Kabanata 2
A T H E N A
Tinawagan ko ang driver namin upang mag pasundo na pauwi nang bigla na lang sumulpot sa harap ko si Ares. Kinuha niya mula sa kamay ko ang cellphone ko at ibinaba ang tawag. Matalim ko siyang tinitigan. Bakit ba sunod pa siya ng sunod! Duon na lang siya sa ex niyang maharot bumuntot tutal ay mas pinapanigan naman niya iyon.
"Give me that! I'm going home!" mariing sabi ko habang masama pa din ang tingin sa kaniya.
"You're not going home. Ihahatid kita sa klase mo," madiing wika niya bago hinawakan ang palapulsuhan ko.
"Ano ba Ares! Ayoko nga sabing pumasok! Why don't you just go to your damn class and mind your own fvcking business!" galit na galit na sigaw ko sa kaniya pero mas lalo lamang din ata siyang naasar.
Oh I know why. Ayaw na ayaw niya kasi sa lahat na sinisigawan ko siya ng ganito at sinasagot. Pakiramdam daw niya kasi ay hindi ko siya ginagalang bilang kuya ko. Damn him! Bakit ko siya gagalangin kung hindi naman niya ginagalang ang nararamdaman ko. I hate him!
"Watch your words young miss," may diin niyang sabi.
"Kung ayaw mong pumasok then fine. Hindi na din ako papasok," aniya bago ako hinila papunta sa parking kung saan naka parada ang sasakyan niya. Pinag buksan niya ako ng pinto ng sasakyan pero sinimangutan ko lang siya at pinag krus ang aking mga braso sa aking dibdib. Anong akala niya? Sasama ako sa kanya ng ganun ganun na lang.
"Ang tigas talaga ng ulo mo." Inis na nilapitan niya ako at walang pasabing binuhat upang ipasok sa front seat. Inis na inis ko siyang binalingan nang matagumpay niya akong maiupo sa front seat. Fcking jerk!
"Wear your seatbelt O gusto mong ako pa ang mag ayos niyan para sayo?"
"Fine!" sabi ko at padabog na isinuot ang seatbelt sa sarili. Ngumisi siya bago umikot sa driver seat.
Hindi ko alam kung anong saltik meron siya at dinala niya ako sa isang malapit na mall. Padabog akong lumabas ng sasakyan niya at hindi na siya hinintay at nag dirediretsiyo na ako papasok sa mall. Mabilis lang din naman siyang nakahabol sa akin. Kinuha niya ang braso ko at hinila ako sa kung saan.
Nagulat ako nang huminto kami sa harap ng isang paborito kong boutique. Nilingon ko si Ares nang may nag tatakang tingin but he just gestured me to go inside. Isang malawak na ngisi ang kumawala sa mga labi ko bago ako excited na pumasok sa loob ng boutique habang naka sunod lang naman siya sa aking likod. Hindi ako makapaniwalang dadalhin niya ako dito.
Siguro ito ang suhol niya sa akin para sa naging away namin kanina. Mula pag pasok kasi ay nag aaway kami kaya siguro gustong bumawi. At dito niya ako dinala dahil alam na alam niyang ito lang ang mag papagaang ng loob ko. Shopping!
Hindi ko na kailangan pang mag tanong dahil alam ko namang siya ang mag babayad ng lahat ng ipamimili ko. Nag tatrabaho na kasi siya sa kompaniya habang nag aaral kaya mas marami siyang pera kaysa sa akin. Saka siya naman talaga ang gumagastos palagi sa tuwing lumalabas kaming dalawa. Spoiled na nga daw ako kay Ares sabi nila Mom at Dad dahil halos linggo linggo ay nilalabas niya ako para ibigay ang mga luho ko.
Sinimulan ko nang kunin ang mga nagustuhan kong damit at pagkatapos pumili ay pinabibitbit iyon sa nakasunod lang sa akin na si Ares. Nag offer pa nga iyong sales lady na siya na ang susunod sa akin ngunit tumanggi si Ares. Gusto talagang bumawi sa akin. Napangisi ako habang iniaabot sa kanya ang napili kong isang tube top. Nag salubong ang kilay niya at ibinalik niya iyon sa dating pwesto. Tinawanan ko na lang siya. Sabi ko na nga ba. Kaya lang niya gustong mag presentang maging alalay ko ay dahil gusto niya ding siguraduhing walang mahahalong medyo revealing na damit sa mga ipamimili ko. Hay naku Ares! Kilalang kilala ko na ang ugali mo.
Ngumuso siya dahil sa pag tawa ko kaya ipinag patuloy ko na lang ulit ang pag pili. Baka mag bago pa ang isip kapag napikon. Mahirap na. Ang dami ko pa naman nang napili. Nang mag sawa sa kakaikot ay napag pasiyahan kong isukat na ang mga napili ko habang si Ares ay mukhang bored na bored nang hinihintay akong matapos. Napangiti ako. Himala yata hindi siya nag rereklamo ngayon na matagal ako. Mukhang gustong gusto mong bumawi Ares ah! Kilalang kilala ko na 'yan si Ares, hindi talaga ko niyang kayang tiisin kahit na ano pang maging pag aaway namin. Kahit nga minsan ako na iyong may kasalanan siya pa din itong gagawa ng paraan masuyo lang ako. Kaya love na love ko iyan si Ares kahit sobrang protective eh. Wala na yata akong mahahanap na Kuya na kasing caring niya.
Nang sa wakas ay matapos ako sa pag susukat ay binayaran na namin ni Ares ang mga pinamili sa counter at lumabas na ng boutique na iyon. Iniwan na muna namin sa sasakyan ang mga napamili ko bago kami kumain sa paborito ko ding restaurant. O di ba? Para ko talagang birthday ngayon!
"So totoo pala talagang girlfriend mo 'yun at hindi mo man lang nabanggit sa akin. She cheated on you with Troy?" Naka arko ang kilay na sabi ko habang hinihintay naming maserve ang mga inorder naming pagkain.
"Let's not talk about her," walang ganang sabi niya.
"Why not? She's the reason why we're here in the first place. Ipinag tanggol mo lang naman siya kaya tayo nag away kaya bakit hindi natin siya pag usapan ngayon?" mataray na tanong ko.
"Ayokong pag awayan natin 'to Athena. Please," seryoso niyang sinabi kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sundin siya at nanahimik na lamang habang hinihintay namin pareho ang order namin.
Ayoko din naman talaga ng lagi kaming nag-aaway. Nakakapagod kayang makipagtalo sa kagaya niyang pikon pero hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili kong hindi mag tanong tungkol sa naabutan kong pangyayari kanina? Bakit bigla bigla na lamang binabanatan si Troy? Nagtaksil ba talaga sa kanya ang girlfriend niya para gawin niya iyon kay Troy. Bwisit na babaeng 'yun ah! Mangangalantari na lang iyong future boyfriend ko pa tapos ang kuya ko pa ang lolokohin niya. Ang kapal ng mukhang magloko. Eh ano ngayon kung maganda siya? Tama bang lokohin niya ang kuya ko para sa ibang lalaki? Kung hindi ba naman haliparot di ba? Napairap ako sa kawalan na agad namang napansin ni Ares. Tumaas ang kilay niya.
"You're still mad?" May lambing na ngayon sa tono niya.
"I'm not mad at you, Kuya. I'm mad because of your girl," diretsiyahang sagot ko. Bumuntong hininga siya bago muling nagsalita.
"I told you, let's not talk about her."
"And why not? Unang-una hindi ko nga alam na girlfriend mo talaga 'yung babaeng 'yun tapos malalaman ko na lang na nakikipag-away ka para lang sa kanya? Is she that important para gawin mo yun? At paano kung ma-kick out ka dahil lang sa babaeng 'yun? Ayos lang sayo ganun? Are you out of your mind Kuya? Alam na alam mo naman na tanggal ka sa school ay sa ibang bansa ka pag-aaralin ni Dad. Gusto mo ba 'yun? Mas pipiliin mong mapalayo sa akin para lang sa babae mo? Ganun ba ang gusto mo ha kuya?" nanggigigil kong sinabi. Mariin siyang napapikit na para bang nahihirapan siya dahil sa sinabi ko. Inirapan ko siya.
"You know I don't want that, Athena," may diin niyang sinabi.
"Eh bakit ka nakipag-away kanina sa school? At talagang balak niyo pang pagtulungan ng mga kaibigan mo si Troy?"
"You know him?" Nahihimigan ko ang iritasiyon sa kanyang boses nang itanong niya iyon. Inirapan ko siya.
"Of course I know him. Halos lahat yata ng mga kabatch kong babae kilala siya. For your information, hindi lang po ikaw ang sikat sa mga babae ano!"
"So you like that boy?"
Bigla akong pinamulahan ng pisnge sa biglaan niyang tanong kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya para hindi niya mapansin ang pagpula ng pisnge ko. Nang lingonin ko ulit siya ay nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga.
"Kaya mo siya tinulungan kanina dahil may gusto ka sa lalaking yun, Athena?"
"Of course not!" tanggi ko sa paratang niya. Matalim na ngayon ang titig niya sa akin.
"Kahit sino naman ang bugbogin mo duon, tutulungan ko." Umirap ako.
"Tigilan mo na nga 'yang pagiging basagulero mo Kuya! Kaya ka napapagalitan nila Dad eh!"
"I have a reason why I did that."
"And your reason is that girl? Kuya naman! I understand that she's pretty but for freaking sake marami ka pang makukuhang mas maganda kaysa sa babaeng iyon. Hindi mo kailangang magpakababa para sa kanya! Like duh! Ang dami kayang mga babaeng nagkakandarapa sayo sa school. I know dahil maging ang mga kaklase ko ay patay na patay sayo. Sikat na sikat ka kaya sa mga babae lalo na sa mga kabatch ko. Kaya kung ayaw na sayo ng babaeng iyon, hayaan mo na siya. Baka ito pa ang maging dahilan para mapatalsik ka sa school! Pag nangyari yun paniguradong magkakahiwalay na tayo. Gusto mo ba yun ha Kuya? Gusto mong magkahiwalay tayo?"
Iritadong binalingan ako ni Ares. Magkasalubong na ang mga kilay nito ngayon.
"Of course not!" he said with annoyed face.
"Then stop doing stupid things," I said then rolled my eyes.
Dumating na ang mga in-order namin kaya nahinto na din kami sa pinag-uusapan namin. Nilagyan niya ng steak ang pinggan ko nang mapansin niyang pasta lang ang kakainin ko. Hinayaan ko na lang siya kahit na ayoko naman talagang kumain ng marami dahil pakiramdam ko nadadagdagan na ang timbang ko. Palagi siyang ganito kapag nasa harapan kami ng pagkain at nakikita niyang kokonti ang kinakain ko. Talagang dadagdagan niya ng pagkain ang plato ko kahit wala akong sinasabi. Hindi ko na din naman magawang tumanggi dahil alam kong pag-aawayan lang namin iyon. Ganito kami palagi. Konting bagay ay pinagtatalunan na parang mga bata. Ewan ko ba. Mahal naman namin ang isat-isa pero ang dalas naming magtalo kahit sa mga simpleng bagay lang. Kung sabagay mabilis din naman kaming nagbabati. Hindi naman kasi namin kayang magtanim ng galit sa isat-isa at hindi ko din siya kayang tiisin. Malungkot kaya kapag nag-aaway kami. Ang bigat sa dibdib kapag alam kong masama ang loob niya sa akin.
Napabaling ako kay Kuya nang bigla siyang tumikhim. Sumimsim nuna siya sa basong nasa harap niya bago nagsalita habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya at nag-aabang sa sasabihin niya.
"Next month na 'yung training ko sa states. Tatlong buwan din akong mawawala."
"What?" pahisteryang tanong ko. Itinaas ko ang kamay ko upang pigilan siyang magsalita ulit. Inabot ko ang babasaging basong nasa harapan ko at nilagok ng diretsiyo ang laman nito bago muling bumaling sa kanya.
"What are you saying again, Kuya?" kalmadong tanong ko.
"I'm leaving for three months and next month na ang alis ko."
"At ngayon mo lang talaga sinabi sa akin ito? Mygad Ares! Isang linggo mahigit na lang bago ang next month tapos ngayon mo lang sinabi sa akin ito?" hindi makapaniwalang tinignan ko siya.
"I'm sorry. I don't know how to tell you. Hindi pa din naman ako sigurado kung tutuloy ako. I don't wanna leave you. Baka kapag umalis ako kung ano ano na lang ang kainin mo dyan. Hindi na kita mababantayan. Baka mag boyfriend ka pa kaya hindi ko din talaga sigurado kung tutuloy ako sa states. Ayaw mo din namang maiwan kita dito di ba?"
Inirapan ko siya.
"Of course I don't want you to leave but you have to. Di ba pangarap mo 'yan? Magandang opportunity para sayo kung sa ibang bansa ka mag t-training. Oo tama ka ayokong maiwan dito pero anong magagawa ko kung pangarap mo 'yan. Ayokong maging hadlang sa pag-abot mo ng pangarap mo Kuya kaya sige na. Tumuloy ka na. I will be fine here."
Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"What?"
"Why do I have this feeling na gusto mo talagang umalis ako para magawa mo ang mga bagay na ayaw ko?"
"Of course not! Hindi naman ganun yun eh! Gusto kita dito. Ayokong iwanan mo ako pero alam kong para sayo din 'to. Ang pangarap mo lang naman ang iniisip ko tapos pagdududahan mo pa ako. You're so mean!"
Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko. Naiiritang tinanggal ko naman ang kamay niya 'tsaka sinuklay ng daliri ang aking buhok.