"Ano wala kang sasakyan?"
"Wala."
"Hindi ba Mayaman ka tapos wala kang sasakyan."
"Dahil hindi ko naman kailangan ng sasakyan. Makakapunta ako saan ko man gustuhin."
"Ah, baka ang ibig mong sabihin ay wala kang sariling sasakyan kasi hindi ka makakapagdrive dahil bulag ka. Pero may sarili kang driver. Tama ba?"
"Oo at mali."
"Ay Ewan ko sa'yo masyado kang magulo kausap. Mag-commute na nga lang tayo halika na nga."
Kinapitan ko ang kaniyang braso Para akayin siya. Ang akala ko ay mahirap siyang akayin, hindi naman pala. Sa katunayan ay para ngang hindi siya bulag.
Napapansin ko kasi, pero binabalewala ko lang dahil nga sa alam kong Isa siyang bulag.
Katulad na lang nang pagtawid namin sa pedestrian lane mas nauuna pa siya sa akin humakbang. Parang nakikita niya ang traffic lights kong anong kulay na.
Iniwasan din niya ang tae ng aso sa daan na dapat ay maapakan niya.
Tapos kanina din habang pasampa kami sa bus ay alam niya ang distansiya ng laki nang kaniyang dapat ihakbang.
Pero dahil nga sa alam ko na isa siyang bulag ay binabalewala ko ang lahat ng mga eto.
Ang mga nakakasalubong at Nakakakita sa amin ay napapatingin sa aming dalawa. Seguro ay iniisip nila na mag-jowa kaming dalawa.
Magkatabi kami ngayon na nakaupo sa pangdalawahan na upuan sa bus. Ako ang nakaupo malapit sa bintana dahil heto ang aking paboritong spot.
Napakamasunurin at mabait si Leandro, Idagdag pa na napaka tahimik lang niya. Balak ko siyang dalhin sa mall. Manonood kami ng sine at kakain.
Tamang sabihin na ako lang pala ang manonood at siya ay makikinig lang.
Kanina ko pa eto pinagisipan. Seguro naman ay puwede na 'to sa kaniya. Gaya nga ng sinabi niya ay hindi pa siya nakakaranas makipag-date.
Naka-black pants siya at black hoodies. Palaging ganito ang suot niya. Tapos salamin sa mata na kulay itim din. Pati sapatos niya ay itim.
Bigla kong naalala, simula ng una ko siyang makita ay iisang klase lang ang kaniyang suot. Ngayon ko naisip kong nag papalit ba siya ng damit o hindi. Pero imposible naman seguro dahil mayaman nga siya. May pera siyang pambili.
Malalaman ko din naman 'yon kapag nakapasok ako sa kaniyang silid.
Hindi maiwasan na magkadikit ang aming balat at nagugulat ako. Kaya naman ay hindi ko maiwasan na ipagkumpara ang kulay naming dalawa.
Subrang puti talaga niya at malamig. Nalungkot ang aking puso dahil awang-awa ako sa kalagayan niya.
Hanggang sa bumaba na kami sa bus naglakad patungo sa loob ng mall.
Para talaga kaming mag-jowa. Na mag-Da-date. Natatawa na lang ako dahil naisip ko na matagal-tagal na din pala na hindi ako nakikipag-date.
Dumeretso na kami sa sinehan dahil last show na ang aabutan namin. Tinanong ko si Leandro, kong ano ang gusto niyang panuurin.
"Bahala ka kong ano ang gusto mo. Ikaw ang masusunod."
"Sure ka ha."
"Oo."
Ang pinili ko ay Horror movies. Tungkol sa mga Bampira at sa babaeng iaalay sa kaniya. The Vampi's bride ang pamagat.
Tutal mahilig siya sa ganitong genre kaya heto na lang ang papanuurin namin.
Pumunta kami sa tindahan upang bumili ng pop corn at maiinom.
"Leandro, Ano ang flavor ng popcorn ang gusto mo?"
"Hindi ako kumakain ng popcorn. Ikaw na lang."
"Ah, okay. Inumin anong gusto mo? Pili ka na?"
" Hindi ako nauuhaw. Ikaw na lang, bilhin mo kong ano ang gusto mo... Heto oh."
Nagulat ako at kinuha niya sa bulsa niya ang maliit na lagayan ng mga cards at iniaabot niya sa akin.
Kinuha ko naman para hindi siya mapahiya. Ang dami niyang cards Ibat-Ibang kulay. May black, may gold, may silver at iba pa.
" Legit kaya ang mga eto? O playcards lang?" pagdududa ko.
Kahit duda ako ay kinuha ko ang black credit card niya at iniabot sa cashier.
Nagulat pa ako ng biglang dumikit sa akin si Leandro, at bumulong sa aking tenga.
Ibinulong niya ang kaniyang PIN.
Awtomatikong na patingin ako sa kaniya at mabilis na dumistansiya. Ang lamig niya kasi at naghatid sa akin ng hindi ko matukoy na pakiramdam..
Pumasok na kami sa loob at namili ng mauupuan. Marami din ang manonood kaya pakiramdam ko ay maganda etong pelekula na 'to.
Ngayon ko lang kasi napansin ang The Vampi' s Bride, kong hindi pa ako nagpunta ng sinehan at hindi ko pa malalaman ang tungkol dito.
Hawak-hawak ko si Leandro, na nakasunod naman sa akin at siya ang una kong pinaupo bago ako.
Tamang-tama ang aming pagdating dahil tiyempong magsisimula na ang palabas. Tiningnan ko si Leandro, Aba'y deretsong nakatingin sa malaking screen sa harapan. Aakalain mo talagang nanunuod.
Hindi naman ako fan ng mga horror movies dahil may pagkamakatatakutin ako.
Mas gusto ko pa ay fantasy like Cinderella, beauty and the Beast, mga fairies, Darna, spider man, wonder women, Snowhite, at marami pang iba.
Pero sa ngayon ay magpaparaya ako dahil hindi naman eto tungkol sa akin. Sa ngalan ng aking trabaho at S'yempre buong puso ko na din ay kasama.
Kaibigan na kasi ang turing ko kay Leandro, hindi Boss. Masaya ang puso ko na ako ang gumagawa ng mga bagay na 'eto at napakarami ko pang gustong gawin para sa kaniya.
Ewan ko ba kong bakit parang matagal na kaming magkakilala. Hindi siya estranghero sa akin. Parang matagal ko na siyang nakakasama o nakita. Basta ang hirap ipaliwanag.
Sumandal ang likod ko sa kinauupuan ko at nagpokus ng manood. Ang bidang Bampira dito ay napakalakas at makapangyarihan. Hindi lamang siya ang Bampira kong hindi marami sila.
Ang mga kaawa-awa at mga walang kamuwang-muwang na mga tao ay nagiging kanilang mga pagkain. Para silang mga hayop at daig pa ang mga kriminal.
Sa oras na ibuka nila ang kanilang mga bibig at ilabas ang mahahaba at matutulis na pangil ay ibabaon na nila ang mga eto sa leeg ng kanilang mga biktima. Bibitiwan lamang kapag said na ang dugo sa katawan ng kanilang biktima.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking leeg. Pakiramdam ko kasi ay ako ang kinagat. Na patingin naman sa akin si Leandro. Pero ako ay tutok ang mga mata sa pinapanood.
Maganda ang palabas nakakadala ng emosyon, hindi ko maiwasan ang matakot kaya wala sa sariling napapasiksik sa sa tabi ni Leandro.
Ang hawak kong popcorn ay tumitilapon kapag nagugulat ako at halos hindi ako makakain.
Masyado kasing karumal-dumal ang patayan at madugo.
Ang bidang babae ay kailangang ialay sa Hari ng mga Bampira upang mabuhay eto. Ngunit ang kaniyang kasintahan ay humahadlang at ginagawa niya ang lahat upang sagipin ang bidang babae hanggang sa siya ay patayin ng mga Bampira.
Hindi ko na din namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha sa pisngi. Nagsisigaw kasi ang bidang babae nang makita niyang Unti-unting namamatay ang kaniyang kasintahan.
Mahal na mahal pa naman niya eto at talagang nagmamahalan silang dalawa. Nang dahil sa kaniya ay nangyari eto sa lalaking pinakamamahal niya.
Kong sana ay pumayag na lamang siya ng maayos sa gusto ng mga Bampira, sana ay buhay pa ang kaniyang kasintahan. Namatay eto sa kahindik-hindik na paraan.
Napakabait ng kaniyang kasintahan para sapitin niya eto.
Wala sa sariling pinahid ko ang aking mga luha. Tapos naramdaman ko na nakatingin sa akin si Leandro, at totoo nga na kaharap siya sa akin ngayon.
Seguro ay naramdaman niya ang pagiyak ko kaya napatingin siya sa akin kahit hindi naman niya ako nakikita.
" Hindi naman ikaw 'yan bakit ka umiiyak?"
Aywan kong matatawa ba ako sa kaniya o Sasabihin ko na talaga sa kaniya na taga-bundok tralala talaga siya.
"Hindi nga ako 'yan, pero nakakadala ng damdamin. Nagmamahalan silang dalawa ng tunay. Napakasakit na makita mong mamatay ang mahal mo ng wala kang magawa."
"Ah, gusto ko din' yan at kailangan ko ang tunay na pag-ibig mo."
Tumaas na naman ang kilay ko sa sinabi niyang eto. Bakit nasali na naman ako sa topic. Seryoso ba talaga siya?
"Ikaw talaga nagpapatawa ka. Seryoso ako dito ah. Hindi ka naman nakakatawa nagmumukha ka lang ano__"
Pinutol ko ang gusto kong sabihin baka masaktan ko lang siya. Sarap sanang sabihin na baliw siya, May sayad. Pero boss ko pa din siya at baka inosente lang talaga siya.
Sa isipin na naman na eto ay nakaramdam na naman ako ng awa sa kaniya.
"Bakit gusto mo ba ako? Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?"
" Ang alam ko ay ikaw ang nakatadhana sa akin at kailangan kita sa lalong madaling panahon. Wala kang dapat na ikatakot Maria, dahil walang mangyayari sa'yong masama. Hindi ko papayagan dahil akin ka lang." Sabi niya at seryoso siyang talaga kasi parang tumagos sa puso ko.
At hindi lang 'yon ang aking ikinabigla at nagpahinto ng t***k ng puso ko. Dahil ikinulong niya sa kaniyang mga kamay ang aking mukha habang sinasabi niya sa akin ang mga eto.
"H-Hay n-naku! Manood na lang tayo ah." Ang sa wakas ay nasabi ko pero nauutal.
Bumalik ang aming mga mata sa harap ng malaking screen. Wala na akong naiintindihan sa pinapanood ko. Dahil wala na sa palabas ang aking atensiyon kong hindi ay na kay Leandro na.
Hanggang sa matapos ang palabas at lumabas na kaming dalawa sa sinehan ay wala na ako sa aking sarili.
Sino ba naman ang hindi malilito kong may lalaking nagsabi sa'yo ng ganoon. Subrang tamis.
Ang mga naging lalaki ko kasi sa buhay ko ay wala ni-isang nagsabi sa akin ng ganito. Pakiramdam ko ay napakahalaga ko at safe na safe.
Pero speaking of safe, Oy Maria, magising ka nga. Bulag siya. Paano ka niya proprotektahan? Heto ngang ikaw ang umaalalay sa kaniya kahit sa paglalakad. Alalahanin mo kulang ang turnilyo niyan sa ulo.
Parang nagising ako ng ipaalala sa akin ng aking konsensiya ang bagay na eto. Tama naman at tanga na lang din ako kong maniniwala ako.
"Saan mo gusto pumunta ngayon Leandro? Nagugutom ka na ba? " Tanong ko na lang sa kaniya.
" Sa ibang lugar na lang tayo pumunta."
"Sige ikaw ang bahala. Saan ba?"
"Sa lugar kong saan walang tao at maingay. Sa lugar kong saan tayong dalawa lamang."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang eto. Biglang kumabog ang aking dibdib.
Ang ibig ba niyang sabihin ay gusto niyang MAG-MOTEL kami. Tama ba ang pagkakaintindi ko o mali?
" Naku ah! Ka-kakilala pa lamang nating dalawa gusto mo na agad ng Ganon... Ano bang akala mo sa akin easy to get? Hindi porket boss kita at alalay mo lang ako ay makukuha mo ang gusto mo sa akin. Hindi porket Mayaman ka ay papayag ako. Kahit bayaran mo pa ako ng milyon ay hindi ako papayag. Mahalaga pa din sa akin ang puri ko bilang babae. Ipagkakaloob ko lamang eto sa lalaking tunay kong mamahalin at kapag ikinasal na kami. Ang akala ko pa naman ay mabait ka at ka-respe-respetong lalaki. 'Yon naman pala ay katulad ka din nila. Hmp! "
Parang armalite ang bibig ko na walang preno. Dala ng sidhi ng damdamin ay inilabas kong lahat ang gusto kong sabihin. Bahala na kong masesante.
" Hindi kita maintindihan Maria. Pero kong gusto mo ng kasal ngayon ay maari naman. Pero ano ba ang sinasabi mo na PURI mo na kukunin ko. Hindi ko puwedeng kunin ang pagka-birhen mo. Dahil napakahalaga nito sa akin. Kailangan ay ibigin mo mona ako ng tunay at kasama na dito ang panatilihin kang birhen. Bago ko gawin ang bagay na nais kong gawin sa'yo. "
Sa sinabi na naman niyang eto ay subra akong na-touch. Mali pala talaga ako ng pagkakaintindi....