PLANNING

2007 Words
Buti naman naisipan ulit ni Libya magbakasyon dito at namiss ko rin siya. Sabi niya nakauwi na siya sa Pilipinas para magbakasyon, noong nakaraang linggo pa. Kaya naman kahit mukha akong chakang buddha pupunta pa rin ako sa mall para makipagkita sa kanya. Namiss ko na rin ang bruhang yun. Namimiss ko rin ang mga dati naming ginagawa na hindi ko na nagagawa ngayon. "Bruha ka talaga! Gandang buntis ka naman!" Sigaw niyang tumatakbo papunta sa akin kahit nakatakong ng mataas, model sanay na sa paglakad kahit gaano kataas pa ang takong na susuotin namin. "Libya bruha ka din." Sigaw ko rin sakanya na kumakaway at hindi naman ako makatakbo. "So, totoong buntis ka at ngayon ka lang nagsabi nung malaki na ang tiyan mo? May balak ka pa bang magsabi sa akin na nagpabuntis ka na pala!" Maktol niya dahil partners in crime kami sa New York at Australia. Siya ang dahilan kung bakit nakabili ako ng property sa Australia. Doon siya lumaki at Australiana ang kanyang ina. "Sorry naman daw at hindi kita nainform agad na nahipan pala ang aking tiyan hayan mas malaki pa sa lobo." Sagot ko sa kanya na tinawanan lang niya. "Walang hiya ka talagang bundat ka! Masarap ba magpalaki nang ganyang lobo?" Muli niyang tanong na hindi ko alam kung nagtatanong lang ba talaga o tinatawanan ako. Hinampas ko siya sa kanyang balikat. "Oo! Mas masarap sa milk tea mo!" Banat kong sagot na tinawanan niya ng malakas. Lingunan ang mga tao sa mall dahil sa eskandalosa niyang tawa. "Hoy! Libya humunos dili ka nga at agaw pansin na tayo dito." Sita ko sa kanya. "Kasi naman napakasarap ang pasalubong mo sa akin oh! Isang malaking lobo! Kakanta na ba ako?" Muli niyang alaskador na hirit. "Pwede ka namang humabol bruha ka. Baka mas malaki pa nga ang magiging lobo mo." Banat ko rin sa kanya na muli niyang tinawanan ng malakas na may pagpalakpak pa ng kamay. Aba't lintek talaga ang bruha na ito marami yatang baon ngayon. "Haha. Huwag kang mag alala bruha dahil hindi ko isesekreto sa iyo. Idedetalye ko ang lahat ng pangyayari. Sabihin mo lang kung paanong detalyado ang kailangan mo." Sabi niya sabay tumawa. Pinunasan pa ang kanyang luha sa kakatawa. "Bwisit ka talaga! Mukhang nasa mood ka ngayon. Marami ka yatang baon jan. Simulan mo na at baka abutin tayo ng gabi hindi mo pa maikwento sa akin." Sabi ko sa kanya. "Ito mga regalo ko sa iyo. Bitbitin mo na dahil hindi ka naman nagsabi na isa ka na palang buddha o nahipan na lobo." Muli niyang banat. "Walang hiya ka talaga Libya. Tara na nga uminom ng paborito mong milk tea baka malamigan ang sinasabawan mong utak." Aya ko sa kanya sabay tumungo sa pinakamalapit na milk tea shop. "Sure! Dapat libre mo ang milk tea na yan. Mukhang magcecelebrate tayo sa paglobo ng iyong tiyan." Palatak niyang hirit sabay tanggal ng kanyang sunglasses at tumingin sa aking tiyan. "Kung kaya mo nga lang akong tulungang makaalis ngayon, ililibre kita sa buong taon na milk tea mo!" Dahil yan ang paborito niya kahit anung season at anung drama sa buhay. Tambakan mo lang ng milk tea, magiging okay na siya. Hindi siya coffee lover, but milk tea addict. "What? Are you really damn serious!" Gulat niyang sagot. "Oo seryoso ako basta tulungan mo lang ako. Iyon ang kondisyon ng libreng milk tea!" Sagot ko sa kanya. "Alright! Pero depende kung anung klaseng tulong naman yan Jessica. Baka matutulad kay Luigi iyan nakakahiya naman." Kanya ring sagot. "C'mon Libs ikaw lang nakakaalam ng sekreto ko at pwedeng tumulong sa akin na hindi niya kilala." Mariin kung pakiusap. "Okay! Kaya naman talaga kitang tulungan babe. Kapatid na ang turing ko sa iyo pero may tanong muna ako sa iyo. Sure ka ba talaga na gusto mong iwanan ang ama ng anak mo? You are already head over heels sa kanya buong buhay mo, so why run away? Shouldn't you embrace it?" Nakakalito niyang mga tanong dahil ang utak ko desididong tumalon sa kabilang baybay ngunit ang puso ko lang ang nagpapaiwan. Lintek naman kasing talanding puso ito. Napahamak na nga lahat lahat hindi pa rin natututo o nadadala. "Dahil ito ang sigurado kong tama Libs. I love him so much na ayaw kong masira ang buhay niya dahil sa akin, dahil nabuntis niya ako." Malungkot kong sagot dahil alam kong hindi ko talaga kaya na iwanan siya at natatakot din akong mauulit ang sinabi ni kuya tungkol sa kanya. "Naman pala bruha ka, eh di huwag kang umalis! Hindi mo pala kaya pero nag - iinarte ka pa jan na layasan siya. Chance mo na siyang itali sa paa mo. Walang iwanan, ganun ang laban bruha ka!" Kanyang banat na hindi mo alam kung pinapayuhan ka ba talaga o nilalait. "Hindi ko alam Libya. Nananaig kasi rin ang sakit sa puso ko na pagmamahal bilang kapatid lang nasa puso niya para sa akin. Masyado ba akong makasarili para pangarapin ang higit pa doon Libya?" Malungkot kong tanong sa kanya. "Sorry Jes ha pero naiintindihan ko naman ang point mo kaso may anak na kayo eh! Hindi na katulad dati na pagtingin lang at pwede kang tumakas kahit anung oras mo gusto kapag nasaktan ka, ngayon kasi may anak na kayo eh! Alam mo mahirap din yang gusto mong gawin kasi ang anak mo ang magiging kawawa. Mas mabuti pang magsakripisyo ka kaysa isakripisyo mo ang mga anak mo." Kanyang pangkokonsensiya para hindi ako umalis, pero buo na ang desisyon kong iwanan siya. Ganyan katigas ang ulo ko. Humingi ng payo pero hindi ko naman kayang sundin. "You don't understand Libby. I can manage to take care of my child. Hindi ko siya kailangan at hindi rin niya kailangang maitali sa akin para matigil ang buhay na gusto niya. It's not worth it to stay Libby, worst is yet to come. Why not cut it short while I still can. Walong taon akong namuhay mag - isa kakayanin ko pa sa susunod na taon." Muli kong pilit na paliwanag sa ponto ko. "Oo, siguro ikaw Jessica pero naisip mo ba ang anak mo? Sigurado ka rin bang patatahimikin ka niya? Sinabi ba niya sa iyo na ayaw niya ang kanyang anak dahil kapatid ka lang niya?" Kanyang sunod sunod na tanong. Yumuko ako at hinaplos ang aking tiyan. "Umamin ka nga sa akin. Aksidente ba talagang nabuntis ka o ginusto mong magpaanak sa kanya?" Muli niyang seryoso na tanong na may paniningkit ang kanyang mata. "What? Are you f*cking serious Libs. Hindi ah! Seryoso hindi ko ito pinlano, maniwala ka sa akin at hindi ko gugustuhing masabunutan ni daddy sa harapan niya at sa ibang tao." Nakanguso kung sagot habang hinahaplos ko ang aking tiyan na napakalaki na. "Did what? Talaga sinabunutan ka ni tito James for being insane? Baka kulang pa ang sabunot niya sa iyo para matauhan ka!" Hindi makapaniwala niyang tanong. He already meet dad and mom sa New York. "Siguro nga kulang pa. Magpasabunot pa yata ako sa kanya baka tama na ang gagawin ko!" Napabuntong hininga ako ng malalim saktong sipa ng aking anak ng malakas. "Ouch!!" Natarantang napalapit sa akin si Libya. "What? Napapaano ka?" Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. "Sumipa nang malakas si baby." Hinaplos niya ang aking tiyan at kinausap. "Baby, ako si ninang mo na maganda. Magpakabait muna kayo jan ha at huwag maging soccer player agad - agad. Maliit pa ang playground jan sa loob!" Kanyang sabi. Tumawa ako sabay batok sa kanyang braso. "Baliw ka talaga Libya kahit kelan!" Ani ko sa kanyang kalokahan. Lutang ang utak kong naglalakad palabas ng mall. Wala kasi kaming magustuhan na kainan dito kaya lilipat kami sa tapat na mall at puro kainan. Hindi ko alam na nasa tawiran na pala kami at hindi ko napansin ang motorsiklo na mabilis ang takbo na kamuntikan akong mabangga kung hindi dumating agad si Rex at mahila ako sa tabi ng kalsada. What Rex? Why is he here? "What the hell are you thinking Samantha!" Nagpupuyos niyang galit na bulyaw sa akin. I'm speechless, I don't know what to say. Hindi ko inaasahang makikita ko siya dito. "I-I'm sorry!" Mahina kong sagot. He calm down holding me tight. "Are you okay? Are you hurt? Nahihilo ka ba or what?" Natulala ako sa sunod sunod niyang tanong na may pag - aalala. Maniniwala sana ako pero alam kong sa bata ang pag - aalalang yun. Saamntha grow up! Siniko ako ni Libya para sumagot at nakatulala nanaman pala ako. "Yeah, I'm fine. Thank you." "This is not the safe side of the road. Where are you going at ihatid ko na kayo.?" Mariin niyang bitaw na salita. "Kakain lang jan sa tapat na mall." I answered dryly. Hindi ko na ipinakilala si Libya better that way. "Babe mauna na ako sa loob, sumunod ka nalang." Sabi agad ni Libya pagkarating namin sa tapat ng kainan, nagmamadali siyang pumasok. "Thank you! Anu pala ang ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Rex bago pumasok sa loob. "I had a confidential meeting sa Max when I saw you walking out of your mind. I immediately rushed before you will hurt yourself!" Kanyang sagot na nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. Checking if I'm really fine. "Sorry, sige bumalik ka na baka inaantay ka na nila sa loob. Okay na ako rito at kasama ko naman ang kaibigan ko." Pagtutulak ko sa kanya. "Should I pick you after your lunch?" Sigaw niyang tanong. Umiling ako dahil ihahatid na ako ni Libya hindi na niya kailangan pang mag - abala pa. "Please, take care of yourself Sam!" Muli pa niyang sigaw. Kumaway lang ako sa kanya para pagtugon. Nakapasok na ako sa restaurant na kakainan namin pero hindi umiimik si Libya na seryosong nakatingin sa mesa habang inaantay namin ang aming pagkain. Inobserbahan ko siya bakit bigla siyang nanahimik. I'm torn into leaving and staying. Wala pa ring imik si Libya, hindi ako sanay na tahimik siyang ganyan samantalang kanina andami niyang banat. She's a bubbly and a boisterous woman. "Libbie!" Tawag ko sakanya. Nag - angat siya ng tingin pero tikom pa rin ang bibig. Akmang magsasalita na sana siya saktong dating ng aming pagkain. Natapos kaming kumain na walang nag - iimikan. Hindi na rin kami nagkwentuhan pa na katulad ng dati. Contemplating what exactly happened bakit naging pipi siyang bigla. Wala naman siyang sakit para biglang mabago ang kanyang mood at saka hindi naman siya moody. "Libbie, okay ka lang ba? Hindi ako sanay na tahimik ka. May nangyari ba pagpasok mo kanina?" Muli kong tanong sa kanya pagkatapos naming kumain. Pinikit niya muna ang kanyang mata at huminga ng malalim bago sumagot. "Okay lang naman ako Jessica, pero ikaw okay ka lang ba talaga?" Balik niyang tanong pagkapaandar ng kanyang sasakyan. Parang may bumabagabag sa kanya. "Okay lang din naman ako Libs." "Jessica, I don't really think madaling takasan ang ama ng anak mo and I didn't expect -" Hindi niya tinuloy ang gusto niyang sabihin. "I don't think I can help you Jess, kaya kitang tulungan sa ibang bagay, but running away from him I can't babe. I really can't! I'm sorry!" Malungkot niyang sagot, parang may gusto pa siyang sabihin pero pinili niyang itikom ang kanyang bibig. Nakahiga na ako sa aking kama pero hindi mawala sa akin ang reaction ni Libbie kanina. Una ang pananahimik niya, pangalawa ang biglang pag - ayaw niyang pagtulong sa akin saka ang kanyang hindi maipintang mukha. Nahihirapan na nasasaktan ang laman ng kanyang mata. May mga nakatagong lihim na hindi niya kayang masabi. Anu ang mga bagay na gumugulo sa kanya, sino si Rex sa buhay ni Libya. Magkakilala na kami ng walong taon pero wala akong matandaan na magkakilala sila. What is the big fuss this time? Things aren't going my way. Lalong nagiging komplikado ang lahat o ako lang talaga ang nagpapakomplikado ng lahat. Nakatulog ako na puno ng agam - agam sa aking isipan at mabigat na kalooban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD