SINABI NG AKIN KA! (COMPLETED)Updated at May 8, 2024, 12:47
Si Hope De Asis , 22 years old. Isang nurse, maganda, mabait, matalino, masayahin at maloko. Nagiisang babae sa limang magkakapatid na De Asis, at bunso.
Lumaki siyang protektado at iniingatan ng kaniyang mga kuya na parang prinsesa. Malaking katanungan sa kaniya ang trabaho ng kanilang panganay na kapatid na si Winston. Dahil sa kabila na, isang Security Guard lamang eto ay naitaguyod silang lahat at napaaral hanggang kolehiyo.
At nang minsang sinundan niya ang kapatid ay kamuntikan na siyang Ma rape.Sa pagtakas niya sa lalaking humahabol sa kaniya ay nakapag bitaw siya ng pangako. Na kong sinoman ang taong magliligtas sa kaniya sa tiyak na kapahamakang iyon ay kaniyang papakasalan, paglilingkuran, luluhuran, papakainin, at mamahalin.
At dininig naman ng tadhana ang dasal niya dahil nabangga niya ang isang Mr. Ryo Hamada at nailigtas siya. Si Mr.Ryo Hamada ay isang Mafia under boss, at ang lihim na boss ni Winston ang kuya ni Hope. Na walang balak magseryoso sa isang relasyon, bumabaha ang mga babae sa kan'ya. Bossy, matapang, istrikto, bihirang ngumiti, at marami na siyang pinatay.
Ipagsisiksikan ni Hope ang kaniyang sarili kay Mr.Ryo. Lahat ay kaniyang gagawin mapalapit lamang dito. Ngunit pilit siyang iniiiwasan ni Mr.Ryo. Dahil malaki ang agwat ng kanilang edad bukod dito ay nalaman niyang kapatid pala eto ng paborito niyang Body Guard.
Bukod kay Master Ryo na isang Mafia ay may isang Leon, na gusto nang kaniyang mga kapatid para sa kan'ya na umiibig din kay Hope...