"Anong paraan?"
"Hindi niya sinabi agad sa akin. Maghintay lang daw ako hanggang sa susunod na pagsapit ng kabilugan ng buwan."
Lumipas ang mga araw at linggo at buwan ay hindi nagpapakita sa akin si Soledad.
Matiyaga akong naghintay hanggang sa sumapit muli ang kabilugan ng buwan. Subalit hindi pa din siya nagpapakita sa akin.
Soledad ang ngalan ng batang babaeng tinulungan ko at naging kaibigan.
Lubha akong nagtataka kong bakit, kaya naisipan kong puntahan siya. Sa taglay kong kakayahan ay nahanap ko si Soledad at nakita ko siya sa kaawa-awang kalagayan.
Nakakulong at nakagapos siya sa isang silid ng bahay. Ginawa daw iyon sa kaniya ng kaniyang mga ka mag-anak dahil tumanggi siyang magpakasal sa lalaking pilit na ipinagkasundo sa kaniya.
Nalaman ko din na kaya hindi siya nakapunta sa ipinangako niyang araw ng kabilugan ng buwan ay dahil sa nahuli siyang aalis.
Nalaman din ng kaniyang mga ka mag-anak na nakikipagkita siya sa sa akin na isang Bampira na isinumpa ng kanilang lahi.
Nalaman din nila ang balak na pagtulong sa akin ni Soledad upang mapa walang bisa ang sumpa.
Nalaman nila ang pananaliksik ng lihim ni Soledad para dito.
May kapangyarihan ang mga babaylan na alamin ang bawat bagay kaya kahit hindi umamin si Soledad ay natuklasan nila eto.
Kaya mas lalo silang nagalit at pinarusahan siya. Makakaalis lamang siya sa pagkakakulong sa araw ng kasal niya.
Itinakas ko si Soledad at inilayo ko siya sa lugar na iyon. Nagpakalayo-layo kami kasama ang aking nagiisang taga-sunod at kaibigan na si Lando.
Nakita ko ang mga masasayang ngiti ni Soledad lalo na kapag kasama ako.
"Mukhang may gusto siya sa'yo."
Tinaliman ko ng tingin si Maria. Kaya tumahimik siya at nagpatuloy ako sa aking pagsasalaysay.
Subalit nang muling sumapit ang kabilugan ng buwan ay muling nasaksihan ni Soledad ang aking paghihirap dahil sa sumpang iyon. Hindi ko din namalayan na nasaktan ko siya at kamuntikan ko na siyang mapatay.
Habang naghihirap ako sa pag-inda ng sumpang iyon ay labis na lumuluha si Soledad.
Hindi ko inaasahan na sa pagkakataong iyon ay gagawin niya ang hindi ko inaasahan.
Kahit nanghihina siya dahil sa malakas na pagtulak ko sa kaniya ay nagawa pa din niyang lumapit sa akin. Niyakap niya ako habang tumatangis.
"Leandro, huwag kang magalala. Maynakapagsabi sa akin kong paano mabubuwag ang taglay mong sumpa. K-kya ginawa ko ang lahat. G-Gusto kong malaman mo na naging maligaya ako sa mga panahon na nakasama ka Hu! Hu! Hu!... Ikaw lamang ang tanging nagiisang lalaking paghahandugan ko ng aking buhay.........H-Hindi kita matitiis na makita kang subrang naghihirap. M-May pagasa ka pa Leandro." Ang sabi niya habang umiiyak.
At sa isang iglap ay may inilabas siyang isang patalim mula sa kaniyang panloob na kasuutan.
Hiniwa niya ang kaniyang pulso at may mga katagang winika na parang nagdarasal ng isang orasyon.
At pagkatapos ay winika niya__
"Ang bigay na sumpa ng isang makapangyarihang Babaylan ay kaylanman ay hindi mawawala. Subalit kaya etong baguhin o dugtungan ng isang mas makapangyarihang Babaylan.........Ang aking buhay, hanggang sa huling patak ng aking dugo ay aking iniaalay upang bigyan ng pagbabago ang sumpang ipinagkaloob sa'yo Leandro. Sa takdang panahon ay darating at makikita mo ang isang babaeng birhen na taglay ang dugo na siyang magpapalunas ng iyong karamdaman. B-babaeng birhen na tunay kang iibigin at handang ialay ang sa-ri-li sa'yo........ a-ang p-puputol s-sa sumpa..... L-Lean-dro....t-tandaan mo ka-kailangang ibigin ka niya, d-dahil kong h-hindi ay w-walang bisa. I-Isang pagkakataon lamang K-Kaya h-huwag mong sayangin....... P-pa-alam...mah___k_"
Namatay siya pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon sa akin. Kahit namimilipit ako ay malinaw kong narinig ang lahat.
Saglit akong huminto sa pagsasalaysay naalala ko ang tagpong iyon. Parang kahapon lamang at hindi ko makakalimutan si Soledad. Ang aking butihin na kaibigan noon.
Napatingin ako kay Maria. Tahimik siyang umiiyak. Hindi ko alam kong ano ang kaniyang iniisip.
Ang pagkakaalam ko ay wala siyang taglay na kakayanan bilang isang Babaylan. Subalit sa ginawa niyang iyon sa kaniyang mga winika ay nakakasegurado akong alam niya ang kaniyang ginagawa.
Isang pamamaraan ng mga Babaylan ang pagaalay ng kanilang sarili upang magbigay ng sumpa o 'di naman kaya ay buwagin ang sumpa.
Misteryosa si Soledad. Hindi siya kagandahan at mahiyain pa. Wala sa kaniyang nakikipagkaibigan dahil sa kanilang lahi siya nga ay mahina at isang alipin.
Bagamat mula siya sa lahi ng mga magagaling na Babaylan. Dahil ayon na din sa kaniyang sinabi sa akin. Na Apo siya ng babaeng nagbigay ng sumpa sa akin.
Ang tunay na pagkatao ni pagkatao ni Soledad ay wala akong masyadong alam. Namatay siya sa aking harapan at lihim ko siyang inihatid sa kanila.
Simula noon ay lihim akong nagmanman sa kanilang lahi. Hinanap ko ang Babaylan na sinabi sa akin ni Soledad na may kakayahan na makita ang hinaharap. Ngunit bigo ako dahil ang mga Babaylan na may taglay na mataas na uri ng kapangyarihan ay masyadong tago at lihim.
Hinanap ko siya dahil gusto kong mabatid kong talagang totoo na may pagasang mawala ang sumpa sa akin. Sa maraming panahon na lumipas ay isa siya sa aking hinahanap.
"Ano? Eh matagal ng panahon ang nakalipas malamang patay na 'yon. Baka bago pa yata dumating si Magellan ay patay na' yon."
"Hindi. Oo patay na nga siya. Subalit nabanggit sa akin ni Soledad na sa kanilang Angkan, hanggat nagpapatuloy ang kanilang lahi ay mananatili sa kanilang lahi ang kapangyarihan ng isang Babaylan. Mapapasa eto sa mga salinlahi nila. May piling magmamana o magtataglay nito. Heto ang kapalaran ng Angkan ng mga Babaylan."
" Ah, kaya pala. "Usal ni Maria.
Ang mga Babaylan ay namumuhay ng mapayapa at tahimik kasama ng mga normal na mga tao. Subalit may iilan sa kanila ang lumalabas at ginagamit ang kanilang kapangyarihan sa masama at mabuti.
Bagama't hindi ko natagpuan ang Babaylan na aking hinahanap ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Pinapaniwalaan ko ang aking kaibigan na si Soledad. Naniniwala ako sa kaniya.
Kaya sa mga nagdaang panahon ay hindi ako nawalan ng pag-asa, hinihintay at hinahanap ko ang babaeng magiging sagot ng taglay kong sumpa. Hanggang sa dumating ka nga. Lahat ng palatandaan sa sinabi sa akin ni Soledad ay nasaiyo.
Kaya nakakasegurado akong ikaw ang babaeng itinakda para sa akin.
"O- Oo nga a-ano, mukhang a-ako nga." Wika ni Maria na parang natatakot.
"Kaya gagawin ko ang lahat ng gusto mo para ibigin mo ako ng tunay Maria. Lahat ng hilingin mo kahit ano ay gagawin ko."
"P-pero wala naman akong gustong gaiwn mo eh."
"Lahat ng tao ay gusto ng maraming pera at kayamanan. Kaya kong ibigay saiyo 'yon Maria."
"Huh! Ah, eh talaga ba?"
"Oo. Hindi mo na kailangan pang magpakapagod sa pagtitinda. Lahat ng kayamanan na gugustuhin mo ay kaya kong ibigay sa' yo."
"S-Sandal. Naguguluhan ako. M-May gusto sana akong linawin at gusto kong maintindihan."
"Ano ba ang gusto mong linawin at maintindihan Maria?"
"Leandro, ang sabi mo dugo ko ang makakapagpawalang bisa ng sumpa hindi ba?"
"Oo."
"Kong ganon, gaano kadaming dugo ang kailangan mo? Ilang baso ba? Isa, dalawa o tatlo?"
"Sabagay na 'yan ay hindi ako nakakatiyak."
"ANO?"
"Dahil wala namang nabanggit si Soledad kong gaano kadaming dugo ang kinakailangan ko upang mawala ang sumpa."
"Ay patay tayo diyan."
"Gusto mo subukan natin ngayon. Try lang natin isang baso. Pero kasi ano... Hindi naman ako takot sa dugo, pero kasi sa sugat doon ako takot."
"Bakit iniibig ko na ba ako?"
"Huh!? Hindi ah."
"Ganoon naman pala. Walang silbi ang dugo mo kong hindi mo ako iniibig."
"Ay!oo nga pala 'no? Pasensiya na nakalimutan ko he! he! he!"
"Sabihin mo anong kailangan kong gawin para ibigin mo."
"Ha!? Ah eh, puwede ba akong umuwi mona sa amin. Kapag pinayagan mo ako, unang hakbang eto upang maibig kita. Kasi kaming mga babae ang gusto namin ay palagi kaming pinagbibigyan at sinusunod. Tutal naman ay hindi ka naman bulag at wala naman akong ginagawa dito. Ano maaari ba?"
"Payag ako. Bukas ka na lang umuwi dahil kakadating mo lang."
"Ay! Salamat ha, Maraming thank you Leandro. Puwede na ba akong magpahinga, bigla kasing sumakit ang ulo ko."
"Sige, bumalik ka na sa kuwarto mo."
Nakatingin ako sa kaniyang likod habang naglalakad papunta sa kaniyang kuwarto. At ako naman ay nanatiling nakaupo at nagmumuni-muni.
Nakatulong sa akin ang pagtatapat ko kay Maria. Parang gumaan ang aking pakiramdam. Umaasa akong iibigin niya ako sa lalong madaling panahon.
Bagama't isa akong Bampira ay may damdamin pa din. Nasasaktan, nagagalit, nalulungkot at nagmamahal.
Kaming mga Bampira ay mga Immortal, walang kamatayan kong hindi kami mapapatay sa kakaibang paraan.
Ang mga Bampira sa nagdaang mga panahon ay nagbabagong anyo na din. Sumasabay sa makabagong panahon. Nagagawa na naming mamumuhay at maakihalubilo kasakasama ng mga normal na tao. Hindi na din tumatalab sa amin ang sikat ng araw, ang Agua Bendeta, ang pilak na krus, ang mga pilak na mga sandata katulad ng bala at punyal. Kong may kahinaan man kami, iyon ang aming puso. Kailangan etong tuluyang hindi tumibok. Kaming mga Bampira ay likas na malalakas, mabilis, kaya naming maghipnotismo, at maglaho na parang hangin.
Oo hindi lamang ako ang Bampira sa panahong eto. Marami pa din ang nabubuhay.
Sa tagal ng panahon na inilagi ko dito sa mundo ay natiyak kong hindi ako nagiisa. At hindi lang kaming mga Bampira ang nabubuhay sa panahon ngayon.
Maraming kakaibang nilalang ang kasakasama ng mga normal na tao dito sa lupa. Kasama na din ang mga babaylan. Na sa panahon ngayon kilala sila sa tawag na Mangkukulam. Witch, Wizard, at Salamangkero.
Sa buong buhay ko ay hindi ko naranasan ang umibig at ibigin. Ang alam ko lang ay dapat akong umiwas sa mga magagandang babae. Dahil ang katulad nila ang dahilan kong bakit ako naging isang Bampira.
Nawala ang lahat sa akin. Ang aking normal na buhay at ang aking pamilya.
Ako na dating masigla, masiyahin, palakaibigan, madaling magtiwala at walang masamang tinapay para sa akin ay naglaho. Malaki ang aking ipinagbago sa dating ako.
At ang lahat ng iyon ay dahil sa magandang babae.
Alam kong mahirap ang ipinapagawa ko kay Maria, subalit hindi ako makakapayag na hindi niya ako iibigin....
**********
"Oh Ate Maria, Bakit andito ka na ulit. At Bakit dala mo 'yang bag mo? Napatalsik ka ba sa trabaho? Wala ka pang isang buwan doon ah." Bungad na tanong sa akin ni Stacey nang pumasok ako sa loob ng aming bahay. Siya naman ay nanunuod ng TV.
Hindi ko naman masisisi ang kapatid ko kong magtaka.
" Hindi ah. Pinayagan lang ako ng Boss ko na magbakasyon. "
" Ah. Bait naman pala ng boss mo Ate. "
" Ha, ah eh, oo naman mabait 'yon."
Idadagdag ko sana sa sasabihin ko na natural kailangan niyang maging mabait sa akin dahil napaka-importante ko sa kaniya. Pero s' syempre ay hindi ko puwedeng sabihin eto kay Stacey. Uuriratin ako nito panigurado.
"Tamang-tama nakaluto na ako ng pananghalian at kompleto tayo ngayon."
"Si Ahki at Star nasaan?"
" Darating na din sila. Kasama nila si Nanay, ipinasyal."
"Ah ganoon ba? Mabuti naman pala."
"Oo. Si Mariano mo dala-dala din nila."
"Speaking of Mariano. Na-miss ko din ang tri-bike ko na 'yon."
"Ay panigurado Ate. Miss ka na din ni Mariano. Ilang araw mo na din kasi siyang hindi nasasakyan."
"Oo nga eh."
"Aay! Siya nga pala ate Maria. Noong nakaraang linggo may naghanap sa' yo dito."
"Ohh! talaga. Sino?"