CHAPTER 12

1880 Words
"Wala akong alam na ganoong lugar Leandro. Maari bang sa ibang lugar na lang." "Sige ikaw ang bahala." Dinala ko siya sa isang Bar. First time ko pa lang makapunta dito dahil gustuhin ko man ay alanganin ako. Balita ko kasi ang mahal dito. Pero ngayon ay malakas ang loob ko dahil Mayaman ang kasama ko. May entrance fees pero suit naman. May mga bouncers na nagkalat sa paligid at mukhang pang high class. Karamihan sa mga tao dito ay mga anak mayayaman. Sa kutis, gamit sa katawan, pananamit at pananalita pa lang na puro English ay halatang mo ng Mayaman. Samantalang ang suot ko lang naman ay simpleng bestida na may manggas at hanggang tuhod ang haba. Pinaresan ko ng flat shoes. Aba'y malay ko ba na magpunta kami dito, wala naman sa plano. Eh, 'di sana ay nagsuot ako ng sexy na babagay sa lugar na eto. Umupo kaming dalawa ni Leandro sa may bakanteng table. May lumapit ka-agad sa amin na waiter at tinanong kami sa gusto naming orderin. Wala naman akong alam, kaya matagal bago ako nakasagot. Pero hindi naman ako tanga kaya mabilis din ako nakaisip. "Red wine. Isang bote." "Okay ma'am. One bottle of red wine. Mayroon pa po ba?" " Leandro, ikaw anong gusto mo?" "Wala." "Ahm, red wine lang at pahingi ng ice. Order na lang kami kapag may gusto pa kami." "Okay ma'am." Mabait na sabi ng waiter at umalis na. Wala naman akong balak na magtagal dito sa lugar na 'to. Napasubo lang kasi wala akong maisip na puwedeng pagdalhan kay Leandro. Iniiwas ko lang siya sa gusto niyang puntahan na tahimik na lugar. Mahirap na ah. Lalaki pa din siya at magandang babae ako at birhen. Mas mabuti na ang nagiingat kesa sory na lang sa huli. Nangako ako sa aking sarili na hindi na ako basta-basta magtitiwala kahit sa sinoman. " Nakapunta ka na ba sa ganitong lugar Leandro?" "Oo nakapunta na ako." "Oh talaga! Ang alalay mo ba dati ang nagdala sa'yo dito o kaibigan?" Naghintay ako sa kaniyang sagot pero heto na naman kami nasa silent mode na naman siya. Sasagot siya paggusto niya at kapag ayaw niya ay wala kang magagawa. "Siya nga pala wala ka na ba talagang balak na ipahanap ang dati mong alalay?" Pagiiba ko ng usapan. Baka sakaling sumagot siya pero wala pa din. Dumating na lang ang order kong alak ay hindi pa din niya ako sinasagot. Binayaran ko na din eto agad sa pamamagitan ng card ni Leandro. Sinalinan ko ang dalawang kopita ng red wine at iniabot sa kaniyang kamay eto. Tapos ay ininom ko naman ang sa akin. Habang umiinom ay kong saan-saan gumagala ang mga mata ko at ekenukuwento ko naman eto kay Leandro. Sinasabi ko sa kaniya na masaya at makulay dito. Maraming tao at niyaya ko din siya na magsayaw kami pero ayaw niya. Magkatabi kaming dalawa sa upuan para madinig niya ang mga sinasabi ko at maalalayan ko siya ng mabilis kong sakali na kailangan niya ako. Napansin kong hawak lang niya ang kopita na may lamang alak at hindi man lang niya eto tinikman. "Ayaw mo ba ng Red wine? Gusto mo ba ay omorder ako ng iba? Ano bang gusto mo?" "Hindi ako umiinom." Sa wakas ay sumagot siya. "Ah, ganoon ba. Sige paano ba 'yan ako na ang uubos nito. Bayad na' to at mahal pa naman kaya sayang." Masarap ang Red wine at kayang-Kaya kong ubusin na magisa. Pero hindi ko namamalayan na umeepekto na ang espiritu ng alak sa aking sistema. Nakaramdam ako ng matinding lungkot at inggit sa mga magkasintahan na nakikita kong masayang magkasama at naghahalikan. Naalala ko kasi ang mga ex boyfriend ko na hindi naman ako ipinaglaban. Madali lang nila akong binitiwan. "Halika na uwi na tayo." Yaya ko kay Leandro. Hindi naman kasi masaya dito. Tumayo naman siya at sumunod ako. Ikinawit ko ang aking kamay sa kaniyang braso at umalis na kami sa Bar. Naglakad-lakad lang kami dahil kasalukuyan pa akong nagiisip kong saan ko pa siya puwedeng dalhin. Wala pa naman akong balak na umuwi. "Hindi ka ba talaga nagugutom?" Tanong ko sa kaniya. Naalala ko kasi na wala pa siyang kinakain mula kaninang umaga. Wala akong nakikita. "May espesyal akong pagkain huwag mo akong alalahanin. Kakain ako kapag kailangan ko. Kong nagugutom ka bumili ka at kumain ng kahit anong gusto mo." Sa daan ay may mga tindahan ng pagkain. May bakery, may fast food, ihaw-ihaw stall at kong ano-ano pa. Pero parang wala akong ganang kumain. Kasi ang pakiramdam ko ay magaan. Alam kong nalasing ako sa iniinom kong alak. Isang bote ba naman ang inubos ko. Hindi ko na nga halos maramdaman ang aking inaapakan at parang nahihilo ako. Sa isang iglap ay napayakap ako kay Leandro nang hindi ko namamalayan. Tapos parang lumulutang kami sa hangin at parang tumatalon kami, mataas at palipat-lipat. Malabo na talaga ang paningin ko at seguro ay lasing na lasing na talaga ako at Kong ano-ano na etong nakikita ko o naiisip. Para kaming si Spider Man na kong saan-saan lumalanding. Aliw na aliw naman ako na parang bata. Dama ko din ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat habang kami ay nasa itaas. Mas lalo pa akong nangunyapit sa katawan ni Leandro sa takot na baka malaglag ako. Hanggang sa lumapag kami sa isang mataas na gusali sa pinaka-itoktok. Halos mga maliliit na laruan na lang ang tingin ko sa mga bagay na nasa ibaba. "Leandro, tingnan mo oh ang liliit nila, parang mga langgam he! he! he!" Wala sa sariling sabi ko na tuwang-tuwa. "Tatalon ako tapos saluhin mo ako ha Leandro. Mukhang masarap eh he! he! he!" Kumalas ako sa pagkakayakap sa katawan niya at bumuwelo upang tumalon. Hindi ko alam na ganito pala ang lakas ng tama ng nainom kong Red wine. Seguro ay matapang ang alcohol n'on. Kasi ang mahal ng presyo. O sadyang hindi naman kasi ako sanay uminom. Dahil kong nasa katinuan akong pagiisip ay maghihistirikal na ako ngayon. Kahit nakasalamin na itim si Leandro ay alam kong nakatingin siya sa akin. Tumatawa pa nga ako habang nagtutulay sa makitid na bahagi ng gusaling kinaroroonan namin. Kong may nakakakita sa akin ngayon ay malamang iniisip nilang magpapatiwakal ako at nasisiraan ng bait. Subalit gabing-gabi na at Madilim. Mula sa pinaka-ibaba ng gusaling eto ay mahirap ng makita pa nila ako. Imposible. Bussy ang mga sasakyan sa ibaba at mga tao. Wala silang ka-malay-malay na nandirito ako. Hanggang sa tuluyan na akong nalaglag dahil pagewang-gewang ang katawan ko at sa halip na matakot ay siyang-siya pa ako habang nalalaglag paibaba. Sa mga oras na eto ay wala sa isip ko ang masamang kasasapitan ko sa oras na ako ay mahulog. Ang alam ko lang ay parang naglalaro lamang ako at eneenjoy ang pagpapatihulog ko. Damang-dama ng aking katawan ang malamig na hangin at ang kawalan. Ang parang suklay na hugis ng buwan at mga bituin sa kalangitan ay unti-unting lumalayo sa akin. Ang kinatatayuan ko kanina lamang na aking tinutulayan ay Unti-unti ding lumalayo sa aking paningin. Ang mga ingay ng sasakyan na kanina lamang ay wala akong marinig ay naririnig ko na ngayon. At sa isang iglap ay bigla akong nagising sa katotohanan at naalarma ako. Nahuhulog ako. Ngayon ako nakadama ng subrang takot at huli na dahil malapit na akong bumagsak sa sahig na semento. Sa subrang pagkalito ay napapikit na lamang ako at kinapos ako ng paghinga sa labis na takot, dahil heto na ang aking katapusan. Mamatay na ako. Pero bago pa man ako himatayin ay naramdaman ko ang malamig na katawan at kamay na sumalo sa akin. Sa aking pagtingala ay nakita ko ang mukha ni Leandro. Sumunod na pangyayari ay wala na akong maalala pa. Kinabukasan ay nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko eto mula sa kaniyang pinagpapatungan. Si Joy. Marami siyang text sa akin at hindi ko nabasa. "Hello Joy." Mabigat ang pakiramdam na sinagot ang tawag niya. "Bruha ka. Bakit hindi ka nagrereply?" "Sory! Kagigising ko lang eh." " Ano? Ala-una na ng hapon tulog ka pa niyan." Napatingin bigla ako sa oras at totoo nga hapon na. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nawala ang antok ko at sakit ng ulo. "Bakit ano ba ang oras ng start mo sa work? pang-gabi ka ba? " " Huh! Hindi. Ah ibig ko sabihin oo nga late na ako. O sige na may kailangan ka ba at lalabas na ako sa kuwarto ko. Nakakahiya sa boss ko." "Ay hala siya. O siya sige na. Napatawag lang ako kasi mag papasalamat lang ako sa'yo. Tanggap na ako dito at na assigned ako bilang kitchen staff." Masaya niyang pagbabalita sa akin. Tumatagos sa phone eh. "Ah ganoon ba. Mabuti naman. Congrats." "Sabihin mo sa Boss mo maraming salamat. Binanggit ko lang ang pangalan ko at pangalan ng boss mo, na siyang backer ko ayon pasok agad ako. Ang akala ko nga ay iinterbiyuhin pa ako at marami pang eme. Pero wala naman. Big time seguro ang boss mo kaya ganoon lang ka-bilis ako naipasok dito. " " Ha ah eh oo. Ang alam ko ay pinsan niya ang may-ari nitong Greenville high hotel. " Ah kaya pala. O sige na babye na at para magumpisa ka na sa work mo. Ako bukas pa daw ako mag start." "Okay sige ba-bye Joy. Kita kits na lang tayo bye." Pagkatapos ng aming usapan ni Joy ay agad akong nagready. Naligo at nagbihis bago lumabas ng aking kuwarto. Pero katulad kahapon wala dito sa sala si Leandro. Naisip ko ay baka tulog pa din siya. Tumuloy ako sa kusina upang uminom ng tubig. Binuksan ko ang ref at kumuha ng isang bote ng mineral water. Uhaw na uhaw ako at nakapagbigay sa akin ng magandang pakiramdam pagkatapos kong maubos ang tubig. Pero bigla akong natulala. Bigla kasing may nag flashback sa aking isipan. Ang mga nangyari kagabi ay isa-isa kong naalala. Pero may mga bagay o pangyayari na parang ang hirap paniwalaan. Pero parang totoong nangyari. Ipinilig ko ang aking ulo. Pilit kong tinatanggal ang mga bagay na iyon. Kasi imposible naman na lumilipad kami sa ere ni Leandro. Tapos iyong nahulog ako. Dahil kong totoo man 'yon eh bakit buhay na buhay pa ako ngayon. Lasing lang ako kagabi kaya kong ano-anong halusinasyon na naman ang nalilikha ng utak ko. Pero sandali nga pala. Kong lasing ako kagabi eh paano kami nakabalik dito? Paano nga ba? Pilit ko na namang inaalala kong paano nga ba? Pero wala talaga akong maalala kong paano kami nakabalik dito sa Hotel. Imposibleng si Leandro, kasi bulag siya. Aray ang sakit! Hay naku! Pagkagising niya malalaman ko ang sagot. Dahil mas lalo lamang sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Dinampot ko ang telepono at Omorder na lang ako ng pagkain sa kitchen sa ibaba. Nagtanong na din ako kong may gamot sila sa sakit ng ulo para dalhan din nila ako dito. Pero kahit gusto ko na huwag ng isipin ang mga nangyari kagabi ay para namang tukso na sumisingit sa utak ko. Para kasing totoo ang lahat. Pero napaka-imposible naman... Seguro ay masyado lang ako naapektuhan doon sa pinanood naming dalawa na palabas sa sine. Oo nga tama, ganoon nga 'yon....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD