LUIGI

1553 Words
Pinili kong kumain sa lugar na ito kasi tahimik. Ayaw kong ginagambala habang kumakain ako. Isa pa dito ang gusto ko ngayon na kainan, bihira akong kumain dito pero dito ako ngayon natatakam. Sisimulan ko sanang kumain nung may tumawag sa akin. "So totoo talagang buntis ka?" Kanyang mabibigat na salita. Ibinababa ko ang aking kubyertos na hawak bago lumingon para tignan kung sino siya. Lumaki ang mata kong pagkakita kay Luigi, my stalker na matagal kong tinatakasan. Anung ginagawa niya rito? Paano niya ako nakita? Pero bakit parang malungkot siya? "L-Luigi!" Gulat kong sambit. "Kumusta ka na? Pwede ba akong umupo?" Tanong niya. Hindi ako sanay sa kanyang kabaitan. Kilala ko siyang playboy at flirt. At least that's what has registered in my head since I met him. "Am fine! Maupo ka. Ikaw, anung ginagawa mo pala rito?" Nagpapakatatag kong tanong. Nalilito kasi ako sa kanya, the last time I remember binantaan niya ako. "I know exactly what is running in your head!" Kanyang sagot sabay tawag sa waiter at umorder ng kanyang pagkain dahil may pagkain na sa mesa ko pero hindi ko magawang kumain. "You think, I'm a pervert katulad ng ikinalat mo sa Australia." May pait sa tono ng kanyang boses sa huli niyang sinabi. "Isn't it?" Diko sinasadyang nasambit, bago ko pa mabawi lumabas na sa matabil kung bibig. "Do you know that my father is the Ambassador?" Lumaki ang aking mata at napahawak sa aking bibig. How would I know that, hindi ako interesado sa kanya at hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makilala siya o makilala niya rin ako. "I didn't know." Napabuntong hininga kong sagot. "I know and you put our family in chaos dahil sa iniwan mong kalat na hindi ko naman nagawa." Sumandal siya sa kanyang upuan at sumipsip sa kanyang juice. I felt guilt slowly consuming me. "I'm sorry!" Muli kong sabi. Malalim ang kanyang tingin sa aking mata sabay napatawa ng mapakla. "I'm sorry! If, you need me to clear everything I can help you." No choice kung offer at mabilis na lumabas sa aking bibig. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa, siguro nga naging judgemental ako sa kanya. Ganun naman talaga kapag umiikot ang mundo natin sa isang bagay nakakalimutan natin ang ibang bagay na importante ang masaklap pa niyan kung anu pa yung basic. "Do you know how much I adore you Jessica? The first time I saw you, nagustuhan na kita. Hindi ka na nawala sa puso at isipan ko. Sabi ko sa sarili ko, ikaw ang babaeng gusto kong iharap sa simbahan. Ikaw ang babaeng gusto kong maging ilaw ng aking tahanan at ina ng aking mga anak. Siguro nga, I scare you for following you around making me like a bad guy stalker. Pero gusto ko lang maprotektahan kita." Muli siyang lumagok sa kanyang juice at malungkot na tumingin sa akin. "..." Hindi ko alam kung anu ang isasagot ko sa kanya. Anu ba ang pwede kong sabihin sa bagay na yan. Everything is new to me. Kung sana binigyan ko siya ng pagkakataon na makilala namin ang isat - isa kahit magkaibigan lang siguro hindi kami umabot din sa ganitong sitwasyon. Isa nanamang tao ang nasaktan ko. "I threatened you because you put my family in hell leaving me behind to clean the f*cking mess. Hindi ganun kadali linisin ang isang eskandalo lalo pa at politician ang daddy ko. Ngayong nahanap naman kita, buntis ka na." Patuloy akong nakikinig sa kanyang mga sinasabi. "Mahal kita Jessica, kahit na sinira mo ang buhay ko, hindi ko magawang magalit sa'yo." Tumawa siya ng pilit. "Bakit ganun, hindi ako naging masama sa iyo pero masama ang iginanti mo sa akin. Gusto kong parusahan ka sa ginawa mo sa akin pero mas nanaig ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi ba may mali doon Jessica? Dapat ngayong nakita kita ay pagbabayarin na kita!" Pumipiyok na niyang salita. Siguro nga naipon ang lahat nang sama ng loob niya na ngayon lang niya nagawang mailabas. Ganun ba talaga ako naging kasama sa kanya? Masama na ba talaga akong tao ngayon? Ilang tao pa ang masasaktan ko na hindi ko nalalaman. "I-I'm sorry, Luigi. I'm really sorry.!" Paghingi ko ng paumanhin sa kanya na kanyang tinawanan lang. Mahal niya ako pero hindi ko siya mahal. May mahal din ako pero hindi ako ang mahal niya. Hindi ba ang saklap, tapos pinagtagpo pa ulit kami ng sakim na tadhana. Tama siya, may mali nga! "I mean it Luigi. Hindi ko pwedeng gantihan ang pagmamahal mo dahil matagal na akong may mahal na iba." Pero hindi niya ako mahal gusto ko sanang idugtong pero better that way para hindi na siya umasa. Mas masakit kasi kapag umasa kang may pag - asa pa kayo. "Is he the father of your child?" He ask, this time may luha na sa kanyang mata. Hindi na niya pinigilan ang pagpatak ng kanyang luha na kanina lang ay ikinukubli niya sa pagtawa tawa. "I'm sorry Luigi." Ito lang ang alam kong sabihin sa kanya. To say how sorry I am. I'm really sorry that I hurt him without knowing it! "We can be friends if you want?" Biglang katagang lumabas sa aking bibig. Samantha, sigurado ka jan, mag offer ka ng pagkakaibigan samantalang ikaw ang dahilan ng kanyang kalungkutan. Sabi ko sa aking sarili. Naghiwalay kami ni Luigi na mabigat ang aming loob. Kitang kita sa kanyang mata ang sakit at panghihinayang. Kung sana nga lang pwedeng turuan ang puso na magmahal ng iba, ginawa ko na kaso hindi naman kasi ganun kadali. Mabigat ang loob ko dahil nasaktan ko siya sa maling akala. Siguro kung pwedeng ibalik ang nakaraan, binigyan ko siya ng pagkakataong makilala siya at makilala niya rin ako. Pakiramdam ko, unti - unti kong nasasaktan ang mga taong nasa paligid ko. Ang pamilya ko, oras na malaman nila ang sekreto ko siguradong masasaktan ko rin sila. "Where have you been late at night Samantha?" Nagulantang ako sa pagmumuni dahil sa boses ni Rex. Hindi ko alam na andito na pala ako sa bahay. Hindi ko rin napansin ang bukas na pintuan at ang nakatayo niyang bulto. "Sorry, nakipagkita kasi ako sa aking kaibigan." Mahina kong sagot dahil pagod ako. Gusto nang katawan ko ang humiga. Pakiramdam ko ubos na ang aking lakas. "Samantha, please stay at home dahil dalawang buwan nalang manganganak ka na. Hindi ka ba nahihirapan gumalaw sa laki ng tiyan mo?" Nag - aalala niyang tanong habang sinipat niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "I will, kailangan ko lang kasing bumili ng vitamins at iba pang personal needs ko." Pagsisinungaling ko sa kanya. Reyna na talaga ako ngayon ng mga sinungaling. Push pa Samantha yan! Pang - uuyam ng aking utak. "Just tell me what you need, ako na ang bibili." Tumango ako sa kanya bago umakyat sa kwarto ko. Simula nabuntis ako madalas siyang umuwi dito, minsan ako naman ang pinapauwi niya sa kanyang condo.. I seldom visit my parents. Natatakot akong madulas ako sa katotohanan. My heart aches wanting to tell them, but my brain always says no! I really don't know what I want now. I just want his damn love! ****** "You really did meet her?" Gulat na tanong ni Libya. Pinapunta ko siya dito sa aking condo, kailangan ko kasi nang taong makakausap at kasamang tumagay. Libya was one of my friends at kilala ako. "Yeah! I did, but it hurts to see her pregnant and it's not mine." Malungkot kong sagot sabay tungga sa aking beer. "Luigi, don't hurt yourself too much! Bata pa lang siya may nakalaan na sa puso niya kaya hindi mo rin yun makukuha. He love that man since she was ten years old. It's my fault, dapat pala hindi ko na siya ipinakilala sa iyo. Akala ko din kasi nakamove on na siya pero hindi pala." Ansakit, maipamukha sa iyo ang totoo pero siya parin ang itinatangi ng iyong puso. Sana di remote nalang ang puso para pwedeng pihitin kapag ayaw mo na. "I just wish, I still had a chance to have her heart." Gusto kong umiyak at sumigaw, pero para saan pa. Lumagok pa ako sa aking beer. Nakatitig lang sa akin si Libya na may lungkot sa kanyang mata. Kung sana siya nalang ang minahal ko baka hindi ako nasasaktan ng ganito. She's a good friend. She has everything a man wants. Isa pa single din siya walang sabit pero hindi ko kayang iupgrade ang pagmamahal ko sa kanya. Mahal ko siya bilang isang kaibigan. "Attend ako sa kasal ng kapatid ni Jessica. Be my scort kung gusto mong makita siyang muli bago ka bumalik sa Australia. Sa susunod na buwan ang kanilang kasal." Kanyang sabi. Pumikit ako para makapag isip ng mabuti. "I'll call you kapag makapagdesisyon na akong sumama sa iyo." Tipid kong sagot dahil nalilito ako sa pupunta at hindi pupunta. "Take your time Lui. You will find the right woman soon. Just take care of your heart this time." Kanyang sagot bago umalis. Yan ang isa pang nagustuhan ko sa kanya, alam niya kung anu ang kailangan ng kanyang kausap. Tama naman siguro siya. Subukan kong hilumin muna ang sugat at baka makita ko rin ang taong para sa akin. Masakit pala magmahal ng taong may mahal ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD