CHAPTER 8

2026 Words
First day of work, na hire kaninang madaling araw lang, 8:00am umpisa na ng trabaho. Dating dinuguan at puto vendor ngayon ay instant alalay na. Dating 30k to 50k ang kinikita monthly bukod na ang puhunan, ngayon ay may 150k na kada buwan. Ang Maria Dela Cruz, na dati ay gising sa gabi at tulog sa kalahating araw ay ngayon bago na. Seguro naman this time ang gabi at araw ay magiging normal na para sa akin. Wala akong tulog kaya pakiramdam ko ay lutang ako. Magaan ang aking ulo at pakiramdam. Pero mas excited kasi ako sa bago kong trabaho at sa matatanggap ko na 150k a month. Hindi na ako mapapagod pa ng husto, tanga na lamang ako kong papalagpasin ko pa. Ang buhay nga naman. Maraming sopresa. Natatawa lang ako sa aking sarili habang pumapasok sa loob ng hotel room ni Sir Leandro. Seguro ay tulog pa siya. Ginamit ko ang keycard at ang password luck na binigay niya sa akin upang mabuksan ko ang pintuan ng kaniyang Hotel room. Habang pumapasok ako sa loob ay biglang may naisip ako, Si Oohny. Nasaan na kaya ang taong iyon? Deep inside ay miss ko na siya. Kahit na naiinis ako sa kaniya dahil paasa siya. Sana man lang ay nagpaalam siya sa akin ng maayos. Para naman kasing wala kaming pinagsamahan at ganoon na lang siya naglaho. Pero baka nahihiya ang gago dahil ang haba ng listahan ng kaniyang utang sa akin at hindi pa niya kayang bayaran. Mauunawaan ko naman 'yon kong sinabi lang niya sa akin at nagpaalam ng maayos. Pero wala eh. Ngayon ay lumungkot ang pakiramdam ko sa alaalang iyon. Para kasing ganoon lang ako ka-daling maloko. Wala ba talagang lalaking magbibigay sa akin ng halaga at tunay na pagibig? Ganoon na ba ako ka-desperado na magkaroon ng boyfriend at nagiging sugar mommy ako. Aminado naman ako na kapag nagmahal ako ay totoo. Ipinilig ko na lang ang aking ulo para matanggal sa isipan ko ang mga negatibong laman nito. Dapat ay maging masaya lang ako. Madilim kahit umaga na. Wala kasing bintana sa silid na eto kahit isa. Naalala ko na may pinindot na switch sa may dingding malapit dito sa entrance si Sir Leandro, at nakita ko naman agad. Pinindot ko at lumiwanag ang paligid. Iginala ko ang aking paningin sa loob at mukhang tahimik. Ibig sabihin ay hindi pa gising si Sir Leandro. Sabagay imposible namang gising na 'yon. Anong oras na' yon natulog. Binuksan ko ang magarang ref. Akala ko ay puno ng laman, wala pala. Mineral water lang at beer na ilang piraso. Bukod dito ay wala na. Iba talaga kapag mayayaman, iba-iba ang saltik ng ulo. Kaming mahihirap ay kontodo tipid sa pagkunsomo ng kuryente pero sila ay balewala lang. Inilagay ko sa refrigerator ang dala kong sopas na para kay Sir Leandro. Iinitin ko na lamang eto kapag nagising na siya. Naghanap ako ng magagawa pero mukhang wala naman akong dapat na galawin dito dahil malinis naman at lahat ay nasa wastong ayos. Para ngang nahihiya ang alikabok na kumapit. Kaya naupo na lamang ako sa sofa at nagscroll ng cp. Wala akong maayos na tulog at dala na din ng subrang katahimikan sa loob ay nakatulog ako. Habang natutulog ay parang may nakikita akong isang lalaki sa aking tabi. Malabo ang kaniyang mukha kaya hindi ko siya mamukhaan. Dahil dito kaya kumabog ang aking dibdib at nahirapan huminga. May trauma na ako kay Mang Ruben, kaya naging ganito na ang aking reaksiyon. Napasinghap ako at biglang nagising at may lalaki ngang nakatayo sa aking harapan kong saan nakatayo ang lalaki sa aking panaginip. Pero si Sir Leandro, ang nakatayo. "S-Sir Leandro." Sambit ko sa pagkabigla. "Bakit dito ka natutulog? May limang silid dito, bakit hindi ka doon matulog mas komportable." Sabi niya na napanganga ako. "Puwede ba?" "Oo naman. Sige na matulog ka sa kuwarto." "Pero, wala ka bang ipapagawa sa akin?" "Wala. Babalik din ako sa kuwarto ko, sige na." "S-Sir Leandro, may dala nga pala akong sopas para sa'yo. Gusto mo na bang magalmusal?" "Gabi na." "Ha! Gabi na?" Gulat kong tanong. Tapos ay kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang oras. Alas 10:15pm na. Gulat na gulat ako. Magsasalita pa sana ako pero naglalakad na siya pabalik sa kaniyang silid gamit ang kaniyang white cane stick. Hindi ko malaman kong mahihiya ba ako o hindi. Anak ng sinigang na kinulang sa asim. Hindi ako makapaniwala na ang haba na pala ng aking itinulog dito sa sofa. Wala naman akong gagawin at gabi na nga kaya pumunta ako sa isa sa mga nakasaradong pintuan na kuwarto. Binuksan ko ang isa at pumasok. Pangmayaman talaga, heto lang ang aking masasabi. Bukod sa malaki ay may jacuzzi sa loob ng bathroom. Na first time kong ma-e-experience sa tanang buhay ko. Kompleto sa gamit at higit sa lahat ay may bintana at veranda. S'yempre happy ako. Maganda na at maaliwalas. Nasabi ko na lamang sa aking sarili na hindi nga talaga ako nagkamali ng aking desesyon na dito magtrabaho. May mabait na amo na at may napakaganda pang kuwarto. Mabilis akong nahiga sa kama at hindi nga ako nagkamali, napakalambot at napaka-komportbaleng higaan. At yoon na nga nakatulog muli ako. Nakalimutan ko na nga ang kumain at pakainin si Sir Leandro. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng mga iniisip ko. Parang na-relax ako bigla. Nagising ako dahil sa ring ng aking cellphone pero nang akin nang sasagutin ay naglowbatt naman eto at namatay. Dismayado akong ikinabit sa charger ang cp ko. At nagtatanong sa aking isipan kong sino kaya iyon na tumawag sa akin. Pero sinagot ko din naman ang tanong kong iyon. "Baka ang aking mga kapatid." Sambit ko. May alarm clock na nakapatong sa side table at nakita kong 11:45 na pala. "Naku po! Ano ka ba Maria, amo ka ba dito?" Tanong ko sa aking sarili at mabilis na lumabas ng kuwarto ko. Pero napahinto ako sa aking kinatatayuan dahil nabungaran ko si Sir Leandro. "S-Sir, pasensiya na ha ang haba ng itinulog ko. A-Alam mo naman 'di ba kong anong oras na t-tayo nakatulog." Nahihiya at Pangangatwiran ko na sana ay hindi siya galit. "Walang problema." "Talaga hindi ka galit?" "Oo. Bakit naman ako magagalit?" "Eh kasi nga, tulog ako ng tulog mula umaga hanggang ngayon gabi na." "Matulog ka hanggat gusto mo." Sabi niya na hindi ko mapaniwalaan. Sesesantihin na kaya niya ako? Pero nakiramdam pa ako. Umupo siya sa sofa sa may sala at binuksan ang TV. Ako naman ay nasa gilid lang naghahantay. "Halika dito maupo ka." "Ha?" "Ang sabi ko maupo ka." Dahan-dahan naman akong umupo sa kabilang kanto ng sofa. "Gutom ka na ba?" "Huh!" Nagulat pa ako ng itinanong niya sa akin eto. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at mukhang gutom na nga ako. Kanina pa pala ako hindi kumakain. Lunch and dinner. Sasagot na sana ako pero nakita kong hawak na niya ang telepono at dinig ko siya na nagorder ng pagkain. Kanin, nilagang baka, boneless bangus na relyeno. Fruitsalad at kape. Mukhang pamilyar sa akin ang mga pagkain na inorder niya. Kasi nga paborito ko ang mga eto at talagang kape is my life. Nagkakape talaga ako kasama ng aking gabihan. Ibig kong sabihin ay three times a day. Sa almusal, sa lunch at sa dinner. Napatingin ako sa kaniya sa pagtataka. Inorder ba niya eto para sa akin? Paano niya nalaman? Pinaimbistigahan ba niya ako? Pero imposible naman yata. "Paborito mo ba 'yong mga pagkain na inorder mo?" Hindi ko mapigilan ang aking sarili na itanong eto sa kaniya. Pakiramdam ko kasi ay maninikip ang aking dibdib. "Hindi para sa akin. Para sa' yo." Tipid at deretso niyang sagot. "Ha? Eh, ikaw?" "Tapos na akong kumain." "Ha?" Tapos na daw siya. Ah baka omorder na siya ng pagkain kanina habang himbing akong natutulog. Nasa loob kami ng Hotel at Mayaman siya. Anytime na gustuhin niya ay puwede siyang magpaakyat ng pagkain dito. Tapos bigla kong naisip na bulag siya, paano siya nanonood ng TV? Napatitig tuloy ako sa kaniya na nagtataka. Oo nga. Deretso ang tingin niya sa palabas sa television at wala siyang suot na salamin ngayon. "Hindi ba bulag ka, bakit ka nanonood ng TV?" Hindi ko talaga mapigilan ang kadaldalan ko. Hindi ako mapakali hanggat hindi ako nakakakuha ng tamang kasagutan sa mga tanong ko. "Oo bulag nga ako pero hindi naman ako bingi." Ay oo nga pala tama nga si bulag ay este si Sir Leandro. Kinuha niya ang remote control at inilipat sa red app. May pinagpipindot siya at sa movies siya napunta. Parang may mga mata siyang namimili kong ano ang kaniyang papanuurin. Nagulat pa ako ng binuksan niya ang palabas na romance movie. "Mahilig ka ba sa romance movies?" Tanong ko na naman sa kaniya na hindi ko talaga maawat ang sarili ko. "Oo. Bakit ayaw mo ba?" "Ah eh hindi naman. Kahit anong genre ay pinapanuod ko naman. Ikaw lang ang inaalala ko. Bilang bago mong alalay ay kailangan may konting alam din ako tungkol sa'yo." "Ganoon ba. Kabisado ko lang kasi ang remote at ang tamang pagkakasunod-sunod sa screen. Tinuruan ako ng pinsan ko. Tapos kong ano na lang ang mahintuan ko ay siya kong pa pakinggan. Katulad mo din ako Maria." Sagot niya na kompleto impormasyon para sa akin. Kaya naman ay nakontento na ako. "Ah oo nga pala." Sagot ko na kombinsido na sa kaniyang pagpapaliwanag. Hindi pa nga nagiinit ang mga mata ko sa pinapanood ko ay may bed scenes na agad. Napatingin ako kay Sir Leandro. Tutok na tutok sa TV eh. Parang may mata talaga siyang nanunuod. Ako na lang ang nahihiya dahil ang lakas ng sounds ng TV at dinig na dinig ang ingay na dulot ng kanilang pagtatalik. Napalunok tuloy ako ng sariling laway. Parang nadadala ako sa love scenes na pinapanood ko. Palibhasa kasi ay birhen pa ako at hindi ko pa nararanasan ang nakikita kong eto. Mabilis akong nagiinit. Ang t***k ng puso ko ay nagiging abnormal. Parang gusto kong tumakbo sa aking kuwarto at maghilamos. Pero naisip ko na mahaba na ang itinulog ko tapos ngayon lang ako makakabawi sa kaniya ay lalayasan ko pa. Ang pagsama sa kaniya manood ng TV ay isa na din seguro etong trabaho. Pagtupad sa aking obligasyon. Kaya no choice kong hindi ang magstay kasama niya. Hindi ko tuloy malaman kong saan ako titingin. Sa TV ba o sa kaniya na seryosong nakatutok ang mga mata sa palabas sa TV. Kong hindi ko lang talaga alam na bulag siya ay masasabi ko talagang nanonood siya. Lalo akong nagsusumiksik sa dulo ng kinauupuan ko. Grabe naman kasi ang pelekulang eto Twilight season 2. Kong saan kinasal na ang dalawang bida at Bampira na ang babaeng bida. Biglang may nag doorbell seguro ay ang pagkain na. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at binuksan ang pintuan. Isang babae na naka hotel uniform at may tulak-tulak na Cart na naglalaman ng mga pagkain. Nagulat pa siya ng makita ako. Pero nagtuloy-tuloy siya upang ipasok ang pagkain. Tapos ay tahimik na umalis. Weirdo, pero wala ang isip ko sa kaniya. Nasa pagkain. Binuksan ko ang mga takip at nalaman kong good for one person lang eto pero marami naman. Seguradong busog. Si Sir Leandro naman ay seryoso pa din sa pinapakinggan na palabas sa TV. "Sir para ba talaga sa akin eto?" Inulit kong tanungin baka hindi talaga eto para sa akin o kaya naman ay gusto niya akong saluhan kahit kunyari lang. Kasi ang totoo ay ayaw ko na may kahati sa pagkain dahil talagang gutom na ako. At ayaw ko siyang kasalo nahihiya ako. Baka hindi ako makakain ng maayos. "Para sa'yo lang 'yan. Hindi ako kumakain ng ganiyan. Dahil iba ang kinakain ko." Sabi niya na lumingon sa akin. Natulala ako sa mga mata niya. Ngayon ko higit na napagmasdan ng maigi ang kaniyang mga mata. Subrang ganda at kakaiba ang kulay. Parang siya pa lang ang may ganitong klaseng kulay ng mga mata. Ang hirap ipaliwanag pero parang kakaiba at magical. Pero nakakatakot kong tumingin. Parang ang oras ay biglang huminto sa akin....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD