004

2038 Words
Kabanata 4 A T H E N A Patakbo akong lumapit sa dagat nang masilayan ang ganda nito. Huminto lang ako sa pagtakbo nang hanggang baywang ko na ang tubig. Nilingon ko si Ares nang may malaking ngisi sa mga labi. Napapailing na ngumisi din siya sa akin nang makitang tila tuwang tuwa ako. Pinagbigyan niya kasi ako sa hiling kong mag bakasiyon kami kahit tatlong araw lang bago man lang siya umalis. Ayoko naman kasing umalis siya nang wala man lang kaming bonding na dalawa. Sinubukan din namin ayain sila Mom pero as usual busy silang dalawa ni Daddy Renato kaya hindi na namin pinilit. Lagi namang ganito. Laging kaming dalawa lang ang namamasiyal sa kung saan saan. Hindi ko na nga alam kung ilang lugar na ang napuntahan namin ni Ares nang kaming dalawa lang. Mula kasi nang matuto siyang mag maneho at makakuha ng lisensiya ay nakaugalian na naming mamasiyal kung saan saan. Masaya naman kami sa ganun kahit kaming dalawa lang. Masaya talaga ako kapag si Ares ang kasama kaya kahit saan pa man siguro kami mapadpad basta nasa tabi ko siya ay ayos lang. Itinaas niya ang camera-ng hawak niya upang kunan ako ng litrato kaya naman agad akong nag pose. Sayang nga lang dahil hindi ako nakapag two peace ngayon. Paano may bantay. Napaka conservative kaya ng lalaking iyon. Kahit nga itong maikling short at sandong suot ko gusto niya pang palitan ko. Grabe siya sa ka-OA-an! Ewan ko ba kung bakit naging ganito ito. Hindi naman ganito ka conservative si Daddy kaya di ko malaman kung saan niya namana ang pagiging konserbatibo niya. Tsk. Conservative my ass. Ang dami niya kayang babae sa school. Kabi-kabila nga any tsismis sa kanya kapag may bago siyang fling. Nitong nakaraang buwan lang walang na iisyu sa kanya kundi iyong Arian na 'yun. Hmp! Edi siya na maganda. Porket siya lang yata ang sineryoso ni Ares may gana na siyang magloko? How dare her do that to my brother? Humanda siya sa akin pag-alis ni Ares. Kokomprontahin ko siya. Kala niya huh! Nang magsawa ako sa pagpose sa camera ay huminto na ako. Lumapit ako kay Ares at pinababa ang hawak niyang camera upang samahan akong lumangoy. Hinayaan lang naman niya ako sa gusto kong mangyari. Hinila ko siya sa dagat at nang hanggang dibdib ko na ang tubig ay nagpasiya na akong sumisid pailalim. Nilapitan ko ang mga coral reef na nakita ko sa malapit. Nang lumingon ako kay Ares ay nakasunod na din siya sa akin. Pinagmasdan ko mula sa malapitan ang mga koral. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga iyon habang pinagmamasdan ko. Hindi ko na namalayan ang tuluyang paglapit ni Ares sa pwesto ko. Bigla na lang may brasong pumulupot sa baywang ko. Hindi ko na siya kailangan lingonin para lang malamang si Ares iyon dahil kabisadong kabisado ko na pati ang hawak niya ang hindi lang pamilyar para sa akin ay ang pagtahip ng puso ko sa hindi ko maintindihang dahilan. Medyo bayolente ang pagtahip nuon kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahawak sa aking dibdib. Mabilis na kumalas ako sa yakap niya upang umahon na sa tubig dahil sa hindi ko malamang dahilan ay nahihirapan na agad akong huminga kahit na hindi pa naman ako nag tatagal sa ilalim. Hindi naman ako ganito nuon. Kaya kong magtagal sa ilalim pero dahil sa rahas ng pagtibok ng dibdib ko tila nahihirapan din akong huminga. Pagka-ahon ko ay umahon din si Ares. "Is something wrong?" takang tanong niya. Hindi niya din siguro inasahang aahon agad ako ng ganun kabilis dahil madalas ay nagtatagal talaga ako sa ilalim. Muling bumalik sa normal ang t***k ng puso ko. Imbis na sagotin ang tanong ni Ares ay mabilis ko itong sinabuyan ng tubig sa mukha. Sunod sunod ang pagsaboy ko ng tubig sa kanyang mukha upang hindi siya makaganti. "Athena stop!" "Ayoko nga!" "Damn it! S-stop!" Tumawa ako ng malakas bago mabilis na lumangoy palayo sa kanya dahil alam kong huhulihin niya ako dahil sa ginawa ko sa kanya. Ngunit hindi pa man ako gaanong nakakalayo ay nahawakan na niya agad ang paa ko. Hinila niya ang binti ko upang pigilan ako sa paglangoy. Sabay kaming umahon sa tubig. Nakahawak naman na siya ngayon sa braso ko. "Akala mo matatakasan mo ko huh?" aniya bago akp sinimulang kilitiin sa tagiliran. Napahiyaw ako sa kiliting idinulot ng ginagawa niya. Kahit anong gawin kong panlalaban ay hindi ko magawang makawala sa hawak niya kaya wala na akong nagawa kundi ang maghihiyaw sa sobrang kiliti. "O-Oh m-my gosh, kuya s-stop!" tili ko pero hindi niya ako pinakinggan na para bang nag hihiganti siya sa ginawa kong paglalaro sa kanya kanina. Nang sa wakas ay mapagod siya sa pangingiliti sa akin ay tumigil na din siya. Pareho kaming natawa dahil sa pagiging isip bata naming dalawa ng panandalian. Nang humupa ang tawanan namin ay napatitig na lang akong bigla sa kanyang labi. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at tila nawala ako sa sarili ko habang pinagmamasdan ang halos pulang labi niya. Hindi ko magawang ialis ang mga mata ko mula ruon. Naguguluhan na ako at nawiwirduhan sa sarili ko pero hindi ko pa din magawang ialis ang titig ko ruon. Napakagat ako sa aking labi. Bumaba ang tingin ko sa kanyang adam's apple nang mapansing bahagya itong gumalaw dahil sa paglunok niya. Nang ibalik ko ang mga mata ko sa mukha niya ay nagtagpo ang mga tingin namin. Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin na para bang nagtataka sa bigla kong pagkatulala. Uminit ng husto ang buong mukha ko nang mapagtanto ang kalokohang ginawa. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Muli akong sumisid sa tubig upang hindi na niya makita ang namumula kong mukha. What was that Athena? Bakit ba bigla na lang akong napatitig sa mga labi niya? Hindi ko alam. Gulong gulo din ako sa mga kawirduhang naiisip. Nababaliw na yata ako. Kung ano ano na lang ang naiisip kong gawin. Hindi ko dapat ginawa yun baka kung ano pa ang isipin ni Ares. Ang tanga tanga mo talaga Athena, bakit mo kasi tinitigan yun na para bang gusto mo siyang halikan kahit hindi naman. Nang umahon ako ay wala na ang nagtatakang mukha ni Ares. Normal na ngayon ang reaksiyon ng mukha niya. Siguro naisip niyang natulala lang ako kanina at hindi na din naman pinagtuunan ng pansin ang nangyaring iyon. Nakakahiya talaga. "Come on, kumain na muna tayo!" aya niya bago hinawakan ang kamay ko. Magkahawak kamay kaming umahon sa tubig. Nag huramentado nanaman ang puso ko sa hindi ko malamang kadahilanan pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Hindi kaya may sakit na ako? Umakyat muna kami sa suite namin para magbihis bago kami kumain. Isang suite lang kami ni Ares dahil fully booked ang hotel. Hindi kasi kami nakapagpareserve ni Ares dahil biglaan nga itong lakad naming ito. Hinayaan na lang namin. Wala namang kaso sa akin kung maghahati kami sa room. Ayos lang din sa akin kung tabi kaming matutulog mamayang gabi. Nuon nga palagi kaming magkayakap na dalawa. Pupuntahan ko pa siya sa kwarto niya para lang magpayakap dahil hindi ako makatulog. Hirap kasi talaga kong matulog nuon nang walang kasama o kayakap pero last year lang din natuto naman na akong matulog ng mag-isa. Simula kasi nang malaman ni Mommy na pumapasok ako sa kwarto ni Ares ay pinagalitan niya ako. Hindi ko daw dapat ginagawa iyon dahil dalaga na daw ako at hindi na magandang tignan kung sa kwarto ako ni Ares natutulog. Minsan lang naman iyon kapag hindi talaga ako makatulog pero dahil nga sabi ni Mommy, hindi ko na ulit inulit iyon. Sinanay ko na ang sarili kong matulog nang mag-isa. Hinayaan ako ni Ares na mamili ng restaurant na kakainan naming dalawa. Siyempre pinili ko iyong nag seserve ng pasta. Favorite ko kasi talaga ang pasta at alam iyan ni Ares. Samantalang siya ang paborito niya ay steak. Gusto ko din naman iyon kaya lang ay nakakataba daw iyon kaya inayawan ko na din. Si Ares na nga lang nakakapagpakain sa akin nuon. Hindi kasi ko makatanggi sa kanya kapag galit na siya. 'Tsaka ayokong pag-awayan pa namin iyon. Pati ba naman kasi sa pagkain ay mag-aaway kami di ba? Parang ang childish naman na nuon di ba? Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ni Ares ay may lumapit sa table naming babae. Naka-tube top lang ito at maikling short. Tumaas ang kilay ko kay Ares nang kausapin siya ng babae. "Ares Aragon?" anang babae. Tinitigan ni Ares ang babae na para bang minumukhaan ito. Napairap ako nang mapangiti si Ares sa babae. Mukhang nakilala na kung sino ito. "Oh you're here! Kamusta?" nakangising tanong niya sa babae. "Oh I'm glad you remember me! I'm fine. How about you?" tuwang tuwang sabi ng babae dahil nakilala siya ni Ares. Nakilala nga ba talaga? Let's see about that. Ngumisi ako bago bumaling kay Ares. "You know her Kuya? Who is she?" nangingiting sabi ko. Biglang nawala ang ngisi sa mga labi ni Kuya sa tanong ko. Got you there ass! Nakita mo lang na sexy kunwari kilala mo na kahit hindi naman. Kahit kailan talaga napaka-womanizer nitong lalaking ito. Kabisadong kabisado ko na siya sa mga ganitong bagay at hindi ko siya susuportahan sa ganitong bagay. "What is her name Kuya?" muling untag ko nang may mas malawak na ngisi. Tumalim ang tingin sa akin ni Kuya. Hindi makasagot dahil hindi naman talaga niya nakikilala ang babaeng nasa harapan namin. Humalakhak ako bago binalingan ang babaeng nasa harapan ng lamesa namin. Biglang naglaho ang ngisi sa mga labi nito nang mapagtantong hindi matandaan ni Ares ang pangalan niya. Tinaasan ko ng kilay ang babae. Bakit hindi na lang siya umalis halata namang hindi siya nakikilala ni Kuya at nagpapanggap lang ito. "I'm Elsa, remember?" aniya na nakadirekta lang ang tingin kay Ares. Elsa huh? That explains why the cold never bothers her. Humalakhak ako sa naisip. Sabay silang napatingin sa akin dahil sa paghalakhak ko. "Oops sorry.." sabi ko sabay takip sa bibig ko. Sandali pang nag-usap ang dalawa bago tuluyan nang umalis ang babae. Nakita ko pang nagpalitan sila ng numerong dalawa. Tsk landi talaga nitong lalaking ito. Gustong gusto ko siyang sapakin kung hindi ko lang siya mahal. Sarap niyang saktan kapag ganito siya kalandi at talagang sa harapan ko pa siya nakikipaglandian. "What?" tanong niya nang makitang ang sama ng tingin ko sa kanya. "Ang landi mo!" sabi ko sabay irap. Tumawa siya. "Nilaglag mo nga ako." "Kahit naman nilaglag na kita mukhang hindi pa din na-turn off yung hipon na yun. Talagang nakipagpalitan pa ng numero. Napaka-desperadang babae," pagalit na sabi ko. Bakit kasi may mga ganung babae? Parang wala ng kahihiyan sa katawan. Napaka desperada. Ngumisi si Ares. "Wag mo ng isipin yun. Kumain na lang tayo." "Paano pa ako makakakain eh sinira na ng babaeng iyon ang gana ko sa pagkain. Sa harap ko ba naman kayo naglandian. Seriously Kuya?! Hindi mo nga kilala iyong babaeng 'yun tapos binigay mo agad ang number mo? Tapos pag ako bawal mag boyfriend? Ang daya mo talaga!" "Athena, magkaiba tayong dalawa. Babae ka at ako lalaki. Bata ka pa at ako nasa tamang edad na. Tigilan mo ko sa ganyan mo dahil kahit anong gawin mo hinding hindi ako papayag na mag boyfriend ka." Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya sa sinabi niyang iyon. "I hate you!" untag kong may halong hinanakit ngunit mas lalo lamang ngumisi si Ares. "You don't mean that, Athena," aniya nang may pagmamayabang. Inirapan ko siya. Ang yabang yabang talaga porket alam niyang hindi ko kayang magalit sa kanya ng sobra. Alam niya kasing mahal na mahal ko siya kaya kahit sabihin kong ayoko sa kanya at galit ako sa kanya ay hindi siya mangangamba. Alam na alam niya din kasing kahit galit ako ay sa huli hindi ko pa din siya matitiis. Kailan ko ba kasi siya natiis? Nakakainis talaga. Ang sarap niyang sabunutan kung hindi ko nga lang talaga siya mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD