Chapter 16

1924 Words
"Sinasabi ko na nga ba. Talagang may Bampira." Sinabi ko ang totoo kay Ahki na may nakita din akong Bampira pero hindi si Tatay iyon, kondi ibang Bampira. Ginawa ko eto sa dahilang gusto kong mapanatag ang isipan ng kapatid ko. Na hindi lamang siya ang nakakita kong hindi ay ako din. " Oo. At uulitin ko, huwag na huwag ka talagang magkakamaling ipagsabi kahit kaninoman kong ayaw mong masabihan ng adik o sira-ulo." "Ano ka ba naman 'Te Maria. Malinaw pa ang pagiisip ko." "Mabuti kong ganoon. Bukas pumasok ka na ah." "Oo na. Pero sabihin mo mona sa akin kong saan ka nakakita ng Bampira." Hindi ko sinagot agad si Ahki. Tumingin ako kay Nanay na nakatulala pa din. Katulad ng dati ay wala kahit anong ekpresyon ang kaniyang mukha. "Noong nag-pick - up ako ng mga gagamitin ko sa pagtitinda sa mga suki ko sa palengke noon." Ang sabi ko na totoo naman talaga. Dahil si Leandro na aking tinulungan ng gabing iyon ay isa talagang Bampira. "Ah. Seguro nagulat ka ano? Hindi ka makapaniwala tama ba ate Maria?" "Ha! Ah eh oo. Ganoon na nga." Heto na lamang ang nasabi ko dahil wala ako sa mood na magkuwento ng buong istorya naming dalawa ni Leandro. Baka matuluyan pang mabaliw ang kapatid ko. Sa ngayon ay sapat na mona etong alam niya. Ano ba kasi etong nangyayari sa aking pamilya? Knock! Knock! Kumakatok ako ngayon sa pintuan ng kuwarto ni Leandro. Kadarating ko lang galing sa bahay namin. Nasa isip ko pa din ang huli naming pinagusapan. Ang sabi niya ay may sasabihin siya tungkol sa aming dalawa. Ako pa naman ay hindi mapapanatag ang kalooban hanggat hindi ko nalalaman ang dapat kong malaman. Walang sumasagot kaya sinubukan kong buksan ang pintuan at bukas naman pala. Tumuloy akong pumasok. Laking gulat ko nang makita ko ang loob. Ang inaakala ko kasing silid tulugan ng isang Bampira ay walang bed, sa halip ay kabaong. Pero normal na kuwarto naman pala pero madilim. Nakaserado ang pintuan na salamin patungo sa may veranda at may makapal na black curtain. May TV, may isang malambot na malaking sofa at isang single chair na katerno ng sofang malaki at rectangular center table na glass. Nagikot-ikot ako sa kaniyang kuwarto naghahanap ng dugo. Pero wala akong nakita. Sa isip ko ay baka may secret room dito at doon nakatago nag mga stocks niyang mga dugo na kaniyang pagkain. Para akong tanga na kinakapkap at iniisa-isang tingnan ang mga dingding, umaasang may mapindot o magalaw patungo sa secret room. Pero habang ginagawa iyon ay biglang may nahabi ang isip ko na kong akong kalokohan. Naiisip ko kasi, ang mga Bampira kaya ay mga tuli o supot? Gaano kaya kalaki ang kanilang mga ano... "Anong hinahanap mo?" "AY! TITI NG BAMPIRANG SUPOT! " Nasabi ko bigla dahil sa gulat. Basta-basta na lang kasing sumusulpot eh. Kitang-kita ko na parang pati siya ay nagulat. Hindi ko malaman kong dahil ba sa naging reksiyon ko o sa nasabi ko. Subra akong nahiya. "Ay Sory ha! Ikaw kasi nanggugulat ka." "May hinahanap ka ba?" "H-Ha? Ah eh..... A-ano..... Secret room." Pakiramdam ko na kasi ay ok na kami sa isat-isa, kaya nasasabi ko ang totoong pakay ko. "Secret room para saan?" "Ano, hindi ba doon nakatago ang mga lihim na bagay na importante." "Ah naghahanap ka ng kayamanan." "Hindi. Mga stocks ng dugo na koleksiyon mo ang hinahanap ko. " Hindi ko na kailangan. Sa katunayan ay katatapos ko lang mag full charges. " " Full charges!? Anong ibig mong sabihin? " " Bakit iniisip mo ba na Bampira ako ay makaluma pa din ako? Ilang siglo na akong namumuhay dito sa mundo. Para mabuhay ng normal na kasama ng mga ordinaryong mga tao ay kailangan kong ma-adapt ang mga bagay-bagay. Sa kilos, sa pananalita, sa pagbabago ng kapaligiran, at sa mga makabagong kaalaman pati na din sa mga lenggwahe. " Oo nga naman tama siya sa lahat ng sinabi niya. Kaya pinili ko na lamang ang hindi sumagot sa halip ay isang ngiting halatang napahiya. "He! He! He!" "Wala akong secret room dito. Kapag kailangan ko ng dugo ay pupunta lamang ako sa mga hospital na aking pagmamay-ari. Doon madaming dugo at hindi ko na kailangan pang pumatay para lamang makainom ng sariwang dugo." "Ah kaya pala. Talagang modern Vampire ka nga. Eh pasensiya na malay ko ba." "Ano mahal mo na ba ako?" "HA!?" Anak ng sinigang na kinulang sa asim talaga eh. Andoon na tayo eh. Akala ko pa naman ay modern Vampire na siya. Pero ganito pa din magisip tungkol sa pagibig. "Ang sabi ko mahal mo na ba ako?" "Puwedeng maupo mona tayo kasi nanghihina ang tuhod ko sa'yo." "Sige maupo ka." At naupo naman ako. Nakakapanghina kasi siya. Ano ba ang akala niya sa pagmamahal? Basta-basta lang at madali lang na ibinibigay. "A-Ano kasi Leandro, hindi basta-basta lang na ibinibigay ang pagmamahal. Kusang nararamdaman iyon ng isang tao. Kailangan ng malakas na pakiramdam, paghanga, pagpapahalaga sa isang taong malapit sa'yo. Basta maraming ibig sabihin ng pagmamahal at hindi madaling ibigay iyon. Masyadong malalim at komplikado ang pagibig. Sabi nga sa English ay Love is wonderful and full of miracles ganon. " Pagpapaliwanag ko sa kaniya sa abot ng aking makakaya. " Kong ako nga ay hirap magka-jowa eh. Kong madali lang bang magmahal eh di sana masaya na ang love life ko. Happily married na sana ang buhay ko ngayon. "Sabi ko naman sa aking sarili. " Kailangan mahalin mo ako sa lalong madaling panahon Maria." Nawewerduhan na talaga ako sa Bampirang eto eh. Kong hindi ko lang na Bampira siya at Kaya niya akong patayin sa isang iglap ay matagal ko na siyang dinispordos sa ulo. Bobo eh. "Ipaliwanag mo kasi sa akin kong bakit kailangan kitang mahalin at Kong bakit ka ba nagmamadali." Naiinis ko ng sabi. "Sige makinig kang mabuti sa aking sasabihin. Nagsimula ang lahat noong hindi pa nasasakop ng mga kastila ang Pilipinas." Seryoso at handang-handa na ako sa kuwento niya. Mukha kasing enteresting. Gusto ko talagang malaman kong paano ba ako napasama sa buhay niya.. ********** NOBYEMRE 01, 1121 Ang taon na eto ay hindi ko kaylanman makakalimutan. Dahil eto ang araw na ako ay naging isang ganap na Bampira. Ang aking lahi ay mula sa mga manlalakbay na mga negosyanteng mangangalakal. Simula pagkabata ay pumupunta kami sa Ibat-Ibang panig ng mundo sakay ng isang sasakyang pang-tubig o pandagat. Heto na ang aking kinalakihang pamumuhay. Kontento at masaya na ako sa king buhay kasama nang aking buong pamilya, ka-mag-anak at mga kaibigan. Marami kaming nagiging kakilala at nagiging kaibigan sa aming paglalakbay. Ganoon na din sa aming pakikipagkalakalan sa bawat lupain na aming dinadaungan. Hanggang sa mayroon akong nakilala si Calliope at ang mga pinsan niya. Magaganda silang lahat at mababait. Magaling silang makipagusap kaya madali nilang nakuha ang aming tiwala. Bukod pa doon ay marami silang binili mula sa mga produkto namin. Halos araw-araw ay binibili nila ang aming mga ibinababang produkto mula sa aming sasakyang pandagat, na mula pa sa Ibat-Ibang lugar na aming napuntahan. Alam namin na mula sa marangyang Angkan sila nabibilang. Kita naman sa kanilang mga kasuutan at mga palamuti sa katawan. Mga palamuting gawa sa purong ginto. Dahil lumaki ako na sanay makihalubilo at makipagkaibigan sa Ibat-Ibang uri ng tao at lahi ay madali akong nagtiwala sa kaniya o sa kanila. Ako at ang Ilan kong mga kaibigan ay naimbitahan nila sa isang kasiyahan sa kanilang lugar. At kami naman ay malugod na pinaunlakan ang paanyayang eto. Na walang anomang masamang iniisip. Ang hindi namin alam ay gagawin pala kaming alay sa mga Bampira sa kanilang lugar. Ako at ang aking mga kasamahan ay ginawa nilang pagkain. Anim kaming pumunta doon at lahat kami ay naging biktima nila. Malagim ang aming sinapit sa mga kamay nila. At sa aking pagtataka ay nabuhay ako. Napag-alaman ko na sinadya talaga akong buhayin. Dahil sa aming anim, ako ang pinakamagandang lalaki. Mapapakinabangan daw nila ako. Sa aking taglay na anyo at mga karanasan sa pakikipagkalakalan ay sinasabi nilang marami akong babae na maaakit at madadala upang maging kanilang pagkain. Katulad ng ginagawa nila Calliope at ng kaniyang mga pinsan. Natuklasan ko din na pati sila ay mga bampira din. Ayaw ko man sa gusto ay naging Bampira ako. Naging uhaw sa dugo at natutong kumitil ng buhay. Bata, matanda, lalaki, at babae wala akong pinipili. Hindi na ako nakabalik sa aking pamilya. Dahil ayaw ko silang mamatay sa sarili kong mga kamay. Alam ko ang tawag ng sariwang dugo sa aking katawan. Kaya minabuti kong kalimutan sila. At ayaw ko din na maging kasangkapan nila Calliope o mapabilang sa kanilang grupo. Nagpasya akong tumakas at nagpakalayo. Hanggang sa napadpad ako dito sa Pilipinas. Dito ko napiling manirahan sa isang masukal na kagubatan. Tahimik at walang ibang nakakakilala sa akin. Kapag nagugutom ako ay lumalabas ako sa kasukalan at pumupunta sa kapatagan. Nagaabang ng aking pagkain. Lumipas ang mga buwan at taon na ganito ang aking pamumuhay. Hanggang isang kabilugan ng buwan ay may na biktima ako. Kinitil ko ang asawa ng isang makapangyarihang babaylan. Dahil sa aking ginawa ay lubos na namuhi sa akin ang babaylan at ako ay kaniyang isinumpa. Isinumpang tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan ay makakaranas ako ng walang ka pantay na kamatayan at kahit kitlin ko ang aking sariling buhay ay mananatili pa din akong buhay upang damahin ang bagsik at pait ng sumpa. Bawat luha na kaniyang itatangis sa pagkawala ng kaniyang pinakamamahal na kabiyak ay higit na doble ang sakit na aking mararanasan. At simula noon ay nagkatotoo ang sumpang iyon sa akin ng Babaylan. "Eh paano mo naman nalaman na ako ang gamot mo? Paano mo nasabi?" "Hindi pa ako tapos magkuwento Maria." "Ah okay sige, ituloy mo na." Lumipas ang mga panahon na dala-dala ko ang sumpang iyon. Ang akala ko ay wala na talagang pagasa. Nagsisisi din ako sa aking ginawa dahil napagtanto kong mali ang aking pagkitil sa buhay ng may buhay upang ako ay mabuhay lamang. Hindi ko naisip na sa bawat dugo na aking iniinom ay buhay ang kapalit. At buhay ng mga m'yembro ng bawat pamilya ang aking kinukuha sa kanila. Dito ko naisip ang aking sariling pamilya. Dito ako nagising sa aking malaking pagkakamali. Kaya simula noon ay sinubukan kong mabuhay sa pamamagitan ng dugo ng mga hayop. Mahirap sa umpisa pero pinilit kong masanay. Nagkaroon din ako ng isang kaibigan. Isa siyang mangangaso na aking iniligtas mula sa mga taong gusto siyang patayin. Simula noon ay naging taga-sunod ko na siya at kasama. Isang gabi ay may iniligtas akong isang batang babae mula sa malalim na hukay sa loob ng kagubatan. Natuklasan ko na apo siya ng babaylan na sumumpa sa akin at patay na din ang babaylan na iyon. Kaya naman lihim kong sinubaybayan ang Bata upang magamit ko siya sa pagtuklas sa maaring paraan ng pagpawalang bisa sa sumpa. Natuklasan kong hindi siya gusto ng kaniyang mga kalahi. Wala siyang anomang taglay na kapangyarihan bilang isang babaylan. Tinagurian siyang mababang uri at walang kuwenta. Madalas siyang pinaparusahan, at ginagawang katatawanan ng mga kalahi niya. Ginawa siyang alipin. Paulit-ulit ko siyang inililigtas sa kapahamakan at Naging magkaibigan kami ng lihim. Nasubaybayan ko ang kaniyang paglaki at pagdadalaga. Nalaman din niya ang tungkol sa sumpa. Tinutulungan niya akong tuklasin ang paraan upang mawala ang sumpa sa akin. Lihim siyang nagsiyasat o inaalam ang maaring paraan. Hanggang isang gabi ng aming pagkikita ay masaya niyang ibinalita sa akin na may paraan daw....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD