Kabanata 1
A T H E N A
"Athena, malilate na tayo. Bilisan mo naman dyan!" sigaw ni Ares mula sa labas ng kwarto ko. Mabilis na tinapos ko ang pag aayos ng sarili at lumabas ng kwarto.
Agad na pinasadahan ni Ares ang itsura ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Friday ngayon at wash day kaya naka miniskirt ako na hindi lalampas sa aking tuhod. Alam kong hindi siya papabor sa suot ko ngayon pero sinuot ko pa din ito para asarin siya. Hindi ko pa din makalimutan iyong ginawa niya kay Dexter kahapon. Tinakot niya 'yung tao at ako pinahiya naman niya. Kahit na ba sabihin niyong pinoprotektahan niya lang ako. Wala akong pake. Basta para sa akin hindi tama iyong ginawa niya. Isa pa, maayos na nag punta iyong si Dex dito sa bahay tapos gaganunin lang niya? Hindi. Hindi ako makakapayag na ganun na lang iyon. Kailangan makaganti ako.
"What's that?" nakakunot ang nuong tanong niya nang lumabas ako sa kwarto.
"What what?" pairap na tanong ko bago ko siya nilampasan at naunang mag lakad papunta sa naka paradang sasakyan niya.
Tumayo lang ako sa tapat ng pinto ng front seat at ilang saglit lang ay nasa likod ko na agad si Ares. Madilim ang tingin sa akin. Hindi ko iyon ininda. Bahala siya d'yan kahit anong panlilisik ng mata ang ibigay niya sa akin ay hinding hindi ako mag papalit ng damit. Bakit ko siya susundin? Hindi naman siya si Dad para sundin ko! Bahala siya d'yan. Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi niya binuksan ang front seat para sa akin. Mabibigat ang paang nag tungo lamang ito sa driver seat at pumasok na ng tuluyan.
Fine!
Padabog kong binuksan ang front seat at padabog ko ding sinara ang pinto nito upang iparating sa kaniyang hindi lang siya ang pupwedeng magalit.
"What the hell Athena? Do we have a problem?" anas niya na tila ba nag titimpi lang.
"None," walang ganang sabi ko.
"Dahil nanaman ba ito sa nangyari kahapon?" Muli niyang tanong. Binalingan ko siya nang may nanlilisik na mga mata.
"Just drive, Kuya. Akala ko ba malelate na tayo? Kanina pa ako hinihintay ni Cassandra kaya bilisan mo na," sabi ko.
"Isa pa 'yang pinsan mo na 'yan. Dahil sa pagsama sama mo d'yan kung ano ano nang natutunan mo," tuloy pa din nito kaya mas lalo akong naasar.
"Pati ba naman ang pakikipagkita ko sa pinsan ko gusto mo na ding bakuran?"
"Wala akong sinasabing ganyan Athena! Sinasabihan lang kita dahil ayokong matulad ka sa pinsan mong 'yan. Akala mo ba hindi nakakarating sa college department ang pinag gagagawa ng pinsan mo?"
Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin duon. Medyo hindi nga maganda ang mga pinag gagagawa ng pinsan ko sa campus nitong mga nag daang taon. Kung kanikaninong lalaki na lang kasi ito nakikipag relasiyon at pagkatapos lang ng ilang araw ay basta na lamang din nitong iiwan sa ere. Ganiyan na siya since mag highschool kami at hindi ko naman siya masisisi kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na iyon. Somehow I understand her for being like that. Basta meron siyang rason kung bakit niya ginagawa iyon sa mga lalaking maka relasiyon niya. At ayoko siyang pigilan sa ginagawa niya dahil sino ba naman ako para gawin iyon di ba? May sarili na siyang isip para malaman kung mali ang ginagawa niya. Hahayaan ko na lang siya hanggang sa tuluyan siyang mag sawa sa mga kalokohan niya.
"Whatever kuya. Let's not talk about her. Just drive, damn it! We're late."
Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya bago napipilitang pinaandar ang sasakyan. Ilang minuto lang ay narating na din naman namin ang campus. Agad akong bumaba sa SUV ni Ares nang walang kahit anong sinasabi sa kaniya kaya kaagad din naman ako nitong sinundan. Mabuti na lang at mabilis kong nakita si Cassy kaya agad akong lumapit sa kanya bago pa man ako maabutan ni Ares. Buti na lang din bigla na siyang hinarang ng mga kaibigan niya. Nginisian ko siya nang tuluyan akong makalayo sa kanya.
Nakangiti kong nilapitan si Cassy na ngayon ay nakasimangot na nakatingin sa akin. Mukhang kanina pa siya nandito at nag hihintay. Inirapan ako nito nang sa wakas ay makarating ako sa harap niya.
"Kanina pa ako nag aantay dito Athena Emilia. What took you so long?" anas nito na mukhang umiral nanaman ang pagiging maldita. Umiling iling ako.
"Wala. Inaasar ko lang si kuya kaya nag patagal talaga ako," sabi ko nang nakangisi. Tumaas ang kilay nito.
"At ako? Balak mo din akong asarin at pinag hintay mo talaga ako ng matagal dito?" masama ang loob na sabi nito.
"Eh ano ba kasing sasabihin mo, bakit hinintay mo pa ako?" tanong ko.
"Gusto ko lang kamustahin si tita sayo. Ano okay naman ba sila ng step dad mo?" Nakataas ang kilay nitong sinabi.
"Oo naman. Sobrang masaya si Mom kay Dad. Kaya wag ka nang mag alala dyan okay? Eh si Tita kamusta naman siya?" biglang naging blanko ang mukha ng pinsan ko nang banggitin ko ang mom niya.
"Fine. Pumasok na tayo. Baka malate na ako sa class ko. Sabay na lang tayo mag lunch mamaya para makapag kwentuhan pa tayo ng mas mahaba," aniya bago mag simulang mag lakad papasok ng campus. Napa buntong hininga na lamang ako bago sumunod sa kaniya papasok.
Tinanaw ko muna si Ares na ngayon ay kasama ang mga kaibigan niya. Tinanguan lamang ako nito nang makitang papasok na ako ng campus. Kumaway ako sa kanya para mag paalam man lang. Kahit naman nag aaway kami palagi love ko pa rin iyan at hindi ko kayang tiisin yan ng matagal. Ganun din naman siya sa akin.
Mag aaway lang kami pero hindi pa din namin matitiis ang bawat isa. Nasanay na din naman akong ganito palagi. Hindi na bago sa amin iyong ganito.
Nag hiwalay na kami ni Cassy nang madaan namin ang classroom niya. Pareho lang naman kaming senior high kaya lang magkaibang klase.
Didiretsiyo na sana ako sa klase ko nang matanaw ko mula sa malayo si Troy. Iyong college student na sobrang crush ko. Sandali akong huminto sa pag lalakad upang pagmasdan siya mula sa malayo. Nagtaka ako nang lapitan siya ng mga kaibigan ng kuya ko at kasama na nga si Ares duon. Magkakilala ba sila ni Troy? Nagulat ako nang bigla na lamang bigyan ng isang malakas na suntok ni Ares si Troy at sa sobrang lakas ng suntok na iyon ni Ares ay bumagsak ito sa sahig. Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang tinakbo ko ang direksiyon nila.
"Stay the fvck away from my girlfriend!" Rinig kong sinabi ni Ares sa nasa sahig na si Troy.
I hurriedly went to Troy to help him get up bago pa siya muling saktan ng kuya ko.
"Ayos ka lang ba?" I asked him worriedly. Hindi siya sumagot at sinapo lamang ang pisngeng tinamaan ng suntok ni Ares.
Inis na hinarap ko si Ares.
"Athena, get away from that jerk!" saway nito pero hindi ko siya sinunod at matapang lamang siyang hinarap.
"What the hell is wrong with you, Kuya? Ano nanaman ba ito?"
"You're out of this, Athena! Now, get out of here! At bakit wala ka pa sa klase mo?" galit na sabi ni Ares pero sinamaan ko lamang siya ng tingin bago muling bumaling kay Troy.
"Samahan na kita sa clinic para maipagamot mo iyang pisnge mo bago pa mag pasa. Pasensiya ka na sa kapatid ko. Nabagok kasi yan nung bata kaya may pagka saltikin," mahinang sabi ko kay Troy para hindi marinig ni Ares. Isang tipid na ngiti lang naman ang isinagot sa akin ni Troy.
Bago ko pa man mahila si Troy papunta sa clinic ay biglang may isang babaeng patakbong lumapit sa pwesto namin upang tignan ang kalagayan ng nasuntok na si Troy. Tumaas ang kilay ko nang mamukhaan ang babae. Hindi ako pwedeng magkamali, siya 'yung babaeng palaging naiissue kay Ares nitong mga nakakaraang araw. Is she really my brother's girlfriend?
Sandali kong pinagmasdan. ang babaeng nasa harapan ko at nag aalala ngayon sa kay Troy. Maganda siya, morena at matangkad. Sa tingin ko pasado siyang maging isang model sa ganda ng hulma ng katawan niya. Ang kinis kinis ng balat at ang hahaba ng mga binti. s**t! Para talagang modelo. Pati iyong galaw niya hindi maka basag pinggan. Ganitong ganito ang mga tipo ng kuya ko! Kaya siguro nga girlfriend niya talaga ito.
"What happened here?" mahinahong tanong ng babae.
Hindi sumagot si Troy kaya naman bumaling ang babae kay Ares na ngayon ay salubong ang mga kilay at igting ang panga sa galit. At siya pa talaga itong may ganang magalit pagkatapos ng ginawa niya kay Troy. Napaka imposible talaga ng taong 'to.
"Ano ito Ares?" May galit sa boses ng babae nang tanongin ang kuya ko. Napairap ako.
At ano ito? Bakit niya inaaway ang Kuya ko para sa ibang lalaki? Hindi ba dapat sa side lang siya ni Ares papanig dahil girlfriend siya ng kuya ko? Kaya bakit kinakampihan niya si Troy ngayon? Parang nakaramdam ako ng iritasiyon sa kaniya sa ipinakita niyang ugali sa kuya ko.
"Hindi mo ba talaga lulubayan si Troy? Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na wala na tayo? At gusto mo pa talagang idamay si Troy! Ayusin mo nga ang sarili mo Ares! Grow up!" anang babae sa kuya ko na ngayon ay walang emosiyon ang mukha.
"Pwede ba tama na ito, Ares? Tigilan mo na ako. Tanggapin mo na tapos na tayo at hindi ka nandadamay ng iba! Hindi na tayo mga bata pa para maging immature. Stop being childish!"
Aba!
"You b***h! Sobra ka na ah! Pinapahiya mo na ang kuya ko! Kung childish siya, ikaw naman malandi dahil kakatapos mo lang sa kuya ko may bago ka na agad kinakalantari," iritadong sabi ko na agad nag pa atras sa babae. Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay. Anong akala niya siya lang ang pwedeng mag maldita!
"Stop it, Athena!" Nagulat ako nang nasa tabi ko na pala si Ares. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Let's go," aniya sabay hatak sa akin palayo ruon. Inirapan ko pa muna ang babae niya bago ako nag pahila na lang basta sa kapatid ko. Huminto kami sa harap ng isang abandonadong gusali.
"Anong ginagawa mo duon? Hindi ba dapat nasa klase mo na ikaw ngayon?" iritadong sabi niya.
"Yeah papunta na sana ako sa klase ko kung hindi ko lang naabutan iyong pag suntok mo kay Troy. What's wrong with you?! Kailangan mo ba talagang sapakin iyong tao para lang dun sa malandi mong ex-girlfriend!"
"Stop it, Athena! Hindi ganun si Arian. Wala kang alam kaya pwede ba itikom mo na lang iyang bibig mo. Bakit ba nakielam ka pa duon?"
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.
"Oh wow! Ikaw na nga itong pinag tanggol ko tapos may gana ka pang ganiyanin ako ngayon? Ikaw na Ares! Ikaw na!" sabi ko sabay tulak sa kaniya at aalis na sana pero agad niyang nahigit ang braso ko.
"Where do you think you're going? Ihahatid na kita sa klase mo baka kung saan ka nanaman mag punta," ani Ares pero mabilis kong pinalis ang kamay niya sa braso ko bago ko siya gigil na hinarap.
"Kaya ko mag isa Ares!" pagalit na sabi ko. Umigting ang panga niya at pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"What? Galit ka kasi tinawag kita sa pangalan mo? Tingin mo di kita ginagalang bilang kapatid kaya naiinis ka ngayon? Pwes naiinis din ako sayo dahil mas gusto mo pang ipag tanggol yung babaeng 'yun kaysa sa sarili mong kapatid! Ipinag tanggol kita duon pero anong napala ko? Wala. Tapos ako pa itong lumalabas na masama ngayon dahil lang ipinag tanggol kita? Damn it! You're an ass, Ares! Mag sama kayo ng maharot na 'yun!" sabi ko sabay tulak sa kaniyang dibdib at mabilis na nag lakad palayo sa kaniyang pwesto.
Akala niya siya lang ang pwedeng mainis! Damn him! Punong puno na talaga ako sa kaniya. Pagkatapos ko siyang ipag tanggol ito pa ang mapapala ko? Mas kakampihan niya pa ang w***e na 'yun. Edi mag sama sila!
Ilang mura ang narinig kong pinakawalan ni Ares bago ko marinig ang mga yabag ng paa niyang papalapit sa akin. Mas binilisan ko pa ang lakad ko para hindi niya ako maabutan pero sa haba ng mga bihas niya ay imposibleng manalo ako sa bilis niya.
"Where the hell are you going? May klase ka pa!" mariing sabi ni Ares nang maabutan ako. Sinamaan ko siya ng tingin bago nag patuloy sa pag lalakad.
Wala na akong ganang pumasok sa klase after what happened. Sino bang gaganahang pumasok kung nasira na agad ang araw mo. Gusto ko na lang umuwi sa bahay at mag kulong sa kwarto ko. Bahala na siya kung magagalit siya dahil lumiban ako sa klase. I don't care about him anymore! Kung isumbong niya ako kay mom? Wala na din akong pake. Bahala na siyang gawin ang gusto niya basta wag na wag niya lang din akong pakikielaman dahil siya nga mismo ayaw niyang pinapakielaman ko ang babae niyang malandi! Mag sama sila!
Pinunasan ko ang mga nag babadyang luha sa gilid ng mga mata ko bago pa man ito tumulo. Ayokong makita niyang umiiyak ako dahil lang sa bagay na ito. Bwisit siya! Bwisit sila ng babae niya!