Better Nanatili lamang akong tahimik habang pinapanood ang bawat kilos ni Drew at hinihintay siyang magsimula na sa kanyang pagre-report. Hindi ko maiwasan ang paulit-ulit na punahin ang mga naging pagbabago sa kanya. Time can really make people grow. Sobrang daming pwedeng magbago sa bawat oras, minuto o segundo na lumilipas sa mundo. Madalas ay hindi pa natin inaasahan ang mga pagbabagong nangyari, nangyayari o mangyayari. Sa pagkakaalam ko'y may hacienda at farm ang pamilya nina Drew sa Bela Isla. Ang alam ko rin ay siya ang mamamahala noon pagkatapos niyang mag-aral ng kolehiyo, ngunit hindi na siya muling bumalik ng Bela Isla at ganoon na rin sina Kriesha, Emma at Walter. Wala nang bumalik sa kanila. Lahat ay umalis na at sa tingin ko'y nakalimot. But I'm not mad at them for not c

