Dalawang araw ang matulin na lumipas para kay Hassan. Ngunit ang bawat paglipas na hindi gumigising ang kaniyang kapatid ay sadyang napakahirap para sa kaniya. Ang mga mata niya ay nakatutok lamang sa kapatid at hindi niya ito inaalis. Sa tuwing makikita niya ang nakakaawang sitwasyon ng nakababatang kapatid ay tila pinipiga ang kaniyang puso. A part of him wanted to blame Elvina for what happened to his sister. Ngunit alam niyang wala naman itong magagawa. Isang aksidente ang nangyari, aksidenteng hindi ginusto ninuman. Ang may kasalanan nito ay ang lasinggero na nakasagasa kay Hashley at tumakas na isang duwag. God, Hassan is boiling with unspeakable rage! Kung hindi ito tumakbo, kung sana ay kaagad itong tumawag ng tulong ay baka mas naagapan pa ang kalagayan ni Hashley. He left her

