"TANG, hindi ho siya si Andeng." Lumapit si Alec sa matandang lalake saka ito inakbayan. "Si Lucy ho ito."
Lumamlam ang mga mata ni Tatang Abner. Humawak sa kanyang braso ang nanghihina nitong kamay saka ito bumuntong hininga, tila nanghihinayang. "Akala ko ay si Andeng na. Katinig ni Rodessa, Alec."
Napakunot ng noo si Alec saka niya sinulyapan si Lucy na tila naguguluhan sa nagiging takbo ng usapan. She was glued on her spot, her confused eyes just staring at the old man.
Napabuntong hininga si Alec bago gumuhit ang payak na ngiti sa kanyang mga labi. "Mabuti pa kayo naaalala ang boses ni Mama."
Lucy breathed in deeply. "M—Mama mo?"
He nodded as he looked at her again. "Unang umampon sa'kin. She's dead."
Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Lucy. "I'm sorry to hear that."
"It's fine," he replied in a breathy way as he stood straight. "Fifteen years na rin naman. Natanggap ko na—"
"Alec, my loves so sweeeeet!" Umalingawngaw ang matinis na tinig ni Caren, ang may-ari ng katabi niyang lupa at dating kasambahay sa Maynila na swinerteng tumama ng lotto pagkatapos daw mapaniginipan ang lola nitong nagbabanggit ng numero. Totoo man o hindi, nanalo pa rin ang babae ng higit kumulang isandaang milyong piso.
She went towards him wearing her long sunflower dress. Nakabuntot naman sa babae ang halos isang dosenang kasambahay na may bitbit na iba't-ibang putahe. Mayroon pang letson na buhat ang dalawa nitong boy.
She immediately clung onto Alec's arm while a wide smile was plastered on her face. "Pasensya ka na, my loves hindi ako prepared. Ikaw naman kasi hindi mo naman ako sinabihang uuwi ka pala hindi tuloy ako nakapaghanda." Magaan nitong hinampas ang dibdib ni Alec. "Nakakainis ka magtatampo na naman ako sayo."
Nagpigil ng tawa si Alec habang pinapasadahan ng tingin ang pang-isang buong barangay na pagkaing dala ni Caren at ng mga tauhan nito.
"Hindi ka nga handa." Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. "Ganda ng damit natin, ah? Dilaw na dilaw."
Humagikgik si Caren. "Bagay ba? Nabili ko lang 'yan ng three hundred sa palengke."
Natatawang umiling si Alec. That's what he likes about Caren. Madalas mang makabasag eardrums ang tinig nito kapag nakikita siya ay aliw na aliw naman siya rito dahil kahit limpak-limpak ang salapi, tinitipid nito ang sarili at mas pinipiling tulungan ang mga kamag-anak sa Visayas habang ang ibang pera ay inilaan sa poultry business nito In fact, Alec was sure everything she brought to his home was all from her farm. Mula sa baboy hanggang sa mga pampalasa, everything is cultured in Caren's farm.
"Bagay. Sa susunod bili ka rin flower crown tapos tabi ka sa poon," biro niya rito ngunit imbes na mapikon ay kinilig pa ang babae.
"Shege." Inipit nito ang ilang hibla ng kulot na buhok sa likod ng tainga. "Shebi me eh."
Oh, goodness. Sa tawa pa lamang na hindi mailabas ni Alec ay baka mabusog na siya. Pambihira talaga ang kanyang kapitbahay kahit kailan. "Oh, kumusta na 'yong manliligaw mo?"
Umirap ito. "Sabi ko magparetoke muna siya. Saka ko na siya sasagutin kapag kamukha ka na niya—" Natigil ang sinasabi nito at ang mga labi ay nanatiling nakaawang nang mahagip ng tingin si Lucy na nasa tabi na ngayon ng ilang kasambahay. Halatang nahihiya ito habang kinakausap nina Kiko kaya simpleng ngiti at tango lamang ang sinasagot.
Eksaheradang humugot ng hininga si Caren saka siya tiningala. "Bakit nanguha ka ng chimay na lamang sa akin ng trentang paligo?!" Naningkit ang mga mata nito. "Alec, sinasabi ko sayo kapag hindi ako nanalo bilang Miss Bagumbayan ngayong taon wala kang letson sa susunod na pasko."
Pinigil nang husto ni Alec ang sariling bumungisngis ng tawa. Kinailangan pa niyang lumunok at huminga nang malalim para lang kontrolin ang sarili bago siya sumagot. "Caren, she's not a maid here. She's my girlfriend."
Nang marinig ni Lucy ang kanyang sinabi ay napatingin ito sa kanya. Kaagad naman niya itong tinaasan ng kilay kaya imbes na magreklamo ay bahagya na lamang tumikwas ang natural na mamula-mula nitong mga labi saka niyuko ang ulo. Damn, those lips looked so tender and she smelled so f*****g good earlier he almost grabbed her hair and sniffed it. This woman is truly an effortless seductress. If only he has a choice, he'd rather skip lunch and drag her back to the master's bedroom and taste every inch of her instead.
Napahugot siya ng malalim na hininga saka inigting ang panga. He needs to calm down. Hindi pwedeng ganoon ang maging taktika niya dahil baka masira lamang ang kanyang plano at bumaliktad ang sitwasyon.
"Girlfriend?" Naningkit ang mga mata ni Caren. "Hoy, Alec Thane De Vera hindi ko pinagpalit si Kim Taehyung sayo para lang lokohin mo ako, ah!"
Muling naagaw ng kabaliwan ni Caren ang atensyon ni Alec. Pasimple niya aitong kinurot sa bilbil saka siya ngumisi. "Selosa. Kumain na nga tayo gutom na yata si Tatang." Bumaling siya sa matanda. "Tang, lika na kakain na."
Tumango naman ang matanda at hinayaan siyang alalayan ito. "Si Caren ba iyon, Alec? Mahina na ang pandinig ko pero mababasag pa rin ang tainga ko sa batang 'yon."
Alec grinned and looked at Caren who seems in the middle of interrogating Lucy already. Nag-alala pa siya na baka kung ano-anong itanong nito kay Lucy kaya nakatutok siyang mabuti sa dalawa.
"Anong skin care mo? Nasisikatan ka pa ba ng araw? Nagparetoke ka ba? Close ba kayo ni Vicky Belo? Anong klaseng tubig ba ang pinanliligo mo at para kang diyosang bumaba mula Mt. Olympic?"
Alec bursted into laugh. "Caren, God it's Olympus not Olympic."
Sinamaan siya nito ng tingin. "Parehas din 'yon magkaiba lang tayo ng dictionary na pinagbasehan. Tsaka huwag kang magulo diyan kami ang nag-uusap." She flipped her long curly hair. "Sisindakin ko lang 'to..."
"FRIEND, basta ha? Dalaw ka sa akin. Pabayaan mo 'yang si Alec. Bebentahan kita ng panty na Avon marami akong stock sa bahay ko," ani Caren na naka-angkla na ngayon ang braso kay Lucy habang patungo sila sa labas ng bahay matapos ang pananghaliang masaya nilang pinagsaluhan.
Napapailing na lamang si Alec. Nang huminto sila sa labas ay umakbay siya kay Lucy habang nakatingin siya kay Caren na awtomatikong umirap sa kanya. Lucy stiffened but he took the chance to sniff her hair because damn it's just calling him everytime the wind blows her long brunette locks.
Hinawakan naman ni Caren ang isang kamay ni Lucy habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa iniinom na yogurt drink. He found out Lucy likes drinking yogurt after meal and he doesn't know why he finds her cute right now while sipping its tiny straw. Hindi rin niya alam kung papaanong naging instant BFF ang dalawa samantalang wala namang ginawa ang mga ito kung hindi mag-usap tungkol sa beauty secrets ni Lucy.
"Tsaka huwag kang masyadong magpapaniwala diyan kay Alec. Tignan mo ngang pinaasa ako ng lintik na iyan."
His brow c****d. "Hey, I didn't?"
"Naku ganyan naman kayong mga lalake. Magpapakita kayo ng motibo tapos syempre kami naman itong tanga, kikiligin at magkakagusto. Hmp!" Muli siyang inirapan ng babae. "Gasgas na 'yang mga ganyan mo, Alec."
He pursed his lips together. "Kinikilig ka rin naman do'n sa Koreanong crush mo."
"Eh virtual naman ang pagpapaasa no'n sa akin, ano? Huwag mo ngang madawit-dawit dito ang asawa ko. Naku, Alec hindi pa ako nakaka-move on sa panloloko mo. Kapag talaga nagpunta rito ang Presidente haharutin ko 'yon nang bongga nang maramdaman mo ang ganti ko."
Biglang nasamid si Lucy. Umubo ito at hinagod ang dibdib habang namumula ang mukha, at alam ni Alec na hindi dahil sa iniinom nito kaya nagmumukha itong kamatis, kung hindi dahil sa sinabi ni Caren.
He rubbed her back and put some of her hair on the back of her ear. Mukhang nakuha rin naman ni Caren ang dahilan ng pagkasamid nito kaya muling umarangkada ang bibig ng kanyang kapitbahay.
"Ano, girl? Gulantang ka? Aba kahit naman jutanders na iyong si President pwede pa iyong ilaban ng Mister International. Sobrang swerte ni Mareng Hailey hindi lang bumingwit ng politiko, pati modelo at beauty king! Kung sabagay eh parang founder naman kasi ng Miss Universe si Dra."
Napiga niya ang tagiliran ni Lucy nang madama niyang natulala na ito kay Caren. Mayamaya ay tumikhim siya. "Beauty can never keep a man, Caren."
"Pero kahit na, Alec sa kakisigan ba naman ng Presidente ay naku, baka kung ako ang asawa no'n tumira na ako sa salon." Ngumisi ito. "Nakita ko dati 'yon nangangabayo nang walang pantaas, ay Mama Mia por pavor pamela one pamela two kay sarap ng pandesal sa hapon!" She giggled and held Lucy's hand. "Napakape ako nang walang asukal, bakla!"
Lalong uminit ang mukha ni Lucy at bago pa ito makita ni Caren, hinapit na niya si Lucy saka tinago ang mukha nito sa kanyang dibdib. Todo naman ang pigil niyang matawa kahit na dapat ay maasar siya dahil nasampal na naman siya ng katotohanang ang kabit ng Presidente mismo ang kanyang yakap. He can't help it. Caren's words are just too much to take.
He chuckled softly and held Lucy tighter when he felt her stiffened after hearing Caren telling about her willingness to be the President's mistress. Napabuntong hininga na lamang tuloy si Alec.
If only Caren knew it's actually the President's mistress he's holding between his arms right now...