PANIMULA
"Maria, tatlong order pa dito sa amin."
"Maria, Isa pa ngang kanin at dinuguan."
"Maria, magkano lahat?"
"Maria, anim na order. Takeout ha."
"Sige, wait lang at mahina ang kalaban."
"Maria, dalawa pa nga take out din ha."
"Sige po."
"Maria, the best talaga ang dinuguan at puto mo sarap
talaga!"
ANG SENARYO SA TAPAT NG AMING BAHAY MULA LUNES HANGGANG SABADO.
"Aysus! Bola yarn? Sige na, bola is accepted kuya Tonio. Ikaw talaga papadagdag ka lang ng takal eh."
"Yarn tayo eh, lakas makaramdam he! he! he!"
"Kayo pa ba, malakas yata kayo sa akin. Lahat ng mga suki kong pabalik-balik dito sa tindahan ko ay tinatandaan ko at minamahal ko. Alam n'yo naman sa tindahan ko 'di bale ng maliit ang tubuin basta masaya at Busog lang kayo."
"Eh, kaya nga nandirito kami bumabalik-balik sa' yo."
"Oo nga."
"Oo nga Maria, tama si Mang Tonio."
"Kaya nga, salamat sa inyong lahat aking minamahal na mga suki. Palagi ninyong pakatandaan mahal ko kayo. Kaya sa susunod na halalan huwag ninyong kalimutan. Si Mariang magdidinuguan at magpopoto ay handang maglingkod sa inyong kumakalam na mga sikmura. Hatid ko'y laging fresh, Malinis na dugo sa araw-araw. Umulan man at bumagyo, basta huwag lang malubog sa baha ay may dinuguan tayo. Ang aking pakiusap lamang ay ang bayad ninyo'y huwag sanang kalimutan. "
HA! HA! HA!
HA! HA! HA!
Halakhakan na naman sila sa Korny kong joke. Wala eh, ganito ako kapag maganda ang mood ko. Bigla na lang ako napapa-tula.
Hindi lang sila nagsipagtawanan, nagsipalakpakan pa. Siyang-siya sa kalokohan ko ba.
Normal lang ang ganitong senaryo sa munting karinderya namin at mula umaga hanggang gabi ay open kami. From 6:00am to 8:00pm.
" Stacey, dalhin mo na 'to sa table five. Kanina pa sila. "Sabi ko sa kapatid ko na sumunod sa akin. Ako kasi ang panganay.
" Opo ate"
"Beshy, si Oohny oh," Tudya naman sa akin ng aking best-friend na si Joy, nagtratrabaho sa akin bilang isang serbedura.
Napatingin tuloy ako sa lalaking tinutukoy niya. Mukhang dito siya pupunta. Dito siya nakatingin kaya segurado.
May katabi kasi ang puwesto ko. Lutong bahay ni Aling Aning. Dito maraming Ibat-Ibang klaseng mga ulam na paninda.
" Maria, apat na order sa amin."
"Oh, Oohny ikaw pala." S'yempre kunyari hindi ko pa siya nakita kanina.
"Oo, bakit ayaw mo ba ako nandito?"
"Sus! Ikaw naman, tampo agad yarn. Kong alam mo lang miss na kita eh." Ang talandi ko talaga.
"I miss you too!" Sabi niya 'yon ha.
"Eto naman. Puwedeng pakiulit hindi ko narinig eh, ang iingay kasi nila eh.".
"I miss you nga!"
"Hi! Hi! Hi!" Para na akong inaasinan na bulate.
Nakalimutan ko bigla na maraming tao pala sa paligid ko at ako ay abala sa pagsasandok.
Sandali lang ha. Uunahin ko mona sila. Alam mo naman first come first serve sa akin. " Magiliw kong sabi with matching smile na kasing-sweet ng honey at pupungay-pungay pa ang mga mata. Wala lang kinikilig eh, huwag kayong ano 'diyan.
"Ok lang. Basta dagdagan mo' yong sa amin ha Maria." Sabay may pa-kindat pa.
"Oo naman, ikaw pa ba. Akong bahala sa'yo."
"Hindi lang ako, kami ng mga kaibigan ko."
"Sinabi na ngang ako na ang bahala sa inyo. Sige na umupo na kayo diyan."
"Maria." Banggit na naman niya sa pangalan ko.
"Ano 'yon?"
"Hindi ka lang maganda, ambait mo pa."
"Ano? Puwedeng pakiulit. Hindi ko kasi madinig ang iingay nila oh." Pero dinig na dinig ko kaya. Tengena naman, todo na ang kilig ko.
Lumapit siya sa tenga ko at doon niya inulit ang sinabi.
" Ang sabi ko, maganda ka at mabait. Lalo ka pang gumaganda kapag ganiyan ka, nakangiti. "
S'yempre kinilig na ang pekchay ko, Mas lalo ko pang inilapit sa kaniya ang aking tenga. Wala lang malandi lang, paki n'yo ba!
Naamoy ko tuloy siya. Infairnes ha, kahit pawisan na siya dahil sa mainit na panahon ay mabango pa din siya.
Ganiyan na ganiyan kasi ang mga tipo ko sa mga lalaki. Pogi, Malinis sa katawan, kasama na mga kuko sa kamay at paa, fresh, matangkad, at mabango.
Ayaw na ayaw ko sa may putok 'no. Kahit ganito lang akong babae. Simpleng maganda lang, pero choosy.
"Sus! Tagal ko nang alam' yan.. Low key lang tayo dapat. Baka sabihin nila ang yabang ko eh. Sige na, Ipahatid ko na lang orders ninyo. Upo ka na 'don. "
Natatawa siyang tumalikod at bumalik sa kaniyang mga kaibigan.
"Ay ano 'yan ha? Baka gusto mo namang e-share."
"Wala. Sinabi lang niya na maganda daw ako at mabait hi! hi! hi!"
"Kalurkey ka besh. Para' yon lang nabasa na ang panty mo."
"Hoy! Bibig mo naman pasmado bente. Puntahan mo na 'yong costumer oh, kanina pa kumakaway magbabayad na yata."
"Oo na. Malanding' to."
"Tsee! Inggit ka lang."
Habang nagsasandok ng kanilang order ay panay ang sulyapan naming dalawa.
Si Oohny, ay security guard sa pabrika na malapit sa aming tindahan.
Pabrika iyon ng mga plastic ware. Mayroon namang canteen sa loob ng pabrika, subalit mahal daw ang presyo ng ulam at hindi din daw masarap.
Samantalang ako ay dinuguan at puto lang naman ang tinitinda ko dito at Kanin sa gustong mag kanin. Pero dinadayo. Masarap daw kasi.
Maliit lang naman etong tindahan ko sa tapat lang naman ng aming bahay.
Parang isang sugal ng naisipan kong magluto ng dinuguan at puto upang itinda. Bakante naman kasi ang harapan ng making bahay at daanan ng mga tao.
Malapit kasi kami sa school ng pang elementary, pabrika at sakayan ng tricycle papunta sa labasan.
Naisip ko kesa naman mangamuhan ako sa iba ay bakit hindi na lang ako mag tayo ng sarili kong negosyo.
Isa pang dahilan upang gawin ko eto ay noong nagkasakit si Nanay.
Mula ng biglang mawala si Tatay ay humina ang katawan at puso niya. At isang araw ay inatake siya sa puso. Naparalisado ang kaniyang kalahating katawan.
Isa siyang highschool teacher sa public school na malapit din dito sa amin. Kaya ayon, napilitan siyang huminto sa pagtratrabaho.
Wala na din kaming tatay. Kasi matagal na siyang nawawala at hindi matagpuan. Umaasa pa rin kami na sana ay buhay pa siya.
Kong tatanungin ninyo ako kong bakit dinuguan at puto lang ang niluluto ko ay dito kasi ako magaling.
Malakas ang kompiyansa ko sa aking sarili na the best talaga ang dinuguan ko kesa sa ibang mga gumagawa diyan.
Madaling gawin at saktong-sakto sa life style ko.
Kumikita pero hindi masyadong pagod at stress ang Lola n'yo.
Mabalik tayo kay Oohny, my loves ko. Four months pa lang siyang nagtratrabaho sa pabrika.
Nang magkita kami isang araw dito sa aking munting karinderya, ayon nagtama ang aming mga paningin. Nginitian niya ako at Sabi niya Miss beuatiful magkano ang dinuguan mo?
Tang'na mga mare, boses pa lang ulam na. Lalaking-lalaki, tapos kita pa mga biceps halatado sa suot niyang t-shirt na white. Tall, dark and handsome, basta lakas ng s*x appeal.
Ayon laglag agad ang panty ko mga mare.
At doon nagsimula ang aming lihim na relasyon. Na walang label......
"Pitong order nga ng dinuguan at 25 pcs na puto."
"Ang dami naman, may bisita ba kayo?"
"Oo Maria. Mga kasamahan ni Jeff, sa work. Birthday kasi ng inaanak mo ngayon, One year old na siya ngayon. May simpleng handaan lang naman sa bahay. Pero gusto kasing ipatikim ni Jeff, ang dinuguan mo sa kanila. Madalas niya kasing ibinibida sa mga ka-trabaho niya ang dinuguan mo. "
"Ah ganoon ba. Pakisabi kay Jeff, salamat ha. Iyong gift ko ihabol ko na lang para sa inaanak ko ha. Sory talaga, nakalimutan ko eh."
"Okay lang. Alam kong bussy ka."
"He! He! He! Oo nga eh... Sige upo ka mona diyan Joana, kunin ko lang' yong order mo."
Kahit may nauna sa kaniya na costumer ay siya ang pinili kong unahin. Hindi kasi ako komportable.
Dati siya ang best friend ko. Ngayon nga ay si Joy na.
Paano ba naman kasi ahas siya. Nalaman ko na lang isang araw na buntis siya at si Jeff na boyfriend ko ang ama.
Anak naman ng sinigang na kinulang sa asim mga mare. Kong sa inyo kaya nangyari 'yon, ano kaya ang gagawin n' yo?
Kasi ako subrang ininda ko 'yon. Subrang sakit kaya.
Tapos ako pa ang tumutulong magpaaral sa kaniya, hanggang makapag tapos siya ng vocational course.
Hindi naman sa pagmamayabang mga mare, nakapagtapos si Jeff, ng Electrical Installation and maintenance. Dahil sa tulong financial ko na din.
Hindi nga alam ng family ko ang tungkol dito. Lihim lang ba.
Kaya literal na ako ang nagtanim, iba ang umani. Shakit mga mare 'no?
Pero, past is past. Naka-move on na ako kahit papaano. Pero mga mare, ang mga gago. Ginawa pa akong ninang ng kanilang anak.
Hindi ba' t nakakagago. Pero mabait kasi ako, tulog man o gising ayon pumayag naman.
"Joana, heto oh. Dinagdagan ko na 'yan ha. Happy birthday sa inaanak ko at iyong regalo ko idadaan ko na lang sa bahay n'yo kapag nakabili na ako."
"Sige, salamat Maria."
"Kapal din talaga ano?" Sabi ng kapatid ko. Nang makaalis na si Joana.
"Psst! Ikaw talaga. Hayaan mo na. Importante bumili sa atin."
"Kay bilis ng panahon 'no beshy?" Singit ng best friend ko.
"Oo nga eh. Ang bilis nga ng panahon. Pagnaiisip ko ay natatawa na lang ako eh."
"Oo nga. Nakakatawa naman talaga. Biruin mo magpapakamatay ka noon pero nagpapaalam ka pa."
"Ha! Ha! Ha! Oo nga. Sinabi ni ate Maria kong saan, kong kaylan, at anong oras."
"Huwag n'yo na kasing ipaalala. Kayo naman. Lasing kaya ako noon, wala ako sa sarili."
"Kasi naman ikaw Ate Maria, kapag brocken hearted ka. Tandaan mo, huwag kang iinom ng alak. Kasi madali kang malasing at mawala sa iyong sarili."
"Oo nga Besh. Ganiyan din kasi ang ginawa mo noong iniwan ka din ni Ricky at ni Williams. Sana naman sa susunod ibahin mo na ha besh."
"Alam mo besh, seguro hindi ko na kailangan pang mamalengke ng dugo ngayon para bukas."
"Ha! Eh, bakit naman? Hindi ba tayo magoopen bukas?"
" S'yempre open tayo. Sayang ang kita sa araw-araw, ano ka ba? Ang sinasabi ko hindi ko na kailangan pang bumili ng dugo kasi mayroon na akong pagkukuhaan."
"Huh! Nasaan?"
"Ikaw, bruha ka. Kinalimutan ko na nga sila ipinaalala mo pa. Halika dito at ng may pang dinuguan tayo bukas."
HA! HA! HA!