Kabanata 35 C A S S Pagbalik ni Andrei ay agad akong naupo para maharap siya ng mas maayos. Habang wala kasi siya ay sinubukan ko pang magpahinga na muna sandali. Mas lalo kasing lumalala ang hilo ko kapag kumikilos kaya nung makapagpahinga ako sandali ay medyo gumanda na ang pakiramdam ko. Ngunit nagtaka ako nang pagbalik niya ay may kasama na siyang waiter na may hawak na tray ng pagkain. Tumaas ang kilay ko kay Andrei nang mapadako ang tingin niya sa akin pero hindi niya iyon pinansin. Bumaling ito sa waiter na nag-aantay kung saan niya ilalapag ang tray na hawak. "Pakilagay na lang dyan," ani Andrei habang itinuturo ang nag-iisang lamesa sa buong kwarto agad naman siyang sinunod ng waiter bago ito nagpaalam at umalis na. Pinanuod ko kung paano tupiin ni Andrei ang long sleeve niya

