THE HEARTBREAKER TEAM Series
THE HEARTBREAKER TEAM Series
Hindi lang sa makabagong teknolohiya at mataas na uri ng pagtuturo sikat ang Heartfield University. Famous din ito dahil sa basketball team nito na palaging nananalo sa mga basketball league na sinasalihan nila. Ang Heartfield Basketball Team. Bukod pa sa galing ay ubod din ng gugwapo ang mga star players ng team. Maraming nangangarap, naglalaway at nagpapantasya sa mga ito.
Ngunit kasindami rin niyon ang nasasaktan. Simply because these awfully gorgeous, mouth-watering handsome perfect guys are heartbreakers.
Heartfield University Basketball Team also known as The Heartbreakers Team. Marami man silang napaluha, girls can’t just get enough of them. They are the kings and every girl loves them, every boy envied them.
But what if these heartbreakers fell in love and got their heart broken instead?
*-*
BOOK 2
MR. HACKER BREAKER
BY: SYANA JANE
PROFILE
Name: Gustavo Rei Cruise
Nickname: Grey
Position: Power Forward
Number: 10
Height: 6'
Favorite past time: Basketball and hacking
Likes in a girl: All of the kinds.
Describe yourself: Gwapo, simpatiko, straight-forward, kwela, malakas ang dating... ang tipo ng lalaki na mamahalin ng lahat ng babae. Wala sa bokabolaryo ang salitang 'torpe'.
GAMEPLAY
Galit na galit ni Amber kay Grey Cruise nang i-hack nito ang website niya at mabasa nito ang pinakakatago niyang diary. Paano naman kasi ay ang diary lang na iyon ang kanyang tanging confidante sa pagsinta niya sa kapatid nitong si Ivo Cruise. Nabasa nito iyon at sinumbong pa nito sa kuya nito. Ayos lang sana iyon para hindi na siya mahirapang magtapat—kung hindi lang playboy din itong katulad ng hinayupak na si Grey. Hindi niya rin matanggap na nilapitan lang siya ni Ivo dahil doon.
Kaya naman isinumpa niya sa sarili na maghihiganti kay Grey. Aalamin niya rin ang pinakatatagong lihim nito at sisiguruhing sa kanya ang huling halakhak.
Pero ano itong abnormal na kabog ng abnormal na puso niya sa tuwing lumalapit sa kanya ang abnormal na lalaki? Bakit tila nalilimutan niya ang agenda niyang makapaghiganti rito?
Haay! Nagiging abnormal na rin tuloy siya.