"Wala ka ba talagang balak magpakita sa kaniya?"
"Wala pa sa ngayon."
"Pero kailangan mo na siyang lapitan. Paano ka niya iibigin kong hindi ka niya kilala."
"Hindi ako marunong manligaw. Ang alam ko lang ay ang magpasunod ng tao. Subalit hindi maari dahil ang nais ko ay ang umibig siya sa akin ng hindi ko pinilit."
"Alam ko naman na 'yan. Siya nga pala, paano ka nakakasegurado na siya na nga ang babaeng matagal mo nang hinahanap."
"Ang sabi ng Babaylan na sumumpa sa akin noon ay darating siya sa takdang panahon. Na kong saan ang isang babaeng birhen ay magpapatikim sa akin ng kaniyang maharlikang dugo. At magiging konektado na daw kami sa isat-isa. Nangyari na eto Samuel. Natikman ko na ang dugo niya at naramdaman ko na nasa panganib siya. Kaya Segurado ako siya na nga. Dahil nagkakatotoo lahat ang sinabi sa akin noon ng Babaylan. "
" Sabagay, oo nga. Kong ganoon ay dapat ka ng kumilos kong ayaw mo ng mahirapan. Matagal ng panahon ang iyong pagdurusa. Ayaw mo bang tapusin na? Ngayon na natagpuan mo na siya ay dapat na kumilos ka na."
"Gustong-gusto ko nang makawala sa sumpang eto at Tama ka, napakahabang panahon na ang pinagtitiis ko. Subalit ano ang gusto mong gawin ko? Ang humarap sa kaniya at Magpakilala at sabihin na kailangang ibigin mo ako at pagkatapos ay iinumin ko ang dugo mo hanggang sa kahuli-hulihang patak....Samuel, hindi ko eto maaring gawin. Dahil seguradong hindi niya ako iibigin. Sa halip ay kakatakutan niya ako at iiwasan niya ako. Mas lalo lamang akong mahihirapan na kunin ang puso niya. "
" Sabagay tama ka. Napakahirap nga ng sitwasyon mo. Kong bakit naman kasi ang gamot mo ay iinom ka lang ng dugo pero kailangan dugo ng isang birhen na itinakda sa'yo at buong pusong mahal ka pa. Napakahirap kaya n'on. Kasi Vampira ka. Ako nga etong normal na tao pero hirap makakuha ng true love ikaw pa kaya? Naman! Sana nga ganoon lang ka-dali, pero mahirap talaga 'yan. "
"Kaya tulungan mo ako, ano ang dapat kong gawin?"
"Huwag kang magalala katungkulan kong paglingkuran ka sa abot ng aking makakaya. Kaya pagiisipan kong mabuti. Sana lang ay makaisip ako. Dahil sa negosyo lang ako magaling."
******
"Ano? Anim na araw ng hindi nakikita si Mang Ruben?"
"Oo Ahki, ang balita ay nawawala daw eto. Narinig ko na pinaguusapan diyan sa kanto."
"Tsismosa ka talaga Stacey. Akala ko kong may binibili ka sa tindahan, 'yon pala nakikinig ka lang ng tsismis."
"Eh kasi naman, concerned lang ako kay Mang Ruben. Hindi ba napakabait at matulungin na tao' yon. Nakakaawa naman kong mabalitaan na lang isang araw na nakita siya sa isang lugar at patay na. Alam mo naman sa dami ng mga nangyayaring masama ngayon hindi malabong mangyari 'yon. O kaya baka maging katulad din siya ni Tatay, na bigla na lang naglaho na parang bola. "
" Oo nga ano. Nanay, Mano po. " Si ahki na sumang-ayon sa sinabi ni Stacey.
Naguusap silang dalawa habang pumapasok ng bahay. Sabay mano kay Nanay na nakatingin sa kanila.
" Mano po Nanay naming maganda. "
Naririnig ko na pinaguusapan ng mga kapatid ko habang papasok sila sa loob ng bahay. Galing sila sa Unibersidad.
Ako naman ay nagpapakain kay Nanay habang nanonood ng palabas sa TV dito sa sala.
Simula ng pagtangkaaan ako ni Mang Ruben ay hindi na ako nakapagtinda. Kaya anim na araw nang sirado ang tindahan ko.
Natatakot pa kasi ako at walang maayos na tulog. Halos gabi-gabi ay hindi ako makatulog, dahil napapanaginipan ko pa din ang pangyayaring iyon sa akin.
Parang gusto kong sabihin sa aking mga kapatid na masamang tao si Mang Ruben, na mali ang aming pagkakakilala sa tunay nitong pagkatao.
Ang taong may mabuting puso at kaluluwa ay hindi niya magagawa ang bagay na 'yon. Pero mas pinili ko na lamang ang manahimik dahil ayaw kong lumaki pa ang gulo. Sasarilinin ko na lang.
"Ate Maria, ano kumusta ka na?"
"Okay lang."
"Okay lang, pero magiisang lingo ka ng nagkukulong dito sa bahay."
"Baka brocken hearted ka na naman ate Maria."
"Brocken hearted ka diyan. Wala nga akong lalaki sa buhay."
"Eh kasi naman Ate Maria, ano kasi.... Ano kilala ka namin kapag may problema ka sa puso gumagawa ka ng bagay na kakaiba. Baka kasi nagbago na ang style mo nagkukulong na lang sa bahay instead na umiinom ng alak at nagtatangkang magpakamatay, pero nagpapaalam ka mona sa amin he! he! he! "
" Ay! Stacey ha, batuhin kaya kita ng mangko diyan kapag hindi ka pa tumigil. "
" Ha! Ha! Ha! 'Yan ganiyan nga Ate Maria, ibalik mo ang matamis mong ngiti. Alam mo bang hindi ka na ngumingiti mula ng makita ka namin na natutulog sa labas. " Sabi ni Ahki, na may halong seryoso, pero may halong pangaasar at may halong concerned sa akin.
" Wala' to. Nagkataon lang na dinapuan ako ng kakaibang sakit, Sakit na katam (katamaran) Wala akong ganang magkikilos kasi, pakiramdam ko nanghihina ako at hindi makatulog ng maayos. Salamat sa pagaalala ninyo sa akin. Sige na magpalit na kayo ng damit pambahay at kumain na kayo."
"Ha! Ha! Ha! Oo nga Ate katamaran nga 'yan. Ang akala namin ay wala sa bokabularyo mo ang salitang' yan. Kasi napakasipag mong tao."
"Tao ako. Natural lang na tinatablan din ng sakit ano? Basta, sakit din 'yon katamaran. Sige magbihis na kayo at parating na din si bunso iinitin ko na ang pagkain." Pagtataboy ko sa mga eto at naka humaba lang lalo nag usapan at Kong saan pa mapunta.
Iniiwasan kong makahalata sila sa itinatago ko.
Hindi nga ako nagkamali at dumating na nga si Star.
" Ate Maria, nagkakagulo sa labas, sa may kanto. "
"Huh! Bakit?"
"May na kitang bangkay sa may Sapa. Sa ilalim ng tulay. Alam mo ba kong sino?" Pa-suspense pang Kuwento ng kapatid ko. Pati mukha niya ay nagkukuwento.
"Sino?"
"Si Mang Ruben ate."
Hindi ko inaasahan 'yon. Naumid ang dila ko.
"Alam mo ba Ate tuyot ang katawan daw ni Mang Ruben. Said ang dugo niya sa katawan at may kagat sa leeg na parang sa Bampira. Ha! Ha! Ha! Hindi ba nakakatawa. Nasa Modern age na tayo tapos nagpapaniwala pa sila sa mga Bampirang' yan. Pambihira!"
"Ano? Totoo?"
"Oo Ate Stacey. Lumabas kayo doon sa kanto naguumpukan sila."
"Sige. Ahki, labas na at makikitaismis tayo. Si Mang Ruben daw nakita na pinatay daw ng Bampira." Sigaw ni Stacey. Talagang tsismosa at talagang makikiusyoso.
'Yan ang kapatid ko na si Stacey. Kapag may gusto kang malaman tungkol sa mga kapitbahay sa kaniya ka magtanong at Seguradong may makukuha kang impormasyon.
Communication Arts, Pala ang kursong kinukuha niya. Pangarap niyang maghatid ng mga balita at makita sa television. Kaya huwag n'yo ng husgahan si Stacey, dahil katulad ng sinasabi niya it's a part of her soon to be job daw, madalas niyang biro.
"Halika na." Sabi ng nagmamadaling si Ahki. Siya naman ay soon to be a Police Officer. Or NBI agent daw. Paborito niya ang mga genre na Mala James Bond. Kaya seguro ang pagiging tsismoso din niya ay may kaugnayan sa gusto niyang maging trabaho balang araw. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa.
Mabilis na naglaho sa loob ng bahay ang dalawa. Si Star naman ay nagtungo na sa kaniyang kuwarto para magpalit ng damit pambahay.
Si Nanay naman ay parang cctv na kong saan ako pumunta ay nakasunod ang kaniyang mga mata.
Minsan ay naiisip ko kong naiintindihan ba niya kami. Pero hindi nga lamang siya makapagsalita.
Minsan naman ay parang nararamdaman ko na may gusto siyang sabihin sa akin o sa amin. Kong bakit naman kasi ay hindi ko siya kayang pagalingin.
Madalas kong itinatanong sa panginoon ang bagay na 'to. Kong bakit nagbigay siya sa akin ng healing power pero wala namang silbi sa sarili kong Ina.
Nabalik kay Mang Ruben, ang aking isipan. Bampira daw ang pumatay sa kaniya. Sa isip ko ay sumasang-ayon din ako sa sinabi ni Star. Dahil napaka-imposible naman yata 'yon.
"Ate hindi ka pa ba magtitinda? Hinahanap na ng mga parokyano mo ang dinuguan mo."
"Hindi pa. Tinatamad pa ako." Talagang pinanindigan ko ang alibi kong kamatamaran.
"Hm! Ikaw bahala. Kong gusto mo ako na lang ang mamalengke mamaya."
"NAKU HINDI!" Pagpapanik ko sa sinabi niya.
Menore de edad pa lang kasi si Star, at sa dami na din ng experiences ko sa pamamalengke sa madaling araw ay alam ko na ang sitwasyon sa ilalim ng buwan at Madilim na gabi.
Naglipana ang mga tambay, adik at holdaper. Plus mga rapist. Sa naranasan ko kay Mang Ruben, ay naku! Tama lang na ako lang dapat ang makaranas n'on. Ayaw kong mangyari din iyon sa isa man sa mga kapatid ko.
"Hayaaan mo bukas magtitinda na ako ulit." Ang nasabi ko na lang. Pero kailangan ko talagang magtinda dahil sayang ang kita, pandagdag sa gastusin dito sa bahay.
"Ikaw ate naniniwala ka ba sa Bampira?"
"Hindi. Year 2025 na, hindi na Bampira ang uso ngayon. Mga Adik at pushers 'yan sila ang makabagong Bampira. Salot ng bayan." Gigil ako sa pagsasabi ko ng Adik. Kasi naisip ko din na baka naka-droga si Mang Ruben, kaya niya iyon nagawa.
Iba din kasi ang amoy niya noon at ang mga mata niya ay parang mapula.
" Ay tama ka diyan Ate Maria. Sa palagay nga namin ni Ahki, ay mga adik ang tumira diyan kay Mang Ruben."
"Pinagtripan seguro. Binutasan ang leeg ni Mang Ruben, para doon padaanin ang dugo niya hanggang sa masaid. Ano kaya ang gagawin nila sa dugo ni Mang Ruben?"
"Baka naman may golden blood si Mang Ruben. Mahal daw 'Yong ganoon na dugo sa black market."
"Oo nga ano."
"Ay hindi kaya. Blood type +O si Mang Ruben. Narinig natin' yon kanina hindi ba Ahki?"
"Oo nga pala. Kong gan'on, anong balak ng gumawa n'on kay Mang Ruben?.... Hindi naman seguro siya magluluto ng dinuguan 'no? At kokompetensiya sa dinuguan mo Ate Maria, ha! ha! ha!"
"Siraulo ka! Ikaw talaga Ahki, seryoso ang usapan hahaluan mo nanaman ng kalokohan."
"Oo nga. Si Kuya Ahki, talaga!
Ganito ang aking pamilya, masayahin at makulay kahit may pinagdaraanan. Kaya napakaimportante sa akin na huwag masira eto.
Sapat na ang lungkot na ibinigay sa amin ng pagkawala ni Tatay at pagkakasakit ni Nanay, hindi ko na eto maaring dagdagan pa.
"Tama na nga 'yang tsismisan na' yan at kumain na tayo. Dalhin n'yo na si Nanay sa lamesa at magbabanyo lang ako saglit."
Habang nasa loob ako ng banyo at umiihi ay biglang rumehestro muli sa aking isipan ang bagay na 'yon. Wala akong naramdaman na anomang masakit sa aking kaselanan noong gabing iyon. Kaya segurado talaga ako na birhen pa ako.
Muli kong ipinilig ang aking ulo dahil gusto ko na talagang kalimutan ang pangyayaring iyon.
Maalala ko lang ay takot na takot na ako.
Tapos biglang may nag flashback sa aking isipan. Pero hindi ko tiyak kong totoong nangyari o halusinasyon ko lamang.
Para kasing may bumuhat sa akin at hindi iyon si Mang Ruben, na mabaho. Kasi ang lalaking iyon ay may kakaibang amoy.
Malabo ang mukha niya dahil nga sa nahihilo ako. Pero sino 'yon? Kilala ba niya ako?
Pilit kong inaalala pa ang iba pang detalye pero wala na talaga akong makita sa aking isipan.
Seguro nga ay hindi iyon totoo.....