CHAPTER 3

1836 Words
CHAPTER 3 Masakit na ulo ang nag-pagising s'kin. Dinama ko ang bandang likod ng ulo ko at may nakapa ako na maliit na tela tila isang Gaza at naka plaster eto, nakadikit sa anit ko. "Teka hindi pa ba ako patay?" Ang naitanong ko sa aking sarili. Sa pagkakatanda ko ay nahulog ako sa balcony. Dapat ay patay na ako dahil alam kong mataas ang kinabagsakan ko. Iginala ko ang aking paningin nakahiga ako sa hospital bed at nakadamit din ng panghospital. " Teka nasa Hospital ako? Buhay ako?" Ang muli kong tanong sa aking sarili. Bumukas ang pinto at may pumasok na nurse.Nakita n'ya akong nakatingin sa kan'ya. "Gising ka na pala Ma'am Ella. Nagugutom ka ba?" Ang tanong nito s'kin. "T-teka Ma'am Ella? K'lan pa ako naging ma'am?" Ang aking pagtataka. "Wait, lang po ma'am Ella, echeck ko lang yong tahi mo sa ulo." Nag-tataka ako kong bakit ang ulo ko lang ang masakit at nagkasugat. Bukod duon ay wala na. Wala akong kagalos galos at wala din akong naramdaman na masakit sa buo kong katawan. Wala din akong pilay. Gusto kong malaman kong ano ang nangyari sa'kin, kaya nag-tanong ako sa nurse. "Nurse, Ano bang nangyari s'kin?" " " Ma'am may pumokpok po sa ulo n'yo. At wala kayong malay ng dalawang araw. Natatandaan nyo po ba? " " Ha! Ganun ba? " Nasa malalim akong pag-iisip ng muling Bumukas ang pinto may pumasok na matanda na naka wheelchair at isang Nurse din na tumutulak sa wheelchair ng matanda. " Buti naman Apo at nagising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo? " " Ano daw? Apo? " " Sabi ng Doctor mo pwede ka ng iuwi basta magising ka na.Kaya tatawagan ko si Sam para maiuwi ka na n'ya." "T-teka anong nang-yayari K'lan pa ako nag-ka Lolo? Hindi ko kilala ang matandang eto." "Mina mag-order ka ng makakain ni Ella tiyak gutom na ang Apo ko." "Yes master!" Ang sabi ng nurse na kasama ng matanda s'ya pala si Mina. "Apo,ipahahanap ko kong sino ang gumawa sa'yo n'yan at hindi makakapayag si grandpa na hindi n'ya pagbayaran ang ginawa sa'yo.H'wag kang matakot now tell me, kilala mo ba s'ya? Natameme ako dahil hindi ko alam ang aking Sasabihin.Para akong nahihilo,nandirito ako sa Hospital kasi may pomokpok sa ulo ko at may Lolo ako, naguguluhan ako, Anong nangyayari. Bumukas ulit ang pinto at dalawang naka uniform na police ang pumasok. Good evening po Mr. Lee and miss. Lee Andirito po kami upang magagawa ng imbistegasyon." " Sige, gawin nyo ang trabaho n'yo at gusto ko mahanap at mahuli agad ang hayop na nanakit sa apo ko. "Ang Sabi ng matanda na lolo ko daw. Tinanong ako ng mga imbistegador kong kilala ko daw ba ang nanakit sa akin.Ano ginagawa ko sa mga oras na iyon. Kong may napansin daw ba ako na kahinahinala na tao sa paligid ko, at kong may kaaway daw ba ako. Para matigil na sa sunod sunod na tanong at talagang wala naman akong maisasagot dahil wala nga akong alam, maski nga ako maraming katanungan sa nang-yayari sakin ngayon. Kaya sinabi ko na lamang hindi ko kilala at wala akong alam. Umalis ang mga imbestigador na wala silang nakuha na kahit anong impormasyon mula sa akin. Kaaalis lang ng mga imbestigador ng muling bumukas ang pintuan at may pumasok na lalaki, at sa laking gulat ko ng makilala ko kong sino ang lalaking iyon. Bigla akong ginapangan ng subrang takot sa katawan. Ang lalaking naging costumer ko ng gabing iyon, ang kumuha sa akin at dinala ako sa mga kaibigan n'ya upang pagpyestahan.Sa subrang takot ay tila umurong ang aking dila. Ano ang gagawin n'ya? Bakit s'ya naparito? Balak ba n'ya akong patayin para walang makaalam sa ginawa n'ya sa'kin, nilang magkakaibigan. "O Sam, buti dumating ka na. Pwede na daw iuwi si Ella. Iuwi mo na s'ya mamaya." Ang Sabi ng matanda na. "Yes! Grandpa, ako na po ang bahala Kay Ella." Tahimik akong nakayuko at nakikiramdam at nakikinig sa kanilang mga usapan. "Three days from now, ikakasal na kayo ni Ella kaya ngayon palang ibinibigay ko na sa'yo Sam ang pangangalaga sa aking Apo." "Hindi ko alam kong ano ang mangyayari sa akin, baka bukas o sa isang araw mawala na ako.Alam n'yong naman na may taning na ang buhay ko. Kaya ngayon pa lang ibinibigay ko na ang pangangalaga sa nagiisang Apo ko sayo Sam at Sana huwag mo akong bibiguin." "Yes! Grandpa makakaasa po kayo. Ako na po ang bahala kay Ella, She's will be my wife soon, so it's my responsibility." "Ano? three days from now ikakasal ako sa lalaking eto? Anong nangyayari? Teka teka naguguluhan ako." Ang mga tanong ko sa aking sarili na tila gustong sumabog ng aking utak,wala akong mapagtanungan,dahil takot na takot ako. Napagpasyahan ko na lamang manahimik at magmasid baka makakuha ako ng tamang kasagutan sa nangyayari sa akin. " Grandpa, it's time na po para bumalik kayo sa room n'yo. Baka pagalitan tayo ni Doc. Ibabalik ko na po kayo." Ang Sabi ng nurse na si Mina. "Ma'am Ella, alis na po kami.Sir Sam, ibalik ko na si Grandpa sa room n'ya." Ang Sabi sa amin ni Mina.Subalit nahagip ko ang kakaibang kislap sa mga mata n'ya at ngiti ng nagpaalam s'ya kay Sam. Tuluyan ng umalis si Grandpa at si Mina naiwan kami ng lalaking Sam daw ang pangalan. " Aalis na din ako, babalik na ako sa office.Babalikan kita mamaya kapag naayos na ng personal assistant ko ang release papers mo. Kong may kailangan ka sabihin mo na at aalis na ako." "W-wala sige umalis ka na." Ang wika ko sa kan'ya. "T-teka"Ang bigla kong nasabi ng patlikod na s'ya. " Kilala mo ba ako? "Ang naitanong ko sa kan'ya na hindi ko na mapigilan itanong. Tahimik Kong hinahantay ang kaniyang kasagutan dahil, nakatitig lamang s'ya sa akin at ako naman ay yumuko.Narinig ko ang kaniyang malalim na paghugot ng hininga bago sumagot sa tanong ko. " Well, OK!.... Your Ella Lee, the only Grand Daughter of Master.Xian Lee and your my Wife to be, three days from now. It's that enough?" "Ano? ako si Ella Lee?" Nasa malalim akong pag-iisip ng basagin ni Sam ang katahimikan. "Kong wala ka ng kailangan alaia na ako. Kailangan ako sa office sumaglit lamang ako dito." Tuluyan ng tumalikod si Sam at umalis sa aking silid. Naiwan akong takang taka sa nangyayari. Buti na nga lamang at nanunuod din ako ng mga telenobela,at mga movies.Yong mga taong namatay at nabuhay sa katawan ng ibang tao. Kaya napagtanto ko na hindi kaya, nagkaruon ako ng second life. Hindi ako Naniniwala sa mga Fairytale. Fairytale nga kaya impossibleng mangyari sa totoong buhay. Pero sa nangyayari sa akin ngayon parang gusto ko ng maniwala.Napagpasyahan kong itulog na lamang baka isa lamang etong huling panaginip bago ako umakyat sa Langit o bumaba ng impyerno. Nasa kailaliman ako ng aking pagtulog. Ng may tinig akong narinig isang bosses ng lalaki malamig ang kaniyang boses.Idinilat ko ang aking mga mata at muli kong nasilayan ang kaputian ng kapaligiran na nakita ko noong nahuhulog ako sa balcony. "Sino po kayo? " Ang naitanong ko. "Anak masyado akong nahabag sa sinapit mo. Kaya binibigyan kita ng pangalawang buhay. Na kong saan ikaw ang gagawa ng iyong kapalaran." Ang Sabi ng tinig na iyon sa akin. Nagising na lamang ako dahil sa pag-uga sa aking balikat ni Sam. Nakabalik na pala siya,ibig sabihin sinusundo na niya ako para umuwi... Humantong kami sa isang malaking Mansion. Sa loob ng isang exclusive subdivision sa Makati. Nagtataka man pero hindi ako nagpapahalata na hindi ko alam kong kaninong bahay ang pinuntahan namin. May lumapit sa aming katulong at bumati siya mona sa aming dalawa ng magandang hapon. Iniabot naman ni Sam ang daladala niyang mga gamit ko. Ang katulong ay tumingin sa akin na parang nagtataka. "Irene dalhin mo eto sa kwarto na pinaready ko sainyo kanina." "Opo Sir!" Ang sagot ni Irene at mabilis na umalis sa aming harapan. " Halika sa kusina Ella at kumain ka. May pinaluto akong pagkain kay Nana Helen." Sumunod ako sa kaniya ng tahimik.naglakad kami na nasa likuran niya ako at tahimik na nagmamasid at nakikiramdam sa mangyayari. Nasa isipan ko parin ang takot sa lalaking eto. Hindi ko alam kong masama ba siya kalaban o Ano.Unti unti ko ng tinatanggap sa sarili ko na nabuhay ako sa ikalawang pagkakataon. Kaya imposible naman na ang Sam nuon ay ang Sam ngayon na kaharap ko. Subalit hindi parin ako pwedeng magtiwala at maging kampante. "Nana Helen naka ready na ba ang pinaluto ko sa inyo? kakain na kami." "Opo Sir,naka ready na po ang lahat sa dining area." Ang Sabi ni Nana Helen na ipinukol din ang tingin sa akin. At ang dalawang katulong din na naruruon ay tumitingin sa akin. "Sir s'ya po ba si Ma'am Ella?" Ang tanong ni Mama Helen Kay Sam. "OO Nana Helen. S'ya nga." "Ma'am welcome home po!" Ang halos sabay sabay na pagbati sa akin ng tatlong katulong na naruruon. Sinundan ko lang si Sam hanggang sa makarating kami sa tinatawag nilang dining area. Namangha ako sa pagkain na nakahain sa mesa. Alas singko pasado na ng hapon pero hindi naman masasabing meryenda eto dahil ang mga menu ay pork menudo. Chicken cordom Bleu, May sinigang na sugpo, may adobong baboy, vegetabales salad,at orange juice. "Kumain ka na Ella ipinahanda ko talaga iyan para sayo.Alam kong hindi ka masyadong nakakain dahil sa dalawang araw kang walang malay,bumawi ka ng kain."Ang wika sa akin ni Sam. Hindi ko alam kong ano ang aking mararamdaman sa mga oras na iyon. Sa kauna unahang pagkakataon may pagkain Inihanda talaga para sa akin. Hindi lamang simpleng pagkain eto ang mga paborito ko.Eto ang madalas kong inoorder na pagkain sa carinderia ni Ate Belen na nagtitinda sa kanto sa malapit sa bahay namin. Pero isang order lang na ulam at dalawang cup na kanin. At syempre nahingi din ako ng sabaw. Subalit ngayon nasa harapan ko isang kainan lang ang lahat ng eto. Aba mag eemote pa ba ako baka bukas hindi na ako magising kaya lalantakan ko na ang mga eto. Minsan lang mangyari sa buhay ko Kaya susunggaban ko na. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglagay ng mga pagkain sa aking plato na halos umapaw sa dami nito. Taas ang kaliwang paa ko at sinimulan ng kumain na nakakamay. Nasa kasarapan ako ng kain ko at hindi magkamayaw sa pagsubo at pag-nguya ng mapansin ko si Sam na nahinto sa kaniyang pagkain, at seryosong nakatingin sa akin na parang nagulat. Subalit hindi ko siya pinansin at patuloy ako sa pagkain na para bang wala ng bukas. "Baka gusto mong uminom ng tubig, baka mabulunan ka." "Hindi, okay lang ako. Ang sasarap kasi ng mga pagkain mas masarap pa sa luto ni Ate Belen na suki ko sa may kanto. Kumain ka na huwag mo akong alalahanin." Ang aking Sabi Kay Sam na punong puno ang bibig ng pagkain habang nagsasalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD