Trap From: Drew Villafuerte Where can I pick you up? Kanina pa ako nakatitig sa kanyang pinadalang mensahe sa akin. Nakakahiya namang magpasundo sa kanya rito sa eskinita kung nasaan ang building ng bedspace na tinitirahan ko dahil masikip. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-reply pabalik sa kanya. Halos mabitawan ko naman ang aking cellphone nang muli itong nakatanggap ng pasunod na mensahe galing kay Drew. From: Drew Villafuerte Naiyah? Are you still awake? Dati ay hindi ko naman ramdam ang pagiging masikip ng nakuhang bedspace para sa akin nina Tita Edna at Tito Franco, ngunit ngayon ay parang sa sobrang liit nito ay hindi ako makahinga ng maayos kahit na ang totoong dahilan ay nang dahil iyon sa simpleng mensahe ni Drew. What is happening to you, Naiyah? Nakalimutan mo na

