bc

Scandalous Affair

book_age18+
2.4K
FOLLOW
13.7K
READ
sweet
like
intro-logo
Blurb

Status: In a secret relationship with my brother.

The first time we've introduced to each other, I was already fond of you. I was just a little girl then who thought that she had found a new friend or a playmate she could play with, everytime she wanted. But then when the time passed by, I noticed some changes with the way I see you. I couldn't see you as my playmate anymore. Or as my brother. In fact I see you more as a man now. A man that I fell in love with.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula The first time we've introduced to each other, I was already fond of you. I was just a little girl then who thought that she had found a new friend or a playmate she could play with, everytime she wanted. But then when the time passed by, I noticed some changes with the way I see you. I couldn't see you as my playmate anymore. Or as my brother. In fact I see you more as a man now. A man that I fell in love with. "Athena, sweetheart! Come here!" Mom called while I was busy playing with my dolls. Naibaba ko ang mga hawak kong manika nang makitang may kasama siyang batang lalaki sa tabi niya. No! Actually he doesn't look like a kid to me but at least not as old as my mom or tito Renato. Siguro mga nasa fifteen na siya tapos ako naman mag ten na this year. He's so handsome and cute. I never met someone as handsome as him. Somehow he looks so familiar to me. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita before. Oh right! Kamukha siya ni tito Renato! Actually he's like a younger version of tito Renato. Bakit hindi ko agad naisip iyon? Tito Renato is my Mom's fiance and malapit na din silang ikasal so magiging Dad ko na si Tito for real. I really want Tito Renato to be my real dad. He's so sweet to me and my mom. He took care of us when my biological father chose to leave us for his other woman. I was just five then kaya naman sabik ako sa atensiyon ng isang ama. Kaya nuong maging sila ni Mom sobrang saya ko. Matalik na mag kaibigan sila ni Mommy dati pa bago pa man ikasal ang mga magulang ko kaya nuon pa man kilala ko na si Tito Renato. Sobrang bait niya sa akin at sa kanya ko naramdaman ang pag mamahal ng isang totoong ama. Kaya naman nitong nakaraang taon lang nang mag desisyon sila ni Mommy na mag pakasal, ako ang pinaka masaya. Masaya ako para sa amin ni Mom dahil sa wakas magkakaruon na ulit kami ng isang masayang pamilya with Tito Renato. I went to mom with a wide smile. Alam ko na agad na ipapakilala niya ako sa lalaking kasama niya and there's no doubt na ang lalaking iyon ay ang nag iisang anak ni Tito Renato. I'm so excited to be friends with him. "Hi Mom!" I greeted with a smile before I averted my eyes from her to the boy. "Hello! Are you Tito Renato's son?" tanong ko sa lalaki nang may pala kaibigang ngiti pero isang tipid na ngiti lamang ang ibinalik niya sa akin na para bang napilitan lang. "Yes. I'm Harrison Ares Aragon," pakilala niya sa kanyang sarili. Lalong lumawak ang ngiti ko nang malaman ang kaniyang pangalan. "I'm Athena Emilia Lopez. It's nice to finally meet you Ares." I still smiled widely kahit na mukhang hindi siya kasing friendly ko. Mukha pa din naman siyang mabait. I wanna call him Ares pero ang sabi ni Tito Renato mas gusto daw nitong tinatawag siya sa nickname nito. Kaya iyon na lamang ang itinawag ko sa kanya. "It's Kuya Ares for you Athena. Magiging magkapatid na kayo kapag kinasal na kami ng Tito Renato mo kaya masanay ka na ding kuya ang itawag sa kanya," Mom said still smiling from ear to ear. I can say that she's really happy dahil magkakaruon na din kami ng isang masayang pamilya with tito Renato and... Kuya Ares. Sa wakas magkakaruon na ako ng kapatid! Matagal ko nang gusto ng kapatid kaya lang hindi na pwedeng mag anak si Mom kaya hindi na posible iyon. Hindi ko din mapigilan ang ngiti ko habang iniisip ko iyon. Hindi ko na tuloy napansin na iniwan na pala kami ni Mom dito sa sala ni Kuya Ares. "Upo tayo kuya Ares!" sabi ko at hinigit na siya sa braso bago pa man siya maka sagot. I made him sit on our sofa hinayaan lang naman niya akong gawin iyon habang seryoso lamang siyang naka tingin sa akin. "Ilang taon ka na Kuya Ares? Ako mag ten years old na ako this year, ikaw ba kuya?" Tinignan niya ako na para bang naiinis siya dahil tinatanong ko siya pero hindi naman siya tumangging sagotin ang tanong ko. "Fourteen," malamig niyang sinabi pero ngumiti pa din ako. Kung gaano kawarm ang approach ng Dad niya sa amin ni Mom ganun naman ka cold itong anak niya. Pero ayos lang. Sa simula lang naman siguro siya ganiyan at mag babago din ang turing niya sa amin ni Mom kapag mag tagal. Hindi pa lang siguro siya sanay sa amin ni mommy at nag aadjust pa lang siya kaya hahayaan ko na muna siyang ganito. Isang katok sa pinto ko ang nagpa talon sa akin sa gulat habang nag aayos ako ng sarili ko sa salamin. Sinamaan ko ng tingin si Ares nang buksan niya ang pinto ng kwarto ko bago pa man ako makapag sabi na pwede na siyang pumasok. What a jerk! Kahit kailan talaga napaka bastos nitong lalaking ito! Oo kumatok nga siya pero hindi naman niya hinintay ang permiso ko bago pumasok. Napairap lang ako. "What the he—" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay nag simula na siyang tumalak. "May manliligaw ka nanaman sa labas! Akala ko ba nagkaintindihan na tayo Athena, hindi ka pwedeng mag paligaw hanggat di ka nakaka graduate! Sino nanaman ang lalaking iyon? Palayasin mo 'yan kung ayaw mong ako ang mag palayas d'yan!" gigil na sabi ni Ares. I smirked to annoy him just like how he annoys me whenever someone tries to court me. Pitong taon na simula nang mag pakasal sina Mom and Tito Renato na ngayon ay nakasanayan ko nang tawaging daddy. Sa loob ng pitong taon na iyon ay naging malapit din kami sa isat isa ni Kuya Ares hanggang sa umabot na sa punto na para na talaga naming kapatid ang isat isa. Nag aaway sa maraming bagay pero mabilis lang din namang nag kakaayos. Masyado kasi siyang strikto kaya naman palagi din kaming nag aaway. Halos yata lahat nang mag tatangkang lumapit sa akin ay tatakotin niya para lang layuan ako dahil according to him hindi pa daw ako pwedeng mag boyfriend hanggat di pa ako nakaka graduate! The hell with him! Hindi nga ako pinag babawalan nila mom na mag boyfriend siya naman itong nag babawal sa akin. Sobrang higpit niya sa mga lakad ko with my friends. Kulang na lang sumama siya dahil panay ang tawag at text niya sa akin kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Nakakainis na talaga! "Stop smirking! Damn it Athena! Hindi ako nakikipag biruan sayo! Paalisin mo ang gagong 'yon O ako na ang gagawa para sayo!" may halong pag babanta sa tono niya kaya naman galit ko din siyang tinitigan. Malapit lang ang kwarto ko sa living area kaya naman sigurado akong rinig na rinig na nang kung sino man iyong bisita ko ang mga pinag sasabi nitong si Ares. Napaka bastos talaga kahit kailan! Bakit kailangan niya pang sumigaw di ba? Hindi na nahiya. Nakakainis talaga. "You know what kuya? You're such a jerk," gigil na sabi ko bago ako humakbang palabas ng kwarto ko para maharap na ang bisitang sinasabi niya. Nahihiyang nginitian ko si Dexter nang makalapit ako sa pwesto niya. Agad naman siyang tumayo para salubungin ako nang may nahihiyang ngiti rin. For sure narinig niya ang sinabi ni Ares sa kwarto ko. Sa lakas ba naman ng bunganga ng lalaking 'yun. Bwisit talaga. Pag uusapan nanaman ako nito sa campus dahil sa palabas niya. "G-Good morning A-Athena. Hindi na din ako mag tatagal bigla kasing.. ano... Ah tumawag si mom may gagawin pa daw kami. Kailangan ko na din umalis s-sige." Laglag panga ko siyang pinanuod na mabilis na umalis mula sa aming sala na para bang takot na takot sa kung sino. Ni hindi man lamang ako nakapag salita at umalis na kaagad siya. Nilingon ko ang salbaheng si Kuya Ares na naka sunod pala sa aking likod at sinamaan siya ng tingin. For sure natakot na iyong si Dexter dahil sa kanya. Jerk talaga! "Ano bang problema mo?" mariing sabi ko habang masama pa din ang tingin na ipinupukol ko sa kanya. "Sumusobra ka na Ares!" Di ko na napigilang sabihin iyon. Nag tiim bagang siyang tumingin sa akin. Kitang kita ko ang inis sa mga mata niya sa naging tawag ko na iyon sa kanya. "What did you just called me?" "Sabi ko sumusobra ka na Ares! Kung makapag higpit ka sa akin dinaig mo pa sila Mom! Nakakainis na, alam mo ba iyon? Hindi mo ako pwedeng pag higpitan ng ganito dahil kuya lang kita at hindi ka si Mom para mag desisyon sa buhay ko! Sawang sawa na ako sa pamamahiya na ginagawa mo sa akin. Akala mo ba ayos lang sa akin lahat ng ito? Na hindi ako napapahiya sa tuwing may kumakalat na balita na may inaway ka nanaman na manliligaw ko? Alam mo bang sobrang nakakahiya 'yong ginagawa mo? Kung umasta ka para kang ama ko! Kahit hindi naman!" Hindi ko napigilang sabihin. Lalong tumalim ang titig niya sa akin na pakiramdam ko ay ano mang oras ay pwede akong masugatan dahil sa talim nuon. "What do you want then? Ang hayaan ang mga tarantadong 'yon na ligawan ka? Para ano? Para sa pansarili nilang kasiyahan? Akala mo ba papayag akong gawin nila iyon sayo? No Athena! Hell no! I'm only doing this to protect you from those perverts. Kaya kung pwede lang makinig ka na lang!" mariin ang bawat salitang sinabi niya pero hindi ako nag patinag. "No kuya! Hindi pwedeng ganito! Hindi pwedeng palaging ganito! May sarili akong pag iisip at malaki na ako para mag desisyon para sa sarili ko. Hindi rin ako tanga para basta na lamang mag tiwala sa kung sino sino lang. Siyempre pipili ako ng lalaking hindi tulad ng iniisip mo! Kaya kung pwede lang din hayaan mo kong gawin iyon! Gusto kong mag explore, kuya! Gusto maka experience ng mga bagay na nararanasan ng mga ordinaryong babaeng kasing edad ko! Hindi ba pwede iyon?" ako, pilit na pinapaintindi sa kanya ang punto ko pero tila sarado talaga ang isip niya sa ganitong bagay dahil wala akong nakitang pag suko sa kanyang mukha. Ibig sabihin pananagutan niya pa din ang gusto niya. "Still no, Athena Emilia!" mariin niya ding sinabi pinapantayan ang mabibigat kong titig sa kanya. "Alam mo kuya sobrang daya mo! Kapag ako bawal mag boyfriend tapos malalaman ko ikaw papalit palit lang ng girlfriend? You're so unfair!" "Anong unfair duon? I'm twenty one while you're just seventeen and also I'm a guy and you're not, kaya paano mo nasabing unfair ako? Masiyado ka pang bata para makipag relasiyon Athena, wala ka pang alam sa mga lalaki! Masasaktan ka lang sinasabi ko sayo!" aniya bago ako tinalikuran upang mag tungo na sa sarili niyang kwarto at sa inis ko ay sinundan ko pa talaga siya duon. Nag dirediretsiyo ako papasok ruon. Naupo siya sa kanyang kama habang pagod na tumingin sa akin. "Where not done talking! Hindi pwede iyang ginagawa mo sa akin Kuya! Sobra ka na eh. Hindi porket gusto mo ko protektahan pipigilan mo na ako sa mga gusto ko! Yes I get it, okay. I get your point that you're only doing this because you don't want me hurt pero kuya sana alam mo din na hindi mo kayang pigilan ang lahat ng bagay na dapat mangyari! Hindi pwedeng habang buhay kokontrolin mo ko para lang hindi ako masaktan. Dahil hindi ganun ang mundo Kuya! Mag mamahal at mag mamahal ako kahit anong pigil mo! Kung masasaktan ako tatanggapin ko kasi ganun naman talaga di ba? Kailangan mong masaktan para matuto. Pero kung patuloy mo akong kokontrolin ng ganito paano pa ako matututo huh?" mahinahon kong paliwanag. Bumagsak ang balikat niya at tila pagod na ibinagsak ang katawan sa kanyang kama. Ngumuso ako habang pinapanuod siyang naka tingin lamang sa kisame na tila ba ang lalim ng iniisip. Lumapit ako sa tabi niya at naupo sa kama niya habang siya naman ay nakahiga at malalim na nag iisip. "Ayokong makita kang masaktan, Athena. Bakit hindi ka na lang mag hintay na maka graduate bago ang lahat ng ito?" aniya na ngayon ay naka pikit na. Lumabi ako kahit na hindi naman niya iyon makikita. "Baka makapatay ako kapag may mangbastos at manakit sayo. Hindi ko kayang makitang masaktan ka. You're all I have, Athena," aniya na ngayon ay naka bukas na ang mga mata at diretsiyong naka tingin sa akin. "You still have dad and mom. Wag mong sabihing ako lang ang meron ka dahil nandiyan naman sila mom and dad," sabi ko nang nakalabi. Ngumisi siya. "Nasan sila ngayon kung ganuon?" aniya nang nakangisi pa din bago bumangon upang makaharap ako ng maayos. Naiintindihan ko kung ano ang pinupunto niya dahil mula nang mag pakasal sila Mom and Dad ay tila naka limutan na nilang dalawa na may anak sila. Naging busy sila masiyado sa pag tatayo ng bago nilang kompaniya na nakalimutan na din nila kaming dalawa ni Kuya. Hindi na nila kami napag tutuonan ng pansin dahil busy sila sa pamamahala ng kanilang kompaniya. Madalas din silang out of town kaya naman palagi kaming naiiwan na dalawa ni Ares dito sa mansiyon kasama ang mga kasambahay. Dahil duon naging mas malapit kami sa isat isa kaya ganito na lang siya kung mag protekta sa akin. Sobrang napamahal kami sa isat isa bilang magkapatid iyon ay dahil ang isat isa lang ang naging kadamay namin sa araw araw sa loob ng pitong taon na pag sasama nila Mom at Daddy Renato. Kaya kahiy papano nirerespeto ko si Ares at ang desisyon niya kaya lang minsan hindi ko na talaga makayanan ang pagiging strikto niya kaya minsan nasasagot ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya sa paraan nang nag lalambing. Tinignan niya lamang iyon. "Hayaan mo na kasi ako kuya.. Promise mag iingat ako. Hindi ako basta basta mag titiwala at pipili ako ng maayos na lalaki para hindi ka na mag alala," wika ko. "At paano kung tuluyan ka nang mapamahal sa lalaking iyon? Nawala na sa akin ang mom ko, hindi ko kayang pati ikaw mawawala pa sa akin. You're all I have, Athena," mababa ang boses na sabi niya. Wala na akong nagawa pa kundi ang titigan na lang siya nang may malungkot na hilatsa ng mukha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
89.9K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

The Escort (Tagalog)

read
180.6K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

Married to a Cold Billionaire

read
130.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook