"Ikaw lang ba ang nakatira dito?"
"Oo. Pero dinadalaw ako dito ng aking pinsan."
Iniupo ko siya sa magandang sofa niya sa may sala. Ang lambot at nagiikot ang aking mga mata sa kabuuan ng silid.
"Ah ganoon ba? Pero paano ka na niyan ngayon? Ikaw na lang magisa dito kasi wala na 'Yong alalay mo. Wala ka bang kasamang katulong dito?"
"Wala. Every weekends lang sila dumadating dito para maglinis."
"Ah. Eh paano' yan?" Nagaalala kong tanong sa kaniya dahil hindi ko siya maiwanan ng ganito.
Hindi niya ako sinagot. Hindi ko tuloy alam kong nakulitan na ba siya sa akin o nagiisip kong paano na nga siya.
Mukhang Rich boy kasi siya. 'Yong mga tipong young Master ang peg. Nakikita ko kasi sa kaniya ang isang male character sa pinanood kong Korean Drama. Na simula pagkabata ay may sariling mga tagapag-alaga.
Mayaman siya, maputi, at guwapo kahit hindi ko pa nakikita ang buong mukha niya. Kasi natatakpan ng itim na salamin ang kaniyang mga mata.
Naseseguro kong ganito nga ang kaniyang buhay.
"Ang mga magulang mo nasaan?" Wala lang madaldal lang talaga.
"Matagal na silang patay."
" Ay sorry! Pasensiya na. Hindi ko maiwasan na magtanong kasi naman hindi kita maiwanan dito magisa. Nakakonsensiya naman kasi ano." Tapat kong sabi.
" Gusto mo ikaw na lang ang maging alalay ko. Babayaran kita sa kahit magkano na gusto mo. "
" Seryoso ka ba? "
" Mukha ba akong nagbibiro?
"H-Hindi naman. Nabigla lang ako."
"Name your price."
Saglit akong nagisip. Kong tatanggapin ko ang alok niya sa akin na trabaho ay mas mainam naman kaysa sa araw-araw akong pagod at puyat sa kakatinda. Pati mga kapatid ko ay pagod din.
"Papasahurin mo din ba ako ng 100k a month?"
"150k a month."
"Huh!"
Lumaki ang mga mata ko at nakalimutan ko saglit ang huminga.
"Seryoso ka talaga diyan ha?"
"Ohm."
Mukha naman siyang seryoso. Kahit hindi siya nakatingin sa akin. Bulag nga kasi ano ka ba Maria?
"Maaari mo ba akong alalayan na pumunta sa aking silid."
"Sige."
Inalalayan ko siya at pumunta kami sa kaniyang silid. Wala namang kakaiba sa kaniyang silid, pangmayaman lang talaga.
Iniangat niya ang kama at may dinudukot siya sa ilalim. Paglabas ng kamay niya ay may hawak na etong dalawang kumpol na pera at iniaabot sa akin.
Lumaki na naman ang mga mata ko.
" Ibinibigay mo ba sa akin eto?"
"Oo. 200k 'yan. Advance salary mo at pabuya ko dahil sa pagtulong mo sa akin."
"T-Talaga akin' to?"
"Oo. Kunin mo na at umuwi ka na."
"Ay oo nga pala. Anong oras na ba? Pipick-up-in ko pa ang mga gagamitin ko sa pagtitinda."
"Hindi mo na kailangan magtinda pa Maria. Dahil mag mula ngayon ay sa akin ka na magtratrabaho. Tuwing araw ng lingo ay day off mo at kompleto ang mga benepisyo mo. Ipapaayos ko sa aking pinsan ang lahat. Sige na kunin MO na eto at umuwi."
Alanganin na kinuha ko ang pera. Pero kailangan ko naman talaga ang Pera at trabaho. Kaya nga nagtitiis ako at nagtitiyaga na magtinda.
Mula ng pagtangkaan ako ni Mang Ruben ay malaki talaga ang nabago sa akin.
Aaminin kong parang takot na akong bumiyahe magisa tuwing gabi. Lalo na at hindi pa nahuhuli ang pumatay kay Mang Ruben.
Bukod doon ay uso din ngayon ang mga kidnap-kidnap tapos kinukuha daw ang mga laman loob at ebebenebenta sa black market.
O di kaya naman daw ay human trafficking. Ginagawang prostitute ang mga magaganda at mga batang babae.
Hindi nga ako bata pero maganda naman ako at isang babae.
Magandang oportunidad na ang kumakatok sa aking pintuan. Kaya kukunin ko na. Mukha naman siyang mabait at ano naman ang magagawa sa akin ng isang bulag. Nakakaawa nga siya.
"Segurado ka bang gusto mo akong maging alalay mo?"
"Oo. Nararamdaman kong mabait ka at mayroong busilak na puso. Hindi ka gagawa ng masama sa akin katulad ng mga nagdaan kong mga alalay. Alam kasi nila na bulag ako kaya inabuso nila ako."
Sa narinig ko ay tila nilamukos ang aking puso. Maawain talaga ako.
" H-Huwag ka ng malungkot dahil nandito na ako at hindi ako katulad nila. Pagsisilbihan kita ng maayos. "
" Kong gan'on salamat Maria! "
"G-Gusto mo bang kumain at ipagluluto kita bago ako umalis."
"Hindi na. Hindi ako nagugutom. Magpapahinga na ako."
"Ah ganoon ba sige. Uuwi na ako ha. Pero maaga akong babalik bukas pangako."
"Sandali. Kunin mo etong key card at ang password sa pinto ay 125610."
"Okay. Sige alis na ako."
Parang alanganin akong iwanan siya. Mahirap talaga kapag may kapansanan ka.
Ngayon ko naiisip na mas masuwerte ako dahil ang ibinigay sa akin ng panginoon ay ang pagkakaroon ng kakayahan na magpagaling at hindi kapansanan.
Kanina ay parang gustong-gusto ko na siyang painumin ng aking dugo, upang gumaling na ang kaniyang mga mata.
Pero pinigilan ko ang aking sarili. Dahil hindi dapat. Hindi ko pa siya lubusang kilala at paano ko ipapaliwanag ang bagay na 'yon sa kaniya na hindi siya matatakot.
Naiisip ko din na baka ikulomg niya ako at pagkakitaan. O kaya naman ay ibigay niya ako sa mga crazy scientist na kinakatakutan ko.
At ayaw ko din naman na pagpyestahan ng mga tao kapag nalaman nila ang kakayahan kong eto.
Tahimik akong lumabas ng hotel room ni Leandro, dala ang 200k....
*****
"Mabuti at nakinig ako sa Idea mo Samuel."
"Nakapasok ka na sa first step Leandro, nasa iyong ng mga kamay na ang ikakatagumpay ng ating plano."
"Alam ko. Seseguraduhin kong sa susunod nang pagbilog ng buwan ay hindi ko na mararanasan ang walang ka-pantay na paghihirap kong iyon."
"Ngayon pa lang Leandro, ay binabati na kita sa iyong kalayaan sa sumpang ipinagkaloob sa'yo. Masaya ako para sa'yo at maipagmamalaki ko sa aking mga kanununuan na sa aking henerasyon ay ako ang nakatulong upang makawala ka sa sumpa at ako ang kasama mo sa iyong tagumpay."
" Subalit hindi pa natin hawak ang tiyak na tagumpay Samuel. Masyado yatang maaga ang ating pagdiriwang. "
"Huwag kang magalala. Ang mga babae pakitaan mo lang ng pera ay lumalambot na sila. Basta maging mabait ka lang sa kaniya, masunurin, galante, at higit sa lahat palagi siyang tama. Huwag mo siyang kokontrahin dahil 'yan ang kahinaan ng mga babae....Ayon sa mga nakalap kong impormasyon he! he! he! "
" Maiba tayo ng usapan Samuel. Nagawan mo na ba ng paraan ang pinagagawa ko sa' yo? "
" Oo tapos na. Tinapalan ko na ng Pera kaya tapos na ang kaso tungkol sa lalaking iyon. "
" Mabuti. "
********
Pagkadating sa bahay ay agad along pumunta sa silid nila Stacey at Star. Masayang ibinalita sa kanila na bukas na bukas ay may bago na akong trabaho at hindi na kami magtitinda.
Sunod ko namang kinatok ay si Ahki, at sinabi din sa kaniya ang balita. Natuwa naman siya dahil hindi na daw ako mapapagod ng husto.
Lahat sila ay sang-ayon sa naging pasya ko. At magaan ang kalooban ko na tahakin ang bagong oportunidad na dumating sa aking buhay.
Tinawagan ko din si Joy, para sabihin sa kaniya na hindi na ako magtitinda pa. Hindi ko alintana ang oras basta gusto kong matapos ang lahat-lahat ngayon din.
"Oh Maria, bakit ang aga-aga naman nangbubulahaw ka. Alas kuwatro pa lang ah." Sabi ni Joy sa kabilang linya na halatang naisturbo sa pagtulog.
"Joy, hindi tuloy ang pagtitinda natin mamaya. Hindi ako nakapamili kagabi at hindi na ako magbubukas pa ng tindahan ngayon dahil may bago na akong trabaho."
"Ano?.... Paano 'yan kailangan ko pa naman ng pera dahil bayaran na ng upa sa bahay namin at Alam mo na sa iba pang gastusin." Malungkot na sabi ni Joy.
"Huwag kang magalala iiwanan ko kay Stacey ang 20k bigay ko sayo. Bayaran mo ang dapat bayaran. At Maghintay ka lang dahil ipapasok kita sa bago kong boss, hindi ba sabi ko na na sa'yo sa hirap at ginhawa ay magkasama tayo."
Tumahimik sa kabilang linya at biglang humagulgol si Joy.
" Oy bakit ka umiiyak diyan? "
" Ikaw eh, pinaiyak mo ako eh. "
" Sige na matulog ka na at matutulog ako konti dahil mamaya na din ang first day ko sa work. Biglaan kasi. "
" Oy teka naman, marami pa akong gustong malaman."
"Next time n alang Joy. Ekukuwento ko din sa'yo pero kasi ngayon wala ng oras. Antok na din kasi ako. Good night na bye."
"Sige, basta may utang ka sa akin bye."
Bagsak ang katawan ko ng humiga na sa aking higaan. Sinulyapan ko si Nanay, na mahimbing ang pagkakatulog.
" Ayon sa Bali-balita ay natukoy na ang tunay na suspek sa kakaibang pamamaraan sa pagpatay sa isang lalaking Barangay tanod. Di-umano, Isa daw adik na embalsamador ang gumawa nito at pinagtripan ang kaawa-awang biktima na kinilalang si Mang Ruben."
Kasalukuyan akong nagluluto ng almusal na sopas para sa aming almusalan ng mapanuod ko ang balitang eto.
" Oh sinasabi ko na nga ba eh. Adik lang ang kayang gumawa ng ganoon. " Si Ahki, na tutok na tutok na nanonood ng pang-umagang balita sa TV.
Naghahalo ang emosyon ko sa nangyaring iyon kay Mang Ruben.
Sabi ng kalahating isip ko ay mabuti nga 'yon sa kaniya. Pero sabi din naman ng kalahating isip ko ay kawawa naman siya.
Isa lang ang napatunayan ko sa pangyayaring eto. Ang gawang masama ay hindi nagdudulot ng mabuti. Naging mabilis lang ang bad karma kay Mang Ruben.
Nagmamadali na ako sa aking pagluluto dahil kailangan ay maaga akong makapunta sa bago kong trabaho.
First day ko sa work tapos advance pa ang sahod ko kaya nakakahiya naman kong tanghali na akong papasok.
Dinamihan ko na din ang niluto kong sopas dahil dadalhin ko kay Sir Leandro. Kawawa naman ang taong 'yon. May Pera nga pero ganoon ang sitwasyon niya.
"Ate Maria, ako na diyan mag ready ka na at baka ma-late ka sa bago mong trabaho.
" Nakapagimpake naman ako ng ilang gamit ko na dadalhin doon. Anim na araw lang naman kaya tapos na kanina pa. "
" Halos wala ka nang naitulog Ate Maria, sana sinabi mo sa boss mo na sa isang araw ka na lang papasok."
"Hindi ko nga nasabi kasi mas naaawa kasi ako sa kaniya. Siya lang kasi mag-isa doon sa malaking hotel room na kaniyang tinitirhan. Hindi ba sinabi ko naman sa inyo na isa siyang bulag at madaling maloko ang mga ganoong tao."
"Sabagay Ate. Sabi mo nga kamuntikan na siyang mamatay dahil sa ginawa sa kaniya ng kaniyang alalay. May mga tao talagang walang mga konsensiya, maiitim ang mga budhi."
"Kaya nga eh. Okay naman ang pasahod niya, bihira lang ang may ganoon na offer. Magtratrabaho ako sa kaniya ng maayos at may puso, kapalit ng halagang epasusuweldo niya sa akin. Kesa iba ang makinabang tapos hindi naman pala mabuti ay ako na lang hindi ba? Atleast ako hindi lang maganda ang magiging alalay niya. Masarap magluto, maasikaso, tapat, maalaga, mapagmahal at__"
"Ano mahal mo na agad?"
"Gaga! Hindi ah. Ang ibig kong sabihin mapagmahal sa trabaho sa lahat ng bagay na may kinalaman sa aking trabaho sa kaniya."
"Ah, linawin mo kasi."
"Eh hindi ka ba gaga, hindi pa nga ako tapos sa sasabihin ko pinutol mo."
"Sorry na. Pero Ate Maria, kapag nanligaw sa'yo ang Boss mo sgautin mo na ha. Huwag ka ng magpakipot kasi baka tumanda ka ng dalaga. Baka hindi ka talaga para sa lalaking may malinaw na mata. Baka nakalaan ka sa isang bulag. "
"Ay lintek kang babae ka!"
Hahampasin ko sana si Stacey, ng kamay ko pero mabilis na nagtatakbo sa silid namin ni Nanay.
"HA! HA! HA!" Hagakhak niya. Tuwang-tuwa sa pangaasar sa akin....