ANG SUNOG

1939 Words
Nagising akong nakatunghay sa akin si Rex pero hindi larawan ng masayang mukha kundi madilim na madilim ang mukha. Nagtayuan ang mga balahibo sa aking katawan, ngayon ko palang nakita ang ganitong hitsura niya kapag galit. Mukhang hindi lang siya basta galit ngayon. Oh my god! What I have done! Samantha, ihanda mo na ang sarili mo. "Samantha!" Mabigat niyang madiin na pagtawag sa aking pangalan kumbaga sa bomba ay sumabog na. "R-Rex!" Nanginginig sa takot kung sagot. Ito ang unang pagkakataong matatakot ako ng ganito. Nakaramdam na ako ng takot before pero hindi yung ganito na para kang maiihi sa nerbiyos sabay lumalakas ang kabog ng dibdib mo. Parang tambol lang ng drum. "What's the meaning of this? Bakit mo inilihim sa akin ito! Kaya ba hindi mo ako gustong sumama sa mga check up mo dahil may itinatago ka! Anu ba ang pinaplano mo? Anak ko yan Samantha. Damn it!" Galit na galit niyang sunod - sunod na tanong. Napaiyak ako sa takot sa galit niya at sa katotohanang hindi na ako makatatakas pa. "I'm sorry!" Humihikbi kong sagot. Pero nayanig ang buo kong pagkatao sa pagsigaw niya. "Sorry! I thought you said once, that sorry won't fix everything? Ngayon mo sabihin sa akin na ang tiwala at magandang pagtingin ko sa iyo na naglaho na ay maibabalik sa pagsabi mo ng salitang sorry!" Nanlilisik niyang tingin at maanghang na salita. Kung hindi lang siguro ako nanghihina at bagong panganak baka kanina pa niya ako nasaktan. Hindi na ako umimik at tinanggap anuman ang parusang ipapataw niya sa akin. Wala na! Nasira ko na ang kahit katiting na pagtingin na mayroon siya sa akin ay naglaho na. Inilihim ko ang lahat dahil malakas ang pakiramdam kong makakaalis ako rito bago manganak. Balak ko talagang iwanan ang isang bata sa kanya para hindi na niya ako habulin pero ngayong kita ko ang mga bata hindi ko gustong mahiwalay kahit sino sa kanila. Apat na buwan na ang nakakaraan simula nanganak ako at bumalik na ang aking lakas. Kuya visited me already at saka dumalaw kami kina mommy. Dito ako sa aking condo nakatira para hindi makahalata ang aking mga magulang, pero gabi gabi dito umuuwi si Rex. Simula nagsinungaling ako sa kanya, nagbago ang trato niya sa akin. Hindi siya sweet katulad nung buntis ako. Kumakain na siyang hindi ako kasabay, madalas umalis na hindi man lang nagsasabi sa akin. Lagi siyang nakatunghay sa aming anak at kinakausap. Minsan hinehele niya sila para matulog. Pero ako hindi man lang niya kinikibo. Kakausapin lang niya ako kapag may tungkol sa mga bata pero sa ibang bagay hindi na. Kung tungkol din sa bahay at iba deretso na niyang kinakausap ang mga kasambahay. Parang anino lang ako rito sa bahay. I guess this is the price of being stubborn. Ilang buwan pa ang papalipasin at siguradong mabibitay ako ni daddy dahil kamukha lang naman ni Rex ang kambal. Lalo na si Xander, pati ang pagkunot noo at pagtitig manang mana sa kanya! Sabado ngayon at balita ko babalik na si Libya sa New York gusto kong makipagkita muna sa kanya bago siya bumalik. Hindi ko na kasi alam kung kailan ako muli makakapunta sa New York or Australia. Hindi ako pwedeng umalis na hindi kasama ang mga bata pero hindi rin naman ako pinapayagan ni Rex umalis na kasama ang mga bata na hindi siya kasama at ang mga yaya. Palabas ako ng aking kwarto at saktong paakyat si Rex malamang papunta ulit sa kwarto ng mga bata. "Kapag aalis ka hindi mo isasama ang mga bata na hindi ako kasama." Bungad niya bago ako lagpasan. Grabe anak ko naman sila pero wala akong karapatan magmomento kasama nila. "Makikipagkita lang kami sa aking kaibigan at ninang nila bago siya umalis." Mahina kong sagot, natatakot akong magalit nanaman siya. Lahat kasi ng sasabihin ko parang laging kasinungalingan na sa kanya. "Ask them to drop here, but if it's about you go ahead and leave the kids. I can take care of them!" Seryoso niyang sagot. Gusto kong sumigaw at umiyak pero pinipigilan ko, kaya ko pa naman para saan ba at dekada ang kinaya ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya. "Pero Rex-" Makuha ka sa tingin Samantha. Huwag ka ng mapilit. Kasalanan mo rin at itago mo sa kanya, anu nga naman ang iisipin niya tuwing aalis ka? Umalis akong mabigat ang aking loob, nagtataka rin ang mga yaya at hindi ko sila tinawag na lumabas gayong kausap ko sila para makipagkita kay Libya. Dito sa loob ng kotse ako nag - iiyak. Ibinuhos ko lahat ang sama ng aking loob. Kasalanan ko nga naman kung bakit siya magagalit sa akin ng ganito. Pagdating ko sa coffee shop, agad akong umiyak nang umiyak. Yumakap naman agad sa akin si Libya. Hinayaan niya akong umiyak at ibuhos ang lahat ng bigat sa aking damdamin. "Okay ka na?" Tumango ako at dinampot ang kapeng inorder niya para sa akin. "Libya gusto ko talagang makaalis habang hindi pa nahahalata nina daddy na kamukha ni Rex ang mga bata." Pagmamakaawa ko sa kanya. "Hindi ko alam kung paano kita tutulungan sa problema mong yan Jessica. Pwede namang umamin ka nalang sa kanila, why make it so complicated!" Naaawa niyang sagot sa akin. "Hindi naman ganun kadali ang umamin Libya. Si Rex sukdulan ngayon ang galit sa akin. Lahat ng lakad ko ay pinagduduhan niya na keso may mga pinaplano akong hindi maganda." "Bakit, hindi nga ba? Tumigil ka na ba sa plano mong paglalayas kasama ang mga bata? Ikaw ang nagbigay sa kanya ng dahilan para hindi siya magtiwala sa iyo at higit sa lahat kota ka sa kakasinungaling sa kanya!" Pagpapamukha niya sa aking mga kagagahan. Pagkauwi ko sa bahay dumiretso ako agad sa aking kwarto para makapagbihis. Alam ko nasa kwarto ng mga bata si Rex, ganun naman lagi tuwing wala siyang pasok. Tuwing andun siya hindi ako pwedeng pumasok dahil momento nila iyon. Pagkatapos ko magbihis bumaba ako para kumuha ng pagkain sa kusina, medyo nagugutom na kasi ako. Hindi kasi ako nakakain sa labas kanina pakiramdam ko mabibilaukan ako kapag kumain ako. "Mam, dumating na po pala kayo. Umalis nga pala si sir Rex, tumawag si sir Jordan at kailangan daw siya sa Palawan." Paliwanag ng yaya ni Xander. "Ah! Ganun ba. Salamat po manang." Kita mo umalis pala siya pero hindi man lang ako tinext. Pwede namang itext niya sa akin na aalis siya, kahit yun lang! Buong araw kami ngayon na tumambay dito sa bahay. Inayos ko ang aking mga halamang nasa paso. Nagtrim at diniligan din. Gusto kong tapusin ang mga gawain ko ngayon dahil bukas ipapasyal ko sila sa mall. Wala naman si Rex na magbabawal sa aking lumabas. Kailangan kong makalanghap ng ibang hangin at maiba ang aking paligid. Nakakaburo dito sa condo kung sana sa bahay ni kuya at daddy. Maluwag luwag pa at marami akong magagawa na mapaglilibangan. *********** Nababagot ako sa biyahe pauwi. Namiss ko ang aking mga anak.. Haaaay! Kung bakit naman kasi nadelay ang aking flight. Pagkarating sa airport tinawagan ko agad si Mang Dido na sa labasan na ako at naghihintay. Nakangiti kong tinitignan ang mga pasalubong ko lalo na sa mga bata. Pinapauwi rin ako nina daddy sa London. Kailangan kung mabilin ng maayos ang bantay nina Samantha. Siguro palipatin ko na sila sa Quezon para mas maluwag kaysa sa condo. Nagbuhol - buhol ang sasakyan sa kalsada papunta sa condo ni Sam. Hindi naman ganito katindi ang traffic dito pero bakit ngayon halos isang oras na usad pagong masyado ang galaw ng mga sasakyan. Excited at namimiss ko na ang aking mga anak. Biglang nagtayuan ang aking balahibo na pinagpapawisan ang aking kamay. Nakaramdam ako ng matinding kaba sa pagtambol ng aking dibdib. What the f*ck is going on! I feel shivers thinking of them. "Mang Dido, anu hong problema?" Tanong ko sa aking personal driver. "Sir, may matinding sunog daw ho sa isang tower kaya nagkaroon ng matinding traffic." Nakaramdam ako ng kilabot sa aking katawan. Hindi na ako mapakali sa aking upuan. Malayo - layo pa ang condo ni Sam. Bumaba ako sa sasakyan at tumakbo papunta sa direksiyon ng condo ni Sam. Hindi ko na pinansin pa ang tawag ni Mang Dido. Ang utak ko ay gustong makarating agad sa bahay ni Samantha. Hinihingal akong nakarating sa gusali nina Samantha. Sa tindi ng sunog ay binakuran nila ang daanan. Nagtambulan sa kaba ang aking dibdib at pigil hininga akong nakatitig sa tinututop ng apoy. Tinabig ko ang kumpulan at nilapitan ang grupo ng ibang bombero at rescuer. May mga sugatan na silang nailigtas na nakabalandra sa pasilyo. "Kuya, anu hong nangyayari?" Nanginginig kung tanong sa isa sa mga rescuer. "Nasunog po ang right wing ng Solace Condominium. Tatlong kwarto ang naging abo. Ang isang kwarto wala pa ang may - ari pero yung room 504 hindi nila mapasok tanging sa room 503 lang ang nailigtas." Para akong binagsakan ng langit at lupa. Paulit - ulit kong binigkas ang 504 sa aking utak. Nung mapagtanto kong room iyon ni Samantha ay nagwawala at nagpupumilit akong pumasok sa loob ng gusali. Damn it! My kids and Samantha were there. That's her room! "Samantha!" Paulit - ulit kong sigaw habang pinagtulungan nila akong pigilan na huwag pumasok, kita ko ang pahirapan nilang pagpatay sa apoy na patuloy sa pagliliyab sa kwarto ni Sam. "Nooooo!" Malakas kung sigaw. Lalo akong nagwala at nagpupumiglas sa kanilang pagkakahawak sa akin. "Iligtas niyo sila officer, please!" Nagmamakaawa kong pag - iyak. Binitawan nila ako at pinaupo sa lupa. "F*ck Samantha! Please, noo!" Nakaluhod kong pagsigaw na umiiyak. This is my fault I shouldn't leave them here! "S-Sir, ang a-asawa at kambal kong anak ang n-nasa room 504. Please! Nagmamakaawa akong iligtas niyo sila." Umiiyak akong lumuhod sa kanilang harapan para iligtas sila. Nasa ganung kalagayan akong nadatnan ni Mang Dido. "S-Sir Rex." Tawag niya sa akin. "Mang Dido ang pamilya ko. Si Sam ang mga bata!" Nanghihina at utal kong sagot. "Mang Dido!" Humagulgol kong pag - iyak. Napakalupit naman ng tadhana sa amin. Bakit paulit ulit nalang silang kinukuha sa akin. "Sir tignan niyo po kung sila ang pamilya niyo." Tawag ng rescue team pagkalapag sa mga katawang naisalba. Nagmadali akong lumapit pero nagdarasal akong hindi sila ang isa sa mga nasunog na bangkay. Isa - isang inilalapag ang mga sunog na sunog na katawan na hindi mo makikilala kung sino. Dalawang bata at tatlong malalaking bulto. Napahagulgol ako sa pag - iyak na naginginig habang nakatitig sa kanilang sunog na sunog na katawan. Nanghihina akong napaluhod. Gusto ko silang hawakan at yakapin. Sumigaw ako ng malakas! "Bakit!" "Bakit mo sila kinuha sa akin, hindi pa ba sapat ang pagkuha mo kay Coleen? Bakit pati ang walang kamuwang - muwang kong mga anak ay kinuha mo rin sa akin!" Umiiyak kong pagsigaw. Pinagsusuntok ko ang sahig habang umiiyak na sumisigaw. "Bakit madamot ka?.." Malakas kong sigaw na pag - iyak. "I'm sorry Samantha! I'm really sorry!" Gumapang ako papalapit sa dalawang maliliit na katawan na sunog na sunog. Hinaplos ko ang kanilang ulo. "Anak, patawad wala si daddy. Patawad hindi ko kayo nailigtas! Mahal na mahal ko kayo." Umiiyak kong pagyakap sa kanilang sunog na katawan. Lumapit sa akin si Mang Dido. "Sir Rex!" Napaluhang tawag sa akin ni Mang Dido. "Mang Dido!" Palahaw kong pag - iyak. Ang mga anak ko! Bakit sa ganitong paraan mo sila kinuha sa akin? Bakit? Muli kong pagtangis habang yakap - yakap pa ang ang kanilang sunog nakatawan. "Sana! Sana ako nalang ang kinuha mo huwag sila.. Sana ako nalang!" Pagsusumamo kong daing!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD