PIGHATI

1468 Words
ANITA POV "Baby! Wake up!" Garalgal at tarantang panggigising sa akin ni Jordan. Mapait pa ang aking matang hindi makasagot sa kanya. "Anu bang oras na love? Bakit ang aga mo manggising?" Inaantok kong tanong sa kanya. "Baby! Kailangan nating lumuwas pauwing Cebu ngayon." Garalgal pa rin ang kanyang boses. Unti- unti kong idinilat ang aking mata at tumingin sa kanya. "Jordan, may problema ba?" Nag aalala kong tanong sa kanya. "Hindi ko alam, pero tinawagan ako ng prersonal driver ni Rex. Sabi parang masisiraan na daw ng bait si Rex dahil dahil-" Hindi niya matapos tapos dahil sa pag- iyak. Biglang lumakas ang kabog sa aking dibdib. Umayos ako sa pag upo at hinila siya paupo sa kama. "Baby, huminahon ka! Anung anung nangyayari?" Mahinahon kong tanong kahit gustong tumalon ang puso ko sa sobrang kaba. "They're gone!" Mahina niyang sambit pero hindi napigilan ang kanyang pagtangis. "W-Who? S-Sino Jordan? Sino?" Naiiyak ko na ring ulit na tanong. Huwag naman sana panginoon! Huwag naman sana! "S-Samantha! Nasunog ang kanilang condo. Nasunog silang mag- iina bago pa makarating si Rex!" Nanlaki ang aking mata sa gulat at napatakip ako sa aking bibig. This can't really be happening! Napailing- iling akong napasandal sa kama habang pinipigilan ang aking pagpalahaw. "J-Jordan!" Nanginginig akong nautal na sa pagsasalita. Mabigat sa dibdib eh! Hindi kayang dalhin ang sakit, paano pa kaya kay Rex! Kahapon ko lang nalaman na anak niya ang mga bata pero heto ginulantang ako ulit sa isang balitang nakakakilabot na patay na sila. Why? What happen? Iniwanan namin ang mga bata sa kanilang yaya at tinawagan ko agad si daddy to come over while we're away. Mabibigat ang aming hininga ni Jordan habang hinihintay ang pagtake- off ng eroplano. Tahimik lang kaming nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung anu ang nasa isip ni Jordan pero kanina pa siya umiiyak. Nagdasal akong sana hindi sila ang mga taong patay na. Sana buhay pa sila. Alam ko kung paanong halos magunaw ang mundo ni Rex sa pagkamatay ni Coleen. Kapag totoong patay na sila! Oh my god! Kinikilabutan akong nilalamig. Hindi ito kakayanin ni Rex. Lumingon akong muli kay Jordan pero ganun pa rin ang kanyang hitsura. Ikaw na ang mawalan ng kapatid at pamangkin. Isama mo pa ang kaibigan mong hindi lang basta nagluluksa kundi parang tinanggalan ng karapatang mabuhay. Ipinatong ko ang aking kamay sa braso ni Jordan at pinisil. Pagkarating namin sa pantalan ng Cebu lalong hindi mapigilan ni Jordan ang umiyak kahit nakasalamin siya ng itim, dinig mo pa rin ang kanyang pigil na paghikbi. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay at mukhang bibigay na siya. "Baby, tatagan mo ang loob mo." Malambing kong pakiusap sa kanya baka kahit paano makatulong sa bigat na kanyang dinaramdam. Sinalubong kami agad ni Mang Dido. Hindi pa tinatawagan ni Jordan ang kanyang magulang gusto niyang makompirma nga na sila ang nasa morgue. Walang imikan na sumunod kami sa kanya deretso sa morgue. Habang nasa sasakyan kami biglang tumawag si daddy. "Dad!" Mahina kong sambit. Ayokong makakuha ng atensyon. "What is happening? I ask your mom to go there. I had an important business meeting this week." "I can't tell you yet dad. Okay, pakisabihan si mommy na tumawag sa akin kapag nakarating na siya doon." Bilin ko kay daddy. "Okay anak! Basta kung kailangan niyo ang tulong andito lang ako. Pwede kang tumawag kay Julius, he will help you in behalf of me." Habol pa ni daddy. Siya ang family lawyer ng aming pamilya. "Salamat dad!" Napabuntong hininga akong nakatingin kay Jordan. Alam ko kung gaano nila kamahal ang isat- isa, kung paanong nagtutulungan at malapit sa isa't- isa. I don't have a sibling, but I have cousins. I can still feel the pain losing a close person to your heart. "Sir Jordan. Andito na po tayo!" Pukaw sa amin ni Mang Dido. Tumango si Jordan at tahimik kaming bumaba. Yung kampante kong pakiramdam kanina parang nagiba na nanginginig bigla ang aking tuhod, parang jelly sa lambot na mahirap ihakbang. Pinagpapawisan ang aking mga kamay at sumisikip ang aking paghinga. Hindi yata ako handang pumasok pa sa loob! Gusto kong tawagin si Jordan pero umurong ang aking dila at hindi makasigaw. Lord, not now please! Jordan needs me, hindi ako pwedeng magbreakdown. Napansin yata ni Mang Dido at ako ay nilapitan. "Madam! Okay lang po ba kayo?" Nangingilid ang aking luhang lumingon sa kanya. Umiling ako dahil naumid pa rin ang aking dila. "Samahan ko na po kayo madam at nakapasok na si sir Jordan." Wala akong nagawa kundi kumapit sa kanyang braso. Nanginginig pa rin akong papasok sa loob. Pagtapat ko palang sa pintuan muntik na akong himatayin. Limang kabaong na magkakatabi agad ang tatambad sa iyong harapan. Makikita mo naman sa sulok si Rex na tulalang nakatingin sa maliliit na kabaong. Halatang hindi pa nakakatulog at iyon pa ang kanyang damit pagkaalis sa Cebu. Hinagilap agad ng aking mata si Jordan. Hindi na siya umiiyak at nakatutok sa isang kabaong, namumuti ang kamay sa pagkakahawak sa gilid ng kabaong. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko alam kung anu ang maitutulong ko. Nanatili kami sa pintuan ng biglang marinig ko ang boses ni mommy Lorrie. "M-Mommy!" Tawag ko sa kanya pagkatapat sa akin. Lumingon sa akin, matagal bago tuluyang pumatak ang kanyang luha. Hinawakan ko siya at niyakap ng mahigpit. Pumasok si daddy James deretso naman kay Jordan. "Mom. Huminahon po kayo." Pakiusap ko sa kanya. Ayokong atakihin siya. Maya- maya pa ay lumapit siya kay daddy at hindi napigilan ang kanyang pagtangis. Napaluhod siya sa sahig na humahagulgol. Kulong ang buong tunog ng pag iyak dito sa loob. Tinulungan ni Jordan si daddy na mapaupo si mommy bago nilapitan si Rex. "Pare!" Tawag ni Jordan pero hindi man lang natinag si Rex na nakatunghay sa dalawang maliit na kabaong. Simula dumating kami ganyan na siya. Lumingon ako kay Mang Dido pero malungkot ang mukha na pilit ngumiti sa akin. Tinabihan ko siya sa kanyang upuan. "Mang Dido, anu hong nangyayari kay Rex? Mukhang hindi pa siya nakakauwi?" Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "Madam, dumeretso po kami sa bahay ni Mam Samantha pagkasundo ko sa kanya sa airport pero hindi na siya nakapasok sa loob dahil tinutupok na ng malakas na apoy ang kalahating parte ng gusali. Mukhang nagsimula sa condo daw ni Mam Samantha ang sumabog pero pinapaimbestigahan pa." Paliwanag niya. "Eh! Si Rex ho?" "Ganyan na siya simula iniharap ang sunog na sunog na katawan na nakuha sa unit ni Mam Samantha. Hindi na siya nagsalita, huling niyang sinabi ay sana siya nalang sana ang kinuha! Hanggang hindi na siya umiyak at nagsalita pa. Dalawang araw na rin hindi siya kumakain, natatakot akong magkasakit siya. Pero kung sa akin din mangyari ang bagay na yan? Naku! Madam baka hindi na ako inabutan ng bukas. Sobrang excited pa naman niya na umuwi at maraming dalang pasalubong, bumili rin siya ng singsing para kay mam Samantha pero uuwian niya lang pala silang isang bangkay na!" Malungkot na saad ni Manong. "Naawa nga po ako sa kanya. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Kahit po ako parang guguho ang mundo pagkakita sa kanila. Hindi ko agad maigalaw ang aking paa para humakbang. Nakagalaw lang po ako nung sumigaw na si sir Rex habang yakap yakap ang maliit na sunog na bulto na umiiyak. Nakakadurog ng puso at nakakabaliw silang tignan. Panay iyak niya na humihingi ng tawad na hindi niya sila nailigtas ng mas maaga." Muli pang maluha luhang dugtong ni Mang Dido. Ramdam ko ang pighati dahil ganyan din ang naramdaman ko noong malaman kong naaksidente si Jordan. Yung sakit sa kaibuturan mo na hindi mo maipaliwanag at kahit ilang iyak pa ang gawin mo andoon sa puso mong nakaukit ang sakit na hindi basta mawawala. Paano pa kapag ganito ang masasaksihan mo, paniguradong yung sakit na lumulukob sa puso at buong pagkatao mo ay hindi mo na kayang pagtakpan pa. Pipiliin mong maging isang patay ang pakiramdam para hindi mo maramdaman ang sakit na bumabalot sa iyong puso. Tumayo ako at lumapit kina Jordan at Rex. Hindi ako umimik at niyakap siyang nakatalikod. Maybe a warm hug can help him ease the pain kahit sandali lang! Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking luha habang nakayakap sa kanya. Mahirap huminga, nakakasakal sa sakit. Makadungaw palang ako sa mga bata dinudurog ang puso ko sa kanilang sinapit. Ilang buwan palang nilang nasilayan ang mundo pero tinapos na ng Diyos ang kanilang buhay. "Rex, andito lang kami kung kailangan mo ng kausap." Sabi ko sa kanya na hindi binibitawan ang aking pagkakayakap sa kanya. Iniwanan ko sila ni Jordan at pinuntahan si Samantha. Kahit hindi ko nakasama ng matagal si Samantha alam kung mabait at mapagmahal siya. "Samantha, sana gabayan mo kami lalong lalona si Rex."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD