Nakakabagot at nakakaantok pala kapag maghapon kang naka-upo lang at walang ginagawa.
Kanina pa kasi ako nagaabang na lumabas sa kaniyang kuwarto si Leandro, ngunit wala pa din.
Hanggang sa hindi ko na namalayan nakatulog na ako sa sofa sa paghihintay sa kaniya.
Pero ngayon na nakatulog na ako ay parang may kakaiba na naman akong nararamdaman. Parang may katabi at nakatingin sa aking mukha.
Nagulat pa ako nang buksan ko ang aking mga mata ay nakita ko ang mukha ni Leandro, malapit sa mukha ko ay hindi pala sa leeg ko.
"B-Bakit?"
"Halika na umalis na tayo."
"Huh! Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko at hindi pa talaga ako nakakabawi sa biglaang kong paggising.
"Date."
"Date?"
"Oo."
Napabangon ako at umupo ng maayos at ganoon din naman siya na tumabi sa akin.
"Sige mamaya na lang tayo mag-Date. Maglilinis pa ako ng kuwarto mo at maglalaba ng mga damit mo."
"Malinis na."
"Sinong naglinis?"
" Halika na mag-Date na tayo."
Heto na naman siya sa ugali niyang eto. Hindi na naman ako sinagot sa tanong ko. Namimili talaga siya ng sasagutin.
Kong hindi ko lang talaga iniisip na boss ko siya ay hindi ako papayag. Kailangan ay sagutin niya ako ng maayos sa mga tanong ko.
" Sige na nga. Sure ka ba na wala akong ibang gagawin dito? Baka malugi ka sa akin niyan. Remember malaki ang suweldo ko, one fifty." Pagpapaalala ko sa kaniya.
" Maria, Kong may kailangan ka at Kong may gusto ka sabihin mo lang sa akin. Ipagkakaloob ko lahat para sa'yo. Sabihin mo sa akin kong ano ang dapat kong gawin para mabilis mo akong ibigin. "
" Huh! "
Heto na naman siya. Napaka-weirdo niya talaga. Konti na lang talaga at maniniwala na akong may sira ang ulo niya.
" A-Ano L-Leandro, alam ko naman na maganda ako eh. Pero ikaw naman nakakabigla ka naman. Katulad nga ng sinabi ko ay kaylan lang tayo nagkakilalang dalawa. Pang three days pa lamang natin ngayon. Puwede ba dahan-dahan lang."
"Hindi mo naiintindihan Maria."
"Ang Alin?"
"Malapit na naman ang kabilugan ng buwan."
"Oh tapos, anong meron sa kabilugan ng buwan?"
Hinintay ko ang kasagutan niya pero heto na naman kami Naghintay nanaman ako sa wala.
Ang lalaking eto ang sarap talagang hagisan ng tsinelas sa mukha.
"Hirap na hirap na ako Maria. Matagal na panahon na akong nagtitiis at nagdurusa. Kong hindi mo ako iibigin ay mas mabuti pang patayin mo na lamang ako. Dahil ikaw lamang ang tanging may kakayahang upang wakasan ang paghihirap kong eto." Napakalungkot ng pagkakasabi niyang eto. Sa tono ng kaniyang pagkakasabi ay nadama kong seryoso siya.
Hindi ko ngayon malaman kong ano ang tamang isasagot ko sa kaniya. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niyang eto sa akin at sa kabilang banda ay awang-awa ako sa kaniya.
Nagkakaganito ba siya at nakakapagisip ba siya ng ganito dahil sa nawawalan na siya ng pagasa sa buhay. Pagod na siyang magisa at pakiramdam niya ay walang babaeng gusto siyang mahalin.
Walang may gustong samahan siya dahil isa nga siyang bulag. Isang alagain, may depekto.
Sa panahon pa naman ngayon na maraming mapanghusga ng kapuwa at mga bully lalo na sa mga taong may mga kapansanan.
Walang pakundangan ang ibang tao sa pagbibitaw ng mga salita sa kanilang kapuwa.
Kaya seguro nagkakaganito si Leandro ay dahil unti-_unti na siyang nawawalan ng pagasa at natatakot nang magisa.
"Ilang babae na kaya ang niligawan niya at inalok niya ng katulad nito?" Tanong nang isip ko na minabuti ko na lang na sarilin na lang mona. Baka kasi makasama lang sa kaniyang damdamin. Ma - offend ba.
Obvious naman kasi na hindi pa nga daw siya nagkakajowa. Ibig lang sabihin palagi siyang basted o tinatanggihan.
Totoo talaga ang kasabihan na kahit anong yaman mo ay hindi mo mabibili ang lahat. Pati na ang tunay na kaligayahan.
Wala sa sariling lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya.
"H-Hindi naman sa ayaw ko sa'yo o ayaw kitang mahalin. Pero subrang bilis kasi eh. Pero sige na nga, magjowa na tayo simula ngayon. Huwag ka ng mag self pity diyan. Promise pagaaralan kitang mahalin." Mahinahon na sabi ko sa kaniya habang kayakap ko siya.
Huli na para bawiin ko pa ang aking sinabi. Baka isipin niya ay pinaglalaruan ko siya.
Hindi ko lang kasi kayang makita siyang subrang nalulungkot at naawa talaga ako ng subra sa buhay na mayroon siya ngayon at dahilan kaya ayaw na niyang magpatuloy na mabuhay.
Mamaya bigla na lang siya magpakamatay eh ako pa naman ang kasama niya dito. Eh 'di wala din akong lusot.
Sige na nga pangangatawanan ko na nga eto tutal ay wala namang mawawala sa akin. Wala akong jowa single na single at ready to mingle. Baka kami talaga ang para sa isat-isa. Ay talaga ba Maria?
Ipinilig ko na naman ang aking ulo dahil dumadalas na ang pakikipagusap ko sa aking sarili.
"Magpapalit lang ako ng damit sandali lang ha." Sabi ko at lumayo na ako sa kaniya at pumunta ng aking kuwarto.
Nagpalit ako ng damit pang lakad at nagiisip kong saan ko nanaman siya dadalhin.
Napapakamot na lang ako ng ulo habang iniisip ko ang mga nangyayaring eto. Paano ba kasi ako napasok sa ganito?
Anak ng sinigang na kinulang sa asim. As in talaga, Aba'y tatalunin ko na yata ang isang linggong pag-ibig ni Imelda Papin...
Dinala ko si Leandro sa pinakamalapit na dagat dito sa Maynila. Saan pa ba kong hindi dito sa Manila Bay. Puwede na seguro dito maglakadlakad lang.
Maganda din naman ang mga tanawin dito kapag gabi. Marami din na magpartner ang naglalakad dito, nag-dadate at pinapasyal ang kanilang mga alagang aso.
Natawa ako ng kaonti kasi napatingin ako kay Leandro. Parang aso lang siya na ipinapasyal ko.
Dahan-dahan lang ang aming paglalakad at hawak-hawak pa din niya ang kaniyang white cane na tungkod. Pero hindi naman niya eto ginagamit hawak lang niya.
Habang naglalakad ay pinakikiramdaman ko siya at tinititigan.
Hindi naman seguro niya mapapansin na nakatingin lang ako sa kaniya kasi bulag nga siya. Para talagang nakita ko na siya sure ako pero saan nga ba?
"Leandro, paano ka ba nabulag? Inborn ba 'yan? Ibig kong sabihin ay bulag ka na simula ng isilang ka."
"Hmp!'one.. Two.. Three. Heto na naman tayo eh, oo na ayaw mong sumagot. Sige iibahin ko na lang ang tanong ko. Baka sa tanong kong eto ay sumagot ka na.... Pangalawang tanong. Paano kong may gustong manakit sa akin, anong gagawin mo?"
"Papatayin ko ang sinoman na mananakit sa'yo Maria."
"Ay! Sinasabi ko na nga ba eh. Tama talaga ang obserbasyon ko sa'yo. Namimili ka nga talaga ng sasagutin mo. Grabe ka ha, ang tipid mo mo kasing magsalita." Nasisiyahan kong sabi kay Leandro, habang nakatingin sa kaniyang mukha na maputla at walang buhay.
Back to silent mode na naman siya. Kaya heto ako nagiisip nang panibagong strategy kong paano ko siya pagsasalitain at aaliwin.
" Leandro, kaylan mo ipapa kilala sa akin si Samuel na pinsan mo?" Naalala kong itanong sa kaniya.
Gusto kong makilala si Samuel, dahil napakarami kong gustong malaman tungkol kay Leandro.
"Ipapakilala ko siya sa'yo bukas. Natutulog na kasi siya kapag gabi."
Aba may sagot. Pero nalukot ang balat ko sa noo sa sinabi niya. Eh, natural naman kasi na natutulog sa gabi.
Ang mga paa naming dalawa ay patuloy na naglalakad na walang tiyak na patutunguhan. Tapos wala na din akong maisip na sasabihin para mabasag ang katahimikan namin at malibang.
Napakaboring pala niya talaga. Isa pa naman sa pinakaayaw ko sa lalaki ay boring o torpe. Walang ka-gana gana. Walang thrill kahit kaonti.
Ang gusto ko sa isang lalaki ay maangas, may pagka-mayabang pero sy'yempre mabait. May pagka-bastos pero magalang naman at hindi namimilit. 'Yong tipong lalaking-lalaki ang datingan.
Kaya paano ko ba eto magugustuhan? Paano ko ba siya iibigin kong ganito siya.
" Mahal mo na ba ako Maria?"
"Huh!"
Naiinis na talaga ako sa kaniya sa subrang kakulitan niya at sa ka-ignorantihan niya na parang galing talaga siya sa bundok tralala at walang alam sa true meaning ng pagibig.
Sumasakit na ulo ko sa kaniya sa kakaunawa. Sa inis ko ay malakas ko siyang hinampas sa braso.
"Ikaw talaga."
Napahinto kami sa paglalakad at huli na nang maisip ko bakit ko ginawa iyon eh Boss ko pa din siya.
"Teka nasaan na nga ba tayo?"
Hindi ko na alam kong saan sulok o parte na ba kami ng bay walk napunta.
Kanina pa kami palakadlakad at Malayo na kami sa may tabing dagat.
Nandirito kami ngayon sa isang lugar kong saan walang mga taong nagagawi at medyo madilim sa bahaging eto.
Napatingala ako at dito ko nalaman na nasa ilalim pala kami ng isang tulay.
Ngayon ko lang napansin sa subrang lalim ng mga iniisip ko.
Sumikip bigla ang dibdib ko dahil sa subrang kaba. Lalo na at may mga papalapit sa amin na mga tao.
Marami sila at papalapit sila ng papalapit sa aming dalawa ni Leandro.
Pinagpupugaran yata etong lugar na napuntahan namin ng mga adik at mga taong hindi gumagawa ng mabuti sa lipunan.
May nakita akong poste ng ilaw pero basag ang bombilya nito. Humigpit ang pagkakahawak ko kay Leandro.
"L-Leandro, m-maraming t-tao. Nakakatakot sila." Hintatakot na pagsusumbong ko sa kaniya na parang may magagawa siya.
Pansamantala ko kasing nakalimutan na bulag siya. Pero nang tumingin ako sa kaniya ay nanlumo ako. Dahil bulag nga pala siya at sa mga sandaling eto ay nawala na ang hinahawakan kong pagasa na makakaalis pa kami ng maayos dito.
May trauma na ako sa dating nangyari sa akin noong kamuntikan na akong ma-rape. Kaya ang buong katawan at utak ko ay biglang hindi gumana.
Nanlalamig at nanginginig na ako sa takot dahil ang mga tawa nila habang papalapit at ang mga sinasabi nila ay hindi ko kayang pakinggan.
"Kapag sinesuwerte ka nga naman ang palay na ang kusang lumalapit sa atin mga pare he! he! he!"
"Oo nga, mukhang masarap ang ating pagkain ngayong gabi. He! He! He! ."
"Sige Bro. Kami na ang bahala dito sa kasama niya." Sabi ng lalaking sa tingin ko ay pinakamatangkad sa kanilang lahat.
"Miss, halika na sama ka na sa amin. Promise paliligayahin ka namin sa buong magdamag he! he! he!"
Dinig kong mga sinasabi nila habang ako ay nagsusumiksik sa tabi ni Leandro.
Parang jelly ace ang mga tuhod ko na bumagsak sa lupa nang maramdaman kong may humawak sa kanang kamay ko.
Sa mga sandaling eto ay para na akong kandilang nauupos. Hindi ko nga alam kong humihinga pa ba ako o hindi na.
Nakapikit ng madiin habang nangangatog ang aking katawan pero sumagi sa aking isipan si Leandro. Lalo na at may kakaibang ingay akong naririnig.
Kaya napamulat ang aking mga mata upang hanapin siya at alamin.
Pero nagulat ako sa nakikita ko ngayon. Kahit madilim ay sapat ang munting liwanag na nanggagaling sa buwan upang makita ko ang nangyayari.
Hindi ko man malinaw na nakikita ang mga mukha nilang lahat pero ang mga katawan at mga galaw nila ay kitang-kita ko.
Tanging si Leandro, lamang ang tiyak kong kilala ko. Kaya kitang kita ko kong paano niya isa-isang pinatumba ang mga lalaki.
Mabilis niyang nalalapitan ang bawat isa at hinahawakan sa leeg.
Parang sinakal niya ng walang kahirap-hirap at parang isang magaan na bagay lamang sila na itinataas sa ere ni Leandro, bago inihagis kong saan-saan.
May tumatama sa sementadong parte ng tulay at may tumitilapon sa isang hawi lamang ng kamay ni Leandro.
Napakalakas ni Leandro, gulat na gulat ako sa aking nasaksihan....