CHAPTER 9

1930 Words
"Ang ganda ng mga mata mo Sir Leandro, kakaiba." Salitang kusang lumabas sa aking bibig sa subrang paghanga sa mga mata niya. Sa halip na sumagot ay ibinalik niya sa televesion ang kaniyang tingin. "Maria, kong may magkakagusto ba sa'yo na isang Bampira ay may pag-asa kaya siya sa'yo?" Sumusubo pa lang ako ng kanin na may ulam ay napahinto ako at ibinaba na lang ang kutsara. Mas interesado kasi ako sa tanong niya. Seguro ay dahil sa pinakikinggan niyang pelekula kaya nadala siya. " Sir Leandro, ang pagibig ay para sa lahat. Kong sasagutin ko ang tanong mo, ang masasabi ko lang ay puwede naman. Kapag kasi mahal mo, Mahal mo at hindi kasi napipigilan ang pusong nagmahal basta tumibok eto. Ang tunay na pagibig ay tatanggapin ka kahit sino ka pa at ano ka pa at ganoon ako. Hindi importante sa akin ang kahinaan, kakulangan, kapitantasan at nakaraan ng isang lalaking mamahalin ko. Basta sana din ay ganoon siya sa akin. "Kong gayon ay may pagasa." dinig ko na sabi niya at parang lihim siyang ngumiti. Sayang nga lamang at hindi siya na kaharap sa akin upang malinaw kong nakita ang ngiti niya. Importante sa akin na makitang masaya siya. Kagabi lamang kami nagkakilala pero nakikita ko kasi ang sarili ko sa kaniya. Siya ay bulag kaya parang wala siyang kompiyansa sa kaniyang sarili. Ako ay normal naman pero hindi normal ang aking itinatagong kakayahan. Baka kapag nalaman ng gusto kong lalaki, mga kaibigan at mga kakilala ay baka katakutan pa ako at iwasan. Tapos hindi ko pa lubusan batid ang hangganan ng aking kakayahan sa pagpapagaling. Pero naiisip ko din na, kaya ko kayang bumuhay ng patay? Sa isiping eto ay takot na takot talaga ako kaya hindi ko kaylanman sinusubukan. Lahi kong isinasaksak sa aking isipan na normal ako at walang mali sa akin. Mamumuhay ako ng normal at heto nga ang aking ginagawa kahit nahihirapan ako. Basta nauunawaan ko si Sir Leandro, kong bakit siya ganito. Parehas kasi kaming hindi normal. "Siya kaya nagka-jowa na? Tanungin ko kaya?" Tumatakbo sa isip ko na hindi na naman ako mapakali hanggat hindi ko naitatanong. "Eh ikaw Sir Leandro, kong ikaw naman ang tatanungin ko tungkol sa pagibig ano ang masasabi mo?" "Leandro na lang ang itawag mo sa akin." "Ah okay, Sabi mo eh." "Ang pagibig sa akin ay hindi ko alam. Kahit kaylan ay hindi pa ako umiibig." "Sinasabi ko na nga ba eh. Tumatama din talaga ako sa mga kutob ko pa minsan-minsan." Sabi ng isip ko. "Ah. Huwag kang magalala darating din ang panahon ay may darating na babae para sa'yo. Kasi ang guwapo mo kaya. Bonus pa na mayaman ka pa." Sabi ko na walang along bola dahil totoo naman talaga. "Lahat ng kayamanan sa mundo ay kaya kong ibigay basta mahalin mo lang ako ng tunay. Dahil ang kailangan ko ay tunay na pagibig ng isang birhen." Ngayon ay nabulunan na ako sa kinakain ko. May sira yata etong bulag na 'to. "A-Ako ba? Ako ba ang sinasabihan mo?" "Oo. Tayong dalawa lang dito." Hindi ka-agad ako nakasagot. Parang nahihirapan ang utak ko na eproseso ang sinabi niya. Baka kasi mali ang pagkakaunawa ko at mapahiya lang ako. "Sir, ay este Leandro, seryoso ka ba? Sa sinabi mo ako ba talaga ang tinutukoy mo?" Paguulit ko. "Lahat ng kayamanan na mayroon ako ay ibibigay ko sa'yo Maria. Mahalin mo lang ako ng tunay at ipagkaloob mo sa akin ang iyong sarili ng buong-buo." "Ay teka, hindi lang yata siya bulag. Hindi kaya may sira siya sa ulo? Nababaliw na yata ang taong eto." Sinasabi ng isip ko at talagang nahihirapan na magproseso sa mga sinasabi niya. Pinipilit kong maging mabait at maunawain na tao dito pero Unti-unti na akong nakaka ramdam ng takot ngayon sa kaniya. " Ah eh. Bakit ako? " Nasabi ko na lang. " Dahil __" "Dahil ano?" "Dahil Ikaw ang ibinigay sa akin ng tadhana. Ikaw ang babaeng matagal ko ng hinihintay na dumating sa buhay ko. Ikaw ang babaeng makakatapos ng aking paghihirap. " "Aw! 'Kaw naman L-Leandro, bakit ka naman ganiyan? Kakakilala lang natin eh. " Sabi ko sa kaniya na kinikilig sabay hampas sa kaniyang balikat. Ngayon ay mas lalo akong nalito ah. Ang sarap pakinggan n'on. Ang masabihan ng ganito ay nakakakilig. Daig ko pa ang inalok ng kasal. Kaya naging marshmallow ako bigla. Marupok talaga ako eh. "Ano mahal mo na ba ako?" "Ay teka lang naman Sir, ang alam ko bulag ka, pero mabilis ka din pala. Daig mo pa ang kidlat sa bilis he! he! he! Hayaan mo naman akong pagisipan ang bagay na 'to, ano ka ba Sir ay este Leandro." "Sige magpahinga ka na sa kuwarto mo para makapagisip." Sabi niya at pinatay na niya ang TV. Tumayo at bumalik na din sa kaniyang silid. Ako na nalulunod pa sa mga matatamis na sinabi niya ay hindi ko pansin ang mga ibang bagay. Basta ang alam ko ay subrang nakakakilig ang sinabi niyang iyon sa akin. Pakiramdam ko ay napaka-espesyal kong babae. Nananaginip ba ako? Para akong nahipnotismo na naglakad pabalik sa aking silid at nahiga hanggang sa makatulog na dala ang kilig sa aking puso.. ********* "Ano sinabi mo 'yon sa kaniya?" "Oo." "Mali' yon Leandro." "Anong mali d'on?" "Bago pa lang kayong magkakilala tapos sinabi mo na 'yon. Ano ka ba? Matagal ka ng nakikihalubilo sa mga tao at palagi ka naman nanonood ng mga palabas sa televesion para hindi mo pa alam ang takbo at kalakaran dito sa mundo naming mga tao." "Hindi naman ako tao." "Oo nga. Ang ibig kong sabihin ay hindi ka nga tao, hindi mo kailangang sundin o e-apply ang paraan ng pamumuhay namin. Pero si Maria, ay isang tao normal na tao Leandro." "Ang sabi mo ay ligawan ko siya hindi ba? Ang sabi mo ay makukuha ko ang puso niya basta ipakita ko sa kaniya na importante siya sa akin, sabihin ko sa kaniya kong gaano siya ka-halaga sa akin at Magpakatotoo. Ginaya ko lang naman ang mga nakikita ko at nadidinig ko sa mga inyong mga tao. " " Leandro, hindi kasi ganoon 'yon. Kaming mga tao ay _ sandal paano ko nga ba eto ipapaliwanag sa' yo. Ay basta mali ang diskarte mo. Mali ang ginawa mo. Subrang bilis. Sa aming mga tao kasi mahalaga ang sinseridad in English sincerity Leandro. Naiintindihan mo na ba? " " Hindi. " Napatapik na lang ng ulo si Samuel. " Hindi ko maaring sabihin sa kaniya ang tunay na pakay ko sa kaniya. Sabi mo nga kailangan ko ng kumilos at gusto ko nang matapos na ang paghihirap ko. Naging totoo naman ako sa kaniya. Kong payag siya na mahalin niya ako lahat ay handa kong ibigay sa kaniya. Bakit ko pa patatagalin kong puwede namang madaliin. Paiibigin ko siya hanggang sa kusa niyang ialay sa akin ang kaniyang dugo. Hindi ako puwedeng magaksaya ng oras Samuel, malapit na naman ang kabilugan ng buwan." "Naiintindihan kita Leandro. Pero dahan-dahan lang dahil makakahalata si Maria, at lalayuan ka niya. Ang layunin natin dito ay magtagumpay ka. Nagiisa lang si Maria, Tandaan mo sana." "Tama ka. Nagiisa lang si Maria at hindi ako maaring magkamali at mabigo." At sa isang iglap ay biglang naglaho sa harap ni Samuel si Leandro. Si Samuel, ay nakatira din sa loob ng Hotel Greenville heights. Si Samuel Green, ay ang bagong henerasyon ng mga Green. Ang Pamilya o Angkan na pinili ni Leandro, upang maging tagapangalaga niya. Ang lahat ng kayamanan na mayroon ang pamilyang Green ay nagmula kay Leandro. Si Samuel Green, ay ang pinaka panganay sa Angkan ng mga Green sa kasalukuyang panahon. Bilang panganay sa pamilya ay sa kanila ipinapasa ng kanilang mga ninuno ang pagsisilbi kay Leandro. Sila lamang sa pamilya ang bukod tanging may alam tungkol sa kaniya. Sa oras na may makaalam na iba pa ay nagiging alay ang kanilang dugo kay Leandro. Kaya subrang ingat ng lahat ng mga taga-pagmana ng Green, sa lihim na eto... ****** Ang likot-likot ko sa aking higaan. Hindi ko alam kong bakit hindi na ako dalawin ng antok. Seguro ay dahil sa iniisip ko parin ang sinabi ni Leandro sa akin kanina. Iba na talaga ang panahon ngayon ang lahat ay mabilis na. Hindi lang sa mga teknolohiya Pati na din sa pagjojowa. Sabagay kong ako nga ay handang gumastos sa lalaking gusto ko. Ginagawa ko lahat ang paraan na alam ko para mapansin nila. Handa ko silang gastusan mahalin lang nila ako. Sabi ko nga pera lang 'yan kayang pagtrabahuan at kitain. Ganito pala ang pakiramdam. Dahil ako naman ngayon ang nakaka experience ng taktika na inaaply ko sa lalaking gusto ko. Biruin mo' yon handa daw niyang ibigay sa akin ang lahat ng kaniyang kayamanan mahalin ko lang daw siya. Eh 'di wow! Saan ka pa? Pero ang hirap pala. Guwapo naman siya, mabait, at Mayaman, pero wala akong makapa sa aking puso na pagkagusto o pagmamahal. Hindi ko makita ang sarili ko na gusto kong halikan siya at higit pa doon ang mangyari sa amin. Isa lang ang talagang malinaw sa akin, ang awa. Oo heto talaga 'yon. Naaawa at nakikisimpatiya. Pero seguro ay masyado kasing maaga o mabilis ang mga bagay-bagay. Wala namang masama kong subukan ko na mahalin siya. Pero kasi hindi ganoon kadali iyon pero nga susubukan ko talaga. Katulad ng sinabi ko naaawa ako sa kaniya. Hindi ko din gusto na maging bahagi ako ng pagkawala lalo ng kaniynag self confidence. Ayaw ko siyang saktan dito ako segurado. Dinama ko ang aking puso at bigla ko nanaman nakita si Oohny. Malakas talaga ang tama ko sa lalaking iyon. Nasaan na kaya siya? " Pinatay ko na ang ilaw dahil hindi ako makatulog kapag may ilaw. Pinilit ko talagang matulog kaya nakapikit lang ang aking mga mata. Subalit ang aking diwa at isip ay gising na gising. Iniisip ko ang aking pamilya lalo na si Nanay. Pero malaki naman kasi ang tiwala ko sa aking mga kapatid kaya panatag ako. Bigla kong naalala ang pangako ko kay Joy. Muntik ko ng makalimutan. Bukas na bukas ay sasabihin ko kay Leandro kong maaari niyang hanapan ng trabaho ang kaibigan ko. Kong talagang gusto niya ako kailangan magpalapad siya ng papel sa akin. Hindi niya ako tatanggihan at Tutulungan niya ako. Tapos biglang pumasok sa isipan ko ang pinanood naming dalawa kanina sa sala. Nagawa na naman ako sa kaniya. Maganda ang palabas na 'yon sayang at hindi niya nakikita. Seguro subrang lungkot ng buhay niya patunay ang tipid niyang ngumiti. May maganda nga siyang pares na mga mata pero subrang walang buhay. Pati tuloy temperatura ng kaniyang katawan ay malamig. Seguro gusto na niyang mag kapamilya pero hirap siyang lumapit sa kapuwa niya. Sandali ko palang siyang nakakasama pero parang kilala ko na siya. Palagay na ang loob ko sa kaniya. Seguro ay ganoon din siya sa akin kaya mabilis din niya akong inalok. Pero ganito naman talaga ako. Ang personality ko ay friendly at masayahin. Kaya madali akong lapitan ng iba. Marami pa akong pinagiisip bago nakatulog ng hindi ko namamalayan. Pero sa aking pagtulog ay nakita ko na naman siya. Ang lalaking nakatayo sa aking tabi, na blured ang mukha pero ang mga mata niya na tila sa isang hayop na hindi ko matukoy ay nakatitig sa akin. Nilalamig ako sa titig niyang iyon sa akin. Pati puso ko ay naging abnormal sa pagtibok. Lalo na ng unti-unti niyang nilalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. "AHHHHHH!" Napabangon ako na sumisigaw pa. Takot na takot at Nilalamig...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD