MY BEGENNING
DISCLAMER
THIS IS A WORK OF FICTION,THE NAMES, PLACES, EVENTS, BUSINESSES, CHARACTERS, INCIDENTS AND ANY RESEMBLANCES ARE ALL COINSIDENCES
THIS IS MY OWN IMMAGINATIONS (Author-MODAVIN)
PLEASE DON'T READ IF, THIS IS NOT YOUR CUP OF TEA
PLEASE DO NOT COPY OR DISTRIBUTE IN ANY WAYS WITHOUT MY CONSENT
PLEASE ASK MY PERMISSION
THANK YOU!!!
STORY IS SUITABLE FOR MATURE READERS.....R18+
27/6/22
.......................................................
CHAPTER 1
"Hoy Ella! Gumising ka diyan. Akin na ang kinita mo kagabi?"
Pilit kong minumulat ang aking mga mata, dahil antok na antok pa ako dahil kakauwi ko lang kanina galing sa Beer house na aking pinagtratrabahuan.
Napilitan akong gumising dahil sa malakas na sigaw at paggising sa akin ni Auntie Loring.
" A-Auntie, sandali lang po at kukunin ko" Wika ko na pupungas-pungas.
"Nasaan ba? nasa bag mo ba?"
"Opo! Auntie,"
Parang nakikipag-unahan sa akin si Auntie Loring sa pagkuha ng aking bag na nakasabit sa likod ng pintuan ng aking maliit na kwarto.
Noon ay wala akong sariling kuwarto, noong panahong wala pa akong maibigay na pera kay Auntie Loring.
Natutulog lamang ako sa sahig o sopa sa sala, pero mula ng may pakinabang na siya sa akin ay pinagawan niya na ako ng maliit na kwarto na siyang ginagamit ko ngayon.
Mula sanggol pa lang ako ayon kay Auntie Loring ay sya na ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Sabi n'ya balak daw akong ipalaglag ng aking tunay na Ina. Dahil hindi daw sya pinanagutan ng lalaking nakabuntis sa kaniya o ng ama ko.
Anak daw ako ng kaibigan n'ya na namatay din ng ipinanganak ako. Siya daw ang nagsabi sa Ina ko na huwag akong ipalaglag at ibigay na lamang sa kaniya.
Kaya simula pagkabata ay palagi na niya sa akin sinasabing, na kong hindi dahil sa kaniya ay matagal na akong patay. Napakalaki daw ng utang na loob ko sa kaniya.
Nakaalis na si Auntie Loring pagkatapos makuha sa bag ko ang pera na nagkakahalaga ng limang libo.
Lahat ng kinita ko kagabi ay nilimas n'ya at pagkatapos n'yang makuha ang pera sa bag ko ay inihagis lang n'ya eto sa akin..
Sanay naman na ako sa ganito dahil halos araw-araw naman etong nangyayari.
Anong magagawa ko, malaki ang utang na loob ko sa kan'ya. May dalawa siyang anak na babae si Cora 24 at si Kathy 25 years old. Hindi rin maganda ang trato nila sa akin.
Mula ng nagkaisip ako ay wala akong natatandaang magandang bagay na nangyari sa buhay ko kasama silang tatlo.
Grade three lang ang inabot ko. Ang sabi ni Auntie Loring, wala daw s'yang pera na pampaaral sa akin. Sapat na daw ang kahit papaano ay marunong na akong magsulat at magbasa.
Nakapag-aral ako noon dahil na din sa pakikialam ng aming mga kapitbahay. Dahil ten years old na ako ay hindi pa ako nagaaral kahit kinder manlang.
Kaya laking pasasalamat ko talaga sa kanila. Nang dahil sa kanila ay nakatontong ako ng hanggang grade three.
Simula nang nagkaisip ako ay katulong na ang papel ko sa kanila. Taga linis ng bahay, taga laba, taga luto, utusan at kong ano ano pa na hindi ko naman magawang magreklamo.
Dahil alam ko na wala akong karapatan at kapag nangangatwiran ako sampal, kurot, batok, pingot, sabunot at palo ang mapapala ko.
Sa ngayon ay 18 years old na ako at dalawang taon na akong pokpok. Nagsimula ako sa edad na 16, naalala ko pa ng dalhin ako ni Auntie Loring, sa kaibigan nyang bakla noon.
Tapos ay nakita ko na binigyan ng bakla si Auntie, ng maraming pera.
Saka ko lang nalaman na ginawa na pala akong collateral.
Nalaman kong kaya ako iniwanan ni Auntie Loring sa bakla ay upang pagkakitaan.
Sa aking pagtataka ay binihisan ako ng magandang damit,. Isa iyong mini dress na lagpas puwet ang haba na parang kinulang sa tela. Inayusan at nilagyan din ng makeup ang aking mukha. Sa madaling salita ay pinaganda akong lalo.
Tuwang tuwa pa naman ako kasi gandang-ganda ako sa itsura ko.
Puring-puri pa ako ng bakla kasi napakaganda ko daw talaga at malaking bulas. Maganda daw ang hubog ng aking katawan, ang mga mata nya ay nagniningning.
(...... sign ng peso hindi bituin.....)
Dinala nya ako sa isang napakagandang bahay. Dahil inosente pa ako kaya wala akong ka-malay-malay na heto pala yong tinatawag nilang Motel.
Dinala n'ya ako sa isang kuwarto at pumasok kami sa loob. Sa loob ay may naghahantay na matandang lalaki. Sa tantiya ko ay nasa fifty pataas ang kaniyang edad.
" Fresh na fresh yan at class A, kitang kita naman hindi ba? magdagdag ka ng 10k. Kong Ayaw mo naman ay sa iba ko na lang sya ibibigay." Ang sabi niya dito na parang nananakot.
" Payag na payag. Ikaw naman, inuunahan mo ako." Sabi ng matandang lalaki at ang mga mata niya ay hindi maalis-alis ang titig sa akin.
Kakaiba ang kaniyang tingin. Pakiramdam ko ay gusto niya akong kainin. Nagbasa pa siya ng laway sa kaniyang pang-iba ang labi. Parang asong naglalaway.
Nakakita na kasi ako ng asong naglalaway sa labas ng aming bahay. Isang asong ulol na may rabies.
Wala akong kaalam-alam sa nangyayari at mangyayari sa akin. Tumalikod na yong bakla pagkatapos niyang makuha ang pera na ibinigay sa kaniya ng matandang lalaking iyon.
At nang makita kong papa-alis na ang bakla ay sumunod naman ako. Bigla siyang humarap sa akin.
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na po ako." Ang inosente kong sabi.
"Hindi! maiwan ka dito at magtrabaho na."
Itinulak niya ako pa-loob bago pa n'ya maisara ang pinto.
"Pakabait ka at paligayahin mong mabuti si Mr. Davis ng umulit s'ya sayo. Good customer yan, Babalikan kita mamaya." Ang sabi ng bakla na nakatingin sa pera na nasisiyahan.
Ako na hindi ko maintindihan ang sinasabi n'ya ay nagulat na lang. Nang bigla akong kargahin ng matandang lalaki at ibinalibag sa kama.
At nangyari ang hindi ko inaasahang bagay. Paulit-ulit ang ginawang kahayupan sa akin ng matandang lalaki na iyon. Nagmakaawa ako sa kan'ya ng napakaraming beses.
Subalit para siyang demonyong nagkatawang tao. Tinantanan nya lang ako ng pagod na pagod na siya na tila nawalan ng lakas.
Binaboy niya ako. Na halos mawala ako sa aking katinuan.
Lupaypay ang kaawa-awa kong katawan. Wala na ring luha ang aking mga mata. Nakatingin sa itaas ng kisameng salamin na kitang kita ang kabuuan ng hubad kong katawan at ng matandang lalaki sa tabi ko habang nakayakap pa sa akin.
Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing iyon sa buhay ko. dahil hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa ang bangungot na ayaw akong lubayan habang ako ay nabubuhay.
Lingid sa kaalaman ko noon, naka collateral ako sa bakla ng three hundred thousands pesos sa loob ng dalawang taon ay magtratrabaho ako sa kanya.
Isa s'yang tinaguriang mama Sang.. Kong sa mga artist, may mga humahawak sa kanilang manager. Sa mga prostitute, pokpok o nagbebenta ng laman ay Mama Sang, kong tawagin naman ang kanilang handler.
Paiyak iyak pa nuon si Auntie Loring. Nagawa daw niya iyon kasi mapapaalis na daw kami sa aming tinitirhan. Naisanla daw niya kasi eto dahil kinakailangan ng tuition fee ng dalawa nyang anak at iba pang mga gastusin sa bahay.
Mahina daw ang benta ng karne sa palengke. Plus mareremata na daw ang bahay at baka pulutin kami sa kalye.
Sa unang pagkakataon niyakap ako ng mahigpit ni Auntie Loring, humihingi sya ng tawad at lumuluha pa siya sa nagawa nya sa akin.
"Ella, napakasakit sa akin ng ginawa kong iyon saiyo. Ako na nag-alaga sa'yo mula baby ka pa. Halos hindi kita padapuan ng lamok at langaw sa katawan mo. Ako na nagpupuyat kapag nagkakasakit ka. Ako na kong saan-saan naghahanap ng ipapadede sayo. Ako na nagdadamit sa'yo, ako na tanging kasama mo hanggang sa lumaki ka.... Tapos ngayon na ako naman ang nangangailangan ng tulong mo nagagalit ka na sa akin." Ang ma emosyon niyang drama sa akin.
" Kong puwedeng ako na lang sana ay gagawin ko. Ang kaso ay sino naman ang magkakainteres pa sa akin na matanda na. Amoy lupa na..Seguro naman ay may awa ka sa akin, ako na nagpalaki saiyo." Dagdag pa niya.
Mananalong best actress si Auntie Loring, dahil bukod sa todo bigay sa kaniyang mga lines ay sinamahan pa ng luha.
Sa mga sinabi nyang iyon at sa nakikita mong luha sa kanyang mga mata, naantig ang puso ko.
Nagawa kong patawarin si Auntie Loring. Ngunit sa buong pag-aakala ko ay tapos na, payag na ako magpagamit sa kahit sinong lalaki mabayaran lang ang pagkakautang namin dun sa bakla kay mama Sang....pero hindi pa pala tapos.
Nalaman kong may bisyo pala siya.. Sugal, at droga. Pinipilit nya akong kumita ng pera. Kaya ipinasok niya ako sa isang Beer house na kong saan nag-eentertain ng mga customer at sumasayaw ng sexy sa harapan ng mga kalalakihan.
Bawat drinks ay may komisyon ako at kapag dancer ka may talent fee ka din, at kapag nag-patake out ka sa customer may pera ka rin... Depende na lang sa usapan ninyo kong magkano.
Gabi gabi nag-uuwi ako ng five thousands to seven thousands pesos at lahat ng kinikita ko lahat ay kinukubra ni Auntie Loring.
Wala syang pakialam kong kumain na ako o hindi pa.. Umaalis ako ng bahay para magtrabaho ng walang laman ang aking sikmura. Walang pagkain para sa akin. Wala silang itinitira o itinatabi at dumadating ako ng bahay na wala ding pagkain na para sa akin.
Suwertehan lang talaga kong mayroong tira na ayaw na nilang kainin. Pero madalas ay wala talaga.
Kaya natuto akong magtabi kahit konti para sa akin.. Pambili ng makakain at ng iba ko pang pangangailangan.
Bumalik ako sa aking pagkakatulog at dala ng puyat, pagkalasing at pagod madali din akong nakahimbing.
Halos sa araw-araw ay ganito naman palagi ang cycle ng buhay ko. Wala ng pagbabago at kahit dugo na ang iluha ko wala naman nang nangyayaring maganda. Nasanay na lang ang kawawa kong katawan at ang aking pagkatao.
Hinihintay ko na lamang ang aking kamatayan....ng makapgpahinga na ang pagod at kawawa kong katawan.
Naisip ko na dati ang magpakamatay. Tumalon sa ilog Pasig o kaya naman ay magpasagasa sa mabilis na train ng LRT, MRT, Bus, Jeep, truck, kahit ano basta masagasaan lang ako at mabilis mamatay.
Planado na nga ang lahat. Kong tatalon ako sa Ilog Pasig, maganda mga alas tres ng madaling araw, wala masyadong mga tao at sasakyan na dumadaan...Kong sa train ng MRT naman ako magpakamatay siyempre may guwardya doon pero may magagawa ba sila kong mabilis akong tumalon sa baba ng riles at ang MRT train ay mabilis ang takbo Segurado wasak na wasak ako.
Sa mga sasakyan naman sa kalye seguradong titilapon ako at pisak ang aking katawan kong sakali.
Ewan ko ba bat naisipan ko pang magsimba mona sa Qiapo bago magpakamatay nasa bungad pa lamang ako dinig na dinig na ang sermon ng pari..
*Mga anak mahalin nyo ang inyong mga sarili gaya ng pagmamahal sa inyo ng ating mahal na panginoon.."
"Mahal daw? , sila lang hindi ako, ang pabulong kong Sabi sa sarili ko.. Naghanap ako ng mauupuan at nakahanap naman ako ng isang mahabang mauupuan at may isang matandang babae ang nakaupo . Huling Misa na din ng gabing iyon kaya ka kaunti na lang ang mga tao sa loob...
Patuloy ang sermon ng pari
"Kong ano man ang nararanasan nyo ngayon lahat ng yan ay may dahilan batid ng ating panginoon ang lahat ng ating pighati at pagdurusa."
Sa narinig kong iyon mula sa paring nagsesermon nag-unahang pumatak ang aking mga luha. Parang gusto kong umatungal ng malakas kaso pinigilan ko lang dahil alam kong nasa simbahan ako.. Tahimik akong umiiyak habang nakikinig ay father.
" Tandaan ninyo, lahat tayo ay mahal niya. Sinusubukan lamang niya tayo kong hanggang saan ang ating pananalig at kabutihan ng ating puso. Lahat ng problema sa buhay ay may solosyon. Matutong maghintay at maniwala sa itaas... Sa kaniya! Sa dakila at ma kapangyarihan na lumikha sa atin."
Seryoso akong nakikinig, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay parang gumaan ang aking pakiramdam.
"Kaya ikaw na gustong wakasan ang buhay.." Pagpapatuloy pa ng Pari.
Nang marinig ko iyon ay natawa na lang ako, "bakit nya Alam?" Tiningnan ko pa si father kong sa akin ba siya nakatingin medyo hindi naman pala.
"Huwag mo ng ituloy dahil may naghahantay sayong magandang buhay... Tandaan n'yo, kong kayo mismo ang tatapos sa buhay na ipinagkaloob sa inyo ng ating panginoon. Ang kaluluwa ninyo ay mananatiling gagala dito sa lupa. Dahil hindi kayo tatanggapin sa Langit o sa impyerno. "
" Ah kaya pala! Seguro sila yong mga nagiging mga multo, aswang, white lady na nagpapakita sa mga tao kasi nandirito pa sila sa lupa. Kong ako kaya ang magiging multo, ano kaya ang itsura ko nakakatakot kaya? Kasi kapag nasagasaan ako tiyak para akong hinog na saging na natapakan. " Sa isip-isip ko.
Natapos ang Misa ng Pari, nagbago din ang aking plano. Hindi na ako magpapakamatay... Bago ako lumabas ng simbahan ay nangako ako na hihintayin ko na lang kusa akong mamatay.
At hihintayin ko din ang sinasabi ng magandang plano sa akin ng panginoon..
" Meron kaya?"