CHAPTER 1

2007 Words
"Joy." "Oh ano, bakit?" "Pansin mo ba?" "Ang Alin?" "Bakit dalawang linggo na ay wala pa din si Oohny?" "Aba'y Ewan ko. Tayo etong palaging magkasama ah." "Ay, oo nga pala. Pasensiya na tao lang." "Aysus! Bakit ba kasi?" " Wala lang, nagaaalala lang." Kasalukuyan kaming nagsasarado ni Joy ng tindahan. Medyo late na nga ang pagsasarado namin ngayon dahil nagpaubos kami ng aming tinda. Araw kasi ng biyernes ngayon at kapag ganitong araw eh matumal. Marami pa kasing naniniwala sa kaugalian na kapag araw daw kasi ng biyernes ay bawal kumain ng baboy o karne. Dinuguan pa kaya? "Eh, bakit hindi mo tanungin sa mga kaibigan niya. Palagi naman silang kumakain dito ah." "Iyon na nga. Naitanong ko na din sa kanila. Pero wala din daw silang alam." "Oh hindi ba close kayo. Sabi mo nga MU kayo. Dapat sinabihan ka man lang niya. Ay teka. Bakit hindi mo tawagan o e-text." "May problema." Sabi ko. "Ano?" "Hindi ko alam ang phone number niya." "Anak ka naman talaga ng sinigang na kinulang sa asim.... Besh, dalawang notebook na ang listahan ng utang ni Oohny mo, tapos sa lagay eh hindi mo alam ang cp number niya." "Hindi naman kasi niya hinihingi ang number ko. " " Ah ganon? Ewan ko sa'yo besh. Alam mo ikaw na babae ka, hindi ka talaga nadadala eh." Nakahawak pa siya sa kaniyang noo, habang pinagsasabihan ako. "Nakikita mo naman na subrang bait niya sa akin, magiliw siya sa akin, lagi siyang nakangiti sa akin tapos 'di ba noong valentine's day binigyan niya ako ng bulaklak. And take note, three red roses pa' yon." Nakangiti kong sabi habang inaalala ang pangyayaring iyon. "Sus! Wala 'yan kong ikukumpara sa mga utang niya sa' yo." Anong wala. Hindi naman seguro magbibigay ang isang lalaki ng three red flowers kong walang ibig sabihin. " "Bahala ka nga kulit mo din eh. Wala kang aasahan sa lalaking' yon. Strategy lang niya 'yon. Maniwala ka talaga sa akin besh. Obvious naman na ginamit ka lang niya para makalibre. Sa palagay mo ba may balak ang gago na 'yon na magbayad ng utang niya? Beshy, edodonate ko ang dugo ko kapag mali ang hinala ko." Sa tono ng pananalita niya ay parang segurado ng-segurado siya. "Hindi naman seguro. Tapos ng pagka-pulis kaya si Oohny. Sabi nga niya sa akin pansamanatala lang ang pagsesecurity niya habang may hinahantay siyang tawag. Kaya hindi niya magagawa' yon na manloko ng kapuwa. Ano sisirain niya ang kaniyang ilang taong pinagaralan? Baka may dahilan naman siya, Baka bussy lang o kaya may problema sa pamilya niya. " "Hay! ewan ko sa'yo Beshy. Basta ako hindi ako nagkukulang sa'yo ng paalala ha. Dahil kong mayroon talagang KAYO, eh gagawa 'yon ng paraan para kontakin ka. Basta wala akong tiwala sa Oohny na' yan, iba ang kutob ko besh." "Eh bakit dati okay ka naman kay Oohny ko. Kinikilig ka pa nga sa amin hindi ba? Kapag dumarating siya dito ikaw pa nga ang unang nagsasabi sa akin." "Eh,dati 'yon. Noong hindi ko pa alam na hindi pala siya nagbabayad ng kinakain niya dito. Buti sana kong siya lang eh. Ang kaso pati sa mga kasamahan niya na dinadala dito ay utang din. May pa sabi-sabi pa siya na siya ang bahala libre niya.' Yon naman pala ay utang. And take note mga buwaya kayang mga Pulis. Baka ganoon din siya advance nga lang siya." " Ay grabe siya ah! " Alam ko naman ang pinaghuhugutan ni Joy. Inilihim ko din kasi sa kaniya ang bagay na eto. May separate akong listahan ng utang ni Oohny, pero natagpuan niya kaya nalaman niya. Concerned lang ang kaibigan ko sa akin. Dahil hindi naman madaling kumita ng pera. Hindi naman kasi masyadong malaki ang kinikita ng tindahan ko para matustusan ang lahat ng pangangailangan namin ng aking pamilya. Pasalamat lang talaga ako dahil may iba pa kaming pinagkukuhanan ng pera, ang pension at retirement fee ni Nanay. Kaya hindi naman kami masyadong hirap sa buhay. Idagdag pa na hindi namin kailangan magbayad ng upa sa bahay at puwesto dahil sa amin etong bahay. Salamat kay Tatay dahil minana pa niya etong 200sqm na lupa at bahay sa kaniyang mga magulang. Apat kaming magkakapatid. Ako, si Stacey na 21 years old, si Akih 19, at nagiisa naming lalaki at ang aming bunso na si Star, 17 years old. Tatlo pa silang nagaaral bukod pa sa mga gamot ni Nanay. Ako ang panganay kaya mahirap. Ako na lang ang kinakapitan ng aking mga kapatid dahil wala si tatay at si Nanay naman ay may sakit din. Hindi nila ako puwedeng makitang sumusuko sa buhay at Malungkot. Dahil alam ko makakaapekto eto sa kanila. Kaya mula noon ay natuto akong maging malakas kahit ang totoo ay natatakot at naduduwag ako. Natutunan kong maging masaya kahit masakit na masakit ang puso ko dahil sa mga kabiguan ko sa pagibig. Kapag nadapa bangon agad. Kapag umiyak, isagad na para tapos na ba. Eto ako eh. Kaya naman kapag may nag pakita sa akin ng interes ay madali akong nahuhulog kasi kailangan ko din naman kasi ng makakapitan eh. Iyong ako naman din ang aalagaan. Ang totoo ay mahina din ako at may sariling problema. May inililihim na lihim. Ikinukulbi ng aking mga ngiti...... KABILUGAN NG BUWAN, habang sakay ako ng 4 wheels e-bike ko papunta sa palengke ay napansin ko ang buwan na parang kakaiba. Maliban sa parang sinusundan niya ako ah. Pakiramdam ko kasi ay nakatitig siya sa akin. Hindi ko maiwasan ang tumingin dito. Kakaiba din ang aking pakiramdam parang may something na 'hindi ko maintindihan. Nagumpisa na akong matakot kaya naman ang puso ko ay bumibilis ang pagtibok. Kong bakit naman kasi ay naisipan ko pang dito dumaan. Isa etong shortcut na daan patungo sa suki ko sa mga laman loob at dugo ng baboy na ginagamit ko sa aking tindahan. Pipick-up-in ko lang naman dahil naka order na ako sa kaniya kanina. Sa suki kong eto ay nakakasegurado akong laging bagong katay, Malinis, at wasto sa kilo. Madaling araw ako namamalengke dahil para sariwa talaga ang mabili ko sa lahat ng mga kailangan ko sa aking tindahan. Kong bakit naman kasi may mga nakatambay na mga grupo ng mga lalaki doon sa dinadaanan ko. Minsan na akong hinabol ng mga lasing kaya natatakot na ako. Alam ko naman na maganda ako at hindi ko pinangarap na ma-Gang-rape. Pero parang nanadya yata ang kapalaran ko eh. May lalaking biglang sumulpot sa harapan ko at humandusay. Napa-preno ako bigla. Aba'y gagawan pa ako nito ng malaking problema ah. Kaya bumaba ako. "Hoy! B'weset ka! Kong sawa ka na sa mundo ay huwag ka ng mandamay ha. Mahal ko pa ang buhay ko at gusto ko pang makatikim ng luto diyos. Iinom-inom hindi naman pala kaya." Singhal ko sa kaniya. Pero parang namamalipit siya sa sakit ako naman na hindi nakatiis ay nilapitan siya malapit na malapit hanggang sa dahan-dahan ko siyang hinawakan sa kaniyang likuran. Nakatagilid kasi siya at nakabaluktot. Namimilipit nga eh. "O-okay ka lang ba ha?" Hindi siya sumagot sa tanong ko pero naririnig ko ang impit na pag-ungol niya. Ungol na labis na nasasaktan. Inihirap ko siya sa akin nakasuot kasi siya ng black hoddies at nakatalukbong ang ulo niya kaya hindi ko matiis na paharapin siya sa akin at tingnan ang mukha niya. Pero nagulat ako in-fairness ha, kahit namimilipit siya very manly ang pagkaguwapo niya. Nakapikit siya at nanginginig ang buong katawan niya. Bukod pa d'on ay parang yelo sa lamig ang katawan niya. Hindi eto normal. "A-ano ba ang nangyayari sa'yo ha?" Nagaalalang tanong ko. "L-lumayo k-ka s-sa akin!" Nahihirapan niyang sabi sa akin. Pinagmasdan ko siyang maigi. Malaking tao siya at talagang nasasaktan siya. Umuungol siya dahil sa subrang sakit. "A-anong gagawin ko?" Tanong ko sa aking sarili. Nalilito. Sabi ng isip ko ay tumakbo na, lumayo at umiwas sa maaaring maging kapahamakan ko sa future. Ang number one rule ko sa buhay ay ang MAG-INGAT. Pero ang puso ko ay hindi sumasang-ayon sa isip ko. "H-huwag kang magalala, tutulungan kita." Kaya naman awtomatikong tumingin ako sa paligid na parang senesegurado kong walang ibang tao at ng masegurado ko ay kinagat ko ang aking daliri, sapat upang may lumabas na dugo dito. Inilapit ko sa kaniyang bibig ang daliri ko at senegurong maiinom niya ang patak ng dugo ko. Ang aking pinakaingat-ingatang lihim. May kakayahan akong magpagaling ng anumang karamdaman at sugat. Hindi ko alam kong saan ko eto nakuha at Kong bakit. Aksidente ko lamang etong natuklasan noon. Noong ako ay sumapit sa edad na dese-otso. Nang makita ko ang aking alagang aso na si Brownie na sugatan at naghihingalo. May nakasaksak sa kaniya na basag na bote ng beer. Kaagad ko etong hinugot at hindi nakapagisip ng maayos. Kaya nahiwa ang daliri ko. Tumalsik sa mukha ko ang mga dugo niya at umiiyak ako na hinawakan ang kaniyang ulo. Takot na takot ako noon. Kasi akala ko ay mamatay na siya. Hindi ko napansin na tumutulo sa kaniyang bibig ang dugo ko na nagmumula sa nahiwa kong kamay. At dito ko natuklasan ang kakayahan kong eto. Bigla kasi siyang lumakas at nawala ang kaniyang sugat na parang walang nangyari. Hindi puwedeng namamalikmata o Nananaginip lamang ako dahil ang mukha ko at damit ko ay may mga dugo niya. Ang sugat niya at sugat ko sa daliri ay kusang naghilom na parang walang nangyari. Nagimbal ako sa nangyari na halos naisip ko na nababaliw na yata ako. Nag ha-hallucination ba. Nakakakita at nakaka experienced ng mga bagay na hindi naman talaga nangyari o totoo. Pero sinubukan ko eto sa ibang hayop. Bumili ako ng buhay na manok at sinubukan ko ang aking ekperemento. Giniliitan ko ang kaniyang leeg at lumabas ang kaniyang dugo. Sinasahod ng mangko ang bawat patak ng kaniyang dugo. Nangingisay siya at nagaagaw buhay sa patuloy na pagkawala ng kaniyang dugo sa katawan. Subalit ng pinainom ko siya ng patak ng dugo ko ay gumaling siya at katulad sa alaga kong si brownie ay parang walang nangyari. Pero ang dugo ng manok ay nasa bowl, patunay na totoo nga ang lahat. At napaisip ako kong kaya ko din ba sa tao. Hindi na ako nag dalawang isip pa na tuklasin. Dahil hindi ako matatahimik at mapapalagay hanggat hindi ko napapatunayan. Pumunta ako sa isang hospital at naghanap. Nakakita ako ng isang bata na magpapa-admit. Kasama ang kaniyang Ina. Ang bata ay putlang-putla at parang mamatay na yata. Naghihistirikal na ang kaniyang Ina ngunit parang hindi sila pansin dahil sa kanilang itsura. Isa silang pulubi. Kaya seguro hindi pinapansin. Lumapit ako sa kanila at nagalok ng tulong. Kinarga ko ang bata at pa simpleng inilagay sa kaniyang bibig ang aking daliri na sinugatan ko. At nang pumasok sa lalamunan ng bata ang patak ng dugo ko ay himalang lumakas na eto. Dito ko napatunayan na puwede sa tao ang aking kakayahan na natuklasan ko. Takot na takot ako at litong-lito. Nagbalak akong sabihin eto sa aking pamilya ngunit bigla akong natakot. Baka kasi katakutan nila ako at magbago ang tingin nila sa akin. Na duwag ako. Naisip ko na baka kapag may nakaalam na kaya kong magpagaling ay dumugin ako ng mga tao. Sa dami ba naman ng may mga sakit, sa isang lungsod lang ay baka matuyuan ako. Eh paano kong buong Maynila o buong Pilipinas pa ang makaalam. Kasi sa tuwing ginagamit ko ang dugo ko ay nakakaramdam din ako ng konting panghihina. Eh papano kong madaming dugo ang mawala sa akin? Baka ako ang mamatay. Naisip ko din na baka bigla akong dukutin ng mga gahamang tao at itago. Gamitin sa kanilang sariling interes. Tapos baka kunin din ako ng mga crazy scientist at ako ay pagaralan sa kanilang private lab. Sa dami ba naman ng mga napapanood kong mga pelekula. Dito pa lang bukas na bukas na ang mga mata ko sa maaring mangyari sa akin. Napagpasyahan kong Ilihim at magingat. Walang puwedeng makaalam ng sekreto ko dapat ay ako lamang hanggang sa aking kamatayan....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD