Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kong ano ang ginawa ni Leandro, sa kanila.
At ang panghuli nga ay kinagat niya ang leeg ng lalaking hawak niya sa leeg ngayon.
Wala ng buhay ng bitawan eto ni Leandro, at bumagsak sa lupa.
Kitang-kita ko ang mahaba at matulis na pangil ni Leandro. May mga dugo pa ang kaniyang bibig.
Nagkatitigan kaming dalawa bago niya pinahid ng kaniyang kamay ang bahid ng dugo sa kaniyang bibig.
Natulala ako at parang naparalisado ang buong seste a ng aking katawan.
Lumapit sa akin si Leandro, at hinawakan ang aking mukha. Kasalukuyan akong nanginginig at tulala.
Parang ipinapahiwatig niya sa akin na huwag na akong matakot dahil okay na ang lahat.
Binuhat niya ako at sa isang iglap ay palipat-lipat kami ng binababaan. Sa puno, sa bobong, sa taas ng bus, at sa kong saan-saan pa.
Totoo na eto at hindi isang halusinasyon ko lamang.
Tila parte kami ng hangin. Lalapag saglit tapos biglang maglalaho at nasa ibang lugar na kami agad ng walang ka hirap-hirap habang karga niya ako.
Ang huling nilapagan namin ay ang terrace na karugtong ng kuwarto ko. Nandirito na kami sa aming tirahan ng ganoon kabilis.
Subrang bilis na parang dumaan na kidlat lang ang aming ginawang paglalakbay pauwi dito.
Kanina lamag ay naroroon kami sa ilalim ng tulay at ngayon ay nakauwi na kami. Minuto lamang yata ang nakalipas.
Dahan-dahan akong ibinaba ni Leandro sa aking kama. Ngayon ko din napansin na wala na siyang suot na salamin sa mata.
Kakaiba talaga ang kulay ng kaniyang mga mata hindi ordinaryo. Parang sa isang uri ng hayop na kapag medyo maliwanag ay kulay dilaw o orange.
Pero kapag nasa madilim naman ay parang umaapoy.
"M-May powers ka L-Leandro at may pangil ka. " Mahina kong sabi na nakatingin sa kaniyang mukha.
"H-Hindi k-ka din bulag." Sunod kong sambit na hindi makapaniwala sa natuklasan.
Kahit hirap magsalita dahil nanginginig ang buong katawan ko ay hindi ko mapigilan ang sinasabi ng mapang-usisa kong utak.
Mahina lamang ang pagsambit ko dahil sa halo-halong emosyon na mayroon ako ngayon.
"Natatakot ka na ba ngayon sa akin Maria?" Tanong niya sa akin habang nakatitig sa akin.
Nakatingala din ako sa kaniya. Kahit nabigla ako sa mga pangyayari kanina at sa mga natuklasan ko tungkol sa kaniya ay nakakakapagtataka na kaya ko pa din siyang tingnan sa kaniyang mukha. Hindi nga lang sa kaniyang mata.
Mahirap tumitig ng deretso doon, may kong anong kapangyarihan ang parang nagpapahina sa akin.
Ganoon pa man ay kaya ko siyang tingnan sa kaniyang mukha at harapin.
Seguro ay dahil alam ko din ang pakiramdam ng may kakaibang lihim na itinatago.
Kakaiba din ako sa lahat ng normal na tao at si Leandro ay kakaiba din na katulad ko. Kaya seguro madali ko siyang natatanggap.
Dahil kong iba-iba lang ay baka maghistirikal sila at himatayin sa subrang takot.
"H-Hindi. Hindi ako natatakot sa'yo, nabigla lang. A-Alam kong hindi ka masamang nilalang, napilitan ka lang hindi ba Leandro?"
"Mabuti. Subalit nagtataka lamang ako kong bakit ka hindi natatakot sa katulad kong Bampira. Dahil ikaw pa lamang ang taong hindi natatakot sa akin."
"D-Dahil katulad mo ay iba din ako. Alam ko ang pakiramdam nang naiiba."
Hindi na sumagot si Leandro. Hindi niya itinanong sa akin ang sinasabi kong kakaiba tungkol sa akin. Hindi na niya eto inalam pa na aking ipinagtataka.
"Hindi ko sila binalak na patayin subalit pinilit nila ako dahil sa'yo Maria."
"Alam ko naman iyon. S-Salamat Leandro, sa pagligtas sa akin."
"Hindi ko hahayaan na may mangyari sa'yo na masama. Dahil akin ka lang Maria. Ikaw ay para sa akin lamang."
Oh wow! Heto nanaman siya. Possisive masyado. Parang matagal na ang aming relasyon kong ituring niya. Pangatlong araw pa lang naman kami na nagkakilala at kahapon lang naman akong pumayag na maging nobya niya. Sapilitan lang dahil sa awa.
" Ah eh. " Heto lamang ang nasabi ko dahil wala akong maisip na tamang isasagot sa sinabi niyang iyon.
Hindi ko alam kong kikiligin ba ako o hindi.
Kay sarap pakinggan ng sinabi niyang eto. Pero kasi, wala akong nakikitang matibay na pondasyon ng relasyon naming eto para dibdibin ko ang sinabi niya.
"Bakit ka nagpanggap na bulag?" Ang pagiiba ko ng usapan namin. Isa pa ay kating-kati na ako na itanong eto sa kaniya.
"Dahil gusto kong mapalapit sa'yo."
"Huh! Bakit? Hindi naman tayo magkakilala."
"Hindi mo ako kilala pero ikaw ay kilala ko. Gusto kong ibigin mo ako ng tunay sa lalong madaling panahon at hindi mangyayari iyon kong hindi mo ako kilala."
"Kilala mo ako, pero papaano? Saan mo ako nakilala?"
"Isang gabing bilog ang buwan, ang unang beses na tinulungan mo ako."
Napaisip akong mabuti kong ano ang sinasabi niya. Tinulungan ko daw siya, kaylan 'yon?
"Tinulungan eh, papanong nangyari iyon kaylan lang naman kita tinulungan hindi ba?" Hindi ko talaga matandaan na tinulungan ko siya.
" Inaatake ako ng aking sakit noon, isang itim na sumpa. Hirap na hirap na halos wala ng lakas hanggang sa dumating ka at pinatakan mo ng iyong dugo ang aking bibig. Nang dahil sa dugo mo ay bigla akong lumakas na parang walang nangyari sa akin. Ikaw ang babaeng matagal ko ng hinihintay Maria. Ikaw ang aking tagapagligtas."
Hindi ako makapagsalita sa mga sandaling eto. Masyado akong nabigla sa mga nalaman ko. Alam niya ang lihim ko at siya pala iyon.
" Nakatadhana ka sa akin Maria. Ikaw ang tinutukoy ng aking kaibigan. "
" K-Kaibigan, sino? At papaano ka nakakasegurado na ako nga ang tinutukoy ng iyong kaibigan?"
"Dahil taglay mo ang makapangyarihang dugo ng isang mataas na antas ng isang babaylan. Taglay mo ang dugo ng aking kaibigan."
"Ano? Anong pinagsasabi mo? Gulong-gulo na ako saiyo alam mo ba 'yon?"
" Mas mabuting magpahinga ka na mona ngayon at kumain. Bukas ay ikukuwento ko saiyo ang tungkol sa aking buhay, sa aking nakaraan at sa sinasabi kong kaibigan."
Saglit akong nagisip. Seguro nga ay kailangan ko ng pahinga. Hindi na talaga kinakaya ng aking utak ang mga nangyayaring eto.
Baka nga nananaginip lamang ako at ang mga nangyayaring eto sa akin ay parte lang ng aking panaginip. Pero masyado naman yatang mahaba at parang totoong-totoong kaganapan.
Kong puwede lang seguro na sumabog ang aking ulo sa dami ng mga iniisip na katanungan ay baka kanina pa nagkalat ang aking sabog na utak saan mang parte ng silid ko.
"Sige papahinga na lang ako. Wala akong ganang kumain, iinom na lang ako ng tubig."
"Sige, Aalis na ako."
Tumango lamang ako bilang tugon sa kaniya.
Nakaalis na si Leandro, ngayon ko higit na naunawaan ang mga bagay-bagay na pinagtatakhan ko sa kaniya noon.
Kaya pala litong-lito ako sa kaniyang mga pinagsasabi. Si Leandro, ay isang Bampira at hindi normal na tao.
Kaya kapag inaalok ko siya na kumain ay ayaw niyang kumain. Dahil ang ikinabubuhay nga pala ng mga Bampira ay ang dugo.
Year 2025 na pero may mga ganito pa din pala. Ang akala ko talaga ay sa mga pelekula o kathang isip lamang sila.
Pero dati pa naman ay hindi ko naman totally na inaalis ang paniniwala ko na baka nga mayroon talaga. Dahil ako nga ang isang patunay na may mga himala pa din dito sa ibabaw ng mundo.
Nagulat lang naman ako ng slight. Dahil tao ako at normal na namumuhay dito sa mundo. Hindi ko talaga lubos maisip bakit sa akin nangyayari ang lahat ng eto.
Hindi pa ba sapat na ako lang ang alam ko na kakaiba. Na may healing power at baka nga kaya ko din na bumuhay ng patay.
Malakas talaga ang kutob kong eto na kaya ko. Pero takot lang talaga akong subukan.
Tapos ngayon ako din ang nilapitan ng isang Bampira. Bukod sa aming dalawa ni Leandro, may iba pa kayang namumuhay dito kasama namin.
Sino-sino sila at anong uri nila?
At bakit ako ganito? Bakit mayroon akong kapangyarihan? Saan ba galing eto?
Mga tanong na matagal ko ng hinahanapan ng kasagutan subalit parating bigo ako. At ngayon nadagdagan na naman ng panibagong mga katanungan.
Wala naman akong maaring mapagsabihan ng problema ko kaya wala akong magagawa kong hindi ang sarilinin na lamang ang lahat.
Buti pa si Leandro ay alam niya ang kasagutan ng kaniyang suliranin at ako nga daw iyon. Pero ako ay hindi ko talaga alam.
Nakatulugan ko na ang pagiisip...
Para namang isang tukso na hanggang sa panaginip ay kong ano-ano ang aking nakikita.
Madalas akong nananaginip na nasa masukal na kagubatan daw ako. Nagiisa at takot na takot.
Hindi ko maintindihan kong bakit ang aking katawan at itsura ay parang sa isang bata na sampong taong gulang lang.
Maraming mga nagtataasang mga puno at mga ibat-ibang uri ng tunog ang aking naririnig. Nakakatakot kaya iyak ako ng iyak habang naglalakad sa hindi ko alam na patutunguhan.
Lakad takbo ang aking ginagawa habang iyak ng iyak hanggang sa ako ay madapa.
At sa aking pagkagulat ay may mga malalaking itim na aso ang nasa aking harapan. Mga anim sila at lahat ay nakatuon sa akin.
Umuungol sila na parang gutom na gutom at ako ang kanilang target. Ang hahaba ng kanilang mga ngipin at naglalaway pa.
Hindi na ako makakilos dahil sa subrang takot. Ano ba ang magagawa ng isang batang babae kong hindi wala.
Pati pagluha ko ay natigil dahil natulala na lang ako na parang hinihintay ko na lang sila na ako ay kanilang sagpangin.
Kong bakit kasi ay nandirito ako sa lugar na eto. Bakit ako napunta dito? Isa lamang akong batang paslit at nasaan ang mga magulang ko?
Palapit sila ng palapit sa akin dahan-dahan pero ang mga hayop ay asal hayop pa din. Bigla silang nag-unahan na sagpangin ako.
Awtomatiko naman na napakrus ang dalawa kong braso sa pagsangga sa kanilang pagsugod. Napapikit ako ng madiin.
Ngunit bigla kong naramdaman na may bumuhat sa akin.
Pagdilat ko ay nasa dibdib ng isang nilalang ako. Karga-karga niya ako at lumilipad kami sa ere. Palipat-lipat ng puno na malalandingan.
Alam kong malayo na kami sa mga asong iyon. Pero sino siya? Tanong ko sa aking sarili. Tanging baba lamang kasi niya ang nakikita ko habang karga niya ako.
Sa wakas ay ibinaba na niya ako sa lupa. Nakikita ko din ang isang malaking bahay na may dalawang palapag.
Dito ko na nakita ang buong itsura niya at nagulat pa ako.
"L-Leandro." Si Leandro nga.
"Anong ginagawa mo sa kagubatan? Bakit ka nagiisa doon? Napakadelekado sa isang katulad mong bata." Sabi niya sa akin.
"Hindi ko po alam."
"Mabuti pa ay pumasok na mona tayo sa aking bahay at kumain ka. Alam kong gutom ka na at nauuhaw." Ang sabi niya sa akin at parang ibang-iba siya dito kaysa sa pagkakakilala ko sa kaniya.
Dito kasi ay parang maysigla ang kaniyang pananalita at hindi tipid magsalita.
Pagpasok namin sa loob ng malaking bahay ay may sumalubong sa amin na matandang lalaki.
"Master, sino ho siya?"
"Nakita ko lamang siya sa loob ng kagubatan. Thomas, ipaghain mo ang batang eto ng makakain."
" Sige po Master, masusunod."
Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na alam at nagising ako ng kusa.
Umaga na at ang aking napanaginipan ay parang biglang naglaho sa aking isipan.
Pero ang alam ko ay nanaginip ako, pero hindi ko na matandaan....