"Maria."
Napalingon ako dahil may tumawag sa pangalan ko.
Paalis na sana ako ng bahay upang mamalengke o kunin sa aking suki ang mga orders ko.
"Kayo po pala Mang Ruben. Bakit po?"
"Nakita kita kahapon."
"Po! Anong nakita? Anong ibig ninyong sabihin?"
"Nakita kitang kinagat mo ang daliri mo at ang daliri na sinugatan mo ay isinubo mo kay Junjun. Pinainom mo siya ng dugo mo."
Biglang huminto ang lahat sa akin. Ang pagtibok ng puso ko at isip ko. Bigla akong na blanko at parang walang naririnig na anomang ingay sa paligid.
Kanina ay dinig na dinig ko ang mga ingay ng sasakyan sa kalsada pati ang mga busina nila.
Ang ingay ng nagkakaraoke sa kabilang kalsada at doon sa kabilang kanto na parang nagpapaligsahan.
"Nagtataka ako kong bakit biglang gumaling ang apo ni Emy. Pero segurado akong may kinalaman ka doon. Katabing bahay ko lamang sila. Kaya alam na alam ko kong gaano na kalubha ang sakit ng bata. Nakita ko nga si Junjun. Kaya sinabi ko kay Emy, na dalhin na nila sa Hospital ang bata. "
" K-Kinarga ko lang po ang bata. W-wala po akong ginagawa. Imposible naman po 'Yong sinasabi n' yo po Mang Ruben. Nagkataon lamang po 'yon. T-Talaga pong may sugat na yong daliri ko kasi nahiwa po ako. Baka mali lang po ang anggulo ng pagkakita ninyo. " Pagsisinungaling ko na sana ay maniwala naman siya.
"Kong ganoon ay sumama ka sa akin. Papatunayan natin' yan."
"S-Saan po?"
"Kong wala kang itinatago at mali ako sa nakita ay sasama ka sa akin. Kong ayaw mong ipagkalat ko sa iba ang nakita ko."
"Eh wala nga po talaga Mang Ruben. Kong totoo nga po 'yang sinasabi ninyo tungkol sa akin ay bakit hanggang ngayon ay may sakit pa din ang Nanay namin?"
"Aba'y ewan ko. Basta ako malinaw ang nakita ko."
"Hindi nga po' yon totoo Mang Ruben."
" Ikaw ang bahala. Bukas ihanda mo na ang sarili mo dahil seseguraduhin kong tama ako sa nakita ko. Gumaling si Junjun, pagkatapos niyang mainom ang dugo mo. Kitang-kita ko Maria. " Sa itsura niya ay talagang Seguradong-Segurado siya at nagbabanta siya.
Kilala sa aming lugar si Mang Ruben, bilang isang magaling na tanod. Marami siyang kilala dito sa aming lugar at sa kabilang bayan. At ka-mag-anak din niya ang asawa ng Mayor namin.
Kaya alam ko na may kakayahan siyang magkalat ng kuwento at paniwalaan eto.
"Sige sasama na po ako. Saan po ba tayo pupunta?" Nasabi ko na lamang sa labis na pagkalito.
"Sa Hospital. Maghahanap tayo ng taong malapit ng madedo. Tapos papainumin mo ng dugo mo. Doon natin malalaman kong sino ba ang nagsasabi sa atin ng totoo."
Sa tono ng kaniyang pananalita ay talagang seryoso at desededo siyang mapatunayan ang kaniyang nakita.
Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko, katapusan ko na yata. Ngayon ko napatunayan na wala talagang lihim na hindi nabubunyag.
Walang sabi-sabing sumakay siya sa e-bike ko.
"Halika na. Umalis na tayo." Utos niya sa akin.
Napilitan akong sumakay kay Mariano at paandarin eto.
Itinuro ni Mang Ruben ang daan kong saan kami pupunta.
"Mang Ruben, hindi naman daan 'yon papuntang Hospital ah."
"Hindi nga. Naalala ko kasi bakit pa tayo pupunta ng Hospital kong may kakilala naman ako. Doon na lang tayo pupunta sa kaniya. May sakit siya at siya ang gagamutin mo."
Hanggang sa bumaba na kami kay Mariano, kailangan daw naming maglakad papunta sa maliit na eskinita upang makarating sa kaibigan niya. Kaya naglakad kami.
Kanina pa ako naghahanap ng solusyon sa problema kong eto. Nagiisip ako kong ano ang gagawin ko.
Dahil okopado ang aking isipan sa paghahanap ng solusyon para hindi ako mabuking ay hindi ko na napagtuunan ng pansin ang kakaibang kislap sa mga mata ni Mang Ruben.
Wala sa hinagap na may binabalak na pala siyang masama sa akin. Ako na walang ka malay-malay ay tiwala lang na sumusunod sa kaniya.
Biglang huminto sa paglalakad si Mang Ruben. Iba ang pagkakatitig talaga niya sa akin.
" Maria, gusto mo bang esekreto ko na lang ang nakita ko?"
Nabuhayan ako bigla ng loob. Ang akala ko ay wala ng pagasa at katapusan ko na talaga. Katapusan na ng aking lihim.
"Oo naman po."
"Sumunod ka lang sa akin at pagusapan natin 'yan."
"Sige po." Tiwala naman ako sa kaniya dahil matanda na siya. Halos kasing edad siya ng tatay ko. Isa pa ay respetadong tanod nga siya sa lugar namin.
Mahaba-haba din ang aming nilakad at nauubos na ang oras ko na dapat sana sa pag pick-up ng mga paninda ko.
Dinala ako ni Mang Ruben sa isang bahay na mukhang walang nakatira. Malayo din ang mga kapitbahay dito.
"May paraan para itikom ko ang bibig ko Maria. Gusto mo ba?"
" Sabihin n'yo lang kong ano ang dapat kong gawin at gagawin ko naman po eh, basta kaya ko."
"Kayang-Kaya mo Maria. Pagbigyan mo lang ako kahit ngayon lang, tapos kakalimutan ko na parang wala akong nakita. Hindi ko ipagkakalat ang lihim mo promise." Serysoso niyang sabi pero ang awra ng kaniyang pagmumukha ay parang naging isang demonyo sa aking paningin.
" Anong ibig ninyong sabihin Mang Ruben? Hindi ko po kayo maintindihan. " Tanong ko dahil kahit kinutuban na ako ay umaasa pa din ako na baka mali lang ako ng naiisip.
"May paupahan akong kuwarto dito, walang makakakita sa atin. Tayo lang dalawa. Alam mo bang matagal na kitang gusto Maria. Gabi-gabi ay pinagpapantasyahan kita at ngayon mapapasa akin ka na rin Maria, he! he! he!"
Nanginig ang buong kalamnan ko sa takot. Ang alam ko ay matapang ako pero kapag nandirito ka na sa totoong sitwasyon ay mahirap pala.
Sinasabi ko na nga ba eh may balak sa akin ang matandang eto. Pero nang tumalikod ako upang layasan siya ay bigla niya akong hinablot at sinikmuraan.
"Saan ka pupunta ha? Dito ka lang. He! He! He!"
Sa lakas ng pagkasuntok niya sa aking sikmura ay namilipit ako sa sakit. Napaupo ako bigla at parang nanlamig ang buong katawan ko.
"Halika na Maria he! he! he!"
"A-Ayoko po!" Nanghihina kong sabi.
"Tayong dalawa lang dito Maria, atin lang ang gabing eto he! he! he!"
Bigla niya akong binuhat at Nagpupumiglas akong pilit sa abot ng aking makakaya kaya nabitawan niya ako.
"Tangina! Gusto mo talagang nasasaktan ka ano?"
"Agh!"
Hinila niya ako sa buhok upang tumayo. Nasasaktan akong napasunod sa kaniya at pagkatapos ay kinaladkad niya ako papasok sa loob ng bahay.
"M-Mang Ruben, m-maawa po kayo sa akin Hu! Hu! Hu!"
Pero bigla niya akong sinampal ng malakas.
"Hindi ka ba tatahimik ha?"
Sa pagkakataong eto ay nakasakal na siya sa aking leeg. Takot na takot ako at umiiyak. Dahil alam kong hindi ko na eto matatakasan pa.
Binitiwan ni Mang Ruben, ang aking leeg at hinila muli ang aking buhok papunta sa papag na naroroon sa loob ng bahay.
Itinulak niya ako pahiga at mabilis na dinaganan.
"Hu! Hu! Hu! M-Maawa po k-kayo sa a-akin Hu! Hu! Hu!"
Patuloy kong pagmamakaawa kahit nanghihina.
Dahil hinang-hina na ako at nanginginig sa takot ay mabilis niyang napaghiwalay ang aking mga hita at mabilis din niyang dinaganan ng kaniyang mga binti.
Hilam na ang aking mga mata sa luha at nanlalabo na ang aking paningin sa subrang takot.
"Lord, tulungan n'yo po ako. Parang awa n'yo na po! Tulungan n'yo po ako! Hu! Hu! Hu!"
Kahit nanghihina na ay naglakas loob pa din akong manlaban.
Tiyempong hinuhubad niya ang kaniyang damit at sinabayan ko eto.
Nagawa ko siyang maitulak dahil malaya naman ang aking dalawang kamay.
Pabangon na ako sa papag para tumakas pero mabilis din niya akong nakuha.
"PUTANGINA! Saan ka pupunta ha?"
Binalibag ako ni Mang Ruben, pabalik sa papag.
Nasaktan ang likod ko at braso sa ginawa niyang marahas na paghagis sa akin sa papag.
Tapos bigla din niya akong sinuntok sa sikmura na halos humiwalay ang aking kaluluwa saglit sa aking katawang lupa.
Napapikit na lang ako ng madiin ng makita kong lalapit na sa aking leeg ang mukha ni Mang Ruben.
Hinang-hina na talaga ako at masakit na masakit ang sikmura at braso ko.
Sumusuko na ako sa pagkakataong eto, talo na ako.
At tuluyan na akong nawalan ng malay tao....
"AYOKO!... AHHH!!!.... BITAWAN MO AKO HAYOP KA!!!!.... LAYUAN MO AKO!!! HAYOOPHH!!"
"Ate Maria, Ate Maria, gising."
Ibinukas ko ang aking mga mata at ang mukha ng aking kapatid na si Stacey ang nakikita ko.
"At Maria, Nananaginip ka."
"H-Huh! S-Si M-Mang Ruben, Stacey, Si Mang Ruben."
"Ano ang tungkol kay Mang Ruben Ate Maria? At bakit ka natulog sa loob ni Mariano?" Usisa sa akin ni Stacey.
"Oo nga Ate Maria. Ang akala namin ay namalengke ka."
" H-Huh! A-Ano? Na-natutulog ako sa loob ni Mariano?" Halos hindi ko mapaniwalaan. Pero nandito nga ako.
" Tahol ng Tahol nga si Brownie, kaya pala ay ikaw ang tinatahulan." Si Stacey ulit.
"S'Stacey, Ahki, nasaan si M-Mang Ruben ha?"
"Ewan. Bakit mo ba siya hinahanap? Bakit nagkita ba kayo? Magkasama ba kayo kanina?" Inosenteng tanong ni Ahki sa akin.
"H-Hindi. A-Ano k-kasi siya ang huli kong nakita, seguro bago ako mawalan ng malay sa loob ng e-bike kaya seguro naitanong ko. "
"Ah." Sabay pa nilang sambit.
Naalala ko ang sarili ko kaya sinuri ko ang aking damit na suot at ang aking pagkababae.
Ang damit ko ay iyon pa rin. Tapos wala naman akong nararamdaman sa bahaging iyon.
Ang nararamdaman ko lamang na masakit ay ang aking katawan at braso.
Nalilito ako. T-Teka anong__
"A-anong sabi n'yo?"
"Ang Alin ate?" Nalilitong tanong ni Ahki.
"Nakita n'yo akong natutulog dito?"
"Oo nga. Ang alam namin ay namalengke ka. Dahil nakita ka naman naming umalis at matagal kang nawala. Saan ka ba nagpunta?" Wika ni Stacey.
"At bakit walang kang dala at bakit ka dito natutulog? Anong nangyari sa'yo? Dahil may sugat ang labi mo. " Tanong din ni Ahki, sa akin na may along pagtataka.
Silang dalawa ay nakatingin sa akin at naghihintay ng kasagutan ko.
Hindi ko alam kong ano ang nangyari. Pero malakas ang kutob ko na ligtas ako at hindi natuloy ang masamang balak sa akin ni Mang Ruben.
Kong paano ako nakabalik dito at si Mariano ko ay napakalaking palaisipan sa akin.
Dahil segurado akong totoo ang lahat nang nangyaring iyon sa akin. Imposibleng - imposible.
"Ano Ate Maria, bakit 'di ka na sumagot diyan? May nangyari ba?"
"H-Ha! Wala. A-Ano k-kasi may sinamahan ako. A-Ano may nakita ako sa daan na maglola. Sinamahan ko silang pumunta sa Hospital kawawa naman kasi. A-Ano kasi hirap silang makakuha ng masasakyan kaya nag magandang loob ako....T-tapos nang papunta na ako sa palengke para pick-up in iyong mga orders ko, ano kasi biglang sumama ang pakiramdam ko. Kaya bumalik na lang ako tapos ano nawalan yata ako ng malay pagdating sa tapat ng bahay natin. T-tapos etong s-sugat ko sa bibig a-ano k-kasi baka nauntog dito kanina ng mawalan ako ng malay."
Titig na titig sa aking mukha ang dalawa kong kapatid. Pero ako ay hindi sila matingnan ng deretso. Takot na mahuli sa aking ginawang ka sinungalingan.
Hindi ko tuloy alam kong bumenta ba sa kanila ang aking palusot o hindi.
Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanila ang totoo dahil tiyak maghuhurumentado ang aking mga kapatid lalo na si Ahki.
Baka sugurin niya si Mang Ruben o ang bahay nito at magkagulo.
Mas importante sa akin ang malinis na record ng mga kapatid ko. Isa pa ay naguguluhan ako sa nangyaring eto sa akin.
Totoo ba etong lahat o may sira na ang ulo ko.
Oo nga pala, si Mang Ruben. Siya ba ang nagbalik sa akin dito sa bahay?
Seguro ay pinakinggan ng Diyos, ang pagmamakaawa ko at hindi na itinuloy ni Mang Ruben ang masamang balak niya sa akin.
Oo, tama, baka nga ganito ang nangyari.....