurba sa mga labi ni Alec, ang tingin nito ay naging mapanghamon. Nang magsimula itong humakbang palapit sa kanya, bahagyang nanlaki ang mga mata niya kasabay ng kanyang pag-atras.
Her back felf the concrete wall but Alec didn't stop. Sinangkal pa nito ang braso sa pader saka nito binaba ang mukha hanggang sa halos ilang pulgada na lamang ang maging pagitan ng kanilang mga labi. Bigla yatang sumikip ang dibdib ni Lucy. Nahigit niya ang kanyang hininga at naikuyom niya ang kanyang mga kamao dala ng nakapanlalambot ng tuhod na epekto ng binata sa kanya.
Alec's jaw moved as he looked at her in a cold way. "And you think it's okay to be someone's mistress just because you look too innocent?"
Parang sinuntok ang kanyang dibdib. Hindi siya nakakibo at ang tingin niya ay ibinaba na lamang niya sa sahig. Umismid naman si Alec. Hinawakan nito ang kanyang braso saka siya sinimulang hatakin patungo sa likod ng bahay.
Nanatiling nakayuko si Lucy dahil sa pagkapahiya. Nang marating nila ang mga tauhan ni Alec, piniga nito ang kanyang braso sa kontroladong paraan saka nito tinuro ang matandang lalakeng nakaupo sa rocking chair.
"That's my Tatang Abner."
She swallowed and went towards the old man to pay her respect. Nagmano siya rito saka nagsalita.
"Mano po, Tatang Abner."
Hindi nila alam kung bakit ngunit nanlaki ang mga mata ng matanda at ang tuwa ay biglang gumuhit sa mukha nito.
"A—Andeng?"