HINDI pumasok si Amber nang araw na iyon. Pumunta siya sa publishing company para makipag-meeting sa editors. Kahapon niya lang naipasa ang short horror stories niya pero sabi ng kaibigan niyang editor ay pasok na iyon sa compilation ng bagong volume ng horror book ng mga ito. Nakuha na rin niya ang bayad ngayon. “Congrats! Dapat pumirma ka na ng kontrata dito sa company. Baka masulot pa ng ibang publishing ang mga gawa mo,” wika ni Emily, ang editor niya na naging kaibigan niya. Freelance writer lang siya doon. Magpapasa kung meron at kadalasan ay ang mga ito ang lumalapit sa kanya kapag nagandahan sa stories niya sa Psychopath. “Busy din ako sa school kaya hindi ako makapag-commit sa company ninyo. Busy din sa Psychopath. Kailangan ko lang talaga ng pera ngayon,” sagot niya. “Magaga

