Kabanata 33 A T H E N A Ilang minuto pang pag-iintay kay Cass ay sa wakas dumating na din siya. Suot niya yung tube type dress na binili niya kanina with matching high heels pa talaga. Naka-heels din naman ako pero hindi kasing taas ng heels niya. Medyo maliit lang kasi si Cass kaya mahilig talaga siya sa matataas na heels. Hindi ko alam kung paano niya nakakayanang magsuot ng ganun kataas dahil iyong mababa pa nga lang nangangalay na agad ako. Paano pa kaya 'yung kay Cassy. Anyways sobrang ganda niya ngayon. Mukhang kakabugin niya pa yung nag paparty. Teka nga? Para saan nga pala itong party na ito? Hindi ko na natanong si Cass dahil may kausap siya sa phone. Si Tita yata at mukhang nag aaway nanaman sila. Sa isang sikat na hotel ang venue. Nagulat pa nga ako kasi hindi ko naman akala

