TROUBLES

1560 Words
Napili kong bumalik na dito sa Cebu dahil okay naman na si kuya at maayos na nakabalik na sa kanyang trabaho and he don't need me at all. Anita has been already there for him that I'm so grateful for. Now, is the right time for me to run away from him too, but how can I do it. Malaking kasalanan na rin na inilihim ko sa aking mga magulang ang totoong kalagayan ko at katotohanan. Is it too much to asked to be free. Kapag naman pipiliin kong manatili sa kanyang tabi, anu ang mangyayari? Anu ang gagawin ng aking magulang? Gusto kong umalis pero hindi ako makaalis - alis dahil halos bente kwatrong oras akong binabantayan ni Rex. Nakukutuban niya yatang may pinaplano ako at malabong sasabihin naman ni kuya ang plano ko sa kanya. Rex baka pwedeng hayaan mo na akong umalis, kapag malaki nalang siya saka kayo magkita at mag usap. Alam ni kuya na siya ang ama ng anak ko at nakiusap akong huwag na huwag niyang sasabihin kahit kanino. Buhay ko ito at ito ang gusto kong gawin. I really need to get out from his sight, but how? Habang tumatagal na kasama ko siya pakiramdam ko mababaon na ako sa kanya at hindi makakaahon pa. Kinakaya kong labanan ang nararamdaman ko pero ngayon mukhang mahihirapan ako kapag nagtagal pa ako. Idagdag pang nagiging puhunan ko ang nasa sinapupunan ko. My feelings tripled kaysa noong siya lang pero ngayong may bata nagugulo ang aking desisyon.. "Samantha, wala ka ba talagang matandaan man lang sa lalaking nakaulayaw mo ng isang gabi. Kailangan ng anak mo ang kanyang ama. You grew with a perfect family kaya hindi mo malalaman anu ang pakiramdam ng lumaking kulang ang pamilya." Dad ask as he entered the living room. Abot tanaw ko lang naman siya dad pero hindi pa ako handang isiwalat sa buong mundo. Bulong ko sa aking sarili para hindi marinig ni daddy. "Sorry dad, I can't really picture him, but I'll try to remember." Muli kong pagsisinungaling sa kanya. Ito na yata ang bagong Samantha ngayon, reyna ng kasinungalingan hindi isang modelo. Jusko Lord patawarin niyo po ako sa paulit - ulit kong pagsisinungaling, huwag niyo po munang susunugin ang kaluluwa ko. Kailangan pa po ako ng magiging anak ko. Bumuntong hininga si daddy bago umakyat sa kanilang kwarto. Sorry dad, maybe soon if I'm already ready, but not now. Habol kong tingin kay daddy na malungkot. Siguro tama si Rex isa pa rin akong bata dahil hindi ako makapagdesisyon ng tama at naayon sa aking edad. Panay ang tawa ko sa isang talk show na pinapanood ko nung sunod sunod ang pagvibrate ng aking cellphone. "Samantha, samahan kita bukas sa check - up mo. Don't try to ditch me this time kung ayaw mong sugurin kita sa pamamahay niyo." May pagbabantang text ni Rex. Haaay! I sighed! Makakahanap din ako ng pagkakataong makaalis sa kanyang radar. Hindi pwedeng manganganak ako dito sa Pilipinas. Panahon na para tumawag ng isang reinforcement. Patapusin ko lang ang kasal ni kuya kaso nilipat nanaman ang araw ng kanilang kasal kaya napapatagal ang alis ko. Maganda ang naging resulta ng aking monthly check up. Maayos naman ang kalagayan naming mag ina at higit sa lahat ay malusog ang aking anak. Pagkatapos ng check up ay umalis din si Rex pabalik ng Palawan inihatid lang ako dito sa bahay. I also hired wedding planner for kuya's wedding since hindi ko na magagawa ang mga bagay bagay sa kalagayan ko. Biglang laki ng aking tiyan at madalas hingalin. Three more months at manganganak na ako sakto pa talagang buwan ng kasal ni kuya. Ang plano kung pag - alis bago manganak ay mukhang hindi na maisasakatuparan. *********** Masaya akong nakatingin sa sonogram ng aking anak, hindi ko nga lang maintindihan ang nakalagay dito. Hindi ko narinig ang tunog ng kanyang pulso at napanood ang kanyang galaw dahil sa pagtawag ni Jay pero may iba pa namang araw. I'm already excited to cuddle him. Still tito James and tita Lorrie doesn't know that I owned the baby. I want to tell them, but Sam insist not the right time yet. Patapusin muna namin daw ang kasal ni Jordan at Anita. Maasikaso ko na rin sila ng tuluyan. I've grown being with Samantha, though she's annoying most of the time. Minsan naiisip ko sinasadya niya ang lahat para lumayo ako sa kanya. Haaay! Samantha, I cared so much to both of you. You're a sister to me that I need to treasure. "Pare seryoso ka jan at nakangiti pa. Anung mayroon baka pwedeng ikwento mo naman para ngumiti ako katulad mo." Panggugulat sa akin ni Jordan. Tinago ko agad ang sonogram sa aking bulsa at hinarap siya. "Nagsalita ang laging nakangiti noon na nakatingin sa kawalan o sa pader." Pahalakhak kong banat sa kanya. "Gago ka talaga pare. Bakit ka nga nakangiti kanina jan?" Muli niyang pangungulit na tanong. "Wala yun pare, katulad mo may naalala lang ako na nakakatawa kaya napapangiti akong mag isa." Tumango naman siya na parang kumbinsido sa sagot ko. Sorry buddy, hindi pa ngayon ang tamang panahon para sabihin ko sa'yo. Pero aasa ka, ikaw ang unang makakaalam kung anuman ang nagpapangiti sa akin. "Friday naman ngayon pare, tara sa dating tambayan." Pag - aaya niya sa akin. Namiss ko na ring kumain doon. Marami na talagang nangyari, ang huling punta ko pa doon noong may nangyari sa amin ni Samantha. "Okay lang ba kay Anita na hindi ka maaga ngayon?" Balik kong tanong sa kanya. "Nagpaalam ako pare, sabi ko magbonding muna tayo. Namiss din kita eh!" Sabi niya. Hayun nanaman ang mga galawang Jordan. ********* Alam kong pinuntahan ni Rex sa Cebu si Samantha at sonogram ang hawak niya kaninang nakangiti siya. Hindi ko siya uunahan, aantayin ko siyang magsabi sa akin. Wala namang magiging problema sa akin kapag magkatuluyan sila, mas kampante pa nga ang loob ko dahil alam kung aalgaan at hindi niya sila pababayaan pero alam kong tanging si Coleen lang ang babae sa puso niya. Simula namatay si Coleen never ko pa siyang nakitang nag - uwi ng babae o nambabae. Namiss ko ang bonding naming ito. Tawanan at kwentuhan kahit walang kwenta habang nag - iinuman. Buti nalang naisipan ko pang gumising muli, akala ko doon na ako sa dilim na yun. Kung hindi ko pinili ang liwanag hindi ko ito mararanasan pa. Now, I could say life is perfect. A few more months at officially akin na siya. "Cheers!" Sabi ko kay Rex sabay pinagbangga ang aming baso. Cheers para sa magandang buhay at panibagong yugto ng ating buhay. "Cheers pare. Sa wakas ikakasal ka na sa babaeng nagturo sa'yo kung anu ang ibig sabihin ng totoong pag - ibig at totoong ibig sabihin ng sakit." Sabi ni Rex sabay halakhak namin. "Cheers din sa'yo pare baka makahanap ka na ng magiging asawa mo." Napaubo siya at nasamid sa aking sinabi. "Sorry pare!" Kanyang mahinang sagot pero narinig ko pa rin. Hindi naman ako magagalit Rex, matutuwa pa nga ako kung ikaw ang kanyang magiging asawa dahil alam kung hindi mo siya pababayaan. Lumagok akong muli sa aking inumin sabay sulyap sa kanya na parang malayo ang tinatakbo ng isip. Pero mahirap talaga turuan ang pusong magmahal ng iba, I learned that. "Hi mahal." Salubong agad sa akin ni Anita pagkarating sa bahay. Ito ang isang hindi ko mararanasan sana, ang masarap na ngiti ng taong mahal mong sasalubong sa iyo galing sa trabaho. Lahat ng pagod mo sa buong araw ay mawawala kapag ganito ang sasalubong sa iyo. Masarap na pagngiti at ng kanyang matamis na halik. "Love sana hindi mo na ako inantay at natulog ka na. Midnight na mahal, maaga ka pa bukas para sa mga bata." Paglalambing ko sa kanya. "Hindi kasi ako makatulog na nasa labas ka pa. Makakatulog lang ako ng mahimbing kapag katabi na kita." Kanyang sagot habang tinutulungan akong makapasok at mahubad ang aking sapatos. Naiyak ako sa kanyang sagot. Hindi ko talaga aakalaing darating kami sa puntong ito. Ako ang taong hindi naniniwala ng mga ganitong bagay kahit na nasaksihan ko naman ang maayos naming pamilya. Pero ito, isang araw may baabeng dumating at giniba ang aking prinsipyo at tinuruan ng maraming bagay. Kung hindi ko piniling gumising hindi ko ito mararanasan. Tumatalon sa tuwa ang puso ko nanabigyan ako ng pagkakataon na maranasan ito. "I love you mahal. Tara na matulog, ayaw kong napupuyat ka." Sabay buhat ko sa kanya paakyat sa aming kwarto. Bago ko siya maibaba nakatulog na sa aking pagkakarga. Malamang pagod siya maghapon at inantay pa ako. Hindi lang ako natouch kundi sumasayaw ang puso ko sa tuwa. Gusto ko na ring sumayaw ng bogie sa saya ko. Simula nagising ako, inalagaan niya ako at spoiled sa pagmamahal niya na kailan man hindi ko aakalaing makukuha ko pa sa kanya sa likod nang lahat ng hindi magandang nangyari. Inaakala ko nga iiwanan nanaman niya ako pagkagising ko pero nanatili siya sa aking tabi kasama ang makukulit kong anak. Mahal na mahal kita Anita. Dahan dahan kong ibinaba at inayos sa higaan. Hinalikan ko muna ang kanyang noo bago umalis sa aming higaan, kailangan ko munang maglinis ng aking katawan at silipin ang mga anak ko sa kanilang sariling kwarto. I want Rex and Sam to have this feeling!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD