CHAPTER 6

1924 Words
Laman ng mga balita sa television, social medya at radyo Stations, ang nangyari kay Mang Ruben. Ayon sa nakuhang impormasyon ay hindi pa tiyak ang pagkakakilanlan ng suspek na gumawa nito. Pero may haka-haka ang ilang mga tao na adik daw ang may gawa nito at Bampira nga daw. "Ate paano nga kong may Bampira talaga at siya ang may gawa niyan kay Mang Ruben?" Tanong sa akin ng kapatid ko na si Star. Ako ay papalabas na ng bahay dahil mamalengke na ako. Napagpasyahan ko ng magtinda na bukas. Si Stacey, naman ay nakaupo sa sala at nag-ce-celphone. " Aba'y malay ko. Hindi pa naman kasi ako nakakakita ng Bampira kaya wala akong maibibigay na sagot sa tanong mo. At bakit nga pala hindi ka pa matulog? Tama na 'yang kakadotdot mo diyan." "Oo nga ano? he! he! he! Oo na Ate matutulog na ako, nalibang lang. Pero gusto mo ba ay samahan na kita mamalengke, kong gusto mo lang naman." "Hindi na salamat na lang, kaya ko naman eto. May pasok ka pa bukas hindi ba?" "Mayroon nga. Pero inaalala lang naman kita. Madilim o madaling araw na kapag kinukuha mo sa mga suki mo sa palengke ang mga gagamitin mo sa pagluluto. Hindi ka ba natatakot baka kasi may makasalubong kang Bampira at ikaw naman ang mabiktima." Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o matatawa. S'yempre natutuwa ako at Alam ko naman na inaalala lamang ni Star, ang aking kaligtasan. Subalit natatawa ako dahil talagang hook na hook siya sa Bampira. Sa aming magkakapatid siya ang die hard fans ng mga fantasy stories and movies. Seguro dahil bata ba siya. Pero ang gusto daw niyang kunin sa kolehiyo ay maging isang doktor. At sa aming magkakapatid ay siya ang pinakamatalino. Kahit hindi siya magreview kahit na may exam ay nasa Top 1 pa din siya. Maning-mani lang sa kaniya. "Hindi naman seguro. Malakas yata ako sa itaas kaya hindi niya ako pababayaan. Sige na matulog ka na. Huwag mong kalimutan na isirado ang pintuan." "Okay sinabi mo eh. Ingat ka ha ate." "Oo salamat! Love you bunso!" "He! He! He! Love too din ate Maria ko." Umalis ako ng bahay na may ngiti sa labi. Nawala ang kaba ko sa dibdib. Seguro naman ay hindi na ako mapapahamak at wala na akong dapat pang ka-takutan. Patay na si Mang Ruben, at parang nabunutan ako ng malaking tinik sa aking dibdib. Move on na dapat at magdoble ingat na lang ako. Huwag magtitiwala ng basta-basta kahit kilala mo pa eto. Kinapa ko sa aking bulsa ang ginawa kong mixture spray para sa aking proteksiyon. Ang nangyari sa amin ni Mang Ruben, ay nagpabukas talaga sa isipan ko na dapat ay may pang self defense ako. Pinaghalong katas ng maraming paminta, sibuyas, siling labuyo, at alcohol. Pang spray sa mata ng taong nagbabalak ng masama sa akin. Habang nasa akin eto, ang pakiramdam ko ay safe ako. Habang bumibiyahe kami ni Mariano ko, ng aking four wheels e-bike ay pokus lang ako sa kalsada. Pero bigla akong napa-preno dahil may dumaan na pusa sa harapan ko at kamuntikan ko na siyang masagasaan. S'yempre bumaba ako upang tingnan kong nailagan ko ba talaga o hindi. Laking pasalamat ko ng makita ko naman na naglalakad siya ng maayos sa gilid ng daan. Nahimasmasan ako. Kahit hayop ay may buhay din na dapat alalahanin at pahalagahan. Pabalik na ako kay Mariano nang may madinig akong ingay at parang nanghihingi ng saklolo. Napalingon ako sa kong saan-saan makita lamang ang pinanggagalingan ng ingay na 'yon at nakita ko naman. Sa isang madilim na bahagi ng daan sa gilid ng isang siradong tindahan. Mabilis akong pumaroon at nakita ko nga ang pinagmumulan ng ingay na nadidinig ko. Isang malaking lalaki na sa aking tantiya ay may taas na 190cm o higit pa. Nakahiga kasi siya sa sahig at namamalipit. Nilapitan ko siya at napahinto ako. Para kasing nakita ko na siya pero hindi ko matandaan. "M-may tao ba diyan? Help me please! Maawa ka tulungan mo ako!" "Ay napapaano ka?" Tanong ko sa kaniya na nagaalala kaya mabilis ko siyang nilapitan. May dugo ang kaniyang damit at ilong. Nakasalamin siya ng itim kahit gabi. "Tulungan mo ako! Na-hold up ako. Bulag ako, please tulungan mo ako!" "Ano? Na Hold - up ka? Ay! Kawawa ka naman. Wala ka bang kasama at bulag ka pala tapos naglalakad ka dito magisa." Tinulungan ko siyang makatayo at inalalayan. Kahit maliit lang ako at malaki siya ay ginawa kong saklay ang aking sarili para sa kaniya at talaga namang mabigat siya. Dinala ko siya kay Mariano at isinakay. Pinunasan ko din ang dugo sa kaniyang ilong gamit ang tissue na mayroon ako sa loob ni Mariano. Noong nalaman ko kasing bulag siya ay awtomatiko na akong kumilos. Kailangan niya ng tulong ko at hindi na seguro pa kailangan na tanungin pa kasi kawawa naman siya. Bulag na nga ang tao tapos ginanito pa. Walang kalaban-laban. " Kailangan makaalis na tayo dito at baka may mga masamang tao pa ang dumating. O kaya balikan ka pa at patayin." Pinaandar ko na si Mariano palayo sa lugar na 'to. Dahil kahit ako ay biglang nilalamig sa hindi ko malamang dahilan. Speaking of malamig, bakit parang malamig siya? " May sakit ka ba? Ilang oras ka bang nasa labas at bakit malamig ka? " Hindi ko matiis na itanong sa kaniya. " Ha? Ano kasi ganito na ang katawan ko. Isang karamdaman na simula nang ako ay isilang ay taglay ko na." "Ay may gan'on bang sakit? Parang bago 'yan sa akin." "Ah oo. Espesyal kasi ako sabi ng doktor, oo ganoon nga." "Ano nga pala ang ginagawa mo sa lugar na' yon? Tapos magisa ka pa?" "Kasama ko ang aking alalay at dinala niya ako doon. Ang sabi niya ay dadaanan daw namin ang kapatid niya. Tapos bigla na lang siyang nawala at Iniwanan niya na ako magisa. Tapos biglang may nang hold-up na sa akin. Kinuha ang aking mga alahas, wallet at IPhone. " " Grabe naman talaga ang mga tao ngayon ang sasama. Hindi na sila naawa sa'yo. Seguro kasabwat nila ang alalay mo. Ano dalhin ba kita sa Hospital o sa Pulis Station? Saan mo ba gustong pumunta mona. " " Sa bahay ko. " " Ano? Sa bahay mo? " " Oo. Kong maari ay ihatid mo na lamang ako sa aking bahay. " "Segurado ka? Ayaw mong pumunta ng Hospital, baka kasi may bali ka diyan sa katawan. Tapos punta tayo sa Pulis Station para managot ang mga gumawa sa'yo niyan." "Hindi na nga. Tulad ng sinabi mo ay baka may kinalaman nga ang alalay ko. Seguro mahirapan na siya sa akin sa pagaalala kaya ginawa niya sa akin eto." "Naku ha! Hindi katwiran 'yan para gawin niya' yan sa'yo. Bulag ka at seguro naman ay pinapa sahod ko naman seguro soya ng tama ano?" "Oo. 100k nga ang pa-sahod ko sa kaniya monthly with full benefits." "A-Ano? 100k?"Inulit ko pa talaga at lumaki pa ang dalawang mata ko sa pagtatanong. Baka kasi mali ang pagkakadinig ko. Ako nga na todo-todo ang pagod sa pagtitinda ng dinuguan ay kumikita lang sa isang buwan ng 50k to 60k kapag sinesuwerte. Ibawas pa ang sahod ni Joy at mga bills sa kuryente at tubig. "Oo, Isandaang libong piso kada-buwan. Rest day tuwing araw ng linggo." "Ay sana ol." Literal na mapapasana-all ka na lang talaga. Sa tingin ko naman kasi ay mabait siya at hindi naman seguro mahirap alalayan ang isang bulag. Tapos take note ha, ang laki pa ng sahod. May benefits na plus every weekends day off. Saan ka pa? Parang gusto ko tuloy mag-apply sa kaniya. Tutal naman ay wala na siyang alalay. "Saan ba kita ihahatid? Saan ka nakatira?" "Sa Greenville Heights." "SA GREENVILLE HEIGHTS? Doon ka nakatira?" "Oo." "Wow ha! Yayamanin ka pala." "Hindi naman gaano." Tumaas ang dalawang kilay ko sa sagot niya. Pero Segurado na akong mayaman ang taong eto. Malaki magpasahod at kayang magstay sa Greenville Heights. Ang Greenville Heights, ay kilala dito sa lungsod namin at sa buong ka-Maynilaan. Bilang mataas na gusali at mamahaling five star Hotel. May 66 na palapag at mula first floor hanggang third floor ay shopping malls. Ilang beses na din naman akong nakapasok doon pero hanggang shopping malls floor lang. Subrang mahal daw kasi ang mga hotel rooms d'on at hindi ko y'on afford. Isa pa sino naman ang dadalhin ko d'on if ever. Wala nga akong boyfriend. Eh kong mayroon lang sana aba eh pagiipunan ko. Natatawa lang ako sa naiisip ko. Gusto ko eto bumabalik na ako sa dating ako. Nawala na ang takot ko sa nangyari sa akin noon. Nandirito na kami sa harapan ng Greenville Heights at nagiisip ako ngayon kong sasamahan ko pa ba siya sa loob o ano? "Nandirito na tayo. M-Mr. Pasensiya na ha, hindi ko kasi alam ang pangalan mo." " Ako si Leandro Narvaez." Tipid nitong sabi. "Ah, Nice to meet you Leandro. Ako naman ay si Maria Dela Cruz. Single and ready to mingle he! he! he!" Pabiro kong pakikipagkilala. Iniabot ko ang aking kamay sa kaniya habang nakaupo siya backseat. Naghantay ako na iabot din niya sa akin ang kaniyang kamay pero hindi siya gumagalaw. Nakalimutan ko, Isa nga pala siyang bulag at hindi niya nakikita ang kamay ko na gustong makipag-shake hands sa kaniya. Napapahiya ako sa aking sarili na binawi ang aking kamay. "Maari mo ba akong alalayan bumaba dito at samahan ako sa loob." " Ay oo naman. Sige, wait lang ha Leandro. Diyan ka mona at ipaparada ko lang sa tabi si Mariano. Para safety siya." "Sige." Sabi niya na hindi nagtaka o itinanong sa akin kong sino si Mariano. Naghanap ako ng mapaparkingan ni Mariano, nahirapan ako pero nakahanap din naman. "Halika na diyan Leandro, baba ka na." Utos ko sa kaniya na iniaabot sa akin ang kaniyang kamay upang alalayan siya. "Ano kaya ang itsura ng mga mata niya? Pangit kaya?" Naitatanong ng utak ko habang nakatingin sa kaniyang mukha. Mestiso siya kasi mas maputi pa siya sa akin ng tatlong paligo at talagang malamig siya ah. Awang-awa ako sa kaniya habang naglalakad kami papasok sa loob. Paano ba naman kasi ay bulag na nga siya tapos may kakaibang karamdaman pa. May napakalamig na temperatura ng katawan. Sirado na ang Shopping Mall dahil madaling araw na S'yempre. Iba ang pasukan papunta sa shopping mall at sa Hotel. Kaya doon kami pumasok ni Leandro. Nakasabit ang aking kanang braso sa kaliwang braso niya. Para tuloy kaming magkarelasyon. Tuloy-tuloy lang kaming naglalakad papunta sa loob dahil wala namang sumisita sa amin. Seguro ay kilala na si Leandro, dito bilang guest nila. Hanggang sa huminto kami sa may elevator. Mukhang pinangatawanan ko na talaga ang paghatid sa kaniya. Ang pamamalengke ko ay tuluyan ko nang nakalimutan. Bumukas ang pinto at kami ay pumasok sa loob. Kaming dalawa lang dahil wala naman kaming naging kasabayan umakyat. Seguro ay madaling araw na kaya madalang ang tao. "Anong floor ka ba?" "66th floor." "Ano? Sa dulo? Doon ka nakatira?" "Oo." Alanganin na pinindot ko ang number 66th, napipilitan lang. Subrang taas ng kaniyang tinitirhan ngayon ako nagsisisi sa pinasok ko. Hindi naman ako takot sumakay ng elevator kahit ako lang magisa ay hindi din naman ako natatakot. Ang problema lang sa akin ay takot ako sa subrang matataas na lugar. 66th floor pa iyong pupuntahan namin. Ginapangan tuloy ako ng takot ngayon sa katawan. Wala sa sariling sumiksik ako kay Leandro sa tabi niya....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD