Kabanata 26 C A S S Nasa bar ako kung saan ako madalas tumambay. Hindi pa ako eighteen nuong una akong tumambay dito pero dahil sa mga kaibigan ko ay palagi akong pinapapasok ng mga gwardiya pero ngayong nasa legal age naman na ako hindi ko na kailangang magpasama sa mga kaibigan ko kapag pupunta dito. Gusto ko sa lugar na ito kasi hindi sila masiyadong mahigpit kaya nga siguro nakakalabas masok ako nuon dito kahit minor pa naman nun. Matagal tagal na din yung huling punta ko dito kaya nga hindi ko alam kung bakit naisipan ko nanamang pumunta dito. Kakainom ko lang din naman nung birthday ni Athena kaya imposibleng iyon ang ipinunta ko dito. Ah basta gusto ko lang magliwaliw bakit ba? Wala naman sigurong masama kung magpakasaya ako ngayong gabi. Isa pa baka makahanap na din ako ng bagong

