PAIN OF LOVING HIM

1392 Words
Muntik mabuko ang sekreto ko sa aking magulang. Kung bakit sa dinami dami ng araw na magparamdam ka anak sa importanteng araw pa. Akala ko manganganak na ako pero hindi pa, umeksena ka lang pala. Sabi ng doktor sobrang napagod ako at stress. Paano ba naman kasi hindi mastress kung anu - anu ang ginagawang magpapakastress. Sabi nanaman ng aking utak na hindi na umaayon sa aking mga kalokohan. Kahit ganun ako kaimpakta hindi naman ako pinapabayaan ni Rex. Hindi naman magtataka ang magulang ko sa kanyang wagas na pag - aasikaso dahil simula naging magkaibigan sila ni kuya ay anak na ang turing nila sa kanya. Kapag wala si kuya siya ang nag - aasikaso sa akin. Nagyong buntis naman ako doble ang kanyang pag - aalaga simula sa pagkain, paglalaba, paglilinis at pamamalengke inako ni Rex sa kagustuhang makakain ko lahat ang mga masusutansiya at hindi rin kami mapapahamak. Naghahanap din siya ng katulong na makakasama ko pagkapanganak ko. Masarap pala talaga sa pakiramdam na alagaan ng isang Atty. Rexxie Samuel Jimenez. Naranasan ko ring maalagaan niya na dating pag - aalaga niya kay Coleen. Sana ako nalang si Coleen para pati ang puso niya ay magiging akin. Masyado na ba akong garapal sa kakapal ng mukha na pati ang pagmamahal niya ay gusto kong maangkin? Coleen, hindi naman siguro pagmamalabis na hilingin kong ako naman ang mahalin niya. Pwede bang ipaubaya mo na siya sa akin? Alam kong kalabisan na siya ang ama ng anak ko at hihilingin ko pa ang parteng nakalaan sa iyo pero wala ka na, kaya sana ibigay mo na siya sa akin. Nagpaubaya naman ako nung buhay ka pa pero ngayong wala ka na baka pwedeng sa akin naman siya. Hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang aking luha. Masakit at mahirap mamalimos ng pagmamahal. Umalis ako dahil sa sakit na 'yun, pero bakit ngayong patay ka na, sa iyo pa rin ang puso niya. Sa iyo pa rin umiikot ang kanyang mundo. Hanggang kailan mo siya aangkinin? Alam kong anumang oras ay pwede na akong manganganak na pero pinilit kung pumunta sa sementeryo at dalawin ang puntod ni Coleen. Gusto ko siyang maka usap! Madali ko lang nalaman kung nasaan dahil sa mga larawan nilang nakapalibot dito sa condo ni Rex. Pati ang pagtulog niya sa puntod ni Coleen ay nakadisplay pa. Tuwing nakikita ko ang larawan, pakiramdam ko tinatarakan ng kutsilyo nang paunti - unti ang aking puso na ramdam ko ang kirot at sugat. Bawat hiwa ay alaala na kailanman hindi ko masusungkit ang kanyang puso. Siguro ang pagiging tatay nalang niya sa anak namin ang tanging makukuha ko. Huwag na akong umasa na mamahalin niya ako katulad ng pagmamahal niya kay Coleen. Dapat sana nakaalis na ako bago pa niya malaman na buntis ako para hindi na pahirapan ng kalooban. Nakarating ako sa puntod niya na maliwanag pa. Nagpahintay ako sa taxi na sinakyan ko dahil hindi na ako pwedeng magdrive kaya hindi ako nagdala ng sasakyan at hindi rin pwedeng gabihin dito mag isa lalo pa at buntis ako. "Kuya, sandali lang po ako. Pakihintay niyo na po ako. Salamat." Tumango naman si mamang driver. Malinis ang puntod niya, halatang may nag - aalaga o may taong galing dito dahil sa sariwang bulaklak na nakapatong. Buti ka pa Coleen, dahil kahit wala ka na patuloy ka niyang minamahal at inaalala. Masarap siguro talagang mahalin niya? Hinaplos ko ang kanyang lapida, ngayong araw pala ang anibersaryo ng iyong kamatayan. Kaya pala malinis ang iyong puntod. Ipinatong ko sa tabi ang dala kong bulaklak at nag - alay ng dasal. "Coleen, alam kong masyadong makapal na ang aking mukha para puntahan ka dito, samantalang inangkin ko ang dapat na ikaw sana ang magdadala. Hindi ko rin naman ginustong mabuntis niya dahil alam kong alam mong, mahal na mahal ka niya. Kung may taong gusto niyang maging ina ng mga anak niya ay ikaw yun. Pero Coleen, pwede ba akong humiling? Pwede bang ibigay mo naman siya sa akin ng buong - buo." Hindi ko mapigilang lumuha, mahirap pala talaga makihati sa pagmamahal. Kung bakit kasi Samantha hinahangad mo pa ang pagmamahal niya, siya naman ang ama ng anak mo. Hindi ba pwedeng maging sapat na iyon? Sabi ko sa aking sarili na ambisyosa. Nasa akin na nga ang lahat pero ang nag - iisang bagay na magpapasaya sa akin hindi ko man lang makuha. "Huwag kang mag - alala Coleen mamahalin at aalagaan ko siya, basta ibigay mo lang siya sa akin. Patawad na marami akong hinihiling sa iyo. Patawad na inaangkin ko ang pag - aari mo." Umiiyak kong sambit. Bawat kataga na aking binibitawan ay unti - unting sumasaksak sa aking puso. Dahil puro katotohanang hindi naman mapupunta sa akin kahit ipagdasal ko pa ng paulit - ulit. Nilisan ko ang sementeryong mabigat ang kalooban. Saksi ang langit kung gaano niya kamahal at pinapahalagahan si Coleen. Anim na taon na siyang patay ngayon pero ni minsan hindi siya kinalimutan. Nahabag ako sa aking sarili, dahil pinipilit kong angkinin ang bagay na hindi pwedeng mapapasaakin. Parang isang bituin na kahit kailan ay hindi mo masusungkit. Mahirap kalaban ang isang patay, kung buhay siya pwede pang maka - usap, pero patay na siya. Dahil sa aking pagtangis, naramdaman ko ang sunod - sunod na pagsipa ng aking anak. Napasigaw ako sa kirot na ikinagulat ni mamang driver. "Ay, maam. Napapaano po kayo?" Nag - alala niyang tanong sabay naghanap ng pwedeng pagtatabihan sandali ng sasakyan. "Kuya, manganganak na yata ako." Nahihirapan kong sagot dahil sa kirot ng aking tiyan. "Dalhin ko na po kayo sa malapit na ospital madam." Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan. Nakarating kami agad sa ospital at mabilis din naman akong inasikaso ng mga nurse at doktor. Habang tinutulak ako papasok sa delivery room, taimtim akong nagdasal na iligtas kaming mag - iina. Nasa loob na ako ng delivery room at gusto na talagang lumabas ng aking anak. Hindi na tinigilan ang sunod - sunod na pagkirot. Wala akong pakialam na ibinuka ang aking hita at tinawag ang doktor. "Dok, lalabas na po." Tawag ko sa doktor. "Bilib ako sa iyo misis, malakas ang loob mo. Ire pa nasa b****a na ang ulo niya." Sabi ng doktor. Inipon ko ang aking lakas at umire. Hiningal ako sa tuwa pagkarinig sa kanyang iyak. "Baby boy misis, 5;45 pm." Abot niya sa nurse. "Ire pa misis, may isa pa." Nanghihina na ako dahil makulit ang kanyang kambal. Ayaw pang lumabas, kanina pa ako umiire. "Naku, maloko yata ang bunso mo misis." Pagkasabi ng doktor na 5 mins na siyang nasa loob, biglang kumirot ang aking tiyan na para akong malalagutan ng hininga. Anak, bakit naman napakapilya mo. Inipon ko ang aking natitirang lakas at umire. "Baby girl, 5;50 pm." Lupaypay na ang aking katawan pagkalabas niya. Inubos nung kambal ang aking lakas. Paano kaya ito. Kanina pa ang tumatawag sa kanyang cellphone. Bahala na sagutin ko na. "Hello." Nanginginig ang aking boses at kamay na sumagot. "Sino ka? Bakit nasa sa'yo ang cellphone ni Samantha?" Galit na boses ng nasa kabilang linya. "Sir, pasensiya po kayo at sinagot ko. Andito po kami sa os-" Hindi ko natapos na sabihin dahil sa paghysterikal niya. "What? Saang ospital yan? Anung nagyari sakanya? Nasaktan ba sila?" Sunod - sunod na tanong niya. "Sir, Natividad Hospital po." Pagkatapos ng isang oras, may lalaking tumatakbong palapit sa front desk. "Miss, nasaan ang pasyenteng buntis na dinala dito?" Taranta niyang tanong. "Sir." Mabilis siyang lumingon sa akin. "I-Ikaw." "Kakalipat lang po sa kanila sa isang room. Inantay ko lang po kayo para may kapalit na magbantay sa kanila at ibigay itong gamit ni madam." Pumikit siya bago tuminging muli sa akin at magsalita. "S-Salamat. Pasensiya na po kanina at nasungitan ko po kayo." Nautal niyang sagot at mukhang tumakbo papasok dahil hinihingal pa siya. Ngumiti ako sa kanya. "Walang anuman sir, alagaan mo po sila. Nahirapan po siyang manganak sa malulusog na kambal." Nawala ang malapad kong ngiti nung kumunot ang kanyang noo. Naisip ko tuloy may nasabi ba akong mali. "S-Sigurado ka manong kambal ang bata at siya ang may - ari ng telepono na sinagot mo?" Madilim ang kanyang mukhang nagtatanong. "Sigurado po ako sir." Muli siyang pumikit bago nagsalita. "Maraming salamat manong sa pagdala sa kanila dito." Kanyang sabi bago abutin ang bag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD