Nagising ako sa panaginip kong iyon. Umaga naman na alas 7:12am. Nagpasya na akong bumangon at nang makapag luto na ng almusal ni Leandro.
Pero nang buksan ko ang refrigerator ay wala nga pala etong laman. Nandirito pa din ang tubig at beer na nakita ko kahapon.
Dismayado akong isinarado ang pinto ng ref. Sunod kong ginawa ay nag hanap ng gamit panlinis sa bahay. Ngunit wala akong makitang kahit anong gamit panlinis.
"Anong klaseng bahay ba 'to?" Naibulalas ko.
Pero nasagot din naman ng isipan ko ang tanong kong eto. Hotel nga pala eto at Seguradong may umaakyat dito para maglinis.
"Eh anong tra-trabahuin ko dito pala?" Tanong ko na naman sa sarili ko.
Umupo na lang ako mona sa sofa at tiningnan ang mga mensahe sa inbox ko.
STAR - Ate kumusta ka diyan sa bago mong work? Okay ka lang ba diyan? "
REPLY KO - Oo naman. Kayo diyan kumusta? Si Nanay kumusta? Huwag ninyo siyang pababayaan ha.
ANONYMOUS NUMBER - HI , kumusta ka na? Miss na kita."
"Oh sino 'to?"
Hinalukay ube ko ang aking utak sa maaring tao na kakilala ko. Baka matukoy ko kong sino ba eto. Pero wala akong napala, Sumakit lang ang ulo ko. Wrong send yata kaya binalewala ko na lang.
"Omorder ka ng pagkain sa ibaba kong gutom ka na. "
Nagulat pa ako sa nagsalita sa aking likuran. Si Leandro pala.
"Ganoon ba. Eh ikaw anong gusto mong almusal para maorder ko?"
"Wala. Hindi ako kumakain ng almusal. Kakain ako kapag nagugutom ako. Hindi mo trabaho ang pagkain ko."
"Oh. Bakit diet ka? O pihikan ka ba sa food? Sabihin mo lang ang hindi puwede sa'yo o iyong mga bawal mong kainin at hindi ko lulutuin para sa'yo. Kasi trabaho ko ang pagsilbihan ka kasama na dito ang ipagluto ka ng makakain."
"Hindi na nga kailangan. Basta omorder ka lang ng saiyo at kapag nagugutom ka omorder ka lang. Gusto mong matulog matulog ka. Gusto mong maupo, maupo ka. Kong gusto mong manood ng TV ay manood ka. Kong ano ang gusto mo gawin mo."
"Ha?" Kakamot-kamot na lang ako ng ulo dahil sa mga sinabi niya.
"Hindi mo ba naintindihan?"
"Huh! Oo naman naintindihan ko he! he! he!"
"Mabuti."
"Sinabi mo nga eh, maliwanag na maliwanag. " Hindi na ako nangulit pa kahit nalalabuan ako sa pinagsasabi niya.
Kasi ang pagkakaalam ko ay nandirito ako bilang taga-silbi for short katulong. Eh bakit ganito para akong Amo na bakasyunista dito.
Ano? pa-relax relax lang ang peg ko dito?
Umupo siya sa single sofa na nasa bandang kanan ko at binuksan na naman niya ang televesion gamit ang remote control.
" 24hours pala ang ilaw dito ano? Walang pataya he! he! he!"
"Dahil sa'yo kaya nakabukas ang ilaw."
Magtataka sana ako sa sagot niya pero mabilis ko namang naintindihan.
Seguro ang ibig niyang sabihin ay may ilaw man o sa wala ay madilim pa din para sa kaniya dahil bulag siya. Kaya hindi na niya kailangan pa ang ilaw.
" Ah okay. Pero bakit wala man lang bintana para makapasok ang sariwang hangin?"
"Mayroon nakasarado lang at natatakpan."
"Oh talaga? Nasaan?"
May kinuha siyang remote sa drawer ng center table. Pinindot niya eto at bumukas ang dingding na parang natupi.
Namangha ako, hi-tech eh. May ganito pala.
Pero isinarado din niya ka-agad.
"Bakit ko isinarado?"
"Sumasama ang pakiramdam ko."
"Ah, ang ibig mo bang sabihin ay sumasakit ang mga mata mo sa liwanag?"
"Ganoon na nga."
"Ah, okay."
"Anong gusto mong kainin, ako na ang tatawag sa baba."
" May tapsilog ba?"
Hindi na niya ako sinagot. Sinabi lang niya sa kausap niya sa telepono na magluto ng tapsilog at magdala ng mainit na kape.
"Leandro, anong tratrabahuin ko nga pala?"
"Ang samahan ako."
"Ay gan'on?"
"Ano mahal mo na ako?"
Hindi ko inaasahan na sasabihin niya. Nagulat ako. Nagiisip ba ang taong eto o naglalaro?
"Seryoso ka niyan ah."
"Hindi pa ba ako seryoso?"
"Ha, ah eh, oo parang hindi. Kakagulat ka kasi."
" Bakit may kulang pa ba sa akin o may ayaw ka ba sa akin?"
"Ha ah eh, wala naman. Pero kasi ano_"
Hindi ko na itinuloy ang gusto kong sabihin. Kasi bigla kong naisip na inosente pa siya sa pagibig kaya seguro ganito siya magsalita.
"Leandro, kong hindi ka magagalit may mga gusto sana akong itanong sa'yo. Puwede ba?"
"Ano?"
"Ano kasi nagka-girlfriend ka na ba?" Gusto ko 'Yong totoo ah. "
" Hindi pa. Sinabi ko na sa' yo kahapon hindi ka pa din naniniwala. "
" Ah sige naniniwala na ako. Next question, Ilan ang kaibigan mo? "
" Wala. "
" Ha? Wala talaga? Kahit Isa o dalawa? "
"Wala. Hindi ko kailangan ang kaibigan."
Anak ng sinigang na kinulang sa asim talaga. May tao bang walang kaibigan maski Isa?
"Bakit? Masaya kaya ang may kaibigan."
"Masaya ano 'yon?"
Nagulat na naman ako sa sinabi niya at reaksiyon niyang eto. Parang tagabundok lang.
"Nasaan ang mga magulang mo o pamilya o ka-mag-anak?"
" Wala sila dito."
" Nasaan nga sila?"
Naghintay ako ng sagot pero nanahimik na siya. Senyales na wala siyang balak na sagutin ang tanong ko. Nerespeto ko na lang ang kaniyang hindi pagsagot sa aking tanong.
Dumating ang inorder niyang pagkain sa akin at ang nagdala nito ay ang babaeng nagdala din ng pagkain kahapon. Ganoon pa din siya parang snob.
Pakiramdam ko tuloy ay inis siya sa akin. Pero wala naman akong paki sa kaniya dahil hindi ko naman siya kilala.
Kumain na lang ako at hinayaan si Leandro. Ang palabas sa TV ay tungkol na naman sa Bampira. Sa isip ko ay heto pala ang klase ng gusto niyang panoorin ay mali Pala. Tamang sabihin ay pinakikinggan.
"Ang aga-aga Bampira agad." Sabi ng isip ko.
" Maria, wala akong alam sa pagibig. Turuan mo ako kong paanong umibig."
"Ahu! Ahu!"
Nabulunan ako sa kinakain kong sinangag at ulam na tapa. Mabilis mona akong uminom ng tubig upang maalis ang bara sa aking lalamunan.
Nakakabigla naman kasi ang taong eto, lalo na ang mga sinasabi niya. Parang out of this world. Saan ba siya galing?
"Sige gagawin ko ang makakaya ko para makakuha ka ng jowa. Hahanapan kita. May mga kakilala naman akong mababait, magaganda at sa tingin ko ay bagay sa'yo."
"Ikaw ang gusto kong maging Jowa. Sinabi ko na sa'yo kahapon."
"Huh! Bakit ako?"
"Kayong mga tao ay paulit-ulit. Sinabi ko na sa'yo ikaw ang babaeng nakatadhana sa akin."
Bigla yatang sumakit ang ulo ko. Nahihirapan akong unawain siya.
"Kong Maka-tao ka naman ay parang hindi ka din tao ano? Ano ka ba Bampira?"
"Oo."
"Ha!Ha!Ha!"
Ang lakas ng tawa ko sa sinabi niyang iyon. Pambihira, akala ko ay boring at engot siya. Mayroon din palang itinatagong sense of humor. Tapos seryoso pa 'Yong mukha niya.
"Okay, sige Bampira ka na kong gusto mong maging bampira. Tapos ako tao. Ahm, dahil isa kang Bampira ay wala kang puso. Kaya hindi mo alam ang pagibig. Sige bilang tao ay tuturuan kita." Pagsakay ko sa trip niya. Baka kasi ako naman ang lumabas dito na walang sense of humor.
Sabagay nakakaboring nga naman baka gusto niyang mag laro kami. Gusto ko din naman siyang sumaya dahil palagi siyang walang buhay. Nakakaawa naman kaya sasakyan ko na lang. Iiling-iling na lang ako.
Hindi ko alam kong anong klaseng buhay mayroon siya pero ramdam ko ang subrang lungkot niya.
"Ayaw mo talagang kumain Leandro? Masarap ang pagkain ko." Pagiiba ko ng usapan.
Pero hindi naman niya ako nereplayan. May pagka-snob talaga siya.
"Ahm, seguro hindi ka pa nakakaranas ng date ano Leandro?"
"Hindi pa."
"Sinasabi ko na nga ba. May gagawin ka ba ngayon? Dahil kong wala mag-Date tayo."
"Ano ba 'yong Date? "
"Date, ano ginagawa' yon para ang dalawang tao ay magkakilala ng mabuti at mabuo ang relasyon patungo sa pagmamahalan. Magkaigihan ng mabuti ganoon."
"Kong gan'on sige. Bilisan mo ng kumain at mag date na tayo."
"Ha! Hindi pa ngayon. Mamayang gabi pa. Mas maganda mamayang gabi para romantic."
"Sige. Kong ganoon ay babalik na mona ako sa silid ko."
"Sige...Ay sandali."
Bigla ko kasing naalala ang pangako ko kay Joy.
"Tumatanggap pa ba ng mga tauhan o aplikante sa Hotel na 'to?"
"Bakit?"
"Kasi gusto ko sanang ipasok dito ang kaibigan ko na si Joy. Nawalan na kasi siya ng trabaho dahil sirado na ang tindahan ko ng dinuguan. Dahil nagtratrabaho na ako sa' yo dito. Baka puwede mo sana siyang ipasok kailangan kasi niya din ng pera. Mabait at masipag ang kaibigan kong eto Leandro. Puwede ba? "
" Sige papuntahin mo siya bukas."
"Maraming salamat Leandro. Ang bait mo talaga." Ang natutuwa kong sabi sa kaniya.
"Sabi ko sa'yo lahat ng kahilingan mo ay ibibigay ko. Mahalin mo lamang ako ng totoo." Hirit na naman niya.
Hindi ko alam kong inosente lang talaga siya o nagbibiro lang. Pero hindi naman siya mukhang nagbibiro sa itsura niya.
Wala naman akong magagawa kong hindi balewalain ayaw ko ng negative vibes. Basta masaya ako dahil nalutas na ang problema ko sa kaibigan ko.
Mabilis kong tinawagan ang aking kaibigan na si Joy at sinabi ko ang magandang balita. Subrang tuwa din niya at hindi magkandatuto sa pagpapasalamat sa akin. Binola-bola pa ako. The best talaga daw ako at mahal na mahal niya.
Habang binaba ko ang phone ko ay napatitig ako kay Leandro. Naalala ko ang sinabi niya na wala siyang kaibigan. Nalulungkot ako ng subra para sa kaniya.
Kaya maatim o makakaya ko bang hindi siya pagbigyan sa kaniyang kahilingan sa akin. Kahit parang may sira yata ang kaniyang pagiisip pero huwag naman sana.
Bago lamang kaming magkakilala pero napakabait na niya sa akin.
"Hayaan mo Leandro, habang ako ay nandirito sa tabi mo ay papasayahin kita. Pangako 'yan." Sabi ng isip ko na hindi ko masabi sa kaniya.
Baka kasi maisip niyang may gusto na ako sa kaniya.
"May kahilingan ka pa ba Maria?"
"Ha ah eh, wala na. Salamat."
Pumasok na siya sa kaniyang silid at Naiwan akong ipinagpapatuloy ang nauudlot kong pagkain ng aking almusal.
Niligpit at itinabi ko ang aking pinagkainan at pumasok na din sa silid ko upang maligo..
*******
"Samuel, gusto kong bigyan mo ng trabaho dito ang kaibigan ko Maria."
"Ikaw talaga nakakagulat ka. Basta-basta ka na lang sumusulpot."
"Hindi ka pa ba sanay?"
"Sanay naman na. Pero Nakakagulat pa din. Lalo na kapag bussy ako at maraming iniisip sa negosyo."
" Bigyan mo ng magandang trabaho ang kaibigan ni Maria. Para matuwa siya sa akin at mahalin na niya ako ng totoo."
Lihim na natatawa si Samuel, sa sinabing eto ni Leandro.
" Oo na ako na ang bahala sa kaniya. Ano bang pangalan niya?"
" Joy. "
"Ok."
"Sabi ni Maria ay mag-Date daw kami mamaya."
"Good. Okay 'yan Leandro. Magandang simula."
"Anong ginagawa sa DATE?"
Saglit na nagisip si Samuel. Biglang may sumilay na malokong ngiti sa kaniyang labi.
" Bigyan mo siya ng bulaklak, tapos hawakan mo ang kaniyang kamay. Holding hands parang ganito oh."
Tinuruan pa talaga ni Samuel si Leandro kong paano ang tamang pakikipag-holding hands.
" Tapos ang lahat ng sasabihin niya ay yes ka lang ng yes. Kong ano ang gusto niya ibigay mo s a kaniya. At kapag tapos na ang Date ninyong dalawa ay halikan mo siya. Sabihin mo mahal kita Maria!"
"Sige. Salamat Samuel."
At biglang naglaho si Leandro.
Tawang-tawa naman si Samuel sa ginawa niya.
Pero mabilis din niyang Ibinalik ang kaniyang atensiyon sa ginagawa niya.
Kasalukuyan siyang nagbabasa ng mga importanteng dokumento para sa kanilang mga projects at kailangan niya etong suriing mabuti at pagkatapos ay pirmahan....