bc

Love in a contract

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
arranged marriage
dominant
badboy
heir/heiress
blue collar
drama
loser
nerd
detective
campus
childhood crush
actor
like
intro-logo
Blurb

From reel to real couple ay isang napaka-ideal na relasyon kung tutuusin. Nagpakasal ang reel couple na sina Justine—(Alice) at Noah—(Matheo) Cuevas, ang pinakahinahangaang artista sa showbiz. Ngunit, makalipas ang dalawang taon na pagsasama, ideal parin nga kaya ang kanilang relasyon, o ito'y mababago dahil ang kanilang relasyon ay isang kontrata lamang at walang halong pagmamahal?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1. Buhay Mag-asawa
(Two years ago.....) "Do you take this man as your lawfully wedded husband?" tanong ng pari kay Justine. Napatingin si Justine sa lalaking kanyang kaisang dibdib, kay Noah. Napahinga ito ng malalim, at ngumiti. "Yes, yes I really do" sagot niya, at nagsibagsakan ang kanyang mga luha na hindi niya inaasahan. Mga luha ng kagalakan, at simbolo ng buong puso niyang pagtanggap pag-alay ng kanyang buong sarili sakaniyang minamahal na si Noah. "And you, man. Do you take this woman as your lawfully wedded wife?" sunod na tanong ng pari kay Noah. "I do, father" walang alinlangan niyang tugon. "By the power that vested on me, Noah and Justine, I pronounced you, husband and wife. You may now kiss the bride" At nagharapan sina Justine at Noah. Tinanggal ni Noah ang belo na nakasuot sa ulo ni Justine. Nang makita niya ang maaliwalas na mukha ng kaniyang asawa, ito'y napangiti at sinabing, "May I?" paghingi niya ng pahintulot. "Yes, you may" then, he kissed her wife softly as light as a feather. (The crowd is cheering) "Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ng mga nakasaksi sa pag-iisang dibdib nina Mr. and Mrs. Cuevas. —————————— (In the future....) "Good morning, Mister ko" bati ni Justine sakaniyang asawang si Noah, sabay halik sa labi nito. "Time to wake up. May meeting pa kayo kasama si Dad, so you need to..." "Don't you know what time is! Mamayang hapon pa ang meeting namin Justine, why did you wake me up so early?!" irita nitong bungad kay Justine na ikinagulat nito. Nawala ang pagkagalak na nararamdaman ng kaniyang asawa dahil sa inasal nito. "I-I'm sorry, Mister ko. Ang... ang akala ko kasi..." Napabalikwas si Noah upang kaniyang maharap si Justine. "You know what huh? Sasabihin mona naman na hindi mo sinasadya and etcetera etcetera. I'm tired of you Justine, I'm tired!" Dahil dito nanginig sa takot si Justine. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman dahil sa sinabi ng kaniyang asawa. "Where are you going?" tanong ni Justine sakaniyang asawa na kakabangon lamang sa kama. "None of your business. Besides, ginising mo ako ng maaga, then I don't have any choice kundi pumasok na lang ng maaga" at naglakad na ito papalabas ng kanilang kwarto saka padabog na isinara ang pinto na ikinayapo ng dibdib ni Justine. ——————— "Mister ko...." tawag ni Justine sakaniyang asawa habang inilalagay ni Noah ang kaniyang mga gamit sa loob ng kaniyang kotse. "Aren't you going to have breakfast first? I cooked..." "No need. Kakain na lang ako sa opisina mamaya. Ipakain mona lang yan sa mga kasambahay" supladong pag-uudlot ni Noah sa sasabihin ng kaniyang asawa, saka agad na sumakay sa loob ng kaniyang sasakyan at mabilis itong pinaandar papalabas ng kanilang bahay. He left Justine standing on their front gate without any single proper goodbye to her. But, Justine loves him so much, kung kaya't kumaway na lamang ito na para bang walang masakit na sinabi ang kaniyang asawa, at umarte na lamang na masaya ang mga ito at walang problema. ————————— "Ma'am, naihain kona po lahat ng niluto ninyo sa lamesa, kakain na ho ba kayo?" bungad na tanong ng kasambahay ni Justine sakanya pagkapasok na pagkapasok nito sa loob ng kanilang bahay. "H-hindi e. Sa opisina na lang daw siya kakain." tugon niya. Dahil sa saad nito, nawala ang ngiti sa labi ng kasambahay na agad namang pinawi ni Justine. "Nagmamadali kasi siya, alam niyo naman na busy ngayon sa showbiz, kailangan ng asawa kong tumutok sa mga new artists na hinahawakan niya ngayon. But, don't worry, hindi masasayang ang mga niluto ko dahil... tayo ang kakain nito" nakangiting saad ni Justine. "H-ho?" gulat na tugon nito. "A-ayaw niyo po ba?" Biglang siniko ng isang kasambahay ang kasama nito. "Naku Ma'am, gustong gusto po namin. Tsaka, mukhang masarap po yung niluto niyo kaya talagang mauubos po" nakangiting saad ng kasambahay. Napatawa naman ng pilit ang isang kasambahay, "Oo nga ho... Oho" "O sige, kain na tayo. Tawagin niyo na sila para makakain na" pag-aaya nito sakanilang mga kasambahay. ————————— "Good morning Sir Lim" bati ng mga empleyado kay Adamson Lim. Ang ama ni Justine na may-ari ng Imperial Dragon. Ang pinakamalaking kompanya na may hawak sa mga leading artists of all time sa larangan ng showbiz. "Good morning, Mr. Lim. Ito po ang mga schedule niyo for today: 9 am, meeting with the Gu entertainment. 10 am, meeting with the company shareholders. At 12, lunch with your wife, Mrs. Lim. And the rest is your free time, Sir" saad ng kaniyang secretary habang sila ay naglalakad. Napabuntong hininga si Mr. Lim, may sasabihin sana ito ng bigla niyang nadaanan ang office ni Noah. Huminto siya sa harapan nito, saka binuksan ang pintuan. "Dad!" gulat na gulat na sambit ni Noah. Napatakip naman ng kaniyang mga mata ang secretary ni Mr. Lim dahil sa bumungad sakaniya na kalagayan ni Noah. Wala kasi itong pang-itaas na saplot. Nadatnan nilang nagpapalit ito ng damit sa loob ng kaniyan opisina. "This is an office, not a room where you can dress up whenever you want" mahinahon ngunit may dating na panenermon ni Mr. Lim sakaniyang son-in-law na si Noah. "I-I'm sorry, Dad. Hindi lang po kasi ako..." "How's Justine, bakit hindi na siya bumisita ng bahay?" tanong ni Mr. Lim kay Noah habang papalapit ng papalapit sakaniya. Agad namang isinuot ni Noah ang kaniyang polo, at mabilis na ibinotes upang magkaroon na ito ng pampaitaas na saplot. "Alive, and busy." maikli niyang sagot. Napakunot ang noo ni Mr. Lim sa sagot sakaniya ni Noah. "What do you mean by 'Alive'? Justine is my daughter, your wife!" galit niyang saad. Halatang hindi nagustuhan ng ama ni Justine ang sagot ng kaniyang manugang patungkol sakaniyang unica iha. Kukwelyuhan na sana niya ito ng biglang umangal si Noah. "C-calm down. My wife is fine, and plays the role of being my wife. She's having a good time, that's why I told you 'alive', that's it. " palusot niya. Binigyan ng masamang tingin ni Mr. Lim si Noah. "You better treat my daughter nicely, Noah. Or else, you wouldn't like what's next..." pagbabanta nito saka naglakad papaalis sa opisina ni Noah.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
104.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
323.9K
bc

The Forgotten Wife

read
43.6K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.3K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
46.1K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
30.9K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook