Smile "One, two, three! One, two, three! One, two, three!" Paulit-ulit na bilang ni Mrs. Alviar at sinasabayan niya pa ng pagpalakpak habang kami naman ni Drew ay sinasayaw ang tinuro niyang sayaw sa amin, kasama ang ilan pang kasali sa pagsayaw ng Cariñosa para sa Buwan ng Wika. Hindi naman ako palasayaw, ngunit dahil ang napiling kasali sa sayaw ay ang lakan at lakambini ng bawat seksyon ay wala akong nagawa kundi ang sumali. Ang mga kasali lang sa program ng Buwan ng Wika ang may pasok ngayon sa aming eskwelahan, samantalang ang walang kontribusyon na gagawin sa programa ay walang pasok. Maraming estudyante ang nasa auditorium upang ayusin ang entablado habang ang mga kagaya naming may performance ay nagp-praktis na ng lubusan. Mabuti na lang at half day lang ang pasok ngayon upang m

