JORDAN POV Pagkatapos ng apat na taon pakiramdam ko nasa tamang kalagayan ang lahat. Nagluluksa pa rin naman kami sa pagkawala ni Samantha at ang kambal. Wala na ring magawa si daddy dahil hindi maalala ni Rex ang nakaraan sa buhay niya. Panibagong buhay sa kanya ang pagkakataon na ito. Hindi ko gusto si Georgia para sa kanya pero dahil siya ang nagpapaligaya sa kanya, pikit mata at selyado ang aking bibig. Mabigat ang aking pakiramdam tuwing nakikita ko si Georgia pero alang - ala kay Rex isinantabi ko ang aking pakiramdam. Nanatili si Aviana dito sa Pilipinas para tulungan si Rex. May mga kaso sampung taon ang nakakaraan na hindi pwedeng hawakan ni Rex. Gusto ko mang maibalik ang kanyang nawalang ala - ala pero mainam ng hindi na. Masaya siya ngayon sa piling ni Georgia. Humihingi din

