GEORGIA Hindi ko aakalaing liligawan ako ng pogi naming pasyente. Apat na buwan na ngayon ang ang kanyang panliligaw, araw - araw akong nakakatanggap ng mga bulaklak at tsokolate sa bahay o sa ospital. Believe din ako sa galing niyang malaman kung saan ako nakatira. Dalawang beses na rin kaming kumain sa labas pagkagaling ko sa trabaho. Kinikilig kong inaamoy ang bagong bulaklak na kanyang pinadala. Hindi lang siya gwapo, napakasweet pa niya. Binasa ko ang nakasulat sa kanyang card. Baby, See you later! I miss you! Love, Rex Nagtitili akong nagtatalon sa sala ng aking bahay. Ngayong gabi ko siya planong sagutin, gusto kong maging opisyal na kami. Hindi na ako magpapakipot pa! He will be mine tonight. Paghahandaan ko ang gabing ito. Dumating ang 6 pm, oras ng panunundo sa akin ni R

