CHAPTER 2

2120 Words
"SINO KA?" " H-Ha ah eh, sige alis na ako. Magiging okay ka naman na eh, bye." Nagmamadali akong lumayo sa kaniya dahil ayaw ko na makita o makilala pa niya ako. Lihim nga lang dapat 'di ba? "Naku! Sana naman ay hindi niya nakita ang mukha ko. Pero sure naman ako na hindi, kasi hindi pa naman nawawala ang sugat ko sa aking daliri." Pagpapaniwala ko sa aking sarili. Dahil totoo naman. Kasabay ng paggaling ng nilikha kong sugat sa aking sarili ay ang tuluyang paggaling ng taong nakatikim ng aking dugo. Wala naman siyang ibang sugat sa katawan kaya baka inatake lamang siya ng kaniyang sakit. Baka ang taong 'yon ay may sakit na epelepsy o sakit sa puso. Basta segurado ako makakatayo' yon magisa. Sayang magandang lalaki sana pagkakataon ko na sana eto. Kong malalaman lamang niya na ako ang gumamot sa kaniya ay baka magka-develop-an kaming dalawa. Bagay kaya kami? Magandang babae naman ako at sexy, tapos siya ay magandang lalaki din at ang tigas ng katawan. Ayeyii! Sarap segurong himas-himasin. Malaman, matigas, at mahaba din kaya 'yong nasa baba niya? Ayy! Maria, kilabutan ka naman sa sarili mo., Napakalantod mo naman! Pero kahit attracted ako to the max sa lalaking 'yon ay mas importante pa rin sa akin ang kaligtasan ko. Sakay ng aking partner na si Mariano, ang pangalan ng aking four wheels e-bike ay dumeretso na ako sa aking patutunguhan. Marami pa akong dapat na pipick-up-in sa aking mga suki... Isang buwan na ang nakakaraan at nakalimutan ko na ang gabing may tinulungan ako sa daan. Abala ako sa pagpapayaman ay este sa mga gawain ko sa aking munting karenderya ng dinuguan at puto. Abala din ako sa aking pamilya. Mula nang magkasakit si Nanay ay parang ako na ang sumalo ng lahat. Tatay, Nanay, Ate, at Kuya. Mahirap talaga ang maging panganay ano? "Magkano ate ang dinuguan at puto n'yo?" Tanong ng bagong customer. "75₱ Isang order na po. May kasama na 'yan na tatlong puto. Kong gusto n' yo naman na magkanin ay 15₱ po isang order." "Sige dalawang order at dalawang kanin din." "Sige po Sir. Drinks baka gusto n'yo? Mayroon po kaming Ibat-Ibang klaseng soft drinks po." Alok ko, sabay turo sa chiller ko na puno ng laman. "Cola na lang dalawa." "Okay po. Ano pa po? Baka may gusto pa kayo, sabihin n'yo lang." "Ah, gan'on ba? Sige. Ikaw Miss Ganda, baka puwedeng mahingi number mo he! he! he! Type ka ng kasama ko." "Ay naku! Sir pogi. Kahit ngayon o bukas pa kasal na kami, wala ng ligaw-ligaw. Basta ba single siya, walang anak, walang asawa, may sss, may pagibig, may philhealth, may savings sa banko, may sariling bahay at lupa at higit sa lahat ay malaki at mahaba ang kaniyang___" "Kaniyang ano? he! he! he!" "HA! HA! HA!" Tawanan ng ibang mga costumers ko na nakikinig. "Mahaba at malaki ang kaniyang pasensiya sa akin. Kayo talaga dudumi ng mga iniisip n'yo." "Ha! Ha! Ha! Patay tayo diyan mukhang pera ka pala Miss ganda." "Ay s'yempre naman ho. Mahirap ang buhay ngayon alangan naman na puwedeng kainin ang pag-ibig. Hindi po 'yon nakakain at gamot sa kumakalam na sikmura. Kaya nga sinasabi ko na, ang gusto ko ay mahaba at malaki ang pangunawa sa akin dahil ganito ho ako.. Segurista lang sa buhay dahil ayaw kong magutom at lumaki sa hirap ang mga magiging anak ko po. " " Naku! Ineng subrang taas pala ng standard mo. Mahirap 'yan. " Sabi ng isang costumer ko na nakisabat na din. "Manong, takot lamang po ako. At seguro, kong talagang mahal nga ako ng isang lalaki ay magsisikap siya para sa akin hindi po ba?" "Ay may Punto naman pala si Maria." Another costumer in the house. "Sang-ayon ako diyan." Isa pa 'to. Ang tindahan ko ay naging open forum na. Pero normal lang din eto sa aking tindahan at dito ko din napatunayan na maraming mga tsismosa at tsismoso talaga sa bansang Pilipinas. "Ate Maria, Aalis na ako. Nasaan na ang pera?" Bulong sa aking likuran ni Ahki. Nagulat pa ako sa kaniya. Naalala ko may exam kasi sila ngayon. No pay No exam daw. Kagabi pa niya sa akin pinaalala. Sabi ko kasi sa kanila ay palagi nilang ipapaalala sa akin ang kanilang mga kailangan sa school. Dahil ang utak ko ay masyadong bussy sa mga bagay-bagay. "Sandali lang at kukunin ko." Nagmamadali akong pumasok sa aming bahay at tinungo ang aking munting silid, ay mali pala. Sa kuwarto pala naming dalawa ni Nanay. Si Stacey at Star naman, silang dalawa ang magkasama sa kabilang kuwarto. At si Ahki naman ay may sarili din siyang silid. Solo lang niya. Kaya ang suwerte niya. Dahil iba pa din talaga ang ikaw lang ang magisa sa iyong kuwarto. Ikaw ang Hari, Malaya, at walang kahati. "Ate Maria, wala na ding gamot si Nanay. Remind ko lang sa'yo. Kong gusto mo akin na ang Pera para pag-uwi ko mamaya galing school dadaan ako sa pharmacy." Wika ni Stacey. Nakita niya akong lumabas ng kuwarto ko at nagbibilang ng pera sa kamay. "Ay oo nga pala. Sige ikaw na ang bumili at kailangang uminom ni Nanay ng gamot mamaya. Nasa utak ko na nga 'yan noong isang araw pa. Balak ko ng bumili pero nakalimutan ko pa din." "Okay lang Ate. Masyado ka kasing abala." "Nasaan nga pala si Nanay at si Star, wala sa kaniyang tumba-tumba." "Dinala ni Star si Nanay. Ipapasyal daw niya si Nanay." "Saan?" "Sa manghihilot. May nalaman daw si Star na magaling manghilot at magtatawas Kaya ayon dinala niya si Nanay doon. Hindi ba niya sinabi sa'yo?" "Anak nang sinigang na kinulang naman sa asim ah! Bakit hindi siya nagsabi sa akin? Paano kong may mangyaring masama kay Nanay?" Nahihigh-blood na ako sa lagay na 'to. "Huwag kang magalala Ate Maria, kasama nila si Ate Loring, ang Kumare ni Nanay at si Rambo, ang anak niya. May dala kasi silang sasakyan at siya ang driver." "Ganoon ba? Mabuti naman pala. Ang sa akin lang naman ay sana man lang ay nagpaalam si Star, sa akin. Alam naman natin ang sitwasyon ni Nanay. Pero nariyan na 'yan, at naroon na sila, ano pa bang magagawa ko." "Oo nga Ate. Baka hindi na sinabi sa' yo ni Star, kasi baka supresa. Alam mo naman 'yon, mas matanda pa sa akin' yon mag-isip. Gustong-gusto n'on na matulungan si Nanay na gumaling." "Oo nga, tama ka. O sige pumasok ka na at ibigay mo eto sa Kuya Ahki mo. Eto ang isang libo para sa gamot ni Nanay at heto naman ang isang libo din allowance mo. Budget-budget lang mona at mahina ang kalaban." "Oo naman 'Te Maria, naiintindihan ko naman. Hayaan mo sa oras lang talaga na may magkagusto sa akin na mayamang lalaki ay naku, hindi ko na talaga pakakawalan pa ha! ha! ha!" "Hoy! Ikaw talaga nandiyan ka na naman sa biro mong' yan." "Eh sino ba naman kasi ang may sabi na nagbibiro lang ako Ate Maria. Totoo nga, at gagawin ko talaga eto." "Hay naku! Sige na oo na bahala ka nga. Seguraduhin mo lang talaga na Mayaman 'yan ha at hindi mayabang, ha! ha! ha!" "For sure Ate, stay put ka lang diyan." "Ows! Stay put ha. Sige good luck my dear sister. Sige na umalis ka na at naghihintay ang Kuya mo sa tindahan." "Oo na, bye." Nagpaiwan mona ako dito sa bahay dahil gusto kong mag CR. Bigla kasi akong tinawag ng kalikasan. Kaya Dali-Dali akong pumasok dito. Habang naka-upo sa toilet bowl at nagcoconcentrate ay may naglalaro sa aking isipan. Ang tungkol kay Ate or Aling Lukring. Ang may-ari ng karenderya diyan sa tapat namin. Ang nagtitinda ng maraming ulam at Ibat-Ibang putahe. Mabait na tao kasi siya at Kumare nga ni Nanay. Isang dahilan kong bakit hindi ko makuhang kalabanin ang kaniyang karenderya. Na kong tutuusin ay puwede ko namang gayahin o makipagkompetensiya sa kaniya. Na katulad ng ginagawa ng iba. At nang magtagumpay sa aking misyon sa kubeta ay agad na akong lumabas dito. Naalala ko kasi na baka kailangan na ako sa tindahan. Naiwan lang na nagiisa si Joan, kawawa naman. Habang naglalakad pabalik sa tindahan sa harapan lang naman ng aming bahay ay may tumatakbo nanaman sa aking isipan. Ang pangarap ng aking kapatid na si Stacey. Ang totoo ay hindi ako sang-ayon sa iniisip niya. Dahil minsan ko ng napatunayan na ang Langit at Lupa ay hindi puwedeng mag pang-abot. Noong nasa kolehiyo pa ako ay may naging karelasyon ako. Si Cedric. Ang lalaking ayaw na ayaw kong makita habang ako ay nabubuhay. Sila ng kaniyang kapatid. Kuya siya ng kaklase ko dati na si Kate. Dahil sa kaniya ay nagkakilala kaming dalawa. Naging kami ni Cedric for three months. Subalit nalaman ko ang katotohanan na pinaglaruan lang pala nila akong magkapatid. Galing sila sa mayamang pamilya at silang dalawa ang nagpamukha sa akin na hindi puwedeng dumikit ang katulad kong dukha sa kanilang mga mayayaman. Pero past is past. Ayaw ko ng maalala ang sakit ng nakaraan ko. Naungkat lang dahil sa kapatid kong si Stacey. Masyado pa siyang inosente sa buhay. Dinadalangin ko lang na sana nga ay nagbibiro lamang siya at huwag niyang maranasan ang naranasan ko sa buhay. Mabalik tayo sa aking kasalukuyan. Iyon na nga ay bumalik na ako sa tindahan. "Maria, buti bumalik ka na agad. Maraming costumers hindi ko eto kaya." Habang abala ako sa pagbibigay ng pagkain ay na patingin ako sa isang sulok sa tapat ng aking tindahan. May lalaking naka black hoodies. At parang nakatingin sa akin? Teka, sa akin nga ba talaga? Pero yumuko lang ako saglit ay biglang nawala. Hindi ko tuloy alam ngayon kong namamalikmata lamang ba ako o hindi. Seguro nga ay namamalikmata lamang nga ako. Kasi naman sino ba naman ako para tingnan ng ganoon. Alam kong maganda nga ako pero ang ganda ko ay walang silbi. Laging palpak.... "Ate Maria, Sabi ng manghihilot kailangan daw ay maalagaan daw sa hilot si Nanay. May pagasa daw na gumaling si Nanay." Masayang pagbabalita sa akin ni Star. Nakabalik na sila sa bahay. Ginabi nga lamang. "Mapagkakatiwalaan ba at magaling ba talaga ang manghihilot na 'yan?" "Eh, sikat kaya si Aling Mila, marami na daw etong napapagaling." "Ows! Sana nga. Baka manghihilot na kwak-kwak lang' yan. Mahirap na. Baka sa halip na gumaling si Nanay eh lalong lumala. Hindi ba Nay?" Lahat kami ay nakatingin kay Nanay. Nakatingin din siya sa amin. Nakahiga na siya sa kaniyang higaan. Nakakaawa ang kalagayan ni Nanay. Kasi hindi siya makapagsalita. Nakakaintindi naman siya at nakakalakad naman kahit hindi normal. Iyon nga lang ay kailangan talaga niya ng alalay. Ang mga kamay niya ay hindi niya maigalaw at si Star, ang palaging nagaalaga kay Nanay. Ka-relyebo niya si Stacey, kapag nasa school si Star. Si Ahki, naman din ay tumutulong din sa tindahan kapag nakauwi na galing University. Tulong-tulong lang kaming magkakapatid at nagpapa salamat ako sa panginoon dahil kahit may mabigat na problema ang aming pamilya ay buo pa din kami. Kong bakit kasi hindi ko kayang pagalingin si Nanay. Kong bakit kasi walang epekto sa kaniya ang aking dugo. Hindi ko alam kong bakit. Hindi ko alam kong saan ba ako magtatanong bakit ako may ganitong kakayahan at Kong bakit hindi ko eto magamit kay Nanay. Awang-awa ako sa tuwing makikita ko ang aking Ina sa ganitong kalagayan. Pero hindi ako sumusuko. Araw-araw ko pa ding lihim na pinapainom si Nanay ng dugo ko. Sa pag-asang gagaling siya. "Sige na Ate Maria, mamalengke ka na. Kami na ang bahala dito." Sabi sa akin ni Stacey. "Magsabaw tayo bukas Ate Maria. Nilagang baka. Request ka ng maraming taba doon sa suki mo ha." Sabi naman ni Ahki, na mahilig sa nilagang karneng baka. Katulad ni Nanay. " Oo para na din kay Nanay. Sige na alis na ako." "Sige Ate Maria, ingat sila sa'yo ha." Si Ahki, na mahilig akong biruin. "TSee!" Sumakay na ako kay Mariano at pinaandar ko na siya. Nang biglang magtatahol si brownie. Kakaiba ang kaniyang pagtahol parang may kinakatakutan. Nakatingin siya sa itaas ng puno ng mangga sa gilid ng aming bahay. Medyo madilim dahil sa makapal na mga dahon. Naisip ko na lang na baka may kong anong hayop sa itaas ng puno. Baka may ibon o paniki. "Brownie." Tawag ko sa kaniya at mabilis naman siyang lumapit sa akin na kakawag-kawag ang kaniyang buntot. "Sssst! huwag ka ng maingay. Nagpapahinga na si Nanay." Sabi ko sa kaniya na akala mo naman ay taong nakakaintindi. Pero ibahin n'yo si brownie ko. Marunong siyang makinig sa akin. Tumigil siya sa pagtahol pero nanatiling nakatitig doon sa itaas ng puno....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD