CHAPTER 3

1938 Words
Ilang gabi ko nang napapansin na tila may nakatingin at sumusunod sa akin. Pero wala naman kasi akong matibay na ebedensiya kaya binabalewala ko lang. Tulad ngayon habang abala ako sa paglilinis at paghahanda ng mga gagamitin ko sa pagluluto mamaya ay parang may nakatitig sa akin. Ako naman na hindi mapakali ay panay ang tingin ko sa paligid ko. Pero wala naman akong nakikita. Ang ipinagtataka ko pa ay tumatahol kanina si Brownie pero bigla ding tumigil. At pansin ko pa, halos gabi-gabing ganito na si Brownie. Kilala ko kasi ang tahol niya. Kapag may nakikita siyang ibang tao na hindi niya kilala ay tinatahulan niya talaga. Pero ang tahol niya ngayon ay kakaiba. Nakakatakot ba. Dahil sa hindi ako mapakali ay naghugas mona ako ng mga kamay at Iniwanan ang aking ginagawa. Pinuntahan ko si Brownie sa kaniyang dog house at nandito nga siya. May dala din akong pagkain sa kaniya. "Brownie, labas ka diyan may dala ako sa'yo." Pero hindi siya lumalabas. Ni hindi nga siya sumusulyap sa akin at parang may kinakatakutan. "Brownie, bakit ha? May sakit ka ba?" Pilit ko siyang kinukuha at parang batang nagpakalong sa akin. Sinobsob ang kaniyang mukha sa dibdib ko. Parang may ayaw talaga siyang makita. Awtomatikong nagpalingon-lingon ako, nagbabakasakaling makita ang bagay na nakikita ni Brownie. Pero wala naman. "Wala naman ah. Ikaw ha, tumatanda kang duwag. Aso ka dapat matapang ka. Ikaw nga etong inaasahan kong magbabantay at magtatanggol sa amin. Tapos heto ka. Ay naku! Brownie ha. Sige na kumain ka na diyan, masarap 'yan. Babalik na ako sa loob at marami pa akong dapat tapusin. " Iniwanan ko na nga si Brownie pero biglang kinabahan ako. May nahagip kasi ang mata ko na nakatayong lalaki sa may gilid ng puno ng mangga. Tinitigan ko ngang mabuti pero wala naman. Ano' yon? Namamalikmata lamang ba ako. Pero sa akin siya nakatingin. Nakaitim siyang suot na damit na parang hoodie. At bakit parang umaapoy ang mga mata niya. Dalawang pula kasi ang parang nakita ko. Madilim ang kinatatayuan niya pero ang kulay pulang mata niya ay kitang-kita ko. Ilang beses akong pumikit at dumilat upang seguraduhin na totoo talaga ang nakikita ko. Pero wala na. Ipinilig ko ang aking ulo. Naghahalusinasyon lamang seguro ako. Dinadaya ako ng aking mga mata. Dahil mayroon bang gan'on? Seguro ay pagod lamang ako. Binalikan ko ang aking ginagawa dahil pagkatapos kong e-ready ang mga ingredients na aking gagamitin ay maguumpisa na akong magluto. Sa araw-araw ay nakakapaubos ako ng tatlo hanggang apat na malalaking kaldero ng dinuguan. Sa puto naman ay may nagdedelever sa akin. Sa umaga at Tanghali. Kaya ko naman siyang gawin ngunit hindi ako si Wonder woman o hindi ako makina na hindi puwedeng magpahinga at matulog. Kaya naisipan ko na lang na bumili ng ready made na puto pang partner sa aking dinuguan. Na pinapatungan ko na lang ng dalawang piso per piraso. Dahil hindi ko talaga kakayanin. Nakakapaubos ako ng dalawang libong puto o higit pa sa buong mag hapon. Bukod sa dine-in at take-out ay nagdedelever din kami. Natutuwa ako dahil lumalago na ang inumpisahan kong negosyo. At sa wakas ay natapos na ako sa aking ginagawa. Dalawang beses din akong nagluluto. Sa madaling araw at sa tanghali. Dahil hindi ko talaga kakayanin kong lahat ay lulutuin ko. Isa pa ay kulang din ang lutuan ko. Nagbuga mona ako ng hangin upang maibsan ang aking pagod. Sa wakas ay makakapagpahinga na ako. Sa umaga naman ay ang mga kapatid ko at si Joy ang nagbubukas ng tindahan at nagsisimulang magtinda. Nagtimpla ako ng kape na 3en1 at kumuha na din ng white bread toast na may palamang peanut butter. Dinala ko eto sa may veranda sa second floor ng aming bahay. Ugali ko ng dito nagpapahinga bago magshower. Hindi naman kasi puwedeng maligo dahil pagod ang aking katawan. Hindi ko din ugaling mahiga o matulog ng marumi at mabaho. Habang kampanteng nagmumuni-muni at kumakain ay nakatingin ako sa langit. Pasado alas kuwatro na ng umaga. Naiisip ko si Nanay. Sabi ng doktor ay ang kalahating katawan ni Nanay ay parang patay na kaya hindi na siya normal. Hindi nagsasalita at parang manikang de-susi. Kapag pinaupo mo siya sa isang tabi ay doon lamang siya. Nagsusuot siya ng adult pampers kasi doon na talaga siya tumatae at umiihi. Para siyang tulala na hindi maintindihan. Wala din siyang anomang emosyon kaya napakahirap hulaan ng kaniyang gusto at nararamdaman. Napatingin ako sa aking mga kamay. At biglang napaiyak. Hindi ko kasi kayang pagalingin ang aking Ina kahit na may taglay naman akong kakayahan. Sawa na akong magtanong sa langit kong bakit? Iniisip ko na lang na ibigay na lamang sa panginoon ang lahat-lahat. Pero bilang anak masakit na makita mo ang magulang mo na nagkakaganito. Pero kahit na malalim ang aking iniisip ay damang-dama ko ang kakaibang presensiya sa aking likuran. Parang mas lalong lumamig ang hangin bigla. Kinikilabutan ako na hindi ko maintindihan. Para kasing may nakatayo sa aking likuran. Dahan-dahan akong lumingon pero wala naman. Magmula nang may tinulungan akong lalaki noong nakaraang buwan ay nagumpisa na akong maging ganito. Hindi naman seguro ako nasisiraan ng bait kaya ako nagkakaganito. Ipinilig ko ang aking ulo at pinapaniwala ang aking sarili na guni-guni ko lang. Pagod lang eto at marami lang talaga akong iniisip.... "Ate Maria, pasok na kami." "Sige. Si Nanay, sinong nagbabantay sa kaniya? dumating na ba si Ate Emy?" "Oo ate, kasama na niya si Nanay." Si Ate Emy, ay kinukuha naming tagapag-alaga ni Nanay kapag walang available sa amin na magbabantay sa kaniya. Kapitbahay lang din namin siya. "O sige ingat kayo." "Oo naman 'no." Hinatid ko lang ng tingin ang aking mga kapatid habang naglalakad patungo sa sakayan. Mabilis ko din namang binawi ang aking atensiyon sa kanila dahil marami akong gawain dito sa aking tindahan. Halos sa araw-araw ay ganito ang takbo ng aking buhay. Seguro kahit nakapikit ay kabisado ko na. Madalas pa nga ay pati sa aking panaginip ay nagtitinda pa din ako. O kaya naman ay namimili ng mga ingredients na gagamitin ko. Madalas sinasabi sa akin ng aking mga kapatid na nagsasalita daw ako ng tulog. Madalas kasi nila akong mahuli kapag nagising na sila at pumupunta sa aming silid ni Nanay para kunin siya. Lumipas pa ang mga araw at ang aking buhay ay paulit-ulit lang ang takbo. Pero hindi ko alam na malapit na palang magbago ang buhay ko... "Maria, puwede bang bumale. K-kasi ang apo ko ay kailangan dalhin sa ospital. Tatlong araw na kasi pabalik-balik ang lagnat niya." Napalingon ako sa taong nagsalita sa aking likuran. Si Ate Emy pala. "A-sige po, magkano po ba Ate Emy?" "Kahit 2k kong puwede sana." "Sige po heto." "Salamat! Ibigay ko lang sa anak ko para madala na niya ang apo ko sa hospital." Gusto ko sana siyang habulin at sabihin na hindi na nila kailangan pang dalhin ang bata sa hospital. Dahil Kaya ko naman siya pagalingin. Ngunit papaano ko iyon gagawin na hindi nila ako makikita. Pero hindi makaya ng aking konsensiya. Kaya mabilis ko siyang hinabol. Naabutan ko naman sila na papaalis na. "Ate Emy sandali po." "Oh Maria bakit?" "Ah eh, baka kasi kulangin ang dala ninyong Pera. Heto po ang isang libo pa, bigay ko po eto. Huwag n'yo na po etong bayaran." "Salamat Maria." Wika ng anak ni Ate Emy at ganoon din siya. "Ay Ate Emy, magdala pala po kayo ng tubig baka pipila pa kayo doon sa hospital alam n'yo naman d'on." "Oo nga 'no. Sige kukuha mona ako." "Ate Irene, magdala ka na din ng extrang damit na pamalit ni junjun. Mabuti na' yong lahat ay dala n'yo baka ma-confine siya. Para hindi na kayo magpabalik-balik." "Oo nga pala. Teka balik mona kami ni Junjun sa bahay." "Ate Irene, ikaw na lang ang bumalik sa bahay ninyo para mabilis, ako na ang magkarga mona kay junjun." "S-Sige." Nagmamadaling ipinasa sa akin ni Ate Irene, ang kaniyang anak at nagmadali na siyang umalis. Halatang nagpapanik na siya. Nang mahawakan ko si Junjun ay napakainit nga nito at hirap ng huminga. Maputla na din ang kaniyang labi. Kaya nagmadali akong sugatan ang aking daliri at ipainom sa bata ang dugo ko. Tiyempo namang dumating na si Ate Emy. "Nasaan na si Irene?" "May kinuha lang po." Ate Emy, pakikuha na po si Junjun, kasi kailangan ko na din pong bumalik sa tindahan. Sige po. " " Sige, salamat ha Maria. " " Walang ano-man po. " Nagmamadali akong umalis at itinago agad sa aking suot na apron ang daliri ko na dumudugo pa. Maliit lang naman ang ginawa kong sugat pero may lumalabas pa din. " Kailangan na nating itakbo si Junjun sa Hospital 'Nay. May dugo ang bibig niya' Nay. " Dinig ko pang sabi ni Ate Irene. Ako naman ay patay malisyang Nagmamadaling makalayo sa kanila. Tiningnan ko ang aking daliri humihilom na eto. Segurado akong magaling na si Junjun. Nakasakay na din sila ng jeep at doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Pero S'yempre ay kabado bente pa din ako. Tulad nga ng narinig ko nakita nila ang bakas ng dugo ko sa bibig ni Junjun. "Bat naman kasi hindi ka nagiingat Maria. Kapag ikaw ay nahuli bahala ka, nasa huli talaga ang pagsisisi." Nanisi pa ang other self ko. Kahit sino naman seguro ay magpapanik. Nagaagaw buhay na ang bata. Ginawa ko lang ang alam ko na tama. "Hoy! Maria naman. Nakatulala ka diyan. Ang daming costumers oh. Kilos-kilos din. Sayang ang pinapa-sahod ko sa'yo tatanga-tanga ka diyan." Biro sa akin ni Joy na natatawa pero nakapameywang pa ang loka at pinangdidilatan pa ako ng kaniyang mga mata. "Hambalusin kaya kita nitong panandok ko Madam, try lang natin. Grabe ha." "Ha! Ha! Ha!" Ang lakas ng tawa niya. Bumalik na ang buong isipan ko sa pagtitinda at nakalimutan na ang nangyari. Kapag ganitong madaming kumakain sa aming tindahan ay makakalimutan mo talaga ang mga problema sa buhay. Mapapansin mo na lang closing time na. At kapag hindi ka na abala sa isang bagay saka lamang babalik muli ang mga agam-agam sa isipan mo. Napansin ko kanina habang abala ako sa pagaasikaso sa mga costumers ay nakauwi na sila Ate Emy. Inaasahan ko naman iyon. Segurado naman akong magaling na talaga si Junjun. Tiyak ganoon din ang Sasabihin ng doktor. Nahuli ko pa ngang tumingin sila sa akin. At ako ang unang bumaba ng tingin. Ang taong guilty hindi kayang makipagtitigan. Pero guilty nga ba ako? Wala naman akong kasalanan 'di ba? Dapat pa nga ay pasalamatan nila ako. Pero deep inside my heart, takot na takot ako. Takot ako na mabuking ng sinoman. "Aray!" Eto na nga ang masamang epekto kapag lumilipad ang utak mo sa kong saan-saan. Tapos ang mga kamay mo ay salungat sa iniisip mo. "Ay! Anong nangyari sa' yo?" "N-Naipit ako." "Ay! Nahiwa pa. Heto ang tissue ibalot mo mona 'yan. Kasi naman ay kanina ka pa kaya tulala diyan. Ano ba kasi ang iniisip mo? May porblema ka ba? Iniisip mo pa din ba si Oohny?" "Hindi ah, Oohny ka diyan. Aray! Ang sakit!" "Hindi daw. O ngayon' yan ang napala mo." Parang hindi talaga maniwala sa akin si Joy. Ewan ko ba sa babaeng eto at puro Oohny ang nasa isip. " Nasaktan na nga ang tao eh. " Reklamo ko naman na napapangiwi sa sakit. "Kasi ikaw eh!" " Sandali lang huhugasan ko lang ang daliri ko baka matetano. " " Naku! Ang sakit niyan! Segurado maga 'yang daliri mo. Gamutin mo agad at Lagyan ng betadine. Baka maputol pa' yan." "Ay grabe siya ah! Putol agad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD