"Ate Maria, mabuti at nandito ka na. Hindi ko kasi alam kong ano ang gagawin namin kay Ahki eh."
Si Stacey, bakas sa kaniyang mukha ang labis na pangamba. Umalis ako ng walang paalam kay Leandro kanina. Tumawag kasi siya kaya bigla akong napasugod dito.
Pero habang nasa biyahe ay nagtext naman ako sa kaniya para hindi niya ako hanapin.
"Bakit ano bang nangyari kay Ahki?"
Kasi kagabi pa siya tulala eh. Umuwi dito kagabi na parang takot na takot. Tinatanong naman namin siya pero ayaw niyang magsalita. Baka ikaw ate, baka sa'yo siya magopen up.
"Ganoon ba. Sige pupuntahan ko na siya ngayon. Eh si Star nasaan?"
"Wala dito maagang umalis. Nakalimutan mo ba na ngayon ang araw ng field trip nila sa school."
"Huh! Ay ngayon ba 'yon nakalimutan ko nga." Nahihiya ako sa aking sarili dahil nakalimutan ko ang tungkol sa aking kapatid.
Hindi ko dapat eto nakalimutan dahil ilang beses ng nagpaalam sa akin si Star. Ayaw ko sana siyang payagan dahil marami akong nababalitaan na hindi magaganda sa mga fieldtrip na yan. Nadadalas kasi ang mga aksidente sa panahon ngayon.
"Sige na Ate Maria, puntahan mo na si Arki. Nagaalala na ako sa kaniya hindi nagsasalita eh, May pasok pa naman siya ngayong umaga pero ayan absent."
"Huh! Ah, oo."
Dali-Dali akong pumunta sa kuwarto ni Ahki, na subrang nagaalala. Na nakasunod si Stacey. Nadatnan ko si Arki na nakaupo sa kaniyang kama na parang tulala.
"Ahki." Tawag ko sa kaniya. Ngunit hindi niya ako pinansin.
"Ahki, anong nangyayari saiyo ha? Ahki oy sumagot ka naman." Balewala kahit anong yogyog ko sa kaniya.
Para siyang wala sa kaniyang sarili. Bigla akong natakot dahil baka magaya din siya kay Nanay. Subra akong matakot dahil ayaw ko ng may magaya pa kay Nanay.
Niyogyog ko ulit ang kaniyang balikat at inulit ang pagtatanong. Hindi pa rin siya sumagot. Pero hindi ako tumigil at kinuha ko ang kaniyang kaniyang tenga at piningot ng madiin. Alam ko kasi na ayaw na ayaw niyang ginagalaw ang kaniyang tenga dahil napakasensetibo nito sa kaniya. Bigla lang pumasok sa aking isip ang bagay na eto.
Sa wakas ay umepekto naman ang ginawa ko sa kaniyang tenga dahil nagawa niyang tumingin sa akin.
"Aray!" Wika niya sa wakas.
"Oh ano gising ka na?"
"A-Ate."
Tagumpay naman ako dahil nagawa kong gisingin ang kaniyang diwa.
"Ako nga Ahki. Ano bang nangyayari sa'yo ha?"
"Ate, buhay si tatay."
"ANO?" Sabay na sabi namin ni Stacey, kapuwa nagulat sa sinabing iyon ng aming kapatid.
"N-Nakita ko siya kinakausap niya si Nanay." Tuliro niyang sabi na may himig ng takot.
"Huh? Anong sinasabi mo? Paanong naguusap ang sinasabi mo? Eh alam naman natin ang kalagayan ni Nanay. Imposible naman yata 'yang sinasabi mo Ahki. Isa pa, kong buhay si tatay eh' di sana nagpakita na siya sa ating lahat hindi lang kay Nanay. Kaya imposible 'yang sinasabi mo...nananaginip ka lang o naghahalusinasyon. Ahki ha, baka gumagamit ka na din ng ipinagbabawal na gamot. " Ang sabi ni Stacey, na may mataas na tono sa hindi mapigilan na emosyon sa kapatid.
Bakas sa kaniyang mukha at ekpresyon na hindi talaga siya naniniwala.
Pero ako, ako na marami ng kababalaghan ang nararanasan at nasasaksihan ay naniniwala sa sinasabi ni Ahki. Dahil hindi naman seguro siya magkakaganito kong walang matinding basehan ang ipinagkakaganito niya.
"Stacey, lumabas ka mona."
"Bakit naman Ate?" Lumaki ang mata niya sa pagtataka.
Binuksan ko ang aking shoulder bag at kinuha ko ang perang bigla kong naalala.
"Ako na mona ang kakausap kay Ahki. Heto ang pera mamalengke ka ako na ang bahala dito sige na." Pagtataboy ko sa aking kapatid.
"Sige. Ikaw nang bahala kay Ahki. Tamang-tama kasi masyadong nakakasilaw sa dami ng laman ang ref. natin kaya nga hindi ko na alam kong anong lulutuin." Sarkastiko o makahulugang biro ni Stacey, habang binibilang ang perang nasa kamay na niya.
Pati ako ay napatingin din sa perang binigay ko. Ang perang eto kasi ay matagal nang nasa aking bag. Pambili ko sana ng mga gamit ko sa aking tindahan. Ngunit dahil nga sa biglaan ang mga pangyayari sa aking buhay ay na standby ang perang eto sa aking shoulder bag.
"Sige na umalis ka na para makabalik ka kaagad."
Bumuntong hininga mona siya ng malalim bago niya kami iniwan. Pero tumingin muli siya kay Ahki, noong palabas na siya ng silid.
Alam ko naman na labis siyang nagaalala sa aming Nagiisang kapatid na lalaki. Pero kasi ang pagusapan namin ni Ahki, ay baka hindi niya maintindihan. Kailangan ni Ahki ang taong makakaintindi sa kaniya at Alam kong ako 'yon.
Nang makaalis si Stacey ay binalikan kong kausapin si Ahki.
"Naniniwala ako sa'yo Ahki."
"Talaga ba ate Maria, naniniwala ka sa sinasabi ko?" Kalmante na niyang sabi na nakaharap sa akin.
"Oo nga."
"Huh! Nakita mo din si Tatay?" Gulat niyang tanong sa pagaakalang nakita ko din si tatay.
"Hindi. Hind ko nakita si tatay. Pero naniniwala ako sa kababalaghan. Isa pa ay kilala kita. Hindi ka magkakaganito kong walang matibay na basehan sa ipinagkakaganito mo."
"Pero ate, salamat pa din at naniniwala ka sa akin. Kasi mas higit pa doon ang nakita ko."
"Ano?"
"Si tatay kasi... Hindi na siya ang dating siya."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Si Tatay kasi, may pulang mata. Nakita ko siya ng tumingin siya sa akin at may p-pangil siya. Maputla at mabilis na naglaho na parang bula. Pero ate si tatay iyon kaya hindi ako maaaring magkamali. Hanggang ngayon nga ay iniisip ko kong tama ba talaga ang nakita ko o may deperens'ya na ba ako sa pagiisip. "
Bakas sa mukha ni Ahki ang pagkalito at takot. Pati nga siya ay namunutla kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo sa tabi niya at ikinuha mona siya ng maiinom na tubig.
" Heto uminom ka mo na. "
Kinuha naman niya ngunit kamuntikan ng mahulog kong hindi ko lamang naagapan na saluhin. Nanghihina seguro ang kaniyang mga kamay dahil sa labis na emosyon na kaniyang nararamdaman.
Mukhang nanginginig pa din ang kaniyang kalamnan sa nakita. Wala siya sa tamang lakas pa.
Tinulungan ko siyang painumin ng tubig at hinagod ko ng aking kamay ang kaniyang ulo ng makailang ulit.
"Nagsasalita na ba si Nanay?"
"Hindi. Si tatay lamang ang nagsasalita. Pero nakatingin si Nanay kay tatay at magkayakap sila."
"Ano?"
"At sa tingin ko ay hindi iyon ang unang beses na nakita ni Nanay si Tatay."
Napaisip ako saglit dahil sa sinabi ni Ahki. Ang totoo nga ay masyado akong naging kampante kay Nanay sa mga nagdaang buwan.
Halos hindi ko naman siya masyadong napapansin dahil alam kong nariyan lamang siya basta may gamot siya at maayos na pagkain. Abala ako sa paghahanap buhay at doon talaga ako nakapokus.
"Kong buhay si tatay bakit hindi siya nagpapakita sa atin?" Ang sabi ko na lamang.
"Kaya nga ate Maria. Naitanong ko din 'yan. Kasi kong si tatay talaga iyon ay hindi tayo matitiis ni tatay. Pero imposible. Kasi sa mukha, sa kaniyang tayo o tindig, at boses ay si tatay talaga iyon.... Pero sa tingin ko ay kamukha siya ng isang Bampira. Bampira na si tatay. "
Lumaki ang mga mata ko at napatitig sa mukha ni Ahki. Pati ako ay halos hindi makapaniwala. Pero kailangan kong maniwala kasi totoo naman talagang may Bampira sa panahong eto.
" Naniniwala ako. Halika puntahan mona natin si Nanay kong okay ka na diyan. "
" Okay na ako. "
Tumayo na si Ahki na mukhang okay na nga siya. Sabay namin na pinuntahan si Nanay sa kabilang kuwarto.
Ganoon pa din nakahiga siya sa kama pero gising. Nakatingin sa kisame. Tumabi kaming naupo na dalawa sa tabi ni Nanay.
" 'Nay kumusta po?" Sabi ko sa kaniya sabay yakap at halik sa kaniyang pisngi.
Lumipat naman ang kaniyang mga mata sa akin. Ganito lang si Nanay patingin-tingin sa amin. Pero mahirap hulaan ang kaniyang iniisip o saloobin dahil wala man lang kahit anong katiting na ekpresyon sa kaniyang mukha at hindi nga siya nagsasalita kahit ungol ay wala.
"Nay, nakita ko po kayong dalawa ni tatay kagabi at nakita ko kayong magkayakap." Sabi ni Ahki na talagang Segurado ng Segurado siya sa kaniyang sinasabi.
Mula sa akin ay lumipat ang tingin ni Nanay sa kaniya.
"Anong sabi po ni tatay? Bakit po hindi siya nagpakita sa amin?" Muling tanong ni Ahki kay Nanay na parang nakalimutan niyang hindi siya sasagutin nito.
Hinintay namin siyang sumagot pero apat na minuto na ang lumipas pero hindi naman nagsalita si Nanay. Para lamang kaming tanga na umasa sa wala. Nagkatinginan na lamang kaming dalawang magkapatid.
"Nakita ko si Tatay, Isa na siyang Bampira hindi ba 'Nay? Sabihin mo po na nakita mo din kong ano ang nakita ko kagabi Kay tatay."
Nagpapanik na si Ahki. Kaya agad ko siyang hinawakan sa kaniyang mukha upang pakalmahin. Hinimas-himas ko ang kaniyang pisngi.
"Relax Ahki, relax. Kong talagang buhay nga si tatay eh 'di salamat sa Diyos. Kong Bampira siya eh ano naman ngayon hindi ba? Tatay pa din natin siya kahit magbago pa man siya ng anyo. Pero segurado ako na ayaw pa niyang magpakita sa ating magkakapatid. Dahil ikaw na ang nagsabi na isa na siyang Bampira. Baka Ayaw niya tayong matakot sa kaniya at magalala Kaya wala tayong magagawa sa ngayon. Hintayin na lamang natin na kusa siyang magpakita sa atin. Dahil hindi naman natin alam kong nasaan siya at saan siya hahanapin. Maraming mga kababalaghan ang nangyayari dito sa mundo na mahirap ipaliwanag. " Ang sabi ko kay Ahki.
Gusto kong ipaintindi sa kaniya na talagang naiintindihan o naniniwala ako sa kaniya pero dapat din niyang lawakan ang kaniyang pagiisip tungkol sa mga bagay bagay na mahirap intindihin ng isang normal na tao na namumuhay sa panahong eto.
Dahil kong magkukuwento lamang kami ni Ahki sa ibang tao ng tungkol sa mga Bampira na nakita namin ay Seguradong pagtatawanan lamang kaming dalawa.
Sa panahon ngayon na uso na ang Al, mga magagaling gumawa ng mga costumes, magaling mag-make-up at mag-empersonate ng Ibat-Ibang characters ay talagang walang maniniwala sa amin.
"Sabagay tama ka Ate Maria. Hindi naman lahat ng tao kasi sa mundo ay nakakaranas ng kababalaghan. Seguro ay may third eye ako kaya ko nakita si tatay.. Pero salamat talaga at dumating ka. Salamat at naniniwala ka sa akin. Subra akong natakot kasi akala ko abnormal na ako. Akala ko nasisiraan na ako ng isip. Ayaw kong masabihan na gumagamit ako ng bawal na gamot kaya ako nagkakaganito.
Niyakap ko ang aking kapatid dahil damang-dama ko ang kaniyang takot. Pinagdaanan ko na din kasi eto dati.
"Anong gagawin natin Ate Maria?"
"Wala. Wala tayong gagawin. At wala kang ibang pagsasabihan ng tungkol sa bagay na eto maliwanag ba Ahki?"
"Ay oo naman ate Maria. Sira ulo na talaga ako kapag ipinagkalat ko na nakakita ako ng Bampira at si tatay pa 'yon. Heto nga at halos mabaliw-baliw na ako sa takot at pagiisip tapos gagawin ko pa' yan."
"Mabuti naman at gising na gising ka na Ahki. Ahki, may ipagtatapat ako sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Nakakita din ako ng Bampira, pero ibang Bampira bukod kay tatay na sinasabi mo."
"Huh!?"